Professional Documents
Culture Documents
FIL 120
DULANG
FILIPINO
BSED FILIPINO 3A
(IKALAWANG SEMESTRE)
I. LAYUNIN AT INTRODUKSYON
Layunin:
2 | Page
College of Education
Introduksyon
Sa pag-aaral na ito sa Filipino ipinapakita kung anong mga dula ang isinagawa sa
panahon ng mga hapon ating matutuklasan ang iba't-ibang istorya na isinulat ng ating mga
manunulat at maipakita ang mga nakagawian at naranasan sa panahon iyon.
Bunga sa kahirapan ng buhay na dulot ng kahit na anong uri ng digmaan, ang mga
tao’y humanap ng kahit na kauntingmapaglilibangan sa mga dulaan.Natigil ang
pagsasapelikula dahil sa giyera at ang mga artista ng putting tabing ay lumikpat sa
pagtatanghal sa mga dulaan.Isa sa mga sinulat ni Francisco Soc Rodrigo na maituturi ng na
higit na kinagiliwan noong panahong iyon ay ang dramang Sa Pula, Sa Puti. Ito ay tungkol sa
isang karaniwang mag-asawa. Ang lalaki’y isang sabungero. Dumating sa puntong halos
manok na lang ang naaasikaso kayat gumawa ng paraan ang asawang si Celing upang
maputol ang bisyong ito. Ang may isang yugtong dramang ito ay naglalarawan ng mga
nakakatuwa at nakakainis na mga pangyayari sa buhay ng mag-asawang ito. Sinsabing ang
halakhak ay panakip sa kalungkutan. Kayat maaasahang ang karaniwang itinatanghal
noomng panahon ng Hapones ay pawing katatawanan; pampalimot kahit pansamantala sa
dinadalang kalungkutan ng mga tao. Kung may mga dramamang doble kara ang mga ito’y
hindi napakalinaw o napakabulgar upang ganap na mahalata ng mga Hapon. Di tulad ng mga
dramang itinatanghal noong panahon ng Americano na naging dahilan ng pagkabilanggo ng
mga makabayang mandudula.Ang ilan sa mga dula ng panahon ng Hapones ay ang mga
sumusunod: Sino ba Kayo? na isinulat ni Julian Cruz Balmaceda
YUNIT IV:
Dula sa Panahon ng Hapones.
Pagsusuri sa Dulang "Sa Pula, Sa Puti" ni Francisco Soc Rodrigo
I. Pagkilala sa May-akda
3 | Page
College of Education
Si Francisco Soc Rodrigo ay isang politiko sa Pilipinas. Ipinanganak sa Bulacan
noong 1914. Nag-aral sa Pamantasang Ateneo de Manila at namatay noong Enero
1998 dahil sa kanser. Siya ay dating pangulo ng Catholic Action. Hindi siya sang-
ayon sa pagkakapasa ng Batas Republika Blg. 1425 na higit na kilala sa tawag na
Batas-Rizal na naglalayong isama sa kurikulum ng lahat ng kolehiyo sa Pilipinas na
pag-aralan ang Noli me Tangere at El Filibusterismo.
Ang Sa Pula, Sa Puti (Para sa Pulang Tandang, Para sa Puting Tandang) ay isang
dula sa isang yugto, na isinulat ni Francisco "Soc" Rodrigo. Ito ay unang itinanghal
noong Setyembre 10, 1939 ng University of the Philippines Dramatic Club sa Manila
Metropolitan Theater. Orihinal na, ito ay isinulat ni Rodrigo sa Ingles para sa kanyang
klase sa dramatics sa ilalim ni Jean Garrot Edades sa Unibersidad ng Santo Thomas.
Ito ay pinalawak at binago ni Rodrigo at pagkatapos ay isinalin niya ito sa Tagalog.
Nailathala rin ito sa Maikling Dula ng Pilipinas , Maynila: Robert S. Hendry, 1950, ni
Jean Edades.
Ang dulang ito ay isang komedya na nagkokomento sa kahinaan ng mga tao sa
isang sitwasyong makikilala sa buong bansa.
II. Uri ng Panitikan
Ang "Sa Pula, Sa Puti" ay isang sikat na dulang pangkomedya.
III. Layunin ng May-Akda
Ang dulang "Sa Pula, Sa Puti" ay isang dulang nagmumulay sa atin ng mga isyu
ng lipunan. Tulad ng pag-asa sa swerte para magka pera at ang pagkalulong sa sugal.
IV. Tema o Paksa ng May-Akda
Isang magandang pagpapakita ng mga isyu sa lipunan partikular sa ugali ng
pag-asa ng karamihan sa swerte. Napapanahon din ito dahil marami pa rin ang
hanggang ngayon ang lulong sa sugal ngunit hindi nakikita ang masamang epekto
nito.
