You are on page 1of 5

Mae Ann E.

Lacson

BSBA II

A. KASAYSAYAN NG DULANG PILIPINO

Sa isang dako, ang tunay na drama ayon kay Sebastian ay nagsimula noong mga unang taon ng
pangungupkop ng mga Amerikano. Idinagdag pa ni Tiongson na ang drama ay binubuo ng tanghalan,
ibat-ibang kasuotan, skripto, “characterization”, at “internal conflict.” Ito ang pangunahing sangkap ng
tunay na drama ayon sa banyagang kahulugan. Sa kabilang dako, ayon sa mga aklat, ang drama ay
drama kahit wala ang mga sangkap na nabanggit. Ito ang dramang Pilipino. Ayon pa rin kay Tiongson,
memises ang pangunahing sangkap ng dulang Pilipino. Memises ay ang pagbibigay buhay ng aktor sa
mga pang-araw-araw na pangyayari sa buhay ng mga Pilipino. Ito rin ang malaking pagkakaiba ng
banyaga sa Pilipinong dula.

Inilalarawan sa tunay na Pilipinong dula, ang mga pangarap ng bansa. Dito ipinapakita ang mga
katutubong kultura, paniniwala, at tradisyon. Ikinukuwento rin ang paghihirap at pagpupunyagi sa buhay
ng mga katutubong Pilipino. Dito rin mamamalas ang ibat-ibang anyo ng kanilang pamahalaan at uri ng
lipunan. Samakatuwid, ang tunay na dulang Pilipino ay nagbibigay ng mas malawak na pang-unawa sa
kulturang Pilipino at nagbibigay ng kasagutan sa mga pangangailangan ng mga Pilipino. Higit sa lahat,
ito’y nagsisilbing gabay para sa kabutihan ng mga mamamayang Pilipino.

Ang kasaysayan ng dulang Pilipino ay isinilang sa lipunan ng mga katututbong Pilipino bago pa
dumating ang mga dayuhang mananakop. Ayon kay Casanova, ang mga katutubo’y likas na mahiligin sa
mga awit, sayaw at tula na siyang pinag-ugatan ng mga unang anyo ng dula. Ang mga unang awitin ay
nasa anyo ng tula. Ang mga katutubo rin ay mayaman sa epikong bayan na kalimita’y isinasalaysay sa
pamammagitan ng pag-awit. Ang mga awit, sayaw, at ritwal ay karaniwang ginaganap para sa
pagdiriwang ng kaarawan, binyag, pagtutuli, ligawan, kasalan, kamatayan, pakikipagdigmaan, kasawian,
pananagumpay, pagtatanim, pag-aani, pangingisda, atbp. Bago dumating ang mga dayuhang
mananakop, ay mayroon ng ilang anyo ng dula ang mga katutubong pilipino.

B. ANO ANG DULANG FILIPINO?

Ito ay nag- ugat sa salitang Griyego na ayon sa diksyonaryo, ang ibig sabihin ay pampanitikang
komposisyon na nagkukuwento sa pamamagitan ng wika at galaw ng mga aktor. Ayon sa mga
mananalaysay, ang dula o drama ay maaaring ipaliwanag sa dalawang paraan.

C. URI NG DULANG FILIPINO

1. Trahedya- nagwawakas sa pagkasawi o pagkamatay ng mga pangunahing tauhan

2. Komedya - ang wakas ay kasiya-siya sa mga manood dahil nagtatapos na masaya sapagkat ang mga
tauhan ay magkakasundo

3. Melodrama – kasiya-siya din ang wakas nito bagamat ang uring ito’y may malulungkot na bahagi

4. Parsa – ang layunin nito’y magpatawa at ito’y sa pamamagitan ng mga pananalitang katawatawa

5. Saynete – mga karaniwang ugali ang pinaksa dito


D. KATANGIAN NG DULA

Ang paksa ay ang kaisipang ipinahihiwatig ng dula. Kung ating nauunawaan ang paksa, madali
nating maiintindihan ang pandaigdig na tuntunin ng banghay. Ang ilang mamumunang pampanitikan ay
gumagamit ng kilos bilang katumbas ng paksa sapagkat naniniwala sila kay Aristotle na nagsabing ang
isang dula ay isang pagpaparis ng kilos.

