You are on page 1of 5

Inihanda ni: Ipinasa kay:

Ed An John Marquez Tuting Propesora Eva Ruby F. Cartujano


BSEd Filipno 3-C Spec 310

Pagsusuri sa Maikling Kwento


I. Panimula

a. Pamagat: Paalam sa Pagkabata


b. May-akda: Santiago Pepito
c. Sanggunian: https://prezi.com/761f-ibhupmx/paalam-sa-pagkabata/

II. Tauhan

 Celso – ang pangunahing tauhan sa kwento. Isang bata na tila naguguluhan


sa mga pangyayari sa kaniyang buhay.
 Isidra – ang Ina ni Celso na madalas niyang makikitang umiiyak.
 Tomas – ang mahigpit na Tatay ni Celso. Isa siyang mangingisda. Madalas
niyang pinagagalitan si Celso at Isidra. Ang antagonista ng kwento.
 Lalaki sa bahay-pawid – isang misteryosong lalaki na may hawak na gitara. Isa
rin siyang magaling na mang-aawit.
 Mga Mangingisda

III. Tagpuan

 Dalampasigan
 Ilalim ng Kaniyugan
 Bahay-pawid
 Kusinaan

IV. Mga Simbolo/Tayutay

 Lambat – ang lambat ay naging simbolo ng pagkakakulong ng kaniyang


pamilya sa isang malaking problema. Sinisimbolo nito ang pagtataksil ni
Isidra.
 Salamin – dito nakita ni Celso ang pagkakahawig niya sa lalaking naggigitara,
dito niya naman namalan ang kaniyang pagkatao. Simbolo ng kalinawagan at
katotohanan.
 Pigil na Paghikbi – sumisimbolo sa pagtitiis at hirap.
 Tigang na Lupa – sumisimbolo sa kawalan at kahirapan.
 Kumukulo na Dugo – sumisimbolo sa pag-alab ng galit.
 Langit – simbolo ng kasiyahan at kaginhawaan.
 Pagtatanong –“hanggang ngayon ba’y hindi ka pa nakakalimot, Tomas?”
 Pagsasatao – “sa labasan, sumalubong sa akin ang bagong araw.”– Umagana
 Pagpapalit-saklaw (synecdoche)–“Nag-aapoy ang mga mata ni Tatay nang
humarap sa akin.” - Galit na galit.
 Padamdam (exclamation) – ang karakter na si Tomas ay gumagamit ng mga
pananalitang nagpapahayag ng matinding damdamin gaya ng “Di ko gusto
ang batang matigas ang ulo! Di lang sampal ang matitikman mo kapag umulit
ka pa. Hala, kunin mo ang mga isda at sumunod ka kaaagad sa akin.”

V. Buod

Si Celso ay nakatira malapit sa may dalampasigan. Namumuhay ng simple. Nasa ikaapat


na baitang palang si Celso at walang pang kamuang-muang. Si Tomas ang ama ni Celso ay isang
mangingisda at ang kaniyang ina ay si Isidra. Isang pangyayari noon ang naganap kay Isidra at sa
isang lalaki na napagkamalan ni Isidra na si Tomas kung bakit may puot ang huli sa babae. Isang
palaisipan kay Celso ang lambat ng kaniyang ama na hindi naman ginagamit ngunit alagang-
alaga at inaayos pa ito. Isang umaga, habang inaantay ni Celso ang kaniyang ama sa pagdaong
sa dagat at nagpapahinga, nakarinig siya ng isang makabagbag-damdaming kundiman sa isang
dampa na tinutugtog ng lalaki. Tinignan niya ito. Tiningnan din siya ng tumutugtog ng gitara at
hinawakan siya ng mahigpit. Sa pagkakita niya sa lalaki, sinabi niyana parang nakita na niya ang
lalaki, sa salamin. Nang matapos na silang mananghalian ng kaniyang pamilya, tumingin siya sa
salamin. Pinagmasdang mabuti ang salamin, nang bigla siyang matauhan at malinawagan at
nakakita ng kaginhawaan. Naliwanagan siya kung bakit parang nakita na niya ang lalaki sa may
salamin. Iyon pala, siya ang anak ni Isidra sa lalaking iyon na napagkamalan niyang si Tomas.
Lumabas siya ng bahay at may dalang itak. Lumapit siya sa nakasampay na lambat samay
bakuran ng bahay at pinagtataga niya ito. Wala siyang galit kay Tomas ngunit humihingi lamang
ng pag-unawa. Nag-aapoy ang mga mata ni Tomas nang ginawa ito Celso kaya sinuntok niya ito
at bumulagta sa lupa. Sinundan pa ng tadyak ni Tomas ang bata. Duguan si Celso at puro
gasgas. Bumulagta siya sa paananng kaniyang ama at nahimatay. Pagkagising niya, isang
maamong Tomas ang bumungad sa kanya iba tulad nang dati na may pagmamahal at pag-
unawa.

