You are on page 1of 3

PANAHON NG HAPONES christian villar

1.Sinakop ng bansang hapones ang pilipinas nuong 1942-1945

dahil sa pagnanais ng mga hapones na burahin ang anumang impluwensya ng mga amerikano, ipinagamit nila ang katutubong
wika partikular ang wikang tagalog sa pagsulat ng mga akdang pampanikan. ito ang panahong namayagpag ang panitikang
tagalog.

samantala, ipinatupad nila ang order militar BLG.13 na nag uutos na gawing opisyal na mga wika ang tagalog at ang wikang hapon.

PANAHON NG HAPONES

sumibol ng lubos ang panikan ng bansa sa panahong ito dahil ipinagbabawal ng namumunong hapon ang paggamit ng wikang
ingles at itinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga katutubong wika sa bansa . sinunog din ang mga aklat na
nasusulat sa ingles upang masigurong hindi mababahiran ng kanluraning ideya ang panitikang nilikha.

ang panahong ding ito sa kasaysayan ng bansa at ng panitikan ang tinaguriang gintong panahon ng panitikang pilipino dahil higit
na malaya ang mga pilipino (kaysa amerikano) sa pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura , kaugalian at paniniwalang plipino
sa mga ito sa panahon ding ito kinilala ang mga manunulat na babaeng pilipino sa pangalan nina LIWAYWAY A. AREO at
GENONEVA EDROZA - matute dahil sa mga makintal na maka-feministang , maikling kwento.

matagal inabangan , ngunit napakagimbal din nang walang babalang lumusob ang mga hapon sa pilipinas noong disyembre 8,
1941 binomba at sinalanta ang mga eroplanong pandigma sa CLARK AIR BASE sa pampanga lumusong ang mga sundalo ,
pinamunuan ni GENERAL MASAHARU HOMMA , sa WHITE BEACH sa lingayen pangasinan at iba pang pook sa luzon at sabay sabay
tumulak papuntang manila. tangkang dunon paurungin, ipitin at durugin ang mga nagtatanggol nang madaling matapos ang
pagsakop sa pilipinas. mahigit isang buwan lamang ang itinakda ng mga hapon upang sakupin ang pilipinas.

2.Binomba ng hapones ang pilipinas nuong disyembre 8, 1941

Ang pananakop ng mga hapones sa pilipinas ay ang panahon sa kasaysayan ng pilipinas mula 1942-1945 noong ikalawang
digmaang pandaigdig kung kailan nilusob ng imperyo ng hapon ang pilipinas na dating tinatabanan o nasa ilalim ng kapangarihan
ng estados unidos. habang nagaganap ang ikalawang digmaang pandaigdig binomba ng hukbo ng mga sundalong hapones ang
pilipinas noong disyembre 8, 1941 naganap ito isang araw pagkaraang bombahin ng mga hapones ang pearl harbor , hawaii at
estados unidos.

ang bansang hapon ay malaki ang pagnanais na siyang maghari sa buong asya . lihim siyang pinalakas ng kanyang sandatahang
panlakas . ang hukbong dagat , katihan at panghimpapawid layunin ng bansang hapon ang maitaboy ang mga bansang kanlurang
sumasakop sa ibang bansa sa asya gaya ng idonesia , malaysia , biyetnam at pilipinas . dahil nasa ilalim ng kolonya ng estados
unidos kaya't sinakop ng hapon ang pilipnas. ngunit para sa karamihang manunulat na pilipino isang biyaya sa larangang panitikan
ang bansang ang pangyayaring ito.

Panahon ng Hapon
Itinuturing ito ng marami na gintong panahon ng maikling kuwento at ng dulang Tagalog. Ang wikang Ingles nanakuhang maipasok
ng mga Amerikano hanggang sa kamalayan ng mga Pilipino ay ipinagbawal gamitin ng mga Hapones kung kayat ang nagtamasa
ng bunga ng pagbabawal na ito ay ang panitikang Pilipino sa wikang Tagalog. Ang isang manunulat ay likas na manunulat, kayat
nang ipagbawal ang pasulat ng Ingles siya’y napilitang gumamit ng wikang Tagalog upang makapagsulat lamang. Ang isang naging
bunga nito ay ang paglitaw ng isang uri ng pamamaraan sa pagsusulat na gagad sa Ingles, maging sa pagbuo ng mga pangungusap
hanggang sa istilo ng pagsusulat.

Nabigyang- sigla ang Pambansang Wika dahil na rin sa pagtataguyod ng pananakop. Binigyan pa nila ng pagkakataon ang
isang Pilipino, si Jose P Laurel upang mangulo sa baying sa kanilang pamamatnubay. Nasangkot ang Pilipinas. Nasakop ng mga
Hapones.

Mailkling Katha
Itinuturing na pinakamaunlas ang sangay ng mailkling kuwento sa lahat ng sangay ng pantikan sa panahong ito. Sa
pamamahala ng Surian ng Wikang Pambansa, pinili ang itinuturing na pinakamahusay na maikling kuwento sa panahong ito.

Ang Tula

Namalasak ang haiku noong panahong iyon. Ang Haiku ay isang uri ng tula na binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa
tatlong taludtod. Ang unang taludtod ay may limang pantig; ang ikalawa’y may pitong pantig; ang ikatlo ay may limang pantig (5-
7-5). Kahit na napakaikli ng haiku, ito’y dapat na may masaklaw na kahulugan , matayog na kaisipan, matiim na damdamin at di
mapasusubaliang kariktan.

