You are on page 1of 68

ARALIN 5:

Ang Pagwawakas ng El
Filibusterismo
Ang Nabigong Himagsikan
Kabanata 32-39
(Muling Salaysay ni Christopher Bryan A. Concho
Ang Ibinunga
ng mga
Paskin
Ang • Maraming magulang na ang hindi na pinag-
Ibinung aral ang kanilanag mga anak dahil sa
pagkakabilanggo ng mga mag-aaral
a ng •Bihira naring pumasa ang mga kasapi ng
mga kapisanan tulad nina Pecson, Tadeo, at
Paskin Juanito at tanging sina Isagani at Sandoval
lamang ang nakakapasa
•Agad namang nagtungo ng Europa si
Makaraig upang hindi maabutan ang
paghihigpit ng heneral
Ang •Hindi narin nakapagpatuloy sa pag-aaral si
Ibinung Basilio sapagkat nasa kulungan parin,
a ng nabalitaan niya rin ang nangyari kina Huli at
Tandang Selo
mga •Magkakaroon ng isang piging at idaraos sa
Paskin lalong madaling panahon. Para ito sa
pamamaalam ng kapitan-heneral at sasabay
na sakanya si Simoun
•Buwan nang Abril ng napabalitaang ikakasal
na si Juanito kay Paulita
Ang
• Nagbago ang damdamin ni Paulita kay
Ibinung Isagani dahil sa mga nangyayari sa mag-aaral
a ng dahil hindi niya nais na maging bahagi ng
mga kanyang buhay si Isagani dahil sa panganib na
maaaring idulot ng pakikibaka ng binata.
Paskin Iniisip din niyang kabaliwan lang ang
ginagawa ni Isagani na pagsuko ng kaniyang
sarili.
•Para sakanya si Juanito lang ang matalino at
wala nang hihigit pa sakaniya
Ang
Ibinung •Matapos ang kuwaresma, ipinagiba ang lahat
a ng ng bahay na pawid sa hindi malamang
dahilan.
mga •Nalimot ang lahat ng kaguluhang naganap
Paskin matapos ang buwan ng Abril
•Naging abala ang lahat sa kasal nina Juanito
at Paulita na idaraos dalawang araw bago ang
alis ng kapitan-heneral na pumayag maging
ninong.
Ang
Ibinung
a ng • Napabalitaang rin bukod sa regalo,
mga magsasabog din ng perlas at maglalabas ng
mga brilyante si Simoun sa kasal. Bunga nito,
Paskin marami ang nais mapalapit kina Simoun at
Don Timoteo na umaasang maaanyayahan.
Ang Huling
Matuwid
TALASALITAAN:
Prasko – uri ng bote na karaniwang ginagamit bilang
sisidlan ng pabango
Nitroglicerina – walang kulay, makapal, sumasabog,
at bahagyang nalulusaw na likido
Kiyosko – isang pavilion o maliit na estruktura
Anloague – pangalan noon ng isang kalye sa Binondo
na ngayon ay kilala bilang Kalye Juan Luna
Ang •Araw ng kasal. Maaga pa lang, abala na si
Simoun sa pag aayos ng kaniyang mga hiyas
Huling at armas dahil sasabay na siya sa pag-alis ng
Matuwi kapitan-heneral.
d •Kinahapunan, nagkulong lamang ito sa silid
at nagbilin na walang ibang papapasukin
maliban kay Basilio
•Pagdating ng binata, nagulat at naawa si
Simoun sa nakitang pagbabago sa hitsura nito.
Tila isang patay na nabuhay muli at
mababakas ang takot sakaniyang mukha
Ang
Huling •Sinabi ni Basilio kay Simoun na handa na
siyang ipaghiganti ang kaniyang kapatid at
Matuwi ina. Nakalaya sya dahil kay Simoun at handa
d niyang pagbayaran ito
•Inamin ni Simoun ang nabigong himagsikan
noong una dahil sa pag-urong-sulong niya at
ang pag-ibig kay Maria Clara. Ngunit ngayong
patay na ang dalaga, wala na siyang
pagaalinlangan pa
Ang •Winika ni Simoun na walang tumutulong sa
kaniya noon. Naduwag ang matatalino at
Huling naging sakim naman ang mga mayayaman.
