You are on page 1of 14

PANITIKAN

SA PANAHON
NG HAPON
GROUP 4
Ramos, Gian Carlo C.
Caasi, Ma. Veronica
Oliva, Maicel
Mariano, Angeika
Dumagit, Rei Zyrene
Castillo, Cyrel
PAGSAKOP
Madali tayong na sakop ng Hapon noong 1941 hanggag 1945
 Ika-8 Disyembre 1941 - Pagsabog ng Pearl Harbor sa Hawaii at ng
Clark Air Base sa Pampanga
 Ika-3 Enero 1942 - Pagtatag ng Batas Militar sa Bansa
 Ika-9 Abril 1942 - Batasan Death March
 Ika-14 Oktubre - Itinatag ang Republika ng Pilipinas

PAGBABAGO
 Ipinagbabawal ang paggamit ng wikang ingles at ibinasura ang mga
panitikan na nasa wikang ingles
 Ipinagbabawal ang ingles na mga pahayagan magasing gaya ng Tribute
at Free Press
 Ipinahinto ang pagproseso ng mga pahayagan at muling nabuksan ang
lingguhang liwayway
 Sumunod sa Liwayway ang Taliba
 Umunlad ang sistema ng edukasyon sa panahon ng Hapon.

MGA NAGING EPEKTO


 Umunlad ang paggamit ng Katutubong Wika (Tagalog)
 Gintong Panahon ng Panitikang Pilipino
 Malaya sa pagsulat ng Panitikan at pagsanib ng Kultra, Kaugalian at
Paniniwala.
 Nagkaroon ng pag pag-unlad sa panitikang Filipino at ibinukas ito sa
iba’t ibang Estilo at Genre ng Panitikan
 Naging mapalad ang panitikan dahil kay KINICHI ISIKAWA

KINICHI ISIKAWA
-isang jounalist na hapon na nag mamay ari ng Liwayway at ang pundasyon
ng panitikan sa panahon na ito.

URI NG PANITIKAN

Mailkling Katha - Itinuturing na pinakamaunlas ang sangay ng mailkling


kuwento sa lahat ng sangay ng pantikan sa panahong ito. Sa pamamahala ng
Surian ng Wikang Pambansa, pinili ang itinuturing na pinakamahusay na
maikling kuwento sa panahong ito.

Ang Tula
- Ang Haiku ay isang uri ng tula na binubuo ng labimpitong pantig na
nahahati sa tatlong taludtod. Ang unang taludtod ay may limang pantig; ang
ikalawa’y may pitong pantig; ang ikatlo ay may limang pantig (5-7-5).
Kahit na napakaikli ng haiku, ito’y dapat na may masaklaw na kahulugan ,
matayog na kaisipan, matiim na damdamin at di mapasusubaliang kariktan.
Halimbawa:
TUTUBI ni Ganzalo K. Flores Liwayway
hila mo’y tabak…
ang bulaklak, nanginig!
sa paglapit mo.

-Bunuhay naman ng makatang Ildefonso Santos ang tulang Tanaga. Ito’y


maikli ring katulad ng haiku ngunit ito’y may sukat at tugma at ang bawat
taludtod ay may pitong pantig at apat na taludtod. (7-7-7-7)

Halimbawa:
PALAY ni Ildefonso Santos
Palay siyang matino,
Nang humangi’y yumuko;
Nguni’t muling tumayo
Nagkabunga ng ginto

Ang Dula
-Bunga ng kahirapang ng buhay dulot ng digmaan. Ang mga tao’y humanap
ng kahit na kaunting mapaglilibangan sa mga dulaan. Natigil ang
pagsasapelikula dahil sa giyera at ang mga artista ng puting tabing ay
lumipat sa pagtatanghal sa mga dulaan. Ang malalak’t maliliit na teatro
tuloy ay nagsipaglabas ng dula.
Nobela
-Sa panahon ng pananakop ng mga Hapones, masasabing lalong hindi
namulaklak ang pagsulat ng nobela. Dahilan ito sa kahirapan ng buhay at
halos walang magamit na papel ang mga manlilimbag.

