You are on page 1of 11

Kabanata 27

Ang Prayle at ang Estudyante

Nasa tanggapan ni Padre Fernandez si Isagani. Inusig ng pari si Isagani sa pagtatalumpati nito.

Tinatapat siya ng binata na hinangaan naman ng pari dahil karaniwan daw sa mga ganoon ay
tumatanggi. Sumagot si Isagani na kung ano raw ang mga mag-aaral ay dahil iyon sa mga pari.

Nagpalitan ng papuri ang dalawa sa kabila ng palitan ng argumento. Gayunman, naisa-isa ni Isagani ang
mga sakit ng mga pari sa pagiging guro. Sinabi naman ng pari na malabis na ang sinasabi ni Isagani.

Nagpatuloy si Isagani at sinabing ang kalayaan at karunungan ay kasama sa pagkatao ng mga nilalang.
Nagwika din si Isagani tungkol sa gawain ng mga pari na pandaraya at panlalamang sa mga Pilipino
upang maging maginhawa lamang.

Hindi nakapagsalita ang pari at ngayon lamang niya naranasang magipit sa pakikipagtalo sa isang
estudyanteng Filipino.

outlined:

Pumunta si Isagani sa Padre, nagkwentuhan, palitan ng argumento, naipit si Padre sa kanyang


estudyante dahil sa mga pahayag ni Isagani.

Kabanata 28

Pagkatakot

Nagwika si Ben Zayb na wasto ang kaniyang sinasabi na masama sa Pilipinas ang pagkatuto ng mga
kabataan.

Nagdulot ng takot sa lahat ang mga paskil, kabilang ang mga dayuhan. Hindi na rin dumalo sa pagtitinda
ni Quiroga ang mga pari.
Nais namang konsultahin ni Quiroga si Simoun tungkol sa mga sandatang nakatago sa ilalim ng bahay.
Ngunit nagpaabot lang ng mensahe si Simoun na wag galawin ang mga ito.

Nagpunta siya kay Don Custodio ngunit ayaw din nito ng bisita dahil sa takot kaya kay Ben Zayb siya
nagtungo. Nakita niya ang dalawang rebolber sa ibabaw ng mga dokumento ng manunulat kaya umalis
na ito agad.

Nagpunta naman si Padre Irene sa bahay ni Tiago upang ibalita ang kahindik-hindik na pangyayari.
Nabalisa si Tiago dahil sa takot at di kinaya ang kuwento. Nawalan na ito ng buhay. Kumaripas naman ng
takbo ang pari.

May napabalita namang may nagpaagaw ng salapi sa isang binyagan na pinagkaguluhan ng mga tao
roon. Inakalang mga pilibustero ang gumawa noon.

Hinabol ng mga sibil ang mga ito. May nahuli ring dalawang lalaking nagbabaon ng mga armas na
hinabol din ng mga sibil habang isang beterano naman ang napatay.

outlined:

Ipinakita ang takot ng bawat karakter dahil sa mga paskil sa bayan, kinonsulta ni Quiroga si Simoun
ukol sa armas, kay Don Custidio na ayaw ng bisita, kay Ben Zayb nang makita ang baril ay umalis, si
Padre Irene kay Kap Tiago na nahimatay, may nagpapaagaw ng salapi, hinabol ng guardia, may
namatay.

Kabanata 29

Ang Huling Pati-Ukol kay Kapitan Tiago

Abala ang marami sa gaganaping marangyang libing ni Kapitan Tiago. Napunta ang naiwan niyang
kayamanan sa Sta. Clara, sa Papa, at sa mga pari. Ang dalawampung pisong natira ay ibinahagi bilang
pangmatrikula ng mga mag-aaral.

