You are on page 1of 4

PANGKAT 3: “SA PULA, SA PUTI”

PIYESA
11-STEM 3

MGA TAUHAN:
Meriel Kate A. Cabautan – Tagapagsalaysay
Jhune Carl Mendoza – Kulas
Franchesca O. Norte – Ceiling
John Simon F. Reyes – Sioning
Joshtize Limense – Castro
Kelli Rose Abanilla – Kikay

Meriel: Si Kulas ay isang sabungero na halos araw-araw ay laging nasa sabungan, ngunit
siya ay parating natatalo. Kaya, napagnilayan nito na titigilan niya na ang pagsasabong,
maging ang sabungan ayaw nitong makita.

Meriel: Sa kabila naman, si Ceiling ang kabiyak ni Kulas. Ano naman ang gampanin nito
ni Ceiling? Siya ang nagtatago ng pera na ipinantataya ni Kulas sa sabungan, kahit
matalo man ito sa pustahan, panalo naman si Ceiling sapagkat hindi sila mauubusan ng
kwarta. Umuwi si Kulas sa kanilang tahanan nang nakasimangot
Chesca: Anong problema mo Kulas?

Jhune: Anak ng tipaklong naman ohh! Natalo na naman ako!! Ayoko nang magsabong!!
At ayoko na makita iyang sabungan!! Lagi na lang kamalasan, wala ng suwerte na
pumapasok!!

Chesca: Mabuti naman at natauhan ka Kulas!! Ngunit iyong tandaan na kahit anong
kamalasan ang dumating, ikaw ang pinakasuwerteng nangyari sa akin. O siya! Aalis kami
ni Sioning papunta kila Mareng Kikay upang bumili ng sabon. Baka maubusan kami.

Jhune: Sige, i-kumusta mo ako kay Pare ha? Mag-ingat ka Ceiling, ayokong mapahamak
ka. Tandaan mo rin na Mahal na mahal kita.
Chesca: Hmmp! Nangbola pa! sige na!

Meriel: At umalis si Ceiling kasama si Sioning, upang bumili ng sabon kay Mareng Kikay.
Ilang minutong lumipas, may isang bisita ang dumalo sa bahay ng mag-asawa.
Jhune: Teka! Teka! Malapit na! Bubuksan na nga yung pinto ehh!
Joshtize: O ang aga-aga, wala pang tirik yung araw ang init na ng ulo mo! AHAHAHAH
kumusta na pare tagal na natin di nagkita!
Jhune: Castro?!!! Ikaw yan!? Kumusta na rin pare? Pasok ka rito at umupo ka.

Joshtize: O bakit ka nakasimangot? Ayaw mo bang Makita ako? O sige aalis na lamang
ako baka abala lang ako eh

Jhune: Uy! Di naman sa ganyan kasi lagi na lang ako natatalo sa sabungan. Ni-isa wala
pa akong napapanalo. Ilang pera na yung winaldas ko, napupunta lang sa wala.

Joshtize: Purket natatalo ka lang susuko ka na agad?!! Alam mo ba may teknik ako para
ako ay manalo. Gusto mo ba malaman Kulas??
Jhune: Oo naman!!! Ano ba yung teknik na sinasabi mo?
Meriel: At sinabi ni Castro ang kaniyang sikreto kung paano siya nananalo sa sabungan.
Kaya ang sinabi naman ni Kulas ay
Jhune: HAA?! Hindi ba’t pandaraya ang iyon?!!!
Joshtize: Oo, pero yung mga kalaban mo ay nandaraya rin.

Meriel: Napagtantuan ni Kulas na may punto ang sinabi ni Castro. Di katagalan ay


pinagpasyang umalis ni Castro, at nagpaalam sa kaibigan nitong si Kulas. Teka teka teka.
Ano nga ba ang nangyari kina Ceiling at Sioning sa kanilang lakbayin papunta sa
tindahan ng sabon ni Kikay?

Kelli: Bili-bili naman kayo dyan ng sabon!!! Sabon!!! Sabon!!! Presyong Divisoria lang ito.
Nandito na ang lahat ng sabon hinahanap mo. Sabon panlaba! Sabon pang-hugas!
Sabon pampaganda! Sabon panligo! Sabon pang-hayop! Saan ka pa? kaya ditto ka na!!!

