You are on page 1of 8

KABANATA 35: ANG PISTA

SCENE 1

Ika-pito ng gabi nag si dalo na ang lahat ng mga panauhin sa bahay bulwagan. Naunang magpakita ang
mga karaniwang tao tulad ng mga empleyado, pinuno sa opisina, negosyante at iba pa. Magalang nilang
sinalubong ang isa’t-isa. Ang iba’y animong pabirong nag susuntukan at tapikan sa tyan ( mga ekalal )
hanggang sa mag batukan at kurutan ang iba. Kapansin pansin rin ang mga seryosong panauhin na
pinapakita ang kani-kanilang kaugalian ( pwede dito yung mga espanyol like bea and venice ). Subalit
may isang babaeng panauhin ang napahikab ng bulgaran dahilan para siya’y sabihang “gutom na gutom”
dahilan para siya’y makipagtalo sa kapwa panauhin sa puntong umakmang ito’y sasampalin.

SCENE 2

Habang nag tatalo ang dalawang panauhin ay pasigaw na pinaibabawan ni Don Timoteo ng pagbati ang
dalawa, sunod niya ring binati ang ibang mga panauhin kasabay ng pag indak nito sa musik: pag-kembot,
pag indak, pag urong sulong at patuloy na pag ikot ikot. Ang gawi ni Don Timoteo ay nakaagaw pansin sa
isang babaeng panauhin na sabihing “Labis naman ang galak ng matandang ito! Pag masdan mo parang
isang papet sa gitna ng tanghalan. Me gusta!”

Sa oras ring ito’y dumating na ang magnobyo ( dae ko kilala ) at sumunod naman si Donya Victorina
kasabay ang mga abay. Sinalubong ng pagbati ng nobyo ang kaniyang nobya: pag pisil sa mga kamay nito
at masayang pag tapik sa braso; habang ang nobya nama’y malagkit na mga tingin paibaba at ang
pagsiyasat nito sa buong katawan ng kaniyang nobyo.

Napaisip naman si Ben Zayb sa tabi at patuloy na inihahambing ang kaniyang buhag pag-ibig sa
kuwentong mitolohiyang sina psyche at cupid. At tunay nga namang nagkakapareho ang ugali’t galaw ng
nobyo sa diyos na si Cupid.

SCENE 3

Matapos ang naganap na pagdalo, muling nagpakitang gilas si Don Timoteo, subalit nagsimula na siyang
makaramdam ng kirot sa baywang ,kaniyang mga paa, at pag patid ng kaniyang leeg. At hindi pa rin
dumadalo ang Kapitan Heneral sa pista, subalit dumating naman sina Padre Irene at Padre Salvi. Sa mga
sandaling ito’y si Don Timoteo’y nakaramdam ng nerbyos at biglang natahimik, subalit kinakailangan niya
bumati sa mga pari. Napa upo at napatayo si Don Timoteo at hindi na niya naririnig ang mga bagay bagay
na sakanya’y sinasabi, at hindi narin niya masabi ang kaniyang mga naiisip. Ang masama, may isang
apisyonado ang pumansin sakanya at sinabi sakanya na pinagmamasdan niya raw ang mga dingding dahil
narin si Don Timoteo’y tulala.
“Ano? Pinagmamasdan ang mga dingding!” Ulit na sinabi ni Don Timoteo sa apisyonado habang naka
ngiti. Kung maaari niya lamang isawalang bahala ang mga kritiko. “Pero gawa ang mga iyan sa Europa at
ang pinaka mamahaling pwedeng mabili sa Manila! Anong pinagmamasdan ang mga dingding!” wika ni
Don Timoteo. Sa mga panahong ito, sinabi sa sarili ni Don Timoteo na sisingilin niya kinabukasan ang
lahat ng utang ng kritiko sa kaniyang almasen.

Matapos nito’y, narinig ng lahat ang malakas na mga yabag ng kabayo. Ito’y hudyat na naririto na ang
Kapitan Heneral.

“Ang Heneral!” “Ang Kapitan Heneral!” Sigaw ng isang panauhin.

SCENE 4

Sa pagdating ng Kapitan Heneral, namumutla si Don Timoteo. Pilit siyang tumayo sa kabila ng
nararamdaman at bumaba kasama ang kaniyang anak maging ang ibang mga panauhin upang salubungin
ang Kapitan Heneral. Napawi ang sakit ng kaniyang katawan habang nagaalinlangan kung dapat ba’y
nakangiti siya o seryoso? Dapat ba niyang iaabot ang kamay nito o hintayin na lamang ang Kapitan
Heneral na makipag kamay? “Bakit ba kasi hindi ko naisangguni ang mga bagay na ito kay Simoun?”
pabulong at nanginginig niyang itinanong sa kaniyang anak.