Hindi malaman noong una kung ano ang damit na isusuot ni Tiago sa kaniyang libing. May nagmungkahi
na isang damit-Pransiskano, at mayroong nagsabing isang prak na paborito ng Kapitan. Ngunit nagpasya
si Padre Irene na isang lumang damit na lang ang isusuot.
May mga usapang ding nagpapakita ang kaluluwa ni Tiago bitbit ang kaniyang panabong na manok
habang puno ang bibig ng nganga. Sinabi tuloy ng iba na hahamunin ni Tiago ng sabong si San Pedro sa
langit.

Marangya ang libing na maraming padasal at paawit. Marami ding kamanyan at agua bendita na inialay
sa kabaong.

Ang katunggali naman ni Tiago na si Donya Patrocinio ay inggit na inggit sa libing ni Tiago at nais na ring
mamatay upang mailibing rin nang marangya.

outline:

Pinaghahandaan ang libing ni Tiago, pinamigay ang salapi, pumili ng kasuotan, chismis sa kaluluwa,
inggit ni Patrocinio

Kabanata 30

Si Juli

Malaking usapan sa San Diego ang pagpanaw ni Kapitan Tiago at pagkakahuli kay Basilio. Labis namang
nalulungkot si Juli dahil sa nangyari sa kasintahan.

Sa pagnanais na makalaya si Basilio ay naisip niyang lumapit kay Padre Camorra. Ngunit nag-aalangan ito
dahil sa maaaring gawin sa kaniya. Gayunman, ilang gabi nang binabagabag si Juli sa kaniyang panaginip.

Nabalitaan pa nitong nakalaya na ang mga kasama ni Basilio dahil sa tulong ng mga kaanak. Naisip
niyang wala nang tutulong kay Basilio dahil wala na rin si Tiago.

Ayaw man niya ay nagtungo si Juli kay Padre Camorra bilang nag-iisa niyang pag-asa para sa nobyo.
Nagtungo si Juli sa kombento.

At tulad ng naiisip ni Juli, hinalay siya ng pari. Dahil hindi kinaya ang kahihiyang ginawa, tumalon si Juli sa
bintana ng kombento.
Hindi kinaya ng lolo ni Juli na si Tandang Selo ang nangyari sa apo. Wala siyang makuhang hustisya para
sa apo kaya sumama na lamang ito sa mga tulisan ng bayan.

outline:

Nalungkot si Juli sa mga nangyari, sinubukang tulungan si Basilio, lumapit kay Camorra, hinalay siya,
nagpakamatay, sumali sa tulisan si Tandang Selo

Kabanata 31

Ang Mataas na Kawani

Sa tulong ng mamamahayag na si Ben Zayb, hindi lumabas sa mga pahayagan ang pagkamatay ni Juli.
Tanging lumabas sa mga sirkulasyon ay ang kabutihan ng Heneral na gawa-gawa lamang nila.

Nakalaya na sa piitan sina Isagani at Makaraig. Si Basilio na lamang ang nasa loob ng bilangguan.

May dumating na mataas na kawani at nais nitong palabasin si Basilio sa kulungan. Sinabi niyang mabuti
si Basilio at sa katunayan ay malapit nang matapos sa kurso sa medisina.

Gayunman, lalo lamang napahamak si Basilio sa sinabi ng kawani. Panay kasi ang pagtuligsa ng Heneral
sa mga sinasabi nito.

Sinabihan ng kawani ang heneral na dapat itong matakot at mahiya sa bayan. Sabi naman ng heneral, sa
Espanya siya may utang na loob dahil sila ang nagbigay ng kapangyarihan at hindi ang mga Pilipino.

Bigong lumisan ang kawani na kinabukasan ay nagbitiw umano sa puwesto at babalik na lamang
Espanya.

outline:

Di lumabas ang pagkamatay ni Juli, nakalaya si Isagani at Makaraig, dumating ang mataas na kawani,
sinubukang palayain si Basilio, tumutol ang heneral, umalis siya at bumalik espanya

Kabanata 32
Ang Bunga ng mga Paskil

Nagbago ang mukha ng edukasyon sa San Diego dahil sa nangyaring pagpapaskil. Wala na halos mga
magulang ang nagpapaaral ng mga anak. Habang bihira naman ang nakakapasa sa mga pagsusulit.