Ang Dulaang Pilipino


-Mayroong dalawang uri ng dula ang nadebelop sa panahong iyon, ang
legitimate at illegitimate. Ngunit ito ay batay sa pagtataya ng mga
tradisyunal. Ang legitimate plays ay binubuo ng mga dulang susmusunod sa
kumbensyon ng pagsulat at pagtatanghal nito samantala sa illegitimate plays
naman pabilang ang mga stageshows.

TEMA NG PANITIKAN
- Sumesentro sa Buhay Sa Lalawigan o Pagsasaka o Pangingisda
Halimbawa:
 Tungkol sa buhay sa lalawigan
o Lungsod Ngayon at Dagat-dagatan - N.V.M. Gonzales (Maikling
Kwento)
o Lupang Tinubuan - Narciso G. Reyes
 Tungkol sa Pagsasaka o Pangingisda
o PALAY by Ildefonso Santos (Liwayway, Oktubre 10, 1943)
Palay siyang matino
Nang humangi’y yumuko,
Ngunit muling tumayo.
Nagkabunga ng ginto.

- Ugali ng mga Hapon na masipag sa Trabaho


Halimbawa:
 Sumisikat na ang Araw - Germiliano Pineda
- Sumesentro sa pagmamakabayan, pag-ibig, kalikasan at pananampalataya.
Halimbawa:
 Suyuan sa Tubigan - Macario Pineda (Pag-ibig)
 Mga Diyos - Justiniano del Rosario
 Ibon Mang May Layang Lumipad - Amando S. Pagsanjan
 dumesentro sa pagkamakabayan, pag-ibig, kalikasan

 pananampalataya at sining
Mga manunulat noon

1. Jose Maria Fernandez

 Talambuhay
- ay manunulat at guro. Nag-aral siya ng pagsulat at pagtatanghal ng
dula sa Amerika. Kilalang dula niya ang Panday Pira, isang dulang
makasaysayang may 3 yugto
- Ang iba pang sinulat na dula ni Jose Ma. Hernandez ay The Olive
Garden, isang dulang hango sa Bibliya; Night Wind, Sunrise in the
Farm, The Empty House, Prelude to Dapitan, at White Sunday.

 Panday Pira
- Ayon sa kasaysayan, si Panday Pira ay ipinanganak noong 1488.
Walang nakakatitiyak ng eksaktong petsa ng kanyang kapanganakan
maliban sa lugar na kanyang pinagmulan, bandang timog ng Luzon.
- Ang pamilya ni Panday Pira at sampu ng kanyang kamag-anakan ay
nanirahan sa Pampanga. Dito niya tinuruan ang kanyang mga anak na
lalaki pati na ang mga kabataang kapampangan sa paggawa ng mga
kagamitan at sandatang yari sa bakal o metal. Ang kanulang mga
likha ay kilala sa husay at tibay kaya't ang mga ito ay nakilala sa
buong Luzon.
- Noong Hulyo 1572 ay tinanggap ni Panday Pira ang alok ni Miguel
Lopez de Legazpi na magtayo ng pagawaan ng kanyon sa Santa Ana,
Maynila na dati kilala sa tawag na Lamayan. Dito ay puspusan ang
paggawa nila ng mga sandata para sa puwersa ng mga Kastila.
- Sa pagkamatay ni Legazpi noong Agosto 20, 1572, ipinagpatuloy ni
Panday Pira ang paggawa ng mga sandata para sa mga Kastila
hanggang sa siya ay binawian ng buhay noong taong 1576 sa edad na
88. Ang kanyang pagkamatay ay isang malaking kawalan sa puwersa
ng mga Kastila sapagkat walang makalikha ng sandatang kanyang
dinibuho. Maging ang kanyang mga anak ay hindi ito matularan.
- Ang kontribusyon ni Panday Pira sa paglikha ng sandata ay malaking
tulong sa puwersa ng Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga
Kastila.

2. Francisco Rodrigo

 Talambuhay
 ay isang politiko sa Pilipinas. Ipinanganak
sa Bulacan noong 1914. Nag-aral
sa Pamantasang Ateneo de Manila at namatay
noong Enero 1998 dahil sa kanser. Siya ay
dating pangulo ng Catholic Action. Hindi siya
sang-ayon sa pagkakapasa ng Batas Republika
Blg. 1425 na higit na kilala sa tawag na
Batas-Rizal na naglalayong isama sa kurikulum
ng lahat ng kolehiyo sa Pilipinas na pag-aralan ang Noli me
Tangere at El Filibusterismo.