Matuwi •Dinala niya si Basilio sa kaniyang
d laboratoryo. Ipinakita niya ang lamparang
gagamitin bilang bomba. Nabasa ni Basilio
ang nakasulat sa prasko. “Nitroglicerina!
Dinamita!” nangilabot ang binata
•Ayon kay Simoun, higit pa ito sa
nitroglicerina. Naroon ang natipon na luha,
poot, kasamaan, pag-uusig.
Ang •Iginiit din niyang magiging abo ngayung gabi
ang lahat ng mapaniil na nagtatago sa likod ng
Huling simbahan at pamahalaan
Matuwi •Inilahad ni Simoun ang plano. Sa gabi ng
d isang pagtitipon, ilalagay ang lampara sa isang
kiyosko na pagkakainan na si Simoun din ang
nagpagawa. Lalamlam ang liwanag nito
pagkalipas ng dalawangpung minuto. Kapag
itinaas ang mitsa nito upang paliwanagin ,
puputok ang kapsulang fulminato de mercurio
at sasabog ang granada.
Ang
Huling •Sinabi ni Simoun kay Basilio ang gagawin.
Matuwi •Ang pagsabog ng lampara sa ikasiyam ng
d gabi ang magiging hudyat na magsisilabasan
ang sandatahang mga kapus-palad, naaapi,at
inuusig ng batas. Magtitipon sila kasama si
Tales sa Sta.Mesa upang lusubin ang lungsod
Ang
Huling •Ang mga kawal na pinaniwala niyang ang
heneral ang may pakana ng himagsikan ay
Matuwi lalabas sa kanilang himpilan at babarilin ang
d sinomang ituro ni Simoun. Lalabas din ang
taong-bayan na mag aakalang papatayin sila.
Si Basilio ang mamumuno sakanila at
dadalhin kay Quiroga dahil andoon ang mga
armas
Ang
Huling •Magkikita naman sina Simoun at Kabesang
Matuwi Tales upang agawin ang siyudad.
d Pamumunuan naman ni Basilio ang mga
arabal at pakubkob sa mga tulay. Binilinan rin
siya ni Simoun na tipunin ang kaniyang
pangkat upang maging handa sa pagtulong sa
kanila ni Tales
Ang
•Inihabilin pa niya kay Basilio na patayin ang
Huling lahat ng laban o hindi sasama sa
Matuwi paghihimagsik sapagkat mag-aanak lamang
d ng alipin ang isang amang duwag
• Ano ang sasabihin ng daigdig sa ganyang
mga pagpatay?
• Papalakpak ang daigdig dahil hindi naman
nito papansinin ang sanhi kundi ang naging
bunga
Ang
Huling •Sabagay. Ano nga ba sa akin kung
Matuwi pumalakpak ang daigdig, sa ang daigdig ay
d wala namang pagtingin sa mga api at
mahihirap? Bakit ko lilingapin ang lipunan na
wala namang paglingap sa akin? Sabi ni
basilio na may hinanakit
•Ipinaliwanag muli sakanaya ni Simoun ang
plano at binigyang-diin ang halaga nito
Ang
Huling
Matuwi •Iniabot ni Simoun ang rebolber kay basilio ,
d ibiniling sa ikasampu ng gabi hintayin niya si
Simoun sa simbahan ng San Sebastian
•Sa ganap na ikasiyam, lumayo kayo sa daang
Anloague.
