You are on page 1of 7

KEY POINTERS SA DEMO NI CED

PANALANGIN:

(RINA)

PAGBATI:

MAGANDANG ARAW SIR PEREZ

PAGTALA NG LIBAN:

(DAISY MAY) Nalulugod po akong ilahad sa inyo na wala pong lumiban sa klase ngayong araw.

PAGBABALIK ARAL:

Batay sa inyong pakikinig sa nakaraang tinalakay, Ano nga ulit ang pamagat ng Epiko na
ating tinalakay?

- Sir, Ang pamagat po ng Epiko na tinalakay ay Hinilawod.

Saang lugar naman ito nagmula?

- Sir, sa isa po itong Epiko ng mga Bisaya

Ibigay ang tatlong bahagi ng sanaysay na ating tinalakay patungkol sa Epiko na Pinamagatang
“Hinilawod”.

- Simula, gitna, at wakas

IDEYA MO ILABAS MO!

UNANG LARAWAN

*POSIBLENG ISAGOT* MAAARING ITAAS ANG KAMAY PAGSASAGOT

-SI KUNEHO PO AT SI PAGONG


-MAGKAKARERA PO SILANG DALAWA
-NASA KABUNDUKAN SILA

PANGALAWANG LARAWAN:

*POSIBLENG ISAGOT* MAAARING ITAAS ANG KAMAY PAGSASAGOT

-NAPAGOD SI KUNEHO AT NAUNA NA SI PAGONG


-DAHIL MABILIS SI KUNEHO NAPAGOD AGAD ITO AT NAGPAHINGA
-NABAGOT SI KUNEHO KAYA ITO NAGPAHINGA SA ILALIM NG PUNO DAHIL MABAGAL SI
PAGONG.

PANGATLONG LARAWAN:
*POSIBLENG ISAGOT* MAAARING ITAAS ANG KAMAY PAGSASAGOT

- NANALO SI PAGONG DAHIL NAKATULOG SI KUNEHO


- NANALO SI PAGONG SAPAGKAT INAAKALA NIYANG DI SIYA MAAABUTAN NI
PAGONG
- NAUNA ANG YABANG NI KUNEHO KAYA SIYA NATALO NI PAGONG.

May napansin ba kayo sa tatlong larawan batay sa una hanggang pangatlo?

-May pagkakasunod sunod po ng pangyayari

AKTIBIDAD1.1

Panuto: Mayroon akong inihandang mga salita, ang gagawin nyo lamang ay tutukuyin nyo kung
ano ang kasingkahulugan. Ididikit nyo sa dulo ng pangungusap ang kasingkahulugan nito.

1. Ang langit ay nasa tao.


a. Kapayapaan at kabutihan
b. Maaliwalas
c. Pagbabago
d. Kasiyahan

Sagot:

Langit (a.Kapayapaan at Kabutihan)

SIGE NGA KLASE GAMITIN NIYO SA PANGUNGUSAP ANG LANGIT BATAY SA KANIYANG
KASINGKAHULUGAN.

-Makakamit natin ang ating inaasam na Langit kung tayo ay magtutulungan

2. Bumaling si Celso sa pinanggagalingan ng tugtog ng gitara.


a. Nakuha ang atensiyon
b. Tumatak
c. Tumingin
d. Lumiko

Sagot:

Bumaling (A. Nakuha ang atensiyon)

PAGGAMIT SA PANGUNGUSAP

- Bumaling si Maico sa babaeng nakasalubong niya dahil sa nakakaakit nitong itsura.

3. Ang damdamin niya’y tila tigang na lupang pinagkaitan ng ulan.


a. Tinanggal
b. Pinagdamutan
c. Pinatigil
d. Kinuha
Pinagkaitan(b. Pinagdamutan)

Ang taong grasa ay pinagkaitan ng pagkain ng lalaking dumaan.


.

4. Nakita sa isipan ni Celso ang kaniyang sariling pagkatao.


a. Natagpuan
b. Nakalimutan
c. Nalaman
d. Nakasalubong

Nakita sa Isipan (c. Nalaman)

Aking nakita sa aking isipan na hindi pala ganon kadali ang magaral sa kolehiyo.