Kabilang sa mga hindi nakapasa sina Makaraig, Juanito Pelaez, Pecson, at Tadeo. Natuwa pa si Tadeo na
di nakapasa at sinunog pa ang mga libro nito.

Nagmamadali namang nagpunta ng Europa si Makaraig habang si Juanito naman ay kasama ng ama nito
sa negosyo.

Pinalad namang makapasa sina Isagani at Sandoval habang wala pang pagsusulit si Basilio dahil nasa
piitan pa ito.

Nabalitaan na rin ni Basilio ang nangyari kay Juli at ang nawawalang si Tandang Selo dahil sa kutserong si
Sinong na tanging dumadalaw kay Basilio.

Napabalita ring ikakasal na sina Juanito at Paulita. Dahil doon ay magkakaroon umano ng isang piging na
inaabangan na ng mga tao roon. Ito ang unang malaking pagtitipon matapos lumaganap ang takot sa
kanilang bayan.

outline:

Dahil sa paskil, nagbago ang edukasyon, sinunog ni Tadeo ang mga libro, pumunta sa Europa si
Makaraig, tumulong sa ama si Juanito, nakapasa si Isagani at Sandoval, nabalitaan lahat ni Basilio,
ikakasal si Juanito at Paulita.

Kabanata 33

Ang Huling Matuwid

Isang hapon ay nagkulong si Simoun sa kaniyang kuwarto at ayaw magpaabala. Tanging si Basilio lamang
daw ang papapasukin kapag dumating ito. Ilang sandali pa ay dumating na rin ang binata.
Laking gulat ni Simoun sa hitusra ni Basilio. Payat na payat ito, magulo ang pananamit, at tila isang patay
na nabigyan lamang muli ng buhay.

Agad na ipinarating ni Basilio ang kagustuhan nitong umanib kay Simoun at sumama sa mga plano nito
na dati ay tinanggihan niya. Naisip daw kasi niya na hindi pa niya naigaganti ang kaniyang magulang at
kapatid na yumao.

Natuwa naman si Simoun at nagpunta sila sa laboratoryo at doon ay ipinakita ang isang pampasabog.
Sabi ni Simoun ay gagamitin daw ito sa Kapistahan.

Tila isang ilawan o lampara ang anyo ng pampasabog na gagamitin nila. Nagbilin si Simoun na magkita
sila ni Basilio sa tapat ng parokya ng San Sebastian para sa huling pagpaplano.

outline:

Nagkulong si Simoun, dumating si Basilio, umanib kay Simoun, may pampasabog na anyong lampara

Kabanata 34

Ang Kasal ni Paulita

Nasa lansangan si Basilio at tumungo sa kaibigang si Isagani upang makituloy. Ngunit wala ang kaibigan
sa bahay nito at maghapon daw na di umuwi.

Iniisip ni Basilio ang magaganap na pagsabog. Ikawalo na ng gabi at kakaunting sandali na lamang ay
sasabog na ang lampara.

Nakita niyang bumaba sina Paulito at Juanito sa sasakyan bilang bagong kasal. Nahabag siya para sa
kaibigang si Isagani.

Inisip niyang ayain ito sa himagsikan ngunit naisip niyang di ito papayag dahil wala pa namang pasakit na
naranasan sa buhay. Naisip din ni Basilio ang ina at kapatid. Kaya hindi na rin siya makapaghintay sa
mangyayaring pagsabog.
Dumating na rin si Simoun sa bahay ni Kapitan Tiago kung saan gaganapin ang piging. Dala nito ang
lamparang mayroong pampasabog.