Ang Kasal
TAUHAN:
Basilio
Simoun
Juanito at Paulita – ang bagong
kasal
Don Timoteo – ama ni Juanito at
manugang ni Paulita
Sinong – ang kutserong binugbog
ng mga guardia civil
Ang •Dalawang oras bago mag himagsikan ay nasa
Kasal lansangan lang si Basilio. Binalak nyang pumunta
muna kay Isagani ngunit wala duon ang binata.
Naalala nya ang sasabog na lampara ngunit hindi
nya alam kung saan magmumula ang gulo dahil
hindi nya naitanong kay Simoun. Ang natatandaan
nya lang ay ang bilin ni Simoun lumayo sa
Anloague, kung saan ang bahay ni Kapitan Tiyago,
kaya nabuo ang kanyang hinala na duon
magsisimula ang pagsabog.
Ang
Kasal
•Bihis na bihis ang bahay ni Kapitan Tiyago dahil
duon ang pagdarausan ng kasal nina Juanito.
•Habang sya ay naglalakad ay nakita nya ang
dumaraang karwahe na sakay sina Juanito at
Paulita na nakapangkasal at sumagi sa isip nya ang
kaawa-awang si Isagani.
Ang
Kasal •Naisip nya rin na may asawa’t anak na sana sya at
isa nang doktor kung hindi lang sya nakulong.
Muli syang nalungkot at nagalit ng maalala ang
nangyari kay Huli.Maya-maya nakita na nya si
Simoun na lumabas ng bahay dala ang lampara na
maingat na nakabalot. Napansin naman nya ang
kutsero ni Simoun na si Sinong na dumalaw at
nagbalita sa kanya sa bilangguan tungkol kay Huli.
Ang
Kasal •Malaki ang pagbabago sa bahay ni Kapitan
Tiyago, nalagyan ito ng mga palamuti at pinalitan
ang mga palamuting nililok at larawang santo dahil
ayaw ni Don Timoteo ng gawa ng mga
Pilipino.Ang perang ipinautang ni Simoun kay
Don Timoteo ang ginamit sa paggayak ng
kabahayan. Masaya ang Don sa kinalabasan neto at
sa isiping ninong ng kaniyang anak ang kapitan-
heneral.
Ang Piging
TAUHAN:

Basilio Kapitan-
Simoun Heneral
Don Isagani
Timoteo Padre Salvi
Don Padre Irene
Custodio
Ang
Piging
•Mag-iikapito na ng gabi ng magdatingan ang mga
panauhin na batas sa antas sa lipunan ang
pagkakasunod-sunod. Hindi magkamayaw si Don
Timoteo sa pagyukod bilang pagbati sa mga bisita.
Ang
Piging •Matagal bago nakarating ang kapitan-heneral
kasama ang kaniyang maybahay na puno na
brilyante ang kasuotan. Nalulungkot ang kapitan
habang paakyat sila sapagkat matatapos na ang
panunungkulan nya sa Pilipinas at ramdam nya rin
na wala na masyadong paggalang ang bati sa
kanya ng mga tao. Isa itong palantadaan ng
kanyang pagtatapos sa kanyang panunungkulan,
ayon kay Ben Zayb.
Ang •Samantala, minamasdan ni Basilio ang mga
Piging panauhin sa tapat ng bahay at nakakaramdam ng
awa sa mga madadamay. Naisip nyang
magsumbong ngunit napawi ang kaniyang awa ng
makita sina Padre Irene at Padre Salvi.
•Nakita nya si Simoun na dala ang lampara.
Kinabahan si Basilio at naisip na iligtas ang mga
inosenteng madadamay ngunit hindi sya pinapasok
dahil sa kanyang kasuotan. Maya maya ay nakita
na nya si Simoun na nag mamadaling umalis.
Ang • Papaalis na sana si Basilio upang iligtas ang sarili
Piging ngunit nakasalubong nya si Isagani na pilit nyang
pinapaalis ngunit ayaw ng binata kaya’t napilitan
syang sabihin ang tungkol sa lamparang sasabog.
