You are on page 1of 1

KABANATA 34: ANG KASAL NINA PAULITA AT JUANITO

BUOD Ikapito na ng gabi at nasa daan pa din si Basilio. Makikituloy sana ang binata sa bahay nila
Isagani ngunit wala ang kaibigan doon. Bukod sa pag-iisip kung saan siya pupunta, pumasok sa isip
ng binata na dalawang oras na lamang at magaganap na ang pagsabog na siyang hudyat ng simula
ng himagsikan. Napaisip si Basilio na nakalimutan niyang tanungin si Simoun kung saan
magsisimula ang himagsikan at bigla niyang naalala na pinapalayo siya ni Simoun sa daang
Anloague. Ang bahay ni Kapitan Tiago ay nasa daang Anloague. Sa daang Anloague magsisimula
ang himagsikan. Nakita ni Basilio ang hanay ng mga sasakyan na dumaraan sa kanyang harap at
ikinagulat ni Basilio ng makita ng pinakasalan ni Paulita sa Juanito, naalala at nahabag siya para
kay Isagani. Nagunita din niya ang kanyang pagkabilanggo, ang kabiguan sa pag-aaral at ang
nangyari kay Huli. Napansin ng binata si Simoun na palabas sa bahay nito, dala ang lampara at
sumakay sa sasakyan na sumusunod sa ibang mga sasakyan. Ikinamangha ni Basilio nang makilala
niyang si Sinong ang kutsero ni Simoun. Kaagad na nagpunta sa daang Anloague si Basilio.
Siksikan at puno ng guwardiya sibil ang dating bahay ni Kapitan Tiago. Masayang-masaya si Don
Timoteo dahil: Ikinasal ang anak sa heredera ng mga Gomez Pinautang siya ni Simoun Ninong sa
kasal ng kanyang anak si Kapt. Heneral. Binago ni Don Timoteo ang pagkakaayos ng bahay ni
Kapitan Tiago: Nilagyan niya ng magagarang paper at aranya ang dingding. Inilagay ang malaking
salamin sa sala at nilatagan ng karpet na galing pa sa ibang bansa. Ang kurtina naman ay
binurdahan ng unang titik ng pangalan nina Juanito at Paulita. May mga nakabitin na artipisyal na
bulaklak ng suha at sa mga sulok ay may malalaking paso na gawa ng hapon. Pinalitan ng mga
kromo ang mga inukit na larawang santo ni Kapitan Tiago.

KABANATA 35: ANG PIGING


Ikapito ng gabi nang magsisimulang dumating ang mga panauhin. Dumating ang bagong kasal
kasabay ni Donya Victorina. Kaalis dahil wala pa ang Heneral. May pumintas sa mga kromo sa
pader. Nagalit si Don Timoteo. Iyon daw ang pinakamahal na mabibili sa Maynila. Sisingilin daw niya
ng utang ang namintas kinabukasan. Dumating na rin ang heneral. Nawala ang mga dinaramdam ni
Don Timoteo. May nagsabi na dumating na ang araw ng kapitan dahil natititigan na ito nang harap-
harapan. Si Basilio ay nasa harap ng bahay at pinapanood ang mga nagdaratingan. Naawa siya sa
mga inakala niyang mga walang malay na mamamatay roon. Naisip niya na bigyan sila ng babala.
Nguni’t siyang pagdating ng sasakyan nina Padre Salvi at Padre Irene. Biglang napawi ang awa sa
kanyang puso. Hindi ako dapat magmalabis sa pagtitiwalang inilagak sa akin. Ako’y may utang na
loob sa kanya; sa kanila’y wala. Siya ang humukay ng libingan ng aking ina na pinatay nila. Ako’y
nagpakabuti; pinagsikapan kong magpatawad, ano ang ginawa sa akin? Mamatay na nga sila. Labis
na ang aking pagtitiis, nasabi ni Basilio. Nakita niya si Simoun, dala ang ilawan. Waring kakila-
kilabot ang anyo ni Simoun na naliligid ng apoy. Parang nag-alinlangan sa pagpanhik sa hagdan si
Simoun. Nguni’t nagtuloy rin ito. Nang dumating ang Kapitan Heneral ay sandaling nakipag-usap
dito at sa ibang naroon ang mag-aalahas. Saka ito nawala sa paningin ni Basilio. Namayani na
naman ang kabutihang-loob ni Basilio. Nalimot ang ina, ang kapatid, si Huli, ang sariling kaapihan.
Ninais na iligtas ang nasa bahay. Nguni’t hinadlangan siya ng mga tanod dahil sa marusing niyang
anyo. Namutla si Simoun nang makita si Basilio na iniwan ng tanod-pinto upang magpugay sa mag-
aalahas. Matigas ang mukha ni Simoun na tumuloy sa sasakyan at nag-utos. "Pumunta tayo sa
Escolta! " ani ni Simoun. Mabilis ding lumayo si Basilio. Nguni’t may nakita siyang isang lalaking
tatanaw-tanaw sa bahay. Si Isagani! Niyaya niya itong lumayo. Marahang itinulak ni Isagani ang
kaibigan. Nagpilit si Basilio. Bakit ako lalayo Bukas ay hindi na siya ang dati. May hapdi ang tinig ni
Isagani. Ipinaliwanag ni Basilio ang ukol sa ilawan. Hinila niya si Isagani. Tumutol ito. Mabilis na
lumayo si Basilio. Nakita ni Isagani na nagtungo sa kainan ang mga tao. Naisip niyang sasabog ang
bahay kasama si Paulita. Mabilis na nagpasya ito na. Sa loob ay nagkatagpo ang nagpipiging ng
isang kaputol na papel na ganito ang nakasulat “Mane Thecel Phares, Juan Crisostomo Ibarra”.

You might also like