You are on page 1of 4

El Filibusterismo

Araw ng Himagsikan

Tauhan:
Simoun, Basilio, Isagani, Paulita, Juanito Pelaez, Kapitan-Heneral, Padre Salvi, Don Custodio,
Padre Irene, Sarhento, Tano, Tandang Selo at Kabesang Tales

TAGAPAGSALAYSAY: Sa handaan sa kasal nina Juanito Pelaez at Paulita,


masayang-masaya ang mga paunahin katulad na lamang ng
Kapitan-Heneral at iilan sa mga kilalang prayle. Naroon din
si Simoun. Hindi lang para sa kasal siya naroroon, pati na rin
ang plano niyang paghihiganti. Dala-dala niya ang kaniyang
regalo sa bagong mag-asawa – isang lámpara.
SIMOUN: Magandang araw sa inyong lahat.
KAPITAN: Magandang araw din sa inyo Ginoong Simoun. Ano yang
dala-dala mo?
SIMOUN: Ah? Eto? Eto ang aking regalo para p osa inyo Kapitan.
SIMOUN: Ipagdiwang natin ang tatlong taon mong panunungkulan,
Kapitan-Heneral. Tatlong taong pagsasabog ng liwanag at
katotohanan sa sangkapuluan. Naririto ang handog kong
regalo sa mag-asawa. Isa itong lampara na sa pakiwari ko
ay simbolo ng kaliwanagang handog mo rin sa lahat ng mga
mamamayan.
[Natanawan ni Basilio na pinaligiran ng mga nag-uusyosong panauhin si Senyor
Simoun nang ilapag nito sa mesang kainan at alisan ng pulang laso ng magandang
lampara. Sinindihan ito ni Simoun.]

[Lalong napamangha at napapalatak ang lahat nang sindihan ng mag-aalahas ang


walang kasinggandang ilawan. Ang lahat ay giliw na giliw sa lamparang tila ba
nagliliwanag habang pinupuri ng kalalakihan at pinapangalawahan ng mga
kababaihan.]

BASILIO: Kaawa-awang mga kaluluwa (bumulong)


TAGAPAGSALAYSAY: Nanginginig ang mga tuhod na binagtas ni Basilio ang daan.
Yari na sa loob niya ang gagawin. Papasok siya sa
tarangkahan at papanhik sa azoteang kinaroroonan ng mga
panauhing pandangal. Pero nakaligtaan nga pala niyang
pormal na magbihis. Ang damit na walang kaayusan ang
dahilan kaya sinita siya ng mga nagbabantay.
BASILIO: Maari po ba akong makapasok. Gusto ko sanang Makita at
batiin ko ng personal ang aking kaklase na si Juanito.
SUNDALO: Hindi pwede! Bawal ka dito!
SUNDALO: Bilin sa amin na huwag magpapasok ng mga hindi nakasuot
ng pormal na damit.
Tumalikod na lang ang binata nang akmang tatawag ng mga
gwardya sibil ang isa sa mga tagabantay na animo kung
sinong mag-aasta gayong kilala naman si Basiliong dati’y
pinaglilingkuran nila.
[Dali-dali namang pumanaog si Simoun]
SIMOUN: Sa Escolta! Dalian ninyo!
[Tumakbo sina Simoun at Basilio. Naghiwalay sila ng daan. Habang humahangos na
tumatakbo si Basilio, nabangga niya ang kaniyang kaibigan na si Basilio.]

BASILIO: Isagani! Kanina pa kita hinahanap! Alam mo na bang kinasal


si Paulita kay Juanito?
ISAGANI: Malamang! Punyetang Juanito.
[Pupunta na sana si Isagani sa handaan ngunit pinigilan siya ni Basilio.]
BASILIO: Huwag Isagani! Lumayo tayo rito! Dalian mo! Dalian mo!
Maawa ka sarili mo, Isagani! Batang-bata ka pa upang
mawala sa mundo!
ISAGANI: Huwag tayong umalis dito. Hindi ko na makikita pa si Paulita.
Hindi ko na siya makikita! Hindi na! Hindi na! (parang batang
umiiyak si Isagani)

BASILIO: Pakinggan mo ko! Pakinggan mo ko! Gusto mo bang


mamatay? Kung gusto mong mamatay, manatili ka rito.
Kung gusto mo pang mabuhay, sumama ka at tatakbo tayo!
ISAGANI: Si Paulita, Basilio. Mahal ko pa si Paulita.
BASILIO: May bomba sa azoteang kinaroroonan ni Paulita. Inuulit ko,
may puputok na bomba! Ilang minuto na lang at sasabog na
ang buong kabahayan at mamamatay na ang lahat ng
nagdiriwang!
ISAGANI: Ha? Sasabog ang buong kabahayan at mamamatay ang
lahat ng mga panauhing pagdiriwang?
BASILIO: Halika, bilisan mo! Bago pa sasabog ang lampara.
ISAGANI: Kailangan kong iligtas si Paulita!
<bagong tagpo>
TAGAPAGSALAYSAY: Habang masayang nagtutunggaan ng alak ang mga diyos-
diyosan sa hapag-kainan, mapapapansin may isang papel
sa gitna ng hapag-kainan.
Binasa ito ni Padre Salvi. At agad namutla.
PADRE SALVI: Hindi maaari! Hinding maaring sulat ito mula kay Juan
Crisostomo Ibarra! Matagal na siyang patay!
KAPITAN-HENERAL: Ju—Juan Crisostomo Ibarra? Si—sino siya?
DON CUSTODIO: Isang mapagbirong nanakot! Di po ba pananakot ang isang
kalatas ng isang pilibusterong namatay na may sampung
taon na ngayon ang nakalilipas?
KAPITAN-HENERAL: Aba, aba! Maaring ikulong ang gumaya sa pirma ng isang
pilibustero!
PADRE SALVI: I—im—impostor! Pe—pero ganiyang-ganiyan ang lagda ni
Crisostomo Ibarra na sampung taon nang hindi natin nakikita
sapagkat balitang siya’y namatay na!
KAPITAN-HENERAL: Ituloy na lang natin ang pagkain mga kasama nang
makalimutan ang mga birong tulad nito.
DON CUSTODIO: Hindi naman siguro kamatayan ang gustong ipakahulugan
ng mga katagang Mane, Thecel Pares na iyan.
Baka ang kamatayn natin ay nasa pagkaing pinagsasaluhan
natin o nasa alak na lalango sa lahat ng bisitang naririto?
KAPITAN-HENERAL: Baka mamatay ang apoy ng lampara! Bakit hindi mo habaan
ang mitsa nito, Padre Irene?
[Akmang dudukwang na ang kura nang tila isang alamid na sinugod ni Isagani ang
kainan. Dali-dali nitong itinakbo ang ilawan at malakas na itinapon sa ilug-ilugan.
Kitang-kita ng lahat na umusok ang mitsa ng ilawan.]

KAPITAN-HENERAL: Hulihin ang lalaking iyan!


[Subalit nakatalon kaagad sa tubig si Isagani at biglang nawala bago makilala at madala
ng mga konstabularya.]

You might also like