Hindi parin nagpapigil si Isagani dahil nais nyang
pagmasdan si Paulita sa huling pagkakataon.
• Nang makaalis si Basilio ay naalala ni Isagani
ang sinabi ng kaibigan at napagtantong hindi nag
bibiro ang binata sa pagsabog. Naisip si Paulita
na maaring masawi dito kaya’t agad syang
pumasok sa bahay.
Ang • Lumibot ang isang papel na may nakasulat na
Piging “Mane, Thecel, Phares” na nangangahulugang
“Ito ang katapusan ng inyong kapangyarihan” at
may lagdang Juan Crisostomo Ibarra.
• Namutla si Padre Salvi at tila nawalan ng lakas
dahil sa takot. Natakot din ang kapitan-heneral sa
nalaman kay Don Custodio na isang
pilibusterismo na sampung taon nang patay ang
may lagda ng sulat. Naisip naman ni Don
Custodio na maaring ang ibigsabihin neto ay
papatayin silang lahat ngayong gabi.
Mga
Kapighatian
ni Ben Zayb
TAUHAN:

Ben Zayb Padre


Kapitan- Camorra
Heneral Kabesang
Padre Irene Tales
Padre Salvi Simoun
tulisan
Mga • Nagmadaling umuwi si Ben Zayb upang maisulat na ang
Kapighati mga pangyayari. Nais niyang mabasa ng kapitan-heneral
an ni Ben ang mga papuri sa kaniyang pamamahala na may
kaugnayan sa naganap sa piging. Inilarawan niya ang
Zayb kaliksihan ng heneral. Sa husay ng pagkakalarawan,
nalayo na sa katotohanan ang mga pangyayari.
Nailarawan niya rin ang magnanakaw kahit hindi niya
ito nakita dahil madilim.
• Natapos nang malabo ang kaniyang lathala. Ipinadala
niya ito bago mag-umaga upang mailathala.
Kinabukasan, ibinalik sa kaniya ang kaniyang lathalain.
Ipinagbawal ng kapitan-heneral na ipakalat ang tungkol
sa nangyari sa handaan at pinabulaanan ang mga balita
Mga • Dinamdam ito ni Ben Zayb na humiling na magkaroon
Kapighati ng isa pang krimen upang may maisulat siya. Mahigpit
an ni Ben din na ipinagbilin na huwag nang hanapin ang
magnanakaw at ang lampara.
Zayb • Pinalad si Ben Zayb sa kaniyang hiling na magkaroon
ng krimen upang may mailathala siya. Ayon sa isang
tagapag-ulat, ang bahay-bakasyunan ng mga prayle sa
baybay ng Ilog Pasig ay nilooban at dalawang libong
piso ang nakuha rito. Malubha ring nasugatan ang isang
prayle at ang dalawang alila.
• Nagtungo agad si Ben Zayb sa lugar na pinangyarihan at
ang tinutukoy na paring nasugatan ay si Padre Camorra.
Mga • Mali ang mga detalyang nakarating kay Ben Zayb.
Kapighati Naiisip niyang palalain ang pagkakalahad niya sa
an ni Ben nangyaring panloloob dahil gusto niyang magamit ang
pangyayari upang hindi masayang ang pinagpaguran
Zayb niyang lathalain noong nakaraang gabi.
• Ang pagiging bayani ng kapitan-heneral at nina Padre
Irene at Padre Salvi ay iuugnay niya sa paring
nasugatan.
• Nagalit si Padre Camorra sa balak gawin ni Ben Zayb.
Ngunit para sa mamamahayag, walang halaga sa
kaniya ang katotohanan ng balita. Nagkaroon sila ng
mainit na pagtatalo at naputol lamang ito nang
malaman nilang nahuli ang isa sa mga tulisan .