Nanumbalik sa alaala ni Basilio ang mga panahong nasa tahanan siya ni Tiago. Nakita niya kung gaano
karangya ang bahay at kagamitan sa tahanan ni Kapitan Tiago.

outline:

Hinanap ni Basilio si Isagani, dumating ang bagong kasal, naawa si Basilio, ninais ayain si Isagani sa
himagsikan, pumunta sa bahay ni Tiago kung saan gaganapin ang pagsasalo

Kabanata 35

Ang Piging

Nag-umpisa nang dumating ang mga bisita sa piging. Naroon na ang bagong kasal kasama si Donya
Victorina. Nasa loob na rin ng bulwagan si Padre Salvi pero ang heneral ay hindi pa dumarating.

Nakita na rin ni Basilio si Simoun dala ang ilawan na pampasabog. Nang mga oras na iyon, nag-iba ang
pananaw ni Basilio at nais nang maligtas ang mga tao sa loob sa nakatakdang pasabog mula sa lampara.
Ngunit hindi siya pinapasok dahil sa madungis niyang anyo.

Sa di kalayuan ay nakita niya ang kaibigang si Isagani. Dali-daling umalis ang binata mula sa usapan dahil
naisip si Paulita.

Habang nasa itaas naman, nakita nila ang isang papel na may nakasulat na “MANE THACEL PAHRES JUAN
CRISOSTOMO IBARRA.”

Sabi ng ilan ay biro lamang iyon ngunit nangangamba na ang ilan na gaganti si Ibarra. Sinabi ni Don
Custodio na baka lasunin sila ni Ibarra kaya binitiwan nila ang mga kasangkapan sa pagkain.

Nawalan naman ng ilaw ang lampara. Itataas sana ang mitsa ng ilawa nang pumasok naman si Isagani at
kinuha ang ilawan at itinapon sa ilog mula sa asotea.
outline:

Nagdatingan ang mga bisita, nakahanda na ang lampara, nakita ni Basilio si Isagani at sinabi ang
plano,nagambala ang mga tao sa higanti ni Ibarra, pumanhik si Isagani, kinuha ang lampara at tinapon
sa ilog

Kabanata 36

Mga Kapighatian ni Ben Zayb

Agad na umuwi si Ben Zayb mula sa bahay ni Kapitan Tiago at hindi makatulog. Dito ay nakaisip na
naman niyang gumawa ng balita na bayani raw ang kapitan, ang mga prayleng sina Salvi at Irene, at si
Don Custodio.

Gayunman, ibinalik ng patnugot ng kanilang diyaryo ang sulat ni Ben dahil ipinagbawal daw ng heneral
ang pag-alala sa anumang nangyari noong gabing iyon.

Nabalitaan naman ni Ben ang pagsulob sa Ilog Pasig. Ninais na naman niyang gumawa ng balita ukol
doon.

Ngunit natagpuan niya ang sugatang si Padre Camorra na pinagnakawan daw ng mga naghimagsik.
Gustong dagdagan ni Ben ang bilang ng mga lumusob.

`May nahuli sa mga tulisang naghimagsik. Umamin itong kasama sila sa pangkat ng isang alyas
Matanglawin. Hudyat daw ng paglusob nila ang pagputok na nangyari.

Di naniniwala ang mga nag-aklas na si Simoun ang pinuno nila. Ngunit nawawala na si Simoun at wala na
rin ang mga armas doon.

outline:

Naghahanap ng balita si Ben Zayb, pinagbawalan ang paglalaganap ng nangyari noong gabi, pumunta
sa Ilog Pasig, natagpuan si Camorra, mya tulisang nahuli, di makapaniwalang si Simoun ang pinuno
nila, ang pagsabog anya ang hudyat ng himagsikan, nawawala si Simoun

Kabanata 37
Ang Hiwagaan

Kahit na gumawa ng hakbang ang pamahalaan ay lumaganap pa rin ang balita sa mga mamamayan. Isa
sa mga sanhi ng pagkalat ng balita ay si Chikoy na nagdala ng alahas kay Paulita.

Kaniya-kaniya nang hula ang mga tao sa kung sino ang maysala. May nagsasabi na si Don Timoteo o si
Isagani na kaagaw ni Juanito kay Paulita. Binalaan si Isagani ng may-ari ng tinutuluyan ngunit di ito
nakinig.