 Sa Pula, Sa Puti
 Maaga pa lamang ay nagtatalo na mag-asawa dahil sa paghingi ni
Kulas kay Ceiling ng pera upang ipangtaya sa sabong. Ngunit kahit
ganun ay nakataya pa din siya at pinangako sa asawa na pagnatalo
siya ay papatayin na ang mga manok niya. Si Teban naman na
kaibigan niya ay tinuruan na gawing pilay ang manok at tumaya ng
doble sa kalaban. Samantalang si Ceiling din naman ay tumaya din
sa kalaban upang makasiguro na babalik din ang pera pinangtaya
nila. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nanalo ang manok
ni Kulas at kahit ganoon ay wala siyan naiuwing pera. Kaya
pagkauwi niya sa bahay ay magiging tinola na ang manok niya.
3. Clodualdo del Mundo Jr.

 Talambuhay
- ay isinilang sa Maynila noong 1911.
Liwayway editor, critic, scholar, and
head of TANIW (Taliba ng Inang
Wika). Isa sa mga nanguna sa
larangan ng makabagong dula na
makikita sa kanyang sarsuelang
Anong Tamis ng mga Sandali sa
Sariling Bayan, na itinanghal sa
Cultural Center of the Philippines, at
sa isa pa niyang opera na si Balagtas
ang bayani.

 Bulaga

4. Julian Cruz Balmaceda

 Talambuhay
- ay itinuturing na isa sa mga haligi ng
panitikang Pilipino dahil sa malaking
kontribusyon niya sa sariling panitikan.
Siya ay isang makata, mandudula,
kuwentista, mangangatha, nobelista at
mananaliksik-wika. Naging patnugot
siya ng Surian ng Wikang Pambansa.
- Isinilang si Balmaceda
sa Orion, Bataan noong 28 Enero 1895. Nag-aral siya sa Colegio de
San Juan de Letran. Natapos siya ng dalawang taong pag-aaral ng
Batas sa Escuela de Derecho. Sa gulang na labing-apat ay nagwagi na
sa isang timpalak ang kanyang dulang Ang Piso ni Anita, isang dulang
musikal na ang paksa ay tungkol sa pagtitipid. Pinaksa rin ni
Balmaceda sa kanyang mga dula ang pilosopiya ng sosyalismo,
kagalingang-bayan at pangkasaysayan.
- Siya ay binawian ng buhay noong 18 Setyembre 1947 sa gulang na 52.

 Dahil sa anak
- Nabuntis ni Manuel si Rita, ang kanyang kasintahan na isa lamang
anak ng labandera. Kahit na si Rita ay nakapagtapos at may mabuting
trabaho, hindi nais ni Don Arkimedes na magpakasal ang dalawa.
Mas pinili ni Manuel na itakwil siya ng kanyang ama kaysa iwan si
Rita at ang kanilang magiging anak. Nagkunwari si Manuel na mas
pipiliin niyang magpari kaysa pakasalan si Rita at ng it ay malaman
ng ama, siya ay nagalit dahil mapuputol ang pangalan niya sa
kanyang anak na hindi na pwede mag-asawa at ang kanyang apo ay
magiging isang anak na ligaw. Pumayag din siyang magpakasal ang
dalawa sa huli.

5. Narciso Reyes

 Talambuhay
- ipinanganak noong 2 Pebrero 1914 sa Tondo,
namatay 7 Mayo 1996) ay isang Pilipinong
diplomatiko at awtor. Naglingkod siya bilang
Tagapangulo ng UNICEF mula 1972 hanggang
1974 at bilang Kalihim-Heneral ng Asosasyon ng
Mga Bansa ng Timog-Silangang Asya mula 1980
hanggang 1982. Si Reyes ay nagsilbi rin bilang
Permanenteng Kinatawan sa United Nations at
Ambassador sa United Kingdom, China at iba pang mga bansa. Siya
ay unang nagtrabaho bilang isang guro, mamamahayag at publisher
ng pahayagan.