Ang banghay ay malimit itumbas sa “salaysay” ngunit malimit ito’y inihahambing sa tanging
pagsasaayos ng dula ng mandudula.

 Ang mga dula ay karaniwang nagkakaroon ng pataas at pababang aksyon sa kwento,


napapaloob ito sa banghay.
 Sa pamamagitan ng paglalalahad ng aksyon sa banghay, nalalaman ng mga tagasubaybay ang
nakaraang kilos ng tauhan sa dula.
 Sa paglalahad ng pangyayari at kilos na ginagawa ng mga tauhan, magkakaroon ng damdamin
ang mga manonood sa kung ano ang nangyayari sa dula.

E. MGA SANGKAP NG DULA

Mga sangkap sa dula

Ang dula ay mayroon ding tatlong sangkap

1. Simula - mamamalas dito ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa suliranin.


2. Gitna - matatagpuan ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan.
3. Wakas - matatagpuan naman dito ang kakalasan at ang kalutasan

Sangkap ng dula:

1. Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa dula
2. Tauhan – ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga pangyayari; ang
mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula
3. Sulyap sa suliranin – bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin; mawawalan ng
saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na
nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na isang suliranin ang isang dula
4. Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasan
5. Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kanyang paligid,
at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian ang
isang dula
6. Kasukdulan – climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa sangkap na ito ng dula
tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o kaya’y sa pinakakasukdulan ang tunggalian
7. Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga tunggalian
8. Kalutasan – sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa
dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at tunggalian sa panig ng mga
manonood
F. KAIBAHAN NG DULA NOONG PANAHON NG KASTILA AT HAPON AT SA KASALUKUYAN
NGAYON

Panahon ng Kastila

Panahon ng Kastila • Dumating ang mga Kastila sa bansa taglay ang tatlong 3Gs. Dumating sila na ang
pangunahing layunin ay ihasik ang Kristiyanismo, maghanap ng ginto at upang lalong mapabantog sa
pamamagitan ng pagdaragdag ng kanilang nasasakop. Halimbawa sa mga ito ay ang mga uri ng dulang
senakulo, santa cruzan at tibag; tulang gaya ng mga pasyong inaawit. Sila rin ang nagpakilala ng
konseptong maharlika o dugong bughaw sa mga Pilipino na mababatid sa mga akdang awit na ang mga
pangunahing tauhan ay mga hari, reyna, prinsipe at prinsesa – isang patunay ang awit na Florante at
Laura ni Balagtas at mga dulang duplo at karagatan.

•Moro-Moro •Senakulo •Karagatan •Duplo •Salubong •Paglakad ng Estrella at ng Birhen •Pinetencia


•Carillo •Puteje •Juego de Prenda •Bulaklakan •Pananapatan •Moriones •Dalit Alay (Flores de Mayo)
•Pangangaluluwa •Panunuluyan •Tibag •Santakrusan •Papuri/Putong

Panahon ng Hapon

Panahon ng Hapon - Sa panahong ito, bumagsak ang dulang seryoso at tinangkilik ang mga pelikula ng
Amerikano na katatawanan, awit at sayaw.

Mga dula sa Panahon ng Hapon •Legitimate- ay binibuo ng mga dulang sumusunod sa kumbensyon ng
pagsusulat at pagtatanghal •Illegitimate- ay mas kialla sa tawag na stageshows

Kasalukuyang Panahon

Kasalukuyang Panahon - Sa kasalukuyang panahon, mas umunlad, maraming nagbago at marami na


tayong iba't- ibang dula gaya ng panradyo,pantelebisyon at pampelikula. Sa panahong ito, ang mga dula
ay itinatanghal sa mas malalaking entablado at aktwal nang napapanood ng mga tao.

G. MAIKLING DULA NA MAY TAUHAN

ANG PILOSOPO
(Dulang Komedya)
Malapit na ang pasukan, nagkukwentuhan sina Michael at Madonna tungkol sa nalalapit na enrollment.

Madonna: Michael malapit na ang pasukan ahhh, kailan ka ba mag-eenroll?