Nagpatuloy ang mga usapan tungkol sa pagsabog. Lumakas ang hinala ng mga naroon nang maisip nila si
Simoun.

Kapansin-pansin daw kasi ang pag-alis niya bago ang hapunan. Sila rin umano ni Don Timoteo ang nag-
ayos ng piging at pinaalis ang lahat.

May mga nagsabi naman na baka mga prayle ang nagpasabog. Mayroon ding naniniwala na si Quiroga o
si Makaraig.

Ngunit buo na sa isip nila na si Simoun dahil kasalukuyan na ring nawawala ito at pinaghahanap na ng
mga sundalo.

outline:

Lumaganap pa rin ang balita ukol sa gabing iyon, maraming pinaghinalaan, nabuo ang isip nila nang
mawala si Simoun

Kabanata 38

Kasawiang Palad

Pinagdadakip ng pamahalaan ang pinaghihinalaang tulisan upang mawala ang kanilang mga
kinatatakutan.
Ang mag dinadakip ay pinahihirapan ng mga sibil na Pilipino. Iginagapos ang mga ito at pinalalakad ng
tanghali. Ginagawa nila nang walang anumang pananggalang sa init sa tanghali ng Mayo.

Nagwika si Mautang na isang Pilipinong guwardiya sibil na may karapatan silang pahirapan ang mga
nakapiit dahil pare-parehas naman silang mga Pilipino.

Maya-maya pa ay may mga tulisang sumugod at pinaulanan sila ng bala. Nasawi si Mautang at ang ilan
pang mga sibil.

May nakita naman si Carolino na isang lalaki sa may talampas na itinataas ang kaniyang baril ngunit di
niya ito makita nang maayos dahil tirik ang araw.

Nakita ni Carolino ang isa sa mga nabaril nila. Nakita niyang iyon ang kaniyang Lolo Selo. Tumuturo ito sa
talampas na ilang sandali lang ay nawalan na ng buhay. Hindi makapaniwala si Carolino na mapapatay
niya ang kaniyang lolo.

outline:

Ipinadakip ang mga tulisan, pinahirapan ang mga ito, pinaulanan ng bala ang mga guardia sibil, may
nabaril si Catalino na ang kanyang palang Lolo Selo

Kabanata 39

Ang Katapusan

Nagmamadaling umalis si Don Tiburcio dahil akala ay siya ang pinadadakip na Kastila. Ngunit ang
tinutukoy ay si Simoun na nasa puder ni Don Florentino.

Natagpuan niya si Simoun na sugatan at sinabi naman ng alahero na nakuha niya ang sugat sa isang
aksidente.

Naghihinala naman ang pari sa katotohanan. Nalaman niyang isang tulisan si Simoun nang mabasa ang
telegrama. Tanging si Don Tiburcio lamang ang nais ni Simoun na mag-alaga sa kaniya.
Tumigil sa pagtugtog ng kaniyang harmonya ang pari. Naisip kasi nito ang pakutyang pag-ngiti ni Simoun.

Nanumbalik ang lahat ng ginawa ni Simoun—ang pagpapalaya ni Simoun kay Isagani sa piitan at ang
paggawa nito ng paraan upang makasal sina Paulita at Juanito.

Agad na pinuntahan ng pari si Simoun sa silid nito. Nakita niyang tila nanghihina na ang alahero, tila may
malubhang sakit. Nalaman ng pari na nagpatiwakal ito at uminom ng lason. Dinasalan ng pari ang binata
hanggang nalagutan ng hininga.

outline:

Natagpuan ni Florentino si Simoun na sugatan, nalamang tulisan ito, naalala ang magagandang
ginawa nito, pinuntahan sa silid at nang malamang uminom ito ng lason at nagpatiwakal ay dinasalan
ito, ang mga alahas ni Simoun ay pinaanod sa Ilog.

You might also like