5. Lahat ay may tinatagong kahulugan.


a. Pagkain
b. Sikreto
c. sama ng loob
d. sakit

Tinatagong Kahulugan(b. sikreto)

Marami sa atin ang may tinatagong kahulugan na tayo lamang ang nakakaalam.

aking natuklasan ang tinatagong kahulugan ni burnok patungkol sa kaniyang iniirog.

MAIKLING KUWENTO (SPRING BOARD)

Paalam sa Pagkabatasalin ni Nazareno D. Basmula sa “Panamilit sa


Kabantanon” ni Santiago Pepito Pagbubuod ni Aida M. GuimarieNakagisnan
na ni Celso ang kalungkutan ng kaniyang kabataan at ang madalas na
pagsasagutan ng kaniyang mga magulang na sina Mang Tomas at Aling
Isidra. Naririnig niya lagi ang pag-iyak ng kaniyang ina na nakadaragdag sa
kaniyang kalungkutan. Hindi niya maunawaan ang sanhi ng damdaming iyon
na matagal nang umaalipin sa kaniya.Pinangarap ni Celso na magkaroon ng
kapatid upang maibsan ang kalungkutan nadarama subalit hindi ito nangyari
at ang damdamin niya’y tila tigang na lupang pinagkaitan ng ulan. Nang
sumunod na araw ay maliwanag na ang silangan nang bumangon si Celso
ngunit wala siyang nakitang pagbabago. Namataan niya ang ina na nakaupo
sa may hagdanan na nag-iisip at nakatitig sa sampayan ng lambat ng
kaniyang ama.
Bumalik sa alaala ni Celso ang nangyari may dalawang taon na ang
nakalilipas. Itinapon ng kaniyang ina ang lambat at dahil dito, nagalit nang
husto ang kaniyang ama at napagbuhatan pa ng kamay. Ipinabalik sa
kaniyang ina ang lambat sa sampayan.Narinig ni Celso ang sinabi ng
kaniyang ina sa kaniyang ama kung hindi pa ito nakalilimot sa nangyari sa
kaniya at pinagdiinang wala siyang kasalanan. Sinabi pa ng ina na hindi niya
alam na ibang tao ang kaniyang kasama dahil pareho sila ng hanapbuhay pati
ikinikilos nito. May binanggit pa ang ina na nanligaw ang taong ito sa kaniya
subalit pinatotohanan ng ina na ang kaniyang ama ang pinili at inibig ng ina.
Tinanong pa ng ina kung kailan pa makalilimutan ng ama ang nangyari sa
kaniya. Tuluyang umiyak ang kaniyang ina. Nanlilisik ang mga mata ng ama
na tumingin sa lambat at may ibig sabihin ang tingin nitong nag-aapoy sa
galit.Napansin ni Celso na hindi na ginalaw ng ina ang lambat sa sampayan.
Naisip ni Celso na tanungin ang ina kung ano ang misteryo sa lambat ngunit
hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na tanungin pa ang ina. Inutusan siya
ng ina na lumakad na dahil malapit nang dumating ang kaniyang ama. Sa
pagpunta ni Celso sa dalampasigan, sumalubong sa kaniya ang bagong araw
at nakita niyang maliwanag ang langit. May bumabagabag sa kalooban ni
Celso at naisip niya ang sinabi ng kaniyang guro noong nasa elementarya pa
lamang siya na ang langit ay nasa tao at hindi ito nakikita, hindi nahihipo at
hindi naaabot. Naalala ni Celso ang ina kung naabot na ba nito ang langit.
Narinig muli ni Celso ang tinig ng ina kaya tumakbo na siya sa dalampasigan
at naroroon na ang mga mamimili ng mga isda. Umupo sa dalampasigan si
Celso at pinagmasdan ang laot at galaw ng mga alon. Bumaling si Celso sa
pinanggagalingan ng tugtog ng gitara at ang malungkot na awitin nito mula sa
di-kalayuang bahay-pawid na nagpapahayag ng kasawian sa pag-ibig.
Pagkatapos, narinig ni Celso ang pinag-uusapan ng dalawang matanda
tungkol sa taong naggigitara na humahanga sa iniuukol nitong pagmamahal