Michael: Tungkol sa bagay na yan napaghandaan ko na.
Madonna: Yung pang-eenroll?
Michael: Hindi yung pambili pa lang ng notebook.

(After 3 days pasukan na)


Nagkukwentuhan na ang lahat sa loob ng classroom ng biglang pumasok si Professor Sir A Ulo
Classmates: (Goodmorning Sir A Ulo)
Prof: Goodmorning class our lesson for today is all about history. Meron bang nakakaalam ditto kung
sino ang pumatay kay lapu-lapu? You the guy in a black jacket.
Michael: Ako, sir?
Prof: Yes, you.
Michael: Hindi ako sir! Kahit tignan niyo pa po ang police record wala akong alam sa pagkamatay niya.
Prof:Pilospo kang bata! I need your parents tomorrow!

(Pagkauwi ni Michael sa bahay nila nakita niya ang kaniyang tatay)


Michael: Tay may tatanong po sana ako.
Tatay: Ano yun nak?
Michael: Tinatanong kase ako ng prof ko kung sino ang pumatay kay lapu-lapu.
Tatay: Anong sinagot mo anak?
Michael: Sabi ko tay hindi ako.
Tatay: Mas lalong hindi ako nak.

(Narinig ng lola ang pinag-uusapan ng mag-ama)


Lola: Bakit hindi niyo pa kasi aminin na kayong dalawa ang pumatay.

(Kinabukasan)
Nag-siupo ang mga estudyante ng bigla dumating si Prof Sir A Ulo

Prof: Alam naman natin na si Columbus ang nakadiskubre na bilog nga ang mundo. Ngayon patunayan
niyo na bilog nga ang mundo. Ikaw, Michael!
Michael: Ako, Sir?
Prof: Yes, you!
Michael: Ang hirap naman ng tanong niyo sir tsaka bakit niyo sakin pinapatunayan, ako ba ang nagsabi
non, bakit hindi niyo tanungin si Columbus.
(Nagtawanan ang buong klase)
Prof: Ikaw bat aka kahit kailan pilosopo ka talaga! Dahil diyan hindi ka makakagraduate!
Michael: Grabe naman kayo sir, hindi naman ho kayo mabiro.

Sa isang maliit na Canteen, kumakain sina Michael at Madonna nang biglang dumating si Banjo ang
mortal na kaaway ni Michael.

Banjo: (Dumating bigla) tinapik sa balikat si Michael.


Michael: (Tumayo) anong problema mo tol? (sumuntok)
Banjo: Ikaw tol! (Nagsuntukan)

Nang biglang dumating ang Prof sa canteen nakita niya nagsusuntukan sina Michael at Banjo.
Prof: Michael and Banjo please proceed on the Guidance Office!

(Michael at Banjo nagbabangayan pa rin)


Banjo: Ikaw kasi eh, ang yabang mo!
Michael: Anong ako?!
Banjo: Oo, ikaw kaya!

Guidance Officer: You are both suspended!

Naglalakad si Michael patungo sa gate nang eskwelahan ng Makita niya na hinaharangan ng mga lalaki si
Banjo.
(Pinuntahan niya kaagad ito)

Michael: Anong problema nga tol?


Banjo: Salamat Michael nandito ka.
Mga lalaki: Kailangan magbayad ni Banjo sa mga utang niya samin!
Michael: Ako na ang magbabayad huwag niyo na siyang bugbugin.
Banjo: Talaga ba Michael salamat! Salamat.
Michael: Walang problema Banjo basta ikaw.
Mga lalaki: Tara na mga tol alis na tayo.
Banjo: Pare, patawarin mo ako sa lahat ng mga nagawa ko sayo pinagsisihan ko lahat, sana magkaibigan
na tayo mula ngayon.
Michael: Wala yun pare haha basta ikaw
Simula noon magkaibigan na silang lahat sina Madonna, Michael at Banjo.
(Graduation Day)
Michael: Sabi ko na nga ba kahit pilosopo ako gagraduate ako.
Classmates: Ikaw na Michael (Nagtawanan)
(Natapos silang lahat ng puno ng saya at ligaya)

You might also like