 Tinubuang Lupa
- Ang kwentong Lupang Tinubuan nabuo tungo sa karanasan sa buhay
ng awtor. Pinapakita din dito ang kasaysayan ay bahagi ng
pagkahubog at bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.
- Nagpapahiwatig sa bawat tauhan sa kwentong Lupang Tinubuan na
dapat balikan mo ang lugar kung saan ka ipinanganak at nagkamulat.
Ang mga tauhan sa kwento ay si Danding, Tiya Juana, Tiyo Gorio,
Tata Inong at Lolo Tasyo.
- Ang pamilya ang pinaka-ugat ng isang komunidad at mahalaga ang
pamilya sa pagbuo ng sambayanan at ang magkaroon ka ng isang
tunay na pamilya na may pagmamahalan ay napakalaking nang
kayamanan na maituturing.
- Sa kabuuan ng kwento na dapat kung saan tayo pinanganak, saan tayo
namuhay at nakaranas ng ating pagkabata ay dapat balikan natin ito at
huwag natin kalimutan.

6. Liwayway Arceo

 Talambuhay
- ay pangunahing mangangathang Tagalog at
Filipino na nakasulat ng 90 nobela. Binago
ni Arceo ang topograpiya ng panitikang
Tagalog, at ng ngayon ay tinatawag na
panitikang popular, sa paglalathala ng mga
akdang nagtatampok ng halagahan [values],
lunggati [vision], at kaisipang Filipino.
Ginamit din niyang lunsaran ang pamilya
bilang talinghaga ng Filipinas; at sa pamamagitan ng masinop ng
paggamit ng wika ay itinaas sa karapat-dapat na pedestal ang mga
kathang Tagalog, sa kabila ng pamamayani ng Ingles bilang opisyal
na wika ng edukasyon at gobyerno.
 Uhaw ang tigang na lupa
- Ito ay isang kwento ng isang dalagita na mayroon ina na palaging
malungkot, di makatulog, malalim ang paghinga at minsan humihikbi.
Ang tatay naman niya ay laging nagmamakinilya habang nag
sisigarilyo at wala din imik. Mahintulad ang puso ng dalagita sa
tigang na lupa, uhaw na uhaw sa pagmamahal. Isang araw naisauli ng
labandera ang isa talaarawan sa ina niya, kung saan ito ay napaluha.
Umuwi ang tatay niya lasing na lasing. Nakita ng dalagita ang pitaka
na may lamang sulat at larawan . Dito nakasaad ay “sapagkat ako’y
nakalimot”. Lumubha ang pakiramdam ng ama, bago namatay sabi ng
ama na ang kanyang kaluwalhatian ay na sa kalamigan ng lupa. Bago
lumisan ang kaluluwa ng kanyang asawa, sinabihan ng ina ng dalagita
na“Maangkin mo na ang kaligayahan mo.”

7. NVM Gonzales

 Talambuhay
- Pinanganak siya noong 8 Setyembre 1915
sa Romblon, Philippines, ngunit pinalaki
sa Mansalay, isang probinsiya sa timog
ng Oriental Mindoro. Anak siya ng isang guro at
superbisor ng paaralan.
- nagsulat si Gonzales para sa Philippine
Graphic at naging patnugot para sa Evening
News Magazine at Manila Chronicle. Nalathala
ang una niyang sanaysay sa Philippine Graphic at ang una niyang
tula sa Poetry noong 1934. Naging kilala ang pangalan niya sa mga
manunulat ng Pilipinas bilang isang miyembro ng Board of
Advisers ng Likhaan: the University of the Philippines Creative
Writing Center, patnugot ng The Diliman Review at unang presidente
ng Philippine Writers' Association. Nag-aral ng malikhaing pagsulat
si Gonzales kay Wallace Stegner at Katherine Anne
Porter sa Stanford University.

 Lunsod, Ngayon at Dagat-dagatan

8. Fidel Sicam

 Talambuhay
-Isang actor

 Pitong taon
- Sa kwentong “Ako po’y ay pitong taong gulang” naka sentro ang
takbo ng kwento sa isang babae na nagngangalang “Amelia”.
Nagmula sa isang mahirap na pamilya na kumakayod sa araw-araw
na buhay, si Amelia ay ipinamigay ng kanyang mga magulang sa
isang pamilyang may angking yaman. Siya ay patuloy na naninirahan
sa bahay ng pamilya na iyon bilang isang utusan o isang yaya.

You might also like