Mga
• Ang nahuling tulisan ay kabilang sa pangkat ni
Kapighati Matanglawin o Kabesang Tales. Nagbigay ito ng
an ni Ben paglalarawan ukol sa namumuno sa kanila.
Zayb • Inilahad ng tulisan ang naging balak tungkol sa mga
panloob simula sa hudyat na pagsabog.
• Noong una ay hindi makapaniwala ang mga may
kapangyarihan sa pagkakasangkot ni Simoun sa mga
pangyayari.
• Kinahapunan, dumalaw si Ben Zayb kay Don
Custodio. Nag usap nang pabulong ang dalawa
patungkol sa ginagawang panukala na pagpatay kay
Simoun
Ang Hiwaga
TAUHAN:
Simoun Pamilyang
Isagani Orenda:
Don Timoteo Don Toringgoy
Juanito Kapitana Loleng
Chichoy Sencia
Binday
Tinay
Momoy/Moymoy
Ang
Hiwaga • Sa kabila ng paglilihim, napag-usapan ang nangyari. Ito
ang paksa sa bahay ng pamilyang Orenda sa Sta.Cruz ̶
ang amang si Don Toringgoy, asawang si Kapitana
Loleng, ang mga anak nilang sina Sencia, Binday,
Tinay na kaibigan ni Isagani, at si Momoy na nobyo ni
Sencia.
• Hindi nila maipagpatuloy ang ginagawa sapagkat
nakatuon sa usapan. Naroon din si Isagani at ang lahat
ay nakikinig sa ibinabalita ni Chichoy na isang platero.
Ang
• Namutla si Momoy sapagkat naroon din siya sa piging
Hiwaga at nakapuwesto malapit sa kiyosko. Ang balita pa,
maaring isang kaaway ni Don Timoteo o kaagaw ni
Juanito ang sinasabing naglagay nito ayon daw kay
Ginoong Pasta
• Pinatago ng kapitana ang binata dahil maaari daw
itong pagbintangan. Ayon sa ibinalita, hindi din
malaman ni Don Timoteo kung sino ang naglagay
gayong silang dalawa lamang ni Simoun ang
namahala sa kasal.
• Umubo si Kapitan Toringgoy at tumingin kay Isagani.
Ngunit nakatingin lang si Chikoy at umiling sa
Ang • Si Simoun daw ang naglagay ng mga pulbura.
Hiwaga Natahimik ang lahat sa pagkabigla at hindi
makapaniwala.
• Pinaghahanap na raw ng mga guardia civil ang mag-
aalahas. Naalala ni Momoy na nang gabing iyon,
umalis si Simoun upang kunin ang handog sa bagong
kasal.
• Unti-unti nang nabibigyang-linaw ang misteryo
tungkol kay Simoun: ang pagkakaroon niya ng
katakot-takot na kayamanan, ang amoy asupre
niyang bahay, at ang minsang bughaw na ningas sa
kaniyang tahanan.
• Napagtanto rin nila kung bakit namatay ang ilaw sa
Ang
• “Sayang! Masama ang ginawa ng magnanakaw,
Hiwaga muntik nang patayin lahat.” Lumapit si Momoy kay
Isagani. “kailanma’y hindi mabuti ang kumuha ng
ari ng iba” ang wika ni Isagani na mahiwagang
ngumiti. “Marahil, kung alam lamang ng
magnanakaw na iyon ang layunin at nakapag-isip
muna, hindi niya gagawin ang gayon. Bayaran man
ako, hindi ako lalagay sa kalagayang iyon.”wika ni
Isagani
• Matapos ang kanilang usapan ay nag paalam na si
Isagani sa mga Orenda.
Kasawian
TALASALITA
AN:kabyawan – gilingan ng tubo at kauri
nabulid – bumagsak mula sa isang
tungtungan o matatag na puwesto
bayoneta – patalim na matulis na
ikinakabit sa nguso ng riple
TAUHAN:
Matanglawin
Carolino
Mautang
Guardia civil
Tandang Selo
• Biglaan ang pagsalakay sa mga lalawigan ng
Kasawi kilabot ng Luzon na si Matanglawin. Sinunog
an niya ang kabyawan sa Batangas gayundin ang
mga pananim.