Simon: Sa dinami dami ng sabon mukhang di ako makakapili ha?! Hmm alin kaya rito
ang pipiliin ko?
Kelli: Pipili ka pa dyan ng iba ehhh pwede naman ako ang piliin mo!
Simon: Ha? Ano yung sinabi mo Mareng Kikay?

Kelli: Wala-wala! Ang sabi ko, nahihirapan ka pa mamili ng isa kung puwede mo naman
bilhin lahat!!

Chesca: Hay naku! Mareng Kikay talaga basta pag-usapang negosyo. Naparito kami
upang makahanap ng sabon para sa manok.

Kelli: AHA! Tama ang lugar na inyong pinuntahan. Mayroon akong dalawang klase ng
sabon para sa manok. Sa Pula, para sa mga manok na pula at Sa Puti naman ay para
sa mga puting manok.
Chesca: Kunin na namin po pareho. Magkano po lahat?
Kelli: Tig Php150 ang isang sabon. Bali, 300 lahat.
Simon: Ay ang mahal naman. Bakit ang mahal? Wala pa ba dyan mas bababa?
Kelli: Ehh kung ano na lang kaya yung minamahal mo edi sana libre ka ng sabon lagi.
Chesca: Ha? Sige? Kunin na namin ito Mare.

Kelli: Balik kayo ha?? Basta palagi ninyong tandaan “Pag kayo ay may ipon, bumili sa
akin ng sabon!”

Meriel: Ilang araw, linggo at buwan ang lumipas. Bumalik si Kulas sa dating gawi, ang
magsabong. Ilang pera ang kaniyang sinugal, para lamang makapagsabong. Ang bunga
ng pagbabalik loob ni Kulas sa dating gawi, ang dahilan sa araw at gabi na pagtatalo ng
kaniyang asawa na si Ceiling.

Jhune: A, ganoon! Hoy, Celing pinipigilan mo ako sa pagsabong, ha? Ikaw pala’y
sabungerang pailalim.
Simon: Hindi, Kulas, pumupusta lamang si Celing sa kalaban ng manok mo.
Jhune: A…at ako pala’y kinakalaban mo pa, ha?

Chesca: Huwag kang magalit, Kulas. Ako’y pumupusta sa manok na kalaban para kahit
ikaw ay manalo o matalo ay hindi tayo mawawalan.
Jhune: Samakatwid, kahit pala manalo ang aking manok ay bale wala rin.
Simon: Siya nga at kahit naman matalo ay bale mayroon din.

Jhune: E, sayang lamang ang kahihimas at kabubuga ko ng usok sa manok. Ako pala’y
parang ulol na…

Chesca: Teka muna. Ang liwanagin muna natin ay ang dalawampung piso. Teban, saan
mo dinala ang pera?
Jhune: Celing, ako man ay natalo sa pinupustahan sapagkat sa manok na kalaban din
ako pumupusta.
Simon: Naku, at lalong nag-block-out.
Chesca: Pumusta ka sa kalaban ng manok mo?
Jhune: Oo, alam mo’y pinilayan ko ang aking tinali upang seguradong matalo at pumusta
ako sa manok ng kalaban. Ngunit, kabibitiw pa lamang ay tumakbo na ang diyaskeng
manok ng kalaban at nanalo ang aking manok.
Chesca: A…gusto mong maniyope? Ikaw ngayon ang matiityope. (Tatawa).
Jhune: Aba, at nagtawa pa.
Simon: Siyanga. Bakit ka nagtatawa, Celing?

Chesca: Sapagkat ako’y tuwang-tuwa, Sioning, dito ka maghapunan mamayang gabi. At


anyayahan mo sina Kumareng Kikay at ang iba pang kaibigan. Ako’y maghahanda.
Jhune: Ha! Maghahanda?

Chesca: Oo, Teban, ihanda mo ang mga palayok, ha? At hiramin mo ang kaserola ni Ate
Nena.
Meriel: Opo, opo!

Jhune: Ngunit paano tayo maghahanda? Ngayon lang ay natalunan tayo ng mahigit
apatnapung piso.
Chesca: Hindi bale. Ibig kong ipagdiwang ang iyong huling paalam sa sabungan.
Jhune: Huling paalam?

Chesca: Oo, sapagkat ikaw ay nangako at nanumpa at bukod diyan hindi na tayo
kailangang bumili pa ng ulam.
Jhune: Bakit?

Chesca: Mayroon pang anim na tinali sa kulungan. Aadobohin ko ang tatlo at ang tatlo
ay sasabawan.

You might also like