You are on page 1of 9

Kabanata 34:

Ang Kasal ni Paulita


Talasalitaan
Bumabaha – umaapaw
Gumigiit – pumipilit
Lasug-lasog – wasak, punit-punit, durog
Mawaglit – mawala
Nasinagan – nasikatan
Pagdarausan – paggaganapan
Puluhan – tangkay, tatagnan, bitbitan
Pumpon – kumpol, bungkos
Tauhan
Basilio
Simoun
Sinong
Juanito Pelaez
Paulita Gomez
Don Timoteo Pelaez
BUOD
Habang nasa daan ay nagugulumihan si Basilio sa nap
ipintong kahindik-hindik na pangyayaring magaga-
nap. Wala siyang mapuntahan. Ang mga mag-aaral ay
umuwi na sa kanilang mga lalawigan. Si Isagani la-
mang ang hindi umuuwi, ngunit wala sa kaniyang
tahanan ng umagang iyon.

Nagsusumiksik sa kaniyang isipan ang tungkol sa


lampara. Dalawang oras na lamang at it ay puputok na.
BUOD
Sa kanyang paglalakad, waring sa kanyang tingin, ang
lahat ng kanyang nakakasalubong ay pugot ang ulo.
Nakikita niya ang mga sumusunod na tagpo, nakatayo
Siya sa bunton ng mga bangkay, at nag-uutos sa lahat
ng dumaraang nakakarwahe. Sa kalituhan ni Basilio,
hindi niya naitanong kay Simoun kung saan magsisi-
mula ang gulo. Pumunta siya sa bahay ni Kapitan Tiya-
go upang kunin ang ilang kagamitan, ngunit natagpu-
an niya itong maayos at inihahanda para sa kasal ni
Juanito.
BUOD
Nang makilala ni Basilio ang ikinasal, nahabag siya
kay Isagani. Ngunit nagbago ang kanyang isip
sapagkat si Isagani ay hindi makikialam sa gayong pag
patay. Ang kanya ring nadaranas ay hindi umabot kay
Isagani. Kung hindi lang siya nabilanggo ay ikinasal na
sana sila ni Huli. Sinalat ni Basilio ang baril sa kayang
lukbutan. Naabago na siya sa pagdaraan ng oras, at
Sinabing sana ay dumating na ang kahindik-hindik na
pangyayari.
BUOD
Nasa ganitong pagbubulay-bulay si Basilio nang mama
taan niya ang paglabas ni Simoun sa bahay dala ang
lampara. Si Simoun ay sumakay sa karwahe ni Sinong.
Nagpatiuna na siyang dumaan sa daang Aloage.
Napansin niyang ang lahat ay patungo sa bahay ni Kap
itan Tiyago na mayroon ng orkestrang tumutugtog,
Maraming tao at maliwanag na maliwanag na ang
buong kabahayan.
BUOD

Narating na ni Don Timoteo ang rurok ng tagumpay.

Pinahiram siya ng pera ni Simoun na ginamit niya sa


Pagbili ng bahay ni Kapitan Tiyago sa murang halaga.

Bigatin ang kayang mga panauhin.


BUOD

Dahil sa paghahanda ni Don Timoteo, ang dating amoy


apyan na bahay ni Kapitan Tiyago ay nagbago ng
husto.

You might also like