• Kilala na rin ang kaniyang kilabot sa Albay at
Cagayan. Kapg dumarating siya, kusang umaalis
ang mga magsasaka.
• Dahil sa ganitong pangyayari, nagiging kaawa-
awa ang mga naninirahan sa nayon na kung hindi
sa kaniyang kamay nahuhulog ay sa pamahalaan
naman.
• Ipinagpapasalamat niya ang ganitong pangyayari
Kasawi sapagkat sa halip na umayon ang mga tao sa
an pamahalaan, nagiging kakampi niya ang mga ito.
• Takot nang maglakbay ang mayayaman dahil
baka mabihag ng mga tulisan. Natatakot naman
ang mga mahihirap na mahuli ng mga guardia
civil dahil pahihirapan lamang sila.
• Isang tanghali, naglalakbay sa bundok ang
pinaghihinalaang bihag. Nakagapos sila at
binabantayan ng mga guardia civil.
• Mababakas din sa kanilang mukha ang kawalang-
Kasawi pag-asa, malubhang kalagayan, paki-usap sa
an pagdating ng kamatayan, at paglait sa Diyos dahil
sa tinamong kapalaran.
• Hinahagupit ng sanga ang mga bihag na
napapaupo sa panghihina. Nakakapagpahinga
lamang ang mga bihag kapag nagsisiinom ang
mga guardia civil.
• Hindi sumasang-ayon ang kawal na si Carolino
sa mga ganitong kalupitan. Sinigawan niya ang
guardia civil na si Mautang nang hindi na
• Ipinaliwanag naman ni Carolino na mga kaaway
Kasawi ang dapat pinagmamalupitan. Ang kanilang mga
an bihag ay mga kalahi nila. Sinabi ni Mautang na
ang dahilan ng kaniyang ginagawa ay upang
lumaban at tumakas ang mga ito at pagkatapos ay
maaari na nilang barilin. Hindi na lamang
umimik si Carolino.
• Sumigaw si Mautang na sumulong na sapagkat
mapanganib ang pook na iyon. Inulit ang
pamamalo hanggang sa may isang putok na
nanggaling sa itaas ng bundok. Tumama sa ito sa
dibdib ni Mautang.
Kasawi
• Ipinag-utos ng kabo na barilin ang mga bihag.
an Nagmamakaawa ang mga bihag na isinisigaw
ang pangalan ng kanilang pamilya.
• Maya-maya’y nakita nila ang isang lalaki sa
ibabaw ng isang bato na ikinakampay ang
kaniyang baril at tila humuhudyat. Iniutos ng
kabo na paputukan ito ngunit hindi ito tinamaan.
Sumigaw nang malakas ang lalaki ngunit hindi
nila ito maunawaan.
Kasawi • “Paputukan na siya!” utos sa kaniya ng kabo,
an kung hindi raw ay siya ang babarilin nito.
• Itinutok ni Carolino ang baril at pinutok.
Pagkaraan ng putok, gumulong ang nasabing
lalaki at nawalang kasabay ng isang malakas na
sigaw.
• Maya-maya’t isang lalaki na naman ang lumitaw
sa ibabaw ng bato at iwinawasiwas ang isang
sibat. Binaril ito ng mga kawal. Sa unang putok
ay nalaglag ang lalaki sa sanga.
Kasawi • Nagsiakyat sa batuhan ang mga guardia civil.
an Babagal-bagal naman sa paglalakad si Carolino
at iniisip pa rin ang tinig ng kaniyang nabaril.
Natagpuan ng isa sa mga unang kawal na
nakaakyat ang matandang lalaking agaw-buhay
na agad namang sinaksak ng bayoneta ng isa
pang kawal.
