You are on page 1of 6

Hola Maam Poyaoan, Hola mga hampaslupa!

Si Kean ay nagbabalik upang ipabatid sa inyo ang ikatatlumpu’t-limang


kabanata ng aklat na el filibusterismo ni Dr. Jose Rizal na pinamagatang
Ang Piging.

Bakit nga ba “Ang Piging” ang pamagat ng kabanatang ito. Ang piging ay
isang handaan na kung saan iginawa sa bahay ni Kapitan Tiyago na
pagmamayari na ngayon ni Don Timoteo Pelaez na binili niya sa murang
halaga. Nagkaroon ng handaan sapagkat ikinasal ang anak nitong si
Juanito Pelaez at si Paulita Gomez. Ang piging ang pamagat sapagkat
dito mangyayari ang isang kahindik hindik na pangyayari ngunit tignan
natin kung mayroon bang dugo na dadanak.

Mayroon akong mga talasalitaan rito ngunit alam na natin ang mga
kahulugan niyan.
-
-
-
Ang mga tauhan sa kabanatang ito ay si
Isagani, si isagani ang makatang ex ni Paulita ngunit siya ay ipinagpalit
nito. Nakita siya ni Basiliong nagmamasid sa balkonahe sa kabilang
kalye. Minamasid ni Isagani si Paulita.
Si Paulita Gomez at Juanito Pelaez ang bagong kasal. Si Paulita Gomez
ay isang haliparot na pinakasalan si Juanito Pelaez
Si Juanito Pelaez ay isang medyo kubang binata na pinakasalan si
Paulita Gomez.
Sunod ay Si Basilio, si Basilio ang may alam ng plano ni Simoun na
gaganapin sa gabing iyon.
At syempre si Simoun, na pumunta sa piging dala-dala ang lampara ng
kamatayan.
Andirito rin sila Don Timoteo ang ama ni Juanito, Si Donya Victorina, Si
Padre Salvi at Padre Irene, Si don Custodio at ang Kapitan heneral.

Sa ganap na ikapito ng gabi ay nagsidatingan ang mga panauhin sa


mansyon ni Kapitan Tiyago. Nauna ang mga di masyadong
mahahalagang tauhan na naninibago sa karangyaan ng looban. Yung iba
ay nagkukunwaring sanay na sila sa mga ganoong karangyaan. Pahikab
hikab kunyari at kung ano ano pa. Andoon si Don Timoteo na
pinipintasan ng mga tauhan.
Dumating ang bagong kasal na kasama si Donya Victorina at binati ang
mga ito. Dumating ang mga dakilang diyos na kinabibilangan nina Padre
Irene at Padre Salvi, ngunit hindi parin dumarating ang Kapitan Heneral
na hinihintay ni Don Timoteo. Nanakit na ang leeg, namawis-mawis na
at sumasakit na ang mga paa ni Don Timoteo kahihintay. Nang
dumating ang Kapitan Heneral ay hindi alam ni Don Timoteo ang
gagawin.

Sa kauna-unahang pagkakataon ng dumating ang kapitan heneral sa


pilipinas ay nakaramdam siya ng kalungkutan. Dahil siya ay aalis na at
iiwan ang kanyang mataas na tungkulin. Kahit na marami siyang
kayamanan na dadalhin ay marami naman siyang nasaktan. Gusto niya
sanang huwag munang umalis gaya ng sabi ni Simoun ngunit
napagtanto niya na hindi na takot ang mga tao na titigan siya at itago
ang pagkamuhi sa kanya.
Nasa harapan ng bahay si Basilio kasama ang mga naguusyoso sa mga
dumarating. Nakita niya ang tauhan na masaya at walang halong
pangamba ang nararamdaman. Kaya biglang nahabag si Basilio at yung
poot niya ay unti-unting lumamig. Naisip niya na iligtas ang mga
inosente. Naisip niya na sumulat at ipaalam ang mangyayari, ngunit
nang nakita niya sina Padre Salvi at Padre Irene ay bumalik ulit ang
kanynag poot. “ Pakeelam ko! Magbayad ang mga makasalanan,
kasama ng mababait!”
“Pinagtiwalaan ako at hindi ko dapat sirain iyon sa pagsusumbong.
Utang ko sa kanya ang paglilibing sa aking ina na kanilang pinatay. Wala
akong pakialam sa kanila. Ginawa ko ang lahat upang maging mabuti
ako, pakinabangan ng iba… saka sinikap kong makalimot at
magpatawad. Hindi rin ako nanggulo at gusto ko lamang na huwag nila
akong pakialaman. Pero ano ang ginawa nila sa akin? Hayaang
sumambulat ang kanilang mga katawan! Sobra na ang aking pagtitiis!

Dumating si Simoun dala-dala ang lampara ng kamatayan at doon


nanlamig si Basilio nailarawan ni Basilio si Simoun bilang isang satanas
na pinaliligiran ng apoy habang hawak nito ang lampara. Nangamba na
si basilio na kahit ano mang sandali ay sasabog na ang bahay.
Dumadaan na sa kaniyang isipan ang mga bangkay ng mga masasama at
mga inosente.