“ Naghanda kaba ng talumpati Papa/Itay? Hindi na uso ang talumpati, lalong lalo na’t hindi ukol kay
Kapitan Heneral “ sagot naman ng anak ni Don Timoteo.

At dumating na ang Kapitan Heneral kasabay ang asawa nito na mistulang mga paputok, mga brilyante sa
buhok, leeg, sa mga bisig, balikat at kung saan saang parte ng katawan. Nakasuot rin ng magarbong seda
na may mahabang kola na punong puno ng nga bulaklak. Tunay ngang inangkin ng kataas taasan ang
bahay bulwagan. Kasabay nito ang pag tugtoyh ng orkestra ng Marcha Real habang umaakyat ang
Kapitan Heneral kasabay ang kaniyang asawa sa hagdanan.

Hindi maitatago ang kataimtiman ng Kapitan Heneral, nalulungkot siya marahil, siya’y bababa na sa
katungkulan bilang isang Kapitan Heneral matapos ang tatlong taon ng pamamahala. Ano ang kaniyang
iiwan? Ayaw lumingon ng kataas taasan at mas minamabuti niyang tingnan ang hinaharap. May dala dala
siyang kayamanan at malaking halaga ng mga kayamanan ang nakadeposito sa Europa ang naghihintay
sa kaniya. May palasyon man siya’y marami siyang naapi at marami rin siyang kaalitan sa korte.
Naghihintay rin sakanya ang mataas na mga empleyado.

Bukod pa rito, hindi na kasintaimtim ng dati ang pag bati sa Kapitan Heneral. Nakikita niya ang mga
matang mapang husga at pangungutya ng iba, sa puntong kailang niya itong sagutin ng magiliw at
masaya.
“Nakikita nang lumulubog ang araw, marami nang tumitingin sa kanya ng deretso” wika ni Padre Irene
kay Ben Zayb, at iyon rin sana ang sasabihin ni Ben Zayb.

“Tsika, nakita mo ba ang palda?” wika ng babaeng tumawag na papet kay Don Timoteo sa kaniyang
katabi. “Oo nga ang kurtina sa palasyo” sagot nito. “Huwag mong masyadong lakasan at baka kanilang
malaman nf katotohanan, makikita mo’t gagawin din nilang abrigo pati ang mga pombra” sabi naman ng
babae.

“ Pruweba lamang iyan na mas may talino at mabuting ang panlasa niya! “ wika ng bana at sinaway ang
kaniyang asawa sa pamamagitan ng tingin.” Dapat matutong magtipid ang mga babae! “ dagdag pa nito.

“ Hoy bigyan mo ako ng kortinang dose pesos ang isang bara at makikita mo kung maisusuot ko ang
basahang ito! “ sagot ng naiinis ng bisita. “ Hesus, kung makapag salita ka ang akala mo’y may maipag
mamalaki ka nang nagawa. “

SCENE 5

Sa kabilang dako nasa harap ng bahay ang binatang si Basilio, tila nalilito sa mga usapan ng mga osyoso
at binibilang ang mga bumababa sa mga karwahe. Nakita niya ang napakaraming mga masasayang tao,
mga mag nobyo at nobya, sinusundan ng mga abay at masisiglang mga kabataan. Sa kabila nito’y naisip
niyang aabutan sila roon ng napakalagim na kamatayan.

Nagnanais ang binata na iligtas ang napakaraming taong walang kamalay-malay. Naisipan niyang sumulat
at ipaalam sa alagad ng batas, subalit dumating ang isang karwahe at bumaba sina Padre Salvi at Padre
Irene, kapwang tuwang tuwa sa mga nagaganap.

“Ano ba ang pakialam ko? Pabayaang magbayad ang mabuti’t makasalanan” aniya ni Basilio sa sarili. At
pagkatapos siya’y napaisip na…. “ Hindi ako taksi, hindi ko dapat sirain ang tiwalang ibinigay sakin. Higit
na mas malaki ang utang ko sa kaniya kumpara sa kanilang lahat. Humukay siya ng libingan para sa’king
ina, pinatay nila ang aking ina! Ano ang pakailam ko sa kanila? Ginawa ko naman ang lahat upang maging
mabuti’t kapakipakinabang, ginawa ko ang paglimot at pagpapatawad. Tiniis ko lahat ng mga paratang at
ang tanging hiling ko lang ay kapayapaan. Hindi ako nanggulo kaninuman. Pabayaang lumipad ang
kanilang mga sasabog na katawan! Sapat na ang aking pagtitiis! “