VI. Galaw ng Pangyayari

a. Simula – Ang pagpapakilala sa walang buhay at malungkot na pamumuhay ni


Celso. Ang pagtangis sa bawat araw ni Isidra at ang paghingi ni Celso ng karamay
na kapatid. Ang lambat na nakasampay na hindi ginagalaw at ang pagbabalik-
tanaw sa mga nakalipas na pangyayari nang pag-aaway nang kaniyang Ama at
Ina. Ang paglapit ng pangunahing tauhan sa Ina upang tulungan at ang pagtugon
ng Ina na siya’y humayo na sa labasan upang matulungan ang Ama.

b. Gitna – Ang patuloy na pakikibaka ng pangunahing tauhan sa mga hamon ng


buhay. Ang pagdating nito sa palaisdaan na malapit sa dalampasigan. Ang
pagkarinig nito sa usapan ng mga mamimili at sa tugtog ng gitara na may halong
pag-awit ng kantahing kundiman na inaawit ng isang lalaki na nasa bahay-pawid.
Ang pag-uusap ng mga tao tungkol sa pambihirang pagmamahal ng lalaking
umaawit at ang pagtitiis ni Celso na huwag pumunta sa nasabing bahay-pawid na
dahil sa utos ng kaniyang mahigpit na Ama. Ang pag-iisip ng kaisipang malaya at
ang pagsasakatuparan sa gustuhing nito na makapunta sa nasabing lugar. Ang
paghaharap ni Celso at ng misteryosong lalaki na lumuluha habang umaawit at
naggigitara. Ang pagkatakot ni Celso at ang pagyakap ng lalaki sa kaniya. Ang
pagkawala ng takot na bumabalot sa katawan ni Celso nang dahil sa pagngiti at
pagpahid ng luha ng lalaki sa mga pisngi niya. Ang pagtitig ni Celso sa
misteryosong lalaki at ang pag-iisip na pamiyar ang gayong mukha sa kaniya at
ang iniisip niyang yaon ay kaniyang nakita na sa salamin sa kanilang bahay. Ang
pagdating ng mga mangingisda kasama na ang Ama ni Celso na galit na naman sa
kaniya dahil nakita nito na si Celso ay pumunta sa bahay-pawid.

c. Wakas – Ang masidhi at malakas na sigaw ng Ama ni Celso sa kaniya, ang


paglapit ng bata sa Ama at ang pagsampal ng Ama sa bata nang dahil sa utos na
hindi sinunod. Ang patuloy na pagbibigay ng deskripsyon ni Celso sa kanilang
pamumuhay. Ang pagkabuo ng malinaw na kaisipan ni Celso sa kaniyang
katauhan, ang pagtaga ni Celso sa lambat at ang pagkaroon nila ng kaniyang Ama
ng masidhing titigan na naging sanhi sa pananakit muli ng kaniyang Ama sa
kaniya at ang kaniyang pagkawala sa ulirat. Ang pag-iba ng katauhan ng Ama ni
Celso na sumisimbolo ng pagsisi.

VII. Pagsusuri
a. Uri ng Panitikan: Maikling Kwento/Folklore
b. Estilo ng Paglalahad: Ang istilo ng paglalahad ng mga pangyayari ay pakwento.
Naging mabisa ang kaniyang mga salita at kataga, masining ang pagkakagawa
niya ng kuwento dahil sa mga pangyayaring naganap na hindi inaasahan ng mga
mambabasa. Mahusay ang may-akda dahil naging malinaw ang gusto niyang
ipahiwatig sa mga mambabasa. Ang awtor din ay gumamit ng mga panipi “” na
nangangahulugang may dayalogong naganap sa nasabing kwento.
c. Sariling Reaksyon