sa isang babae dahil hindi ito nawawalan ng pag-asa na mamahalin din siya
hangga’t buhay ang babae. Naalala ni Celso na bawal siyang pumunta sa
bahay na pawid at may kaparusahan kapag hindi siya sumunod. Tiningnan
niya ang laot at nakita niyang malayo pa ang mga bangka ng mga
mangingisda. Nahikayat siyang pumunta sa bahay na pawid dahil parang may
humihila sa kaniya. Nakita siya ng taong naggigitara at tumigil ito sa
pagtugtog at niyakap siya nang mahigpit at nadama ni Celso ang
pagmamahal nito nang tumingin siya sa taong naggigitara. Nakiusap ito kay
Celso na dalawin siyang madalas.
Kinabahan si Celso nang marinig ang tinig ng mga mamimili. Namataan na
pala siya ng ama at masama ang tingin sa kaniya. Pinalapit siya ng ama at
sinampal at pinagbilinan na huwag matigas ang ulo. Nakita na naman ni
Celso ang ama na nagtatagpi ng lambat hanggang tanghali at matutulog
pagkatapos mananghalian at muling babalik sa pangingisda pagkatapos
maghapunan. Ito ang buhay ni Mang Tomas.Muli na namang nakita ni Celso
na luhaan ang ina at tahimik na nakatingin sa sampayan ng lambat. Bunga
nito, nagunita ni Celso ang nangyari nang itinapon ng kaniyang ina ang
lambat, ang nangyari sa dalampasigan at ang taong nakita niya sa bahay na
pawid. Lahat ng ito ay may itinatagong kahulugan. Lumapit si Celso sa
salamin at pinagmasdan ang sarili. Nakita sa isipan ni Celso ang kaniyang
sarili sa pagkatao ng taong naggigitara sa bahay-pawid. Sa nakitang anyo sa
salamin, nagliwanag sa kaniya ang itinatagong kahulugan.Nagpunta si Celso
sa kusina at kinuha ang itak ng kaniyang ama at pinagtataga ang lambat
hanggang magkagutay-gutay. Narinig niya ang tinig ng ina na nanginginig ang
boses na pinagbabawalan siyang huwag gawin ang pagsira sa lambat. Hindi
akalain ni Mang Tomas na gagawin ni Celso ang pagsira sa lambat. Nag-
aapoy ang mga mata ni Mang Tomas na humarap kay Celso subalit nilabanan
ni Celso ang pagtitig sa ama. Sinuntok nang malakas ni Mang Tomas si Celso
at umikot ang paningin ni Celso. Sumuray-suray si Celso na lumapit sa ama
subalit tinadyakan siya at napatihaya siya. Sinabunutan siya ni Mang Tomas
at inginudngod pa ang mukha ni Celso sa lupa. Sa nangyari, hindi na
namalayan ni Celso kung gaano na siya katagal na nawalan ng malay.
Naramdaman ni Celso na may maiinit na bisig na yumayakap sa kaniya at
nang magmulat siya ng mga mata ay nakita niya ang maamong mukha ng
kaniyang ama na larawan ng pagsisisi. Lahat ng ipinakikita ng kaniyang ama
ay kabaligtaran ng dati nitong ginagawa. Naramdaman ni Celso ang
pagmamahal ng ama.

MGA GABAY NA KATANUNGAN PAGTAPOS MANOOD:

A. Panonood ng Aralin:

Paano mo mailalarawan si Celso?

Ano ang pinapangarap ni Celso sa kaniyang buhay?

Bakit palaisipan kay Celso ang pagtatalo ng kaniyang mga magulang?

Kung ikaw si Celso, anong hakbang ang gagawin mo upang maiwasan ang
palagiang pagtatalo sa pamilya.

B.

Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa kuwentong ating pinanuod?

Saan ang naging tagpuan ng kuwento?


Sa inyong palagay, kasalanan bang maituturing ang nangyari kay aling Isidra?

Makatarungan ba ang ginawang pananakit ni Mang Tomas kay Celso? Bakit?

Indibidwal na Gawain)
Panuto: Tukuyin at lagyan ng bilang ( 1-5 ) batay sa pagkakasunod-sunod ng mga bahagi
ng maikling kuwento.