SCENE 6
Habang siya’y napapaisip sa mga nangyayari, nakita niya si Simoun na bumababa at bitbit ang nagliliyab
na lampara. Nakita niya itong marahang tumawid sa pasilyo at naka tango na wari’y nagiisip.
Naramdaman ni Basilio ang kaba

Sa puntong nanlamig ang kaniyang mga kamay at paa. Tumigil si Simoun sa paanan ng hagdanan at tila
ba’y nag aalinlangan. Sa puntong iyo’y napakalma si Basilio. Subalit hindi rin nagtagal, umalis rin si
Simoun dala dala ang lampara.

Inaakala ngayon ni Basilio na sasabog ang bahay sa anumang sandali at magliliparan sa himpapawid ang
mga dingding, lampara, mga tao’t iba pa na parang baga sa ginta ng malaimpyernong sabog. Tumingin
siya sa paligid at binabagabag ng mga maaaring mamatay na mga tao sa magaganap sa pagsabog. Subalit
mas pinanaig ni Basilio ang kaisipang mabuti at sa panahon ring iyo’y nakaramdam siya ng gutom.

“Habang hindi pa siya bumababa, walang panganib na magaganap, walang pagsabog at walang
masasawi. Wala pa ang Kapitan Heneral.” Aniya ni Basilio sa sarili.

Sa kabila ng mga pag-aalinlangan pinilit niyang magmukhang mahinahon, pinipigil ang panginginig ng
mga paa, at pilit na nililibang ang sarili. Napaisip rin siya na “Kung manginginig man ako ngayon, bago
maganap ang trahedyang ito, papaano ako kikilos sa sandaling dadanak na ang dugo, nasusunog ang
buong bahay at sumisigaw ang mga tao?”

Dumating ang Kataas taasan ( Kapitan Heneral ) ngunit hindi ito pinansin ni Basilio. Pinagmamasdan niya
ang mukha ni Simoun na isa sa mga bumaba upang sumalubong, at namasid niya ang kamatayang
sasapitin ng mga taong naroroon. Subalit may isang bagong sindak ang nadama niya. Nanlamig si Basilio,
napasandal sa pader, nakatulala sa bintana na parang iniisip ang mga bagay na mangyayari. Nakita niya
sa sala ang mga panauhin na nakapaligid kay Simoun at nagmamasid sa lamparang hawak nito. Narinig
niya ang maraming kumento at boses ng paghanga at paulit ulit na sinabi na “komedor, ibang-iba”.
Nakita niyang ngumiti ang Kapitan Heneral at naisip nito ang magaganap na palabas sa gabing iyon sang
ayon sa balak ng alahero at lalo na sa mesang kakainan ni Kapitan Heneral. Nang dahil sa nangyari
nawala si Simoun at sinundan ng isang madlang taga hanga.

SCENE 7

Sa mga sandali rin na iyon nananaig ang mabuting buso ni Basilio, nilinisan ang poot ng nakaraan, nilimot
ang kasawian kay Juli, ninais na iligtas ang mga walang malay, at tuluyan ng nagpasiya. Mangyari na ang
mangyayari, tinangka niyang tawirin ang kalye patungo sa loob ng bahay. Ngunit nakalimot ni Basilio na
siya’y hindi nakabihis ng naaayon sa kaganapan. Pinigil siya ng mga gwardya at walang galang na kinutya.
Subalit si Basilio mapilit kaya nama’y binalaan siya na magtatawag sila ng sundalo.
Noong bumaba naman si Simoun ay bahagyang namutla’t nakaramdam ng pagkalumbay. Iniwan ng
gwardya si Basilio upang yumuko at humingi ng tawad sa alahero na para bang isang santo. Naunawaan
ni Basilio sa anyo ng mukha ni Simoun na tuluyan nang iniwan ang bahay ng kamatayan dahil narin
nakasindi ang lampara. “Alea jacta est. Tapos na ang pagtaya maaari ng mailigtas ang mga tao sa loob ng
bahay na ito” Sa udyok ng sandaling ito inisip niya agad na iligtas ang sarili. Maaaring may gumalaw sa
lampara nang sagayo’y siya ang magpasabok at kumitil sa buhay ng iba. Narinig rin ni Basilio na sinabihan
ang kutsero na “Escolta! Sa Escolta ang ating punta bilis”

Natataranta at natatakot na makarinig bg pagsabok si Basilio kaya nama’y matuling lumayo sa


isinumpang mapanganib na pook. Tila ba’y nawalan ng kontrol ang liksi ng kaniyang mga binti sa sobrang
bilis ng kaniyang pagtakbo at nadulas sa bangketa ang kaniyang mga paa na waring naglalakad ngunit
walang usad. Patuloy na hinaharangan ng mga taong nasasalubong ni Basilio ang kaniyang daanan. At
habang ito’y patuloy sa pag lakad ay nasagi niya ang isang binatang naka tingala, at nakatitig sa dakong
bahay. Ang binatang ito’y si Isagani.