Bunuhay naman ng makatang Ildefonso Santos ang tulang tanaga. Ito’y maikli ring katulad ng haiku ngunit ito’y may sukat
at tugma at ang bawat taludtod ay may pitong pantig.

Ang Dula

Bunga ng kahirapang ng buhay dulot ng digmaan. Ang mga tao’y humanap ng kahit na kaunting mapaglilibangan sa mga
dulaan. Natigil ang pagsasapelikula dahil sa giyera at ang mga artista ng puting tabing ay lumipat sa pagtatanghal sa mga dulaan.
Ang malalak’t maliliit na teatro tuloy ay nagsipaglabas ng dula.

Nobela

Sa panahon ng pananakop ng mga Hapones, masasabing lalong hindi namulaklak ang pagsulat ng nobela. Dahilan ito sa
kahirapan ng buhay at halos walang magamit na papel ang mga manlilimbag.

*Jose Ma. Hernandez - Panday Pira

*Francisco Rodrigo - Sa Pula, Sa Puti

*Clodualdo el Mundo - Bulaga

*Julian Criz Balcameda - Sino ba kayo?; Dahil sa Anak; Higante ng Patay.

*Narciso Reyes - Tinubuang Lupa.

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan ay bahagi
ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo. Ang layunin ng
panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang
pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa magpuksa
sa mga katulad na suliranin. Ang ating susuriing kwento ay ang “LUPANG TINUBUAN” ni Narciso Reyes. Ang kwentong ito ay
nagkamit ng parangal. Ang mga tauhan dito ay sina Danding, ang pangunahing tauhan, Juana at Tiyo Gorio. Isa si Danding, kasama
ang kanyang Tiya Juana at Tiyo Gorio sa mga taong naroon na uuwi sa lalawigan upang makipaglibing sa kanyang Tata Inong na
pinsan ng kanyang ama. Sa kanyang pag-uwi ay marami pala siyang mga kamag-anak sa Malawig. At doon niya nakilala ang
kanyang mga di-kilalang kamag-anak. Isa nga sa mga kamag-anak niya ay si Lolo Tasyo. Nagkuwento ang matanda kay Danding
tugkol sa knayang Ama. Masasabing nabibilang ito sa toeryang historikal sapagkat gumamit ang awtor ng flashback sa buhay ng
isang tauhan sa kwento. Nabibilang iton sa teoryang historikal spagkat tumutukoy ito sa mga kwento ng isang matanda sa
pinagdaanan ng ama ni Danding noong bata pa siya. ’Kaparis ka ng iyong ama,’ ’Ang batang ito! Ako ang nagbaon ng inunan ng
ama mo. Ako ang gumawa ng mga una niyang laruan. Naulila agad siya sa ama.’ Doon siya malimit magpalipad ng saranggola
noong bata pa siyang munti. Sa kabilang pitak siya nahulog sa kalabaw, nang minsang sumama siya sa akin sa pag-araro. Nasaktan
siya noon, ang akala ko’y hindi siya titigil sa kaiiyak.’ Sa itaas ng punong ito pinaakyat ko at pinagtago ang ama mo isang hapon,
noong kainitan ng himagsikan, nang mabalitaang may mga huramentadong Kastila na paparito. At doon, sa kinauupuan mo
kanina, doon niya isinulat ang kauna- unahan niyang tula-isang maikling papuri sa kagandahan ng isa sa mga dalagang nakilala
niya sa bayan. May tagong kapilyuhan ang ama mo.’ Ang mga katagang iyan ang ginamit ng awtor upang magbalik-tanaw sa mga
pangyayari sa kwento. Kung ating papansinin ang katagang ito: pagsasaranggola sa bukid, ang pagkahulog sa kalabaw, dalaga sa
bunton ng palay, ang lahat ay nananariwa sa kanyang gunita ng isang tao o indibidwal. Para bagang isa itong karanasan ng isang
tao. Ang mga ito ay masasalamin sa kasaysayan ay bahagi ng kanyang pagkahubog ng awtor. Naipakikita rin rito ang pamaraan
ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin kagaya ni Danding nabigyan ng linaw ang kanyanmg mha tanong tungko sa kanyang ama.
Sa sandaling iyon ay tila hawak ni Danding sa palad ang lihim ng tinatawag na pag-ibig sa lupang tinubuan. Nauunawaan niya kung
bakit ang pagkakatapon sa ibang bansa ay napakabigat na parusa, at kung bakit ang mga nawawalay na anak ay sumasalungat sa
bagyo at baha makauwi lamang sa Inang Bayan. Kung bakit walang atubiling naghain ng dugo sina Rizal at Bonifacio. Dito na
pumasok ang teoryang historikal dahil nabanggit ng may-akda ang kadakilaan ng ating mga bayani na si Rizal at Bonifacio. Hindi
man deretsahang sianbi ng may-akda na nabuwis ng buhay ang dalawang bayani ginamit niya naman ang dugo upang maging
simbolo sa katapangan ng mga ito

*Liwayway Arcio - Uhaw ang Tigang na Lupa.

*NVM Gonzales - Lunsod, Nayon at Dagat-dagatan

You might also like