Ang mga reaksyon na nabuo sa aking isipan habang binabasa ang nasabing
akda ay lubhang pagkagalit sa pag-uugaling ipinakita ni Tomas (Ama ng pangunahing
tauhan), siya ay hindi dapat tularan ng mga Ama, ang kaniyang pananakit kay Celso
ay hindi makatarungan, ang nasabing akda ay nagkaroon ng dungis nang dahil sa
kanyiang karakter. Ako rin ay nagagalit sa ugali at presensyang ipinakita ni Isidra na
Ina ni Celso, siya ay palaging umiiyak at wala ng ginagawa na sumisimbolo sa
kahinaan, sa halip na siya’y maging kaagapay at taga-gabay ni Celso ay siya pa ay
nagbigay ng pagkakaroon ng magulong hinuha ni Celso tungkol sa kanilang buhay. Sa
kabilang banda ay ipinagmamalaki ko at lubhang ikinatutuwa ang pagtitiiis na
ipinakita ng batang si Celso, siya ay simbolo ng katatagana na umiintindi sa mga
pahirap sa buhay, para bagang siya ay isang butil ng kape na sumusunod sa agos ng
mainit na buhay, siya ay dapat tularan ng mga bagong henerasyon sa ngayong
milenyo. Naging malinaw ang daloy ng simula at gitna ng nasabing akda. Ang
maikling kwentong ito ay sumasalamin sa pamumuhay dito sa ating bansang
Pilipinas na kadalasan sa mga hanap-buhay ng tao ay ang pangingisda sa
kadahilanang ang bansa Pilipinas ay binubuo ng mga isla na malalaki at maliit.
Masasabi ko na ang akdang ito ay sariling atin. Napag-isip-isip ko rin na ang pagiging
bata ay dumadaan lang ng isang beses sa ating buhay at si Celso ay hindi nabigyan ng
pagkakataon na malasap ang panahon ng pagiging bata. Sa pangkalahatan ay
ipinakita din sa maikling kwento ang sakit sa lipunan, ang hindi tamang pagtrato sa
mga batang anak sa labas at ang mentalidad na hindi nag-iisip bago gawin ang isang
bagay kagaya ng ipinakita ni Celso sa pagpunta nito sa bahay ng misteryosong lalaki
at ni Tomas na palaging nanakit kay Celso na hindi lamang inisip kung ano ang
kahihinatnan nito matapos magawa ang nasabing immoral na gawain.

d. Aral/Pag-uugnay sa tunay na sitwasyon sa buhay

Ang mga aral na aking napulot sa nasabing maikling kwento ay natuto ako
na dapat bilang Ama o Magulang sa kinabukasan ay marapat na maging
magulang na dapat ay gampanan ang ating responsibilidad sa buhay, huwag
tularan ang mga gawi na ipinakita ni Tomas na nanakit at ni Isidra na mistulang
nawawalan nang pag-asa, sa buhay bilang magulang ng isang bata ay dapat na
maging maalaga sa mga anak sapagkat ito ay anak na dapat nating mahalin at
alagaan.

Natutunan ko rin na ang pagkakamali ay hindi naitatama ng isa pang


pagkakamali, kung nagkamali man si Isidra sa kaniyang mga ginawa ay sana
kaniya itong winasto sa tamang kaparaanan na sana siya’y tumayo at itinaguyod
si Celso, na sana hindi siya umiyak, umupo at tumitig sa lambat na nakasampay
sapagkat ano naman ang magagawa ng pag-iyak at lambat na iyon sa kaniyang
buhay, sana siya ay humayo at tinulungan si Celso. Natutunan ko rin na dapat ay
magmahalan tayo sa bawat oras at pamalagiing ipa-iral ang kabaitan, bilang tao
o may pamilya dito sa mundong ibabaw ay dapat ipakita natin ang ganoong
kaugalian sapagkat iyon ang pundasyong ng mariwasa at masaganang
pamumuhay ng isang pamilya at hinuhubog ng mga ganoong kaugalian ang isang
bata bilang produktibong indibidwal dito sa ating sosyodad, huwag nating
tularan ang mga kaugalian na ipinakita ni Tomas at Isidra, ating gayahin ang
pagtitiis na ipinakita ni Celso. Mag-isip nang mabuti sa mga desisyon at gawaing
gagawin sa ating buhay.

You might also like