“Anong ginawa mo rito kaibigan? Pumarito ka!” tanong ng nababalisang si Basilio. Hindi naman gaanong
pinansin ni Isagani ang tanong ni Basilio at sinagutan ng malungkot na pagngiti at muling tumingin sa
dako ng balkon, nakatingin sa mag nobyo habang papalayo sa kaniyang paningin.

“Halika Isagani, layuan nating ang bahay na iyan halika na’t pumarito!” sigaw ni Basilio sa tinig na paos
habang hinihila ang bisig ni Isagani.

Marahang kumawala si Isagani at patuloy na pinagmasdan ng malumbay ang magnobyo ng may ngiti sa
mga labi.

“Sa ngalan ng Diyos Isagani, lumayo na tayo!” pakiusap ni Isagani. “Bakit ako lalayo kaibigan? Bukas
makalawa, iba na siya. Iba na ang kaniyang pakikisamahan at hindi gaya noon mga sandaling kami pa.”
malumbay na isinagot ni Isagani. At sandaling nalimot ni Basilio ang kalungkutan at napalitan ng
katatagan ng loob.

“Nasa katinuaan ka pa ba? Ibig mo bang mamatay?” tanong ni Basilio, subalit walang imik si Isagani at
patuloy lamang sa pag tingin. “Isagani, Isagani, makinig ka kaibigan!

Huwag tayong mag aksaya ng panahon! May mga dinamita ang bahay na iyan na maaaring sumabog sa
anumang sandali. Kahit isang pagkakamali Isagani ay maililibing ang lahat sa pagsabog nito.
“Malilibing? Pagsabog!? Anong pinagsasabi mo kaibigan?” ulit na tanong ni Isagani na nais maintindihan
ang mga nangyayari.

“Oo kaibigan malilibing ang lahat sa pagsabog nito! Sa ngalan ng Panginoong Diyos, halika na! Nakikita
mo ba ang putting liwanag na iyon? Nagniningning tulad ng ilaw ng elektrika at nagmumula sa
balkonahe? Iyon ang liwanag ng kamatayan! Kamatayan ng lahat ng nandiyan sa bahay na iyan! Isang
lampara na puno ng dinamita na kahit isang daga ay hindi makalalabas ng buhay kaya halika na.”

“Hindi maaari, ayoko” malungkot na sagot ni Isagani.”Mas nanaisin kong makita ang kaniyang kaniyang
mga matang masaya kahit na ito’y hindi nakatitig saakin. Kahit man lang sa huling pagkakataon, at kung
dito na rin ako mamatay, mas nanaisin kong mamatay kasama siya kahit na wala siya saking mga bisig. “
dagdag ni Isagani.

“Pabayaang maging sila! Walang nang kayo kaibigan, sapat na ang pagmamahal na iniaalay mo sakaniya.
Maging masaya kanalamang at magparaya para sa ikasasaya niya kung tunay ngang iniibig mo ang
babaeng iyan. “ Sigaw ni Basilio kay Isagani at pilit na tumatakbo.

Nakita ni Isagani ang matuling paglayo ni Basilio, na makikita ang labis na pagka sindak, ngunit patuloy
parin sa pag lingon si Isagani sa binta ng bahay.

Natapos na ang pagdiriwang at wala ng tao sa sala, at nagsipag lisan na. Naisipan ni Isagani na maaaring
tama si Basilio, tama ang hinala nito na mayroong pagsabog sa bahay na ito. Naalala niya ang nasisindak
na mukha na ni Basilio na sa katotohanan ay si Basilio’y masiyahing binatan. At dito pumasok sa isipan ni
Isagani na sasabog ang bahay kasama si Paulita at magiging kasindak sindal ang kamatayan ni Paulita.

Nang dahil sa ideang ito nalimot niya ang lahat ang selos at pagdurusa. Ang naiisip lamang ni Isagani ay
ang babaeng minsan niya ng minahal. Hindi na niya inisip ang sarili at tinungo ang bahay, mabuti na
lamang at nakabihis ito ng desente kaya mabilis na naka pasok sa pintuan.