• Hindi man lamang kumurap ang matanda.
Nakatitig ito kay Carolino at nakaturo ang payat
na daliri sa likod ng mga bato.
Kasawi • Putlang-putla si Carolino at halos mawala sa
katinuan nang makilala niyang ang kaniyang
an ingkong na si Tandang Selo, ang matandang
lalaki.
• Si Carolino ay si Tano na anak ni Kabesang
Tales. Siya ay naging guardia civil muna bago
maging kawal at ipinadala sa Carolinas kaya
tinawag siyang Carolino. Kitang-kita niya sa mga
mata ng matanda ang matinding hirap at dusang
dinanas sa buhay.
Katapusan
TALASALITA
AN:armonium – instrumenting keyboard
na madalas tinutugtog sa simbahan.
Reclinatorio – luhuran sa pagdarasal
TAUHAN:
Padre
Florentino
Don Tiburcio
Simoun
• Tumutugtog ng malulungkot na himig sa kaniyang
Katapusa armonium si Padre Florentino sa kaniyang nag-iisang
n bahay sa baybay-dagat.
• Nakatanggap si Padre Florentino ng sulat nang
umagang iyon mula sa tenyente ng guardia civil.
Nakasaad dito ang babala ng kaibigang tenyente
tungkol sa utos ng komandante na puntahan ang bahay
ng padre sapagkat nabalitaang may nagtatagong
Espanyol dito.
• Umalis si Don Tiburcio sa pag-aakalang siya ang
tinutukoy sa liham kahit ipinaliwanag pa sa kaniya ni
Padre Florentino na hindi siya kundi si Simoun ang
maaaring inilalarawan.
Katapusa
• Dumating ito dalawang araw na ang nakararaan sa
n kaniyang bahay na duguan, pasan ang isang maletang
asero.
• Hindi niya batid ang mga nangyari sa Maynila at
ipinalagay niyang may kinalaman sa pagtatapos ng
panunungkulan ng kapitan-heneral ang sinapit ni
Simoun.
• Bagama’t hindi buong pusong nagtitiwala, hinayaan ni
Simoun na alagaan siya ni Don Tiburcio.
• Nilimot ni Padre Florentino ang mga sama ng loob kay
Simoun. Hindi siya pinagbigyan ng mag-aalahas nang
lumapit siya upang tulungan ang nakabilanggong si
Katapusa • Kinalimutan na rin niya ang ginawang pagmamadali ni
n Simoun sa kasal nina Paulita at Juanito na nagtulak kay
Isagani upang lumayo sa mga tao.
• Habang nasa ganitong pag-iisip si Padre Florentino,
nilapitan siya ng isang alila upang ipabatid na
hinahanap siya ni Simoun.
• Tinanong ng padre ang sugatang bisita kung
nahihirapan ito. Inamin sa kaniya ni Simoun na
uminom siya ng lason at nalalapit na ang kaniyang
wakas.
• Hindi niya gustong maabutan siya ng buhay ng mga
guardia civil.
Katapusa • Agad naghanap ng panlaban sa lason si Padre
n Florentino ngunit sinigawan siya ni Simoun at sinabing
wala na ring mangyayari.
• Ipinakilala ni Simoun ang kaniyang tunay na pagkatao
bilang Crisostomo Ibarra na labis na ikinagulat ni Padre
Florentino. Ibinahagi ng mag-aalahas na labintatlong
taon na ang nakalilipas nang umuwi siya galling
Europa upang pakasalan ang kasintahang si Maria
Clara.
• Napurnada ang kaniyang plano nang isangkot siya ng
mga kalaban sa isang gawa-gawang kaguluhan.
• Tumakas siya tangan ang kayamanan ng mga
Katapusa magulang. Nangalakal at nakidigma siya sa Cuba. Dito
n niya nakilala ang kapitan-heneral na noon ay
komandante pa lamang. Tinulungan niya ito upang
maging kasangkapan sa paghihiganti.