V. Mga Tauhan sa Akda
Kulas- Pangunahing tauhan na mahilig magsabong.
Celing- Asawa ni Kulas na di sang-ayon sa kinahiligan ng asawa.
Teban- Kasambahay nila Kulas.
Castor- Kapitbahay at Kaibigan ni Kulas na mananabong din.
Sioning- Kaibigan ni Celing.
Aling Kikay -Kapitbahay nila Kulas at Celing.
VI. Tagpuan
Ang tagpuan ng nasabing kwento ay sa tahanan ng mag asawang Kulas at
Celing na malapit sa sabungan.
4 | Page
College of Education
VII.
Nilalaman ng Akda
A. Panimula
Inumpisahan ang kwento sa pagtatalo ng mag asawang Kulas at Celing.
Maaga palang ay nanghihingi na si Kulas ng pera sa kanyang asawa upang ipamusta
sa sabong.
B. Suliranin
Ang pangunahing suliranin sa dula ay ang hindi matigil na bisyo ni Kulas sa
pagsasabong kahit ito’y laging natatalo.
Tao laban sa tao- Ang pagtutol ni Celing kay Kulas sa bisyo nitong
pagsasabong dahil palagi na lamang itong natatalo.
C. Saglit na Kasiglahan
Sa pagkatalo ni Kulas sa pagpusta nito sa kaniyang tinali, sinumpa niya kay
Celing na hindi na siya muli pang sasabong.
D. Kasukdulan (Climax)
Matapos pilayin ni Kulas ang kaniyang tinali, siya ay humingi ng malaking
pampusta kay Celing dahil nangako siyang ito’y huling sabong na at kikita at babawi
siya sa lahat ng perang nawala sa kanila.
E. Kakalasan
Tumawa na lang si Sioning at Celing dahil sa pagkatalo nilang mag-asawa ng
malaking halaga.
F. Wakas
Ngunit dahil tuwang-tuwa si Celing na hindi na magsasabong kailanman ang
kaniyang asawa, pina-imbita niya ang kaniyang mga kaibigan dahil siya ay
maghahanda. Alin sunod sa sinabi ni Kulas na ipapatay na niya ang lahat ng tinali
niya pagkatapos ng huli nitong sabong, ito’y ipinaihaw ni Celing lahat kay Teban at
‘yun ang kanilang iuulam sa gabing iyon.
A. Bisa sa Isip
Naisip ko na ang mga Pilipino ay likas na naniniwala sa swerte na
kanilang nakukuha sa pagsusugal.
B. Bisa sa Damdamin
5 | Page
College of Education
Nasiyahan ako dahil nagpapakita lamang ito sa isyung panlipunan na
ikamulat ng tao.
C. Bisa sa Kaasalan
Natutunan kong maging madiskarte at dapat huwag iasa ang swerte sa
sugal. Kailangan magsumikap sa buhay para makamtan ang lahat ng
inaasam sa ating buhay.
X. Istilo ng Pagkakasulat
Magandang pagpapahiwatig ang ginamit ng may-akda sapagkat
ginawa niya itong kaaliw-aliw sa mambabasa.
Hindi nagging mabigat ang tema ng dulang ito.
Maganda rin ang pagkakatagpi-tagpi ng mga pangyayari.
Pormal ang salitang ginamit, simple na maiintindihan ninuman.
6 | Page
College of Education
Sino Ba Kayo? (Who Are You) ay isang drama sa isang aktong, orihinal na isinulat sa
Bicol bilang Sangkuwaltang Abaka ni Julian Cruz Balmaseda noong 1943. Ito ay isinalin sa
Tagalog ni Francisco "Soc" Rodrigo. Ito ay unang itinanghal ng Dramatic Philippines sa
Metropolitan Theater sa Maynila noong 20 Peb 1943.
V. Buod
Sa isang malaking Bahay ay doon nag tra-trabaho ang mag asawang Maria at Juan.
Habang abala sa pag lilinis si Maria ng magarang sala ni Doña Marcela ay lumabas si Juan na
humahangos, at kay Maria ito kaagad lumapit upang sabihan siya na mag madali dahil daw
nandiyan na ang kanilang panginoon. Pero may hinihintay pa silang sulat ni Doña Marcel.
Minadali itong binasa ni Juan pero nagtaka siya dahil iba ang pirma ang nakasulat ay "Marcel
P. ni Sikuterat?". Sumagot naman si Maria na hindi na dapat magtaka pa si Juan dahil isang
taon na daw siyang nawawala sa maynila, at sa taong nangyari iyon ay nakapag asawa ulit si
Doña Marcela sa iloilo kaya ang pangalan niya ngayon ay Marcela de Pakaskas de Sikuterat,
namangha si Juan dahil napakaswerteng tao raw ni Doña Marcela dahil naparoon sa Iloilo at
nagkaroon ng negosyo at doon rin natagpuan si Senor Sikuterat, At nang matapos na silang
dalawang mag usap ay pumasok na si Maria sa pintong—kaliwa, at maiiwan roon si Juan
upang siya naman ang mag linis, lumabas rin naman kaagad si Maria na may dala nang bata.
