You are on page 1of 3

Kabanata 34:

Nasa lansangan si Basilio at tumungo sa kaibigang si Isagani upang makituloy. Ngunit wala ang
kaibigan sa bahay nito at maghapon daw na di umuwi.
Iniisip ni Basilio ang magaganap na pagsabog. Ikawalo na ng gabi at kakaunting sandali na
lamang ay sasabog na ang lampara.
Nakita niyang bumaba sina Paulito at Juanito sa sasakyan bilang bagong kasal. Nahabag siya
para sa kaibigang si Isagani.
Inisip niyang ayain ito sa himagsikan ngunit naisip niyang di ito papayag dahil wala pa namang
pasakit na naranasan sa buhay. Naisip din ni Basilio ang ina at kapatid. Kaya hindi na rin siya
makapaghintay sa mangyayaring pagsabog.
Dumating na rin si Simoun sa bahay ni Kapitan Tiago kung saan gaganapin ang piging. Dala nito
ang lamparang mayroong pampasabog.
Nanumbalik sa alaala ni Basilio ang mga panahong nasa tahanan siya ni Tiago. Nakita niya kung
gaano karangya ang bahay at kagamitan sa tahanan ni Kapitan Tiago.
Naghihintay sa kanto si Basilio ng makita niya si Paulita
Basilio: Si Paulita! Kaawa-awang Isagani! (Sinabi niya ito habang pumipiling)
Pagkatapos makita ni Basilio si Paulita, nakita niyang lumabas si Simoun dala ang malaking
lampara.
Naganap ang pagdiriwang dahil sa kasalan, ang bagong kasal ay nagdiriwang. ANg mga diyos-
diyosan naman ay nasa gitna ng maluwag na asoseta.
Nasa sa daan si Basilio. Ika-8 ng gabi. Makikituloy sana siya kina Isagani nguni’t hindi umuwi
ang kaibigan sa buong araw na iyon. Dalawang oras na lamang at sasabog na ang ilawan ni
Simoun.
Maraming dadanak na dugo. Marami ang mamamatay. Sinalat ni Basilio ang kanyang rebolber
at mga bala. Naalala niya ang babala ni Simoun na siya ay lumayo sa daang Anloague.
Naghinala si Basilio. Ang bahay ni Kapitan Tiyago ay nasa daang iyon.May binanggit na
kasayahan si Simoun. Sa bahay na iyon idaraos ang piging sa kasal nina Paulita at Juanito.
nakita niyang dumating ang sasakyan ng bagong kasal. Nahabag si Basilio kay Isagani. Naisip
niyang yakaginng sumama sa kanya si Isagani.Siya rin ang tumugon.
Hindi papayag si Isagani sa gayong madugong pagpatay sa marami. Hindi pa nararanasan nito
ang nangyari sa kanya.
Nagunita niya ang pagkabilanggo, ang kabiguan sa pag-aaral,ang nangyari kay Huli.
Muling hinaplos ang puluhan ng rebolber at ninasang dumating na sana ang sandaling
hinihintay. Nakita niyang dumating si Simoun.
Si Sinong ang kutsero ni Simoun. Sumunod ang sasakyan ni Simoun sa mga bagong kasal.
Nagtungo si Basilio sa Anloague.
Doon ang tungo halos ng lahat – sa bahy ni Kapitan Tiyago.
Ang Kapitan Heneral ang ninong at dadalo sa hapunan, dala ang isang tanging ilawang handog
naman ni Simoun.
Ang mga dingding ng bahay ay dinikitan ng magagarang papel ar magagarang aranya at mga
bulaklak ang palamuti.
Mga angkat ang alpombra. Kurtinang pulang pelus na nabuburdahan ng ginto at may unang
titik ng pangalan ng mag-asawa.
May tinuhog na artipisyal na bulaklak ng suha. Magarang- magara ang bahay na iyon. Parang
hapag ng mga diyoses ang pagdarausan ng hapunan.
Ang mesa para sa mga dakilang panauhin at mga diyus-diyusan ay sa asotea nakalagay. Pipito
ang doon ay luluklok.
Naroon ang pinakamasarap at pinakamamahaling alak.
Ubos-kaya si Don Timoteo.Kung sinabi lamang ng Heneral na ibig nitong makain ng tao,
gagawin iyon ni Don Timoteo.

You might also like