You are on page 1of 11

KABANATA 35

ANG PIGING
BUOD

Nagsisidatingan na ang mga bisita, di-magkamayaw si Don Timoteo kakabati sa mga


panauhin. Dumating na ang bagong kasal na si Paulita at Juanito. Samantala, si Basilio ay
pinagmamasdan ang mga dumarating na panauhin. Nakita niya si Simoun na dala ang
lampara ng kamatayan. Ilang sandali pa ay dumating na ang Kapitan Heneral. Nanlamig ang
mga paa at kamay ni Basilio, nanaig ang kabutihan sa kanya. Gusto niyang iligtas ang mga
naroroon, ngunit hindi siya pinapasok dahil marumi ang kanyang kasuotan. Dali-daling
bumaba sa bahay si Simoun at sinabi sa kutsero Sa Escolta, tulinan mo,. Inisip na ni
Basilio na iligtas ang sarili niya kaya tumakbo na siya palayo. Nakasalubong niya si Isagani,
sinabi niyang lumayo na ito sa bahay, at sinabi niya ang mangyayaring pagsabog ng lampara.
Hindi pumayag si Isaganing lumayo at patuloy niyang pinagmasdan si Paulit. Samantala, sa
piging, may pinagpapasahan silang papel na may nakasulat na Mane, Thecel Phares na may
lagdang Juan Crisostomo Ibarra. Tinanong kay Padre Salvi kung nakikilala niya ang lagda
nito. Nanghina si Padre Salvi, sinabi niyang iyon nga ang lagda ni Ibarra. Sinabi ng Kapitan
Heneral na isa lamang itong masamang biro. Unti-unting dumidilim na ang ilaw mula sa
lampara, ipinag-utos ng heneral na itaas ang mitsa. Isang anino ang agad na kumuha sa
lampara at itinapon ito sa ilog sabay lundag sa ilog.
MOTIBASYON

HOURGLASS
SIMBOLISMO

Simoun siya ay isang taong nakain ng kanyang sariling galit


Basilio siya ay larawan ng isang taong mapagtimpi at kakatiis umabot sa
sukdulan ang pasensya.
Isagani isa siyang larawan ng isang taong gagawin ang lahat para sa iniibig,
kahit na buhay niya ang kapalit
Lampara ito ay sumisimbolo sa galit na dinadama ni Basilio, ang nagsilbing
apoy na nagsiklab sa mitsa ng galit ni Basilio ay ang pagkamatay ni Huli. Nauubos
din ang mitsa, hindi habambuhay ay mananatiling malakas ang apoy
MAHALAGANG KAISIPAN

Ano ba sa akin? ang wika ni Basilio sa sarili. Hayaang magbayad


ang mabubuti kasama ang masama.

- Sinasabi ng pahayag na ito na nagbago ang pananaw ni Basilio tungkol sa


himagsikan. Kung dati ay hindi siya sang-ayon, ngayon ay nakikiisa na siya.
MAHALAGANG KAISIPAN

Hindi ako naghiganti. Ang tanging hangarin ko ay ang hayaan akong


mamuhay ng tahimik. Ngunit ano ang ginawa nila sa akin?
Makatuwiran lang na hayaan kong paliparin sa hangin ang katawan
nilang durog-durog. Labis-labis na ang aking pagtitiis!

- Dumating na sa kasukdulan ang pagtitiis ni Basilio dahil sa mga kasawiang dinanas


niya sa buhay. Ang pagkabilanggo niya, at ang pagkamatay ni Huli.
MAHALAGANG KAISIPAN

Nanaig ang kabutihan ng binata. Iwinaksi niya ang poot at ang alaala ni
Huli. Ang naiisip niya ay iligtas ang mga naroroon.

- Ipinapahiwatig nito na sa kabila ng lahat ng dinanas ni Basiliong mga


kasawian at galit ay nanaig pa rin ang kabutihan niya.
MAHALAGANG KAISIPAN

Naalala niya si Paulita na naroroon at mamatay sa paraang kakila-


kilabot. Nanaig ang pag pagmamahal niya sa dalaga. Mabilis niyang
tinungo ang bahay ni Kapitan Tiyago.

- Ipinapakita dito ang labis na pagmamahal ni Isagani kay Paulita. Kahit na ikinasal na
ito sa iba ay ipinapakita niya ang kanyang unconditional love kahit na baka ikamatay pa
niay ito.
INTEGRASYON

Kultura:
Sa kabilang dako, hindi naman malaman ni Don Timoteo ang
gagawing pagbati. Lahat ay kaniyang pinagpupugayan at dahil sa
kakayuko, kaiikot, at kangingiti sa pagbati, itinulad siya ng isang
babae sa isang fantoche o puppet.
pagiging maasikaso sa bisita
Napakalaki ng utang na loob ko sa kaniya.
pagtanaw ng utang na loob
INTEGRASYON

Current Events:
Sa wakas, dumating din ang pinakahihintay.

- Maihahalintulod ang pagdating ng hindi sa oras ng Kapitan-Heneral sa pagiging 30


minutes late ng Pangulong Aquino sa necrological service ng fallen 44.
BERSO SA BIBLIYA

Mga Taga-Efeso 4:31-32

Ang lahat ng kapaitan, at kagalitan, at pagkakaalit, at kadaldalan, at panglilibak, ay


mangaalis nawa sa inyo, pati ng lahat ng masasamang akala: At magmagandang-loob
kayo sa isa't isa, mga mahabagin, na mangagpatawaran kayo sa isa't isa, gaya naman ng
pagpapatawad sa inyo ng Dios kay Cristo.

You might also like