• May paghihinakit na itinanong ni Simoun kung bakit
hindi siya tinulungan ng Diyos.
• Sinabi ng padre na hindi sang-ayon ang Diyos sa
pamamaraan na pinili ng mag-aalahas.
• Idinaing ni Simoun na sana’y hindi ipinagkait ng Diyos
sa bayan ang kalayaan dahil sa kaniyang pagkakamali
at itinanong kung ano dapat ang gawin.
Katapusa • “Magtiis at gumawa!” ang sagot ng padre.
n • Napailing si Simoun. Madali lang daw sabihin ito ng
mga taong di pa nakararanas na maghirap at magtiis.
• Isang Diyos daw na ang nagpaparusa sa kakulangan n
pananalig at sa mga gawaing masama. Marapat
umanong pagtiisan ang ibinunga ng kasamaan na tayo
rin naman ang may likha. Kaya sabi ng padre ay hindi
niya ipinapayo ang paggamit ng patalim sa pagkamit
ng kalayaan. Ang mainam ay tuklasin ito sa
pagpapataas ng uri ng pagkatao, karangalan, katwiran,
sa pag-ibig sa kabutihan, katapatan, kadakilaan, at
mamamatay nang dahil dito.
Katapusa • “Ngunit ang mga Indio ay walang sapat na lakas ng
n loob na ipahayag ang kanilang nasasaloob at ipaglaban
ang kanilang mga karapatan sa pamamagitan ng
pagpapakasakit at ng sariling dugo; hanggang
ikinahihiya nila ang kanilang sarili, hindi tumututol sa
pamamaslang, sa mahahalay na gawain, nakikiamot sa
nasasamsam, at labis-labis ang pagiging makasarili—
bakit bibigyan ng paglaya? Sa piling ng Espanya o
hiwalay rito, hindi sila magbabago at marahil ay lalo
pang sasama. Ano ang kailangan ng pagsasarili kung
ang alipin ngayon ay siya namang maniniil bukas?”
ang sagot ng mag-aalahas.
Katapusa • “Ginoong Simoun, samantalang ang ating bayan ay hindi pa
handa, at ang mga paghihimagsik ay udyok lamang ng
n pandaraya o panlilinlang, lahat ng pagtatangka ay masasayang
lamang. Mabuti na ang mabigo,” Wika ni Padre Florentino,
• Pabulong na nagwika si Padre Florentino: “Nasaan ang
kabataang magbububo ng kanilang dugo upang hugasan ang
maraming kahihiyan, ang gayong karaming krimen, ang gayong
karaming bagay na nakamumuhi? Malinis at walang bahid-
dungis ang kailangang maging buhay na alay upang ang handog
ay maging karapat-dapat. Saan kayo nangaroroon, kabataang
nagtataglay ng mga kaisipang bumatik sa aming mga utak, at
ang lagablab ng kasiglahang namatay na sa aming puso?
Hinihintay namin kayo, o kabataan! Halikayo at kayo’y aming
hinihintay.”
Katapusa • Nangilid ang luha ng padre. Maya-maya lamang ay
n binawian ng buhay si Simoun. Nanalangin si Padre
Florentino. Pagkaraan ay tinawag niya ang mga
kasambahay, pinaluhod at pinagdasal.
• Lumabas sa silid ang padre. Tangan ang maletang asero
na dala ni Simoun nang dumating, nagtungo siya sa
talampas sa tabi ng dagat, at saglit na nag-alinlangan sa
kaniyang gagawin. Nang matiyak na siya’y nag-iisa
lamang doon, itinapon niya ang sisidlan ng kayamanan
ni Simoun upang hindi na makapag-udyok pa ang
kasamaan. Tuluyang nilulon ng dagat ang kayamanang
yaon.
ng s n g
A t a po
t a
Pag to
e n
Kw

You might also like