Professional Documents
Culture Documents
Buod NG El Filibusterismo
Buod NG El Filibusterismo
Nagulat ang binata at muling nagbalik ang kanyang alaala labing-tatlong taon na ang
nakakaraan. Dito nagkaroon ng linaw ang lahat, si Simoun at Crisostomo Ibarra ay iisa. Si
Basilio ang unang nakatuklas sa lihim ni Simoun at ito ay hindi naman pinasungalingan
noong sa huli.
Ngunit naging taliwas ito sa nangyari. Silang lahat na kasapi ng akademiya ng pag-
aaral ng wikang Kastila ay hinuli at ipinasok sa bilangguan. Hindi kalaunan, pinalaya na ang
lahat ng maliban kay Basilio na ulila nang lubos.
Nakarating kay Simoun ang kalagayan ng binata kaya agad niya itong tinulungang
makalaya. Paglabas ni Basilio sa karsel ay agad niyang pinuntahan si Simoun at buong
pagpapakumbaba niyang sinabi ang kanyang pakikiisa sa kanyang layunin.
Ginamit niya ang kanyang hulinh sandali upang ipagtapat ang lahat ng katotohanan
sa pari.Inamin niya ang kanyang buong pagkatao at ang kanyang layunin na pabagsakin ang
pamahalaan sa pamamagitan ng himagsikan. Bago dumating ang mga kinauukulan ay mabilis
na inipon ni Padre Florentino ang mga pera, alahas at lahat ng kayamanan ni Simoun.
Inilagay niya ito sa isang baul at itinapon sa dagat Pasipiko upang kailanman ay hindi na ito
magagamit at magdulot ng kasamaan.