SCENE 8

Samantala naganap ang eksenang ito sa lansangan at ipinasa ng komedor ang isang pirasong ng papel na
may nakasulat na tintang pula na may bantang… “Mane Thecel Phares. Juan Crisostomo Ibarra”
“Juan Crisostomo Ibarra? Sino naman iyan?” tanong ng isang bisita at ipinasa ang papel sa katabi nito.
“Napaka samang biro naman yan ginoo!” sagot sa tanong ni Don Costudio. “Ipinirma sa papel ang
pangalan ng isang filibusterilyo, na halos sampung taon nang namayapa” dadag pa nito.

“Filibusterilyo! Isang malaking biro isa kang sedisyoso!” sigaw ni Padre Irene na nakaagaw pansin sa mga
ginang ng paligid. Hinanap ni Padre ang nabiro at nakita si Padre Salvi na nakaupo sa tabi at tila ba’y
namumutla habang lumuluwa ang mga mata na para bang gulat na gulat sa mga nangyayari. Nakatitig sa
panagalang ni Ibarra.

“Kumusta, Padre Salvi?” tanong ni Padre Irene “Nakikilala mo pa ba ang pirma ng iyong kaibigan?”

Matapos ang katanungang ni Padre Irene hindi maka imik si Padre Salvi at pinunasan na lamang ang
kaniyang noo ng panyo dahil narin sa pawis dulot ng pagkabalisa.

“Ano ang nangyayari saiyo Padre, ba’t parang naka ramdam ka ng multo at tila’y may bumabagabag
saiyo?” tanong ni Padre Irene.

“Sulat niya nga iyan…Mane Thecel Phares. Juan Crisostomo Ibarra, sulat nga iyan ni Ibarra, ni Juan
Crisostomo Ibarra” pabulong na bigkas ni Padre Salvi. At siya’y napasandal at napaupo sa silya na tila’y
hinang hina at nauubusan ng lakas.

Sa mga sandaling iyo’y napalitan ang sindak ng pag aalala at walang imik na nagtitinginan ang isa’t-isa.
Nag nais tumindig ang Kapitan Heneral subalit siya’y nagdadalawang isip at napatingin narin sa kaniyang
paligid. Walang kahit isang sundalo at halos hindi niya pa kilala ang mga taga silbi sa bahay na iyon.

“Paumanhin sa mga kaguluhan at hindi pagkakaintindihan sa gabing ito, mabuti pa at ipag patuloy na
natin ang selebrasyon at kumain narin tayo. Huwag niyo nang pansinin ang mga birong iyan.” Singit ni
Kapitan Heneral.

Subalit sa halip na magsitahimil ang lahat ay mas lumubha ang kalagayan, mas lalong nabagabag ang
gabi at may nag salitang nanginginig ang tinig.

“Tinimbang ka ngunit kulang. Hindi naman siguro gustong sabihin ng Mane Thece Phares na iyan na
papatayin tayong lahat ngayong gabi?” wika ni Don Custodio.
Nanatiling balisa at di maka kilos ang lahat.

“Ngunit maaaring lasunin tayo ngayong gabi lalo pa’t alam na ng salarin na tayo’ y kakain sa mesang ito.”
Singit ni Padre Salvi.

Dahil dito nagsibitawan ng kubyertos ang mga panauhin at nagsimulang kumulim ang lampara.

“Namamatay na ang lampara, at tila nawawalan na nang liwanag, gusto niyo bang itaas ang mitsa Padre
Irene? “ wika ni Kapitan Heneral.

Sa mga sandaling kukunin na ni Padre Irene ang lampara ay may dali daling tumakbo papasok sa bahay
na nagpatumba sa mga silya at nakabangga ng isang tauhan sa bahay. At sa hindi inaasahan ay kinuha
ang lampara at tumakbo sa balkonahe upang itapon ang lampara patungo sa ilog. Nangyari lamang ito ng
isang saglit at naiwang madilim ang komedor.

Bumagsak sa ilog ang lampara nang makasigaw ang isang tauhan na “Magnanakaw, may magnanakaw!”
dahilan ng pagtungo ng ng tao sa balkonahe.

“Rebolber” sigaw ng isa “Magsidali! Rebolber, barilin ang magnanakaw na iyan!”

Subalit mabilisang nakalundag at nakatakbo ang nasabing tulisan patungo sa labas ng bahay at tanging
pag bagsak lamang sa tubig ang huling narinig. Ang nasabing magnanakaw ay walang iba kundi si Isagani.

You might also like