You are on page 1of 4

Name : SHEENA S.

FLORES
Subject : PANITIKANG FILIPINO
Subject Code : 01305
Instructor : Bb. Marilou Yurong - Limpot
Time : 1:30pm – 2:30pm
KABANATA 6
PANAHON NG MGA AMERIKANO
1. Ilahad ang lahat ng nangyari sa panahong ito.
-Nagpahayag ng pakikidigma ng amerika sa espanya noong abril 19,
1898
-Pinalubog ni alimrante Dewey ang plota ng mga kastila na
pinamumunuan ni Hen. montoho. (may 1, 1898)
-Nag balik si Aguinaldo sa pilipinas buhat sa Hongkong. (may 19, 1898)
-Nilagdaan ang kasunduang paris na inililipat ngkastila ang pilipinas
sa Estado ng Unidos sa halagang 20 milyong dolyar. (Agosto 13, 1898).
-Pinagtibay ang kasunduang paris (disyembre 10, 1898).
-isang pilipinong opisyal na ang napatay ng isang sundalong amerikano sa tulay ng
san juan
-nag simula ang digmaang pilipino at amerikano noon pebrero 6, 1899. at digmaan
sa tulay ng zapote.
-Nagwakas Digmaang pilipino at Amerikano sa pagsuko ni Hen. Miguel Malvar, ang
kahuli-huling heneral na sumuko sa mga amerikano.
-pagtibay ng batas sedisyon.
2. Sino-sino ang mga taong may mahahalagang kontribusyon sa panahong ito?
-Jose Corazon de Jesus
-Lope K. Santos
-Pedro Gatmaitan
-Iñigo Ed Regalado
-Florentino Collantes
-Julian Cruz Balmaceda
3. Ano ang kanilang kontribusyon?
Jose Corazon de Jesus- ang “Makata ng Puso” ang siyang higit sa kaninoman
ay nkamana ng korona’t setro, ng pinsel at papel ni Francisco Baltazar. Hindi kailanman
magiging ganap ang anomang pagsusuri ng tulang Pilipino sa kahit anong panahon
kung hindi babanggitin ang pangalan ni Huseng Batute, ang “Makata ng Puso”.
Lope K. Santos- ang “Makata ng Buhay” sa kaniyang mga tula, mababakas ang
pagkamakata sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga bagay- bagay sa buhay, lalong-
lao na iyong nauukol sa pangkalahatang bagay sa paligid. Dalubhasa ang panulat ni
Lope K. Santo sa paglalarawan ng kahit na itinuturing na walang kuwenta at fi pansing
mga bagay. Hindi rin lumihis si Lope sa kalakaran ng pangangaral. Katunayan, may
kalipunan siya ng mga kuwentong tula na hango sa mga katutubng salawikain.
Pedro Gatmaitan- nagpakita ng pag-unawa sa kalagayang panlipunan ng kaniyang
paligid. Taong 1913 nang kanyang paksain ang tungkol sa maselan na temang nauukol
sa lipuang feudal. Sumulat din siya ng mga nauukol sa pagmamahal sa bayan.
Iñigo Ed Regalado (1855- 1896 ) siya ay isa ring kuwentista, nobelista at mamahayag
ngunit ang buong linamnam at tamis ng kaniyang pagkamulat ay sa kaniyang mga tula
malalasap. Tinalakay niya sa kaniyang mga tula ang buhay sa daigdig, ang mga bagay-
bagay sa kapaligiran at ang mga di mapapasubaliang katotohan ng buhay.
Florentino Collantes (1896- 1951)- kapanahon ni Jose Corazon de Jesus at mahigpit
niyang nakaagaw sa titulong Hari ng Balagtasan.

Julian Cruz Balmaceda (1885- 1947) kilalang mandudula, mananalaysay, nobelista,


mananaliksik wika at makata. Siya ay naging patnugot ng Surian ng Wikang Pambansa
hanggang sa mamatay sa taong 1947.
4. Ano-ano ang mga akdang naisulat sa panahong ito na nagpamulat sa mga
Pilipino? Bakit?
- Ang Pasingaw at Dagli
Sang-ayon kay Lope K. Santos, ang maikling kathang Tagalog ay matutuntong na
nagsupling sa anyo ng panitikang tinatawag na Pasingaw. Ito’y kadalasang tungkol sa
mga dalagang hinahangaan, nililigawan, sinasamba nang lihim o pinaparunggitan dahil
sa nais tawagan ng pansin ang kapintasan sap ag-uugali o sa hitsura. Kaya ang
kadalasang nagsusulat nit ay mga lalaking manunulat na nagkukubli sa ilalim ng mga
sagisag dahil na rin sa “kaselanan” ng mga paksang tinatalakay.
Ang pasingaw ay naging dagli. Sa tiyakang pagbibigay ng kahulugan , ang dagli ay
isang maikling salaysay na nangangaral, namumuna, nagpapasaring at nanunuligsa.
-Ang Tula sa Panahon ng Aklatang Bayan
Yumabong nang husto ang tula sa panahong ito ng Aklatang- Bayan.Masasabi pa
ngang sa lahat ng panitikan ng panahong iyon ay sa tula nanaig nang ganap ang
romantisismo
Si Francisco Balagtas ay hindi maikakailang produkto ng kaniyang panahon. Sa
kaniyang mga isinulat na hindi nasunog at sumapit sa kamay ng mga sumunod na
henerasyon ay ganap na mababakas ang labis na sentimentalismo ng kaniyang
panahon.
5. Sa inyong katayuan, ano ang iyong masasabi sa panahong ito? ( positibo o
negatibong komento )
Ang panahon ng mga Amerikano ang isa sa mga naganap na pagbabago sa
Pilipino sa pagkaraan ng panahon ng mga Kastila. Isang malaking pagbabago ang
ginawa ng mga Amerikano sa pagdating nila sa Pilipinas. Isa na dito ang pagbabago sa
edukasyon. Ang edukasyon noon bago dumating ang mga Kastila o Espanyol ay
kabaligtaran ng sistema sa panahon ng mga Amerikano.Dito, pinapayagang makapag-
aral ang mga kababaihan at mahihirap na mga Pilipino. Hindi tulad sa panahon ng mga
Kastila, lahat ng mga kababaihan at mahihirap na Pilipino ay hindi pinahihintulutan na
makapag-aral. Sa panahong ding ito,nabigyan din ng pagkakataon na magkaroon ng
pribadong paaralan at publikong paaralan. Ngunit ang mga ito ay hindi na pag-aari ng
simbahan, na nakagawian naman noon sa panahon ng Espanyol.

Name : SHEENA S. FLORES


Subject : PANITIKANG FILIPINO
Subject Code : 01305
Instructor : Bb. Marilou Yurong - Limpot
Time : 1:30pm – 2:30pm

KABANATA 7
PANAHON NG MGA HAPON
1. Ilahad ang lahat ng nangyari sa panahong ito.

2. Sino-sino ang mga taong may mahahalagang kontribusyon sa panahong ito?

3. Ano ang kanilang kontribusyon?


4. Ano-ano ang mga akdang naisulat sa panahong ito na nagpamulat sa mga
Pilipino? Bakit?

5. Sa inyong katayuan, ano ang iyong masasabi sa panahong ito? ( positibo o


negatibong komento )

You might also like