Patuloy sa paglinis si Juan at may narinig itong tunog ng sasakyan at lumabas si Doña
Marcela sa pintong gitna, at mukhang pagod ito. Sa kaduloluhan ng dula ay mag gulong
nangyari sa malaking bahay, dahil sa pera.
Tinanong ni Crispin si Ubaldo kung kay Maria niya ba talaga binigay ang pera,
sumagot naman si Ubaldo na kay Maria niya daw ito binigay, tinanong pa ni Crispin kung
siya ba talaga si Maria Parang-apoy at ang sabi namn ni Maria ay siya si Maria Pinagkamalan
nagulat ang lahat ng nag salita si Juan na asawa niya si Maria. Ikwenento ni Juan kung paano
sila nagkatuluyan ni Maria dahil ng hindi pa uma-alis papuntang Iloilo si Doña Marcela ay
may nabuo na silang pagkakaibigan ni Maria kaya ng umalis si Doña Marcela ay doon na
lamang ang kanilang lihim na pagpakasal ni Maria. Kaya naliwanagan na rin si Crispin at
naayos ang kanilang mga kagusutan. Gayon rin si Ubaldo at nagsabi siyang lahat naman tayo
ay may kasalan rin, ang masasabi niya lang ay lahat sila nagkamali at huwag mag padala sa
nararamdaman at ang isa ay hindi malang nag usisa kung tayo ay sino. Bigla namang
sumulpot si Lucas upang tanungin kung sino ba kayo? At doon naman nag sabi si Ubaldo na
iyan ang sinasabi niya na mahirap daw mahulog sa bangin ng pagkakamali. Kaya nagtaka
siya bago umupo. Kaya lahat sila napatanong SINO BA KAYO?
7 | Page
College of Education
III. PANGALAN NG MGA TAGA-ULAT
Karla Andrade
SJ Victoriano
Joenil Bueno
Nonilon Dayal
TAGALINANG NG KURSO:
8 | Page
College of Education
Acobo, KC Mae A.
Victoriano, SJ Marcelino, Jay Marie
https://dbpedia.org/page/Soc_Rodrigo
https://www.slideshare.net/oneofthosegyrls/sa-pula-sa-puti-by-francisco-rodrigo-colloquium-
presentation
https://www.youtube.com/watch?v=_WHpzQFgUcE&t=390s
V. MAIKLING PAGSUSULIT
b. Julian Trono
d. Julian Santos
b. Hulyo 6, 1890
c. Hunyo 7, 1840
9 | Page
College of Education
c. Wala sa nabanggit
a. Sino ba Kayo?✔️
b. Sino ka ba?
c. Sino ako?
d. Sino Sya?
c. Haligi ng Tahanan
a. Dulang Komedya✔️
b. Dulang Trahedya
c. Dulang Melodrama
d. Dulang Filipino
a. Pang aliw ✔️
b. Pang-agaw atensyon
c. Panghikayat
d. Pampalipas oras
10 | Page
College of Education
7. Ano ang Paksa ng dulang Sino ba kayo?
a. Karahasan✔️
b. Pagmamahal
c. Kasakiman
d. Panunukso
a. Doña Marcela✔️
b. Doña Esperanza
c. Doña Carmen
d. Doña Feliza
b. Sa Quiapo
c. Sa simbahan
d. Sa daan
a. Kasambahay✔️
b. Hardenero't Hardenera
c. Drayber
d. Serketarya
11 | Page
College of Education
11. Ano ang istilong ginamit ng may akda sa Dulang Sino ba kayo?
c. Mayroong kabalintunaan
d. May tayutay
a. Maria at Juan✔️
b. Maria at Lucian
c. Luciano at Maria
d. Julian at Maria
b. Pang-aapi
c. Pang - aabuso
d. Pag-aakit
a. Hidwaan✔️
b. Pagnanakaw
c. Pagmamalupit
d. Pagbibiruan
15. Kung isasalin ang dulang Sino ba kayo, ano ito sa wikang Ingles?
12 | Page
College of Education
b. Who's with you?
a. Francisco Mariano
c. Francisco Balagtas✔
d. Francisco Baltazar
A. Bidasari
B. Sino ba kayo?
C. Paglipas ng Dilim
D. Sa pula, sa puti ✔
A. Kadakalian
B. Katatakutan
C. Katatawanan ✔
13 | Page
College of Education
D. Kalungkutan
A. Tagalog
B. Ingles✔
C. Hapon
D. Espanyol
14 | Page