Umabot sa kasukdulan ang tunggalian ng kalooban ni Basilio. Namayani


ang kabutihan ng kanyang puso at nawala na ang poot at ibig niyang
iligtas ang mga inosente. Tinangka niyang pumasok ngunit hinarangan
siya. Dumating si Simoun at doon niya nalaman na nasindihan na ang
lampara. Pumasok si Simoun sa karwahe at narinig nito na pupunta na
ito sa Escolta.
Sa sobrang pagkabalisa at takot, matulin na tumakbo paalis sa lugar na
iyon si Basilio. Nadulas dulas siya at nabubunggo ang mga humaharang
sa kanya. At doon niya nabangga si Isagani.
“Anong ginagawa mo rito? Dali… Halika na!”
Tinignan lamang siya ni Isagani at ngumiti ng malungkot at ibinalik ang
tingin sa bukas na balkon ng bahay. Nakikita niya ang malabong anyo ni
Paulita.
“Halika na, Isagani ! Lumayo na tayo sa bahay na iyan!”
“Sa ngalan ng Diyos, umalis na tayo rito!”
“Bakit ako aalis dito. Iba na siya bukas!”

At doon na sinabi ni Basilio ang plano.


“ne

Sinabi ni Basilio na inisumpa silang lahat ng isang higit na sawimpalad


kaysa ka kanilang dalawa na si Simoun. At itinuro niya ang puting
liwanag sa bahay. Iyon ang ilaw ng kamatayan. Isang lamparang puno
ng dinamita na sasabog na ni isang daga ay hindi makaliligtas.
“Huwag ayoko. Dito lamang ako upang makita siya sa huling
pagkakataon. Iba na siya Bukas!”
“Kung gayon hayaan na ang tadhana sa mangyayari!”
Saka mabilis na lumayo ulit si basilio.

Bumalik sa pagtingin si Isagani ngunit maya-maya ay naghinala ito na


sasabog nga ang bahay at narooon si Paulita at magiging kakilakilabot
ang kamatayan nito, nakalimutan ni Isagani ang lahat ng kanyang
kalungkutan at inisip na ang pinakamahalaga sa kanya ay ang kanyang
minamahal. Mabilis itong pumasok sa bahay, hindi siya pinansin dahil sa
gara ng kanyang damit.

Sa looban ay pinagpapasahan ang piraso ng papel na may nakasulat ng


Mene Thesel Phares ito ay hango sa bibliya na ang ibig sabihin ay ito na
ang katapusang ng inyong kapangyarihan.
At may pirma ni Juan Crisostomo Ibarra,
Hindi ito kilala ng Kapitan Heneral.
Sabi ni Don Custodio na napakasamang biro ng papel na iyon. Pirma
daw iyon ng isang filibustero na sampung taon nang patay.
Luminga-linga sa paligid si Padre Irene at nakita si Padre Salvi na
nakaupo at namumutla. Tinanong nito kung naaalala ba nito ang pirma
ng kanyang kaibigan.
“Pirma nga niya iyan” ulit na sinasabi ni Padre Salvi.
Gustong tumayo ng Kapitan Heneral ngunit baka sabihing naduduwag
ito. At sinabing ipagpatuloy na lamang ang pagkain.
Sabi ni Don Custodio na baka daw ang ibig sabihin ng Mene thesel
phares ay papatayin silang lahat ngayong gabi. Wala paring kumibo sa
mga tauhan.
“Pero maaaring lasunin tayo.”
At doon ay binitawan ng lahat ang mga kubyertas nila at unti-unting
kumukulimlim ang apoy ng lampara.
“mamamatay na ang lampara” Baka gusto ninyong sindihan ito, Padre
Irene.”
Sa isang iglap, simbilis ng kidlat ay may pumasok na tao, nasagi nito ang
isang silya at nabangga ang isang utusan at hinalbot ang lampara.
Tumakbo ito patungo sa asotea at inihagis ang lampara ng kamatayan
sa ilog. Nabigla ang lahat at nagsigawan ng
“Magnanakaw!”
Ngunit bago magsitakbuhan ang marami sa asotea at barilin ang
magnanakaw ay tumalon na ito sa ilog at narinig na lamang ng lahat ang
pagbagsak ng katawan sa tubig…

Maihahalintulad ko ito sa realidad ng buhay sa pamamagitan ng isang


verse sa bibliya.
Mga Romano 12:19
Huwag kayong mangaghigantihan, mga iniibig, kundi bigyan ninyong daan
ang galit ng Dios: sapagka't nasusulat, Akin ang paghihiganti; ako ang
gaganti, sabi ng Panginoon.

Maihahalintulad koi to sa paggamit ng dahas ni Simoun upang maghiganti


na hindi naman dapat dahil ang paghihiganti ay hindi dapat natin idaan sa
sarili nating mga kamay kundi sa Diyos. Dahil kung ating gawin ang
paghihiganti gamit ang sarili ay pinangungunahan natin ang Diyos.
Maihahalintulad ko rin ang kabanatang ito sa pagkaya nating gawin ang
kahit ano mang bagay basta sa ngalan ng pagibig kahit naba tayo ay
nasaktan.

Maraming salamat,
Iniiwan ko ang mga katagang, sa ating mga kalalakihan, maligayang
putukan,
Sa inyong mga kababaihan, binabati ko kayo.

You might also like