You are on page 1of 2

Buod Ng El Filibusterismo

Mahigit labintatlong taon matapos ang pagkamatay nina Sisa at Elias.

May isang Bapor Tabo na naglalakbay sa Ilog Pasig. Nakasakay dito ang maraming mga taong
papunta sa Maynila. Kabilang sa kanila sina Simoun, Basilio, Isagani at ilang mga pari.

Pinuntahan agad ni Basilio ang puntod ng kanyang yumaong ina sa libingan ng mga Ibarra sa
may San Diego. Sa di-inaasahang pagkakataon, nakita niya ang mag-aalahas na si Simoun. Sa
pagtanggal nito ng salamin ay nakilala niyang si Simoun ay si Juan Crisostomo Ibarra pala.

Upang hindi na lumabas ang lihim nito, tinangka ni Simoun na patayin si Basilio. Ngunit,
nagdesisyon na lamang siyang isama si Basilio sa layunin niyang maghigante sa mga Kastila.
Tinanggihan naman ito ni Basilio sa kadahilanang gusto niyang makapagtapos ng pag-aaral.

Samantala, ang mga mag-aaral na Pilipino ay naghain ng isang kahilingan sa Kapitan Heneral na
magtatag ng isang akademya ng wikang Kastila. Subalit, hindi ito ipinagtibay dahil sa mga pari
na namamahala dito.

Nang muling magkita sina Simoun at Basilio ay muli niya itong kinumbinsi na magkaisa sa
paghihimagsik sa Sta. Clara. Hinimok niya pa itong gagawa ng siya ng isang pulutong upang
pasukin ang kumbento at sapilitang agawin si Maria Clara. Ngunit, sa kasamaang palad,
binawian ng buhay ang dalaga kinahapunan.

Samantala, ang mga mag-aaral ay nagkaroon ng isang pagtitipon sa Panciteria Macanista de


Buen Gusto na pagmamay-ari ng Intsik na si Quiroga. Dito ay nagtalumpati sila laban sa mga
pari dahil sa sama ng kanilang loob sa hindi pinagtibay ang hiling nilang pagpapatayo ng
akademya ng wikang Kastila.

Kinabukasan, sa Pamantasan ay natagpuan ang mga paskin na naglalaman ng paghihimagsik.


Nalaman ng mga pari ang tungkol dito at pinagbintangan ang mga mag-aaral na nagtalumpati sa
Panciteria. Nadamay pati si Basilio.

Labis na dinamdam ng kasintahan ni Basilio na si Juli ang nangyari sa kanya. Kaya kinumbinsi
siya ni Hermana Bali na lapitan ni Juli si Padre Camorra upang humingi ng tulong. Ito ay dahil
ang pari lang ang nag-iisang maaring lapitan upang mapalaya si Basilio.

Sa tulong ng mga kamag-anak ng mga mag-aaral ay napawalang-sala sila maliban kay Basilio
dahil sa wala siya kamag-anak.

Nagpakamatay naman si Juli sa pamamagitan ng pagtalon sa binta dahil hinalay siya ni Padre
Camorra.

Sa kabilang dako, nagpatuloy si Simoun sa balak niyang paghihiganti. Upang makamit iyon,
sumanib siya sa negosyo ni Don Timoteo Pelaez na ama ni Juanito. Si Juanito ay siya namang
ipinagkasundo na ipakasal kay Paulita Gomez at ang ninong ay ang Kapitan Heneral.
Pagkalipas ng dalawang buwan ay nakalaya si Basilio sa tulong ni Simoun. Dahilan kung
bakittinanggap ni Basilio ang alok ni Simoun na paghihimagsik.

Samantala, sa mangyayari piging sa kasal ni Jualito at Paulita ay inanyayahan ang lahat ng taong
may matataas na posisyon sa pamahalaan. Simantala ito ni Simoun upang maisagawa ang
paghihimagsik.

Naghandog siya ng magarang lamparang granada bilang handog sa ikakasal. Lingid sa kanilang
kaalaman, ang magarang lamparang iyon ay may lamang nitrogliserina. Sa panahong itataas ang
mitsa ay matapos ang dalawampong minuto ay sasabog ito ng malakas. Ito na ang magiging
hudyat ng pagsisimula ng paghihimagsik.

Sa araw ng kasal ay nagsimula na ang kanilang inihandang plano. Habang masaya ang lahat ay
hindi naman mapakali si Basilio sa labas. Doon ay nakita ni Basilio si Isagani na dating
kasintahan ni Paulita Gomez. Kinuwento ni Basilio kay Isagani ang kanilang plano at sinabihan
niya itong umalis na sa bahay na iyon para hindi madamay.

Unti-unti nang lumalamlam ang ilaw ng mitsa. Inutusan ng Kapitan Heneral si Padre Irene na
itaas na ang lampara. Biglang inagaw niIsagani ang lampara at inihagis sa ilog.

Nabigo ang plano ni Simoun kaya tumakas ito at pumunta sa bahay ni Padre Florentino. Uminom
siya ng lason dahil hindi niya gustong mahuli ng mga kuwardiya sibil ng buhay. Ipinagtapat niya
kay Padre Florentino ang kanyang buhay at ang plano niyang paghihiganti.

Sa oras ding iyon ay binawian na ng buhay si Simoun. Pumunta si Padre Florentino sa bato na
laging inu-upuan ni Isagani malapit sa dagat. Doon niya itinapon ang lahat ng mga naiwang
kayamanan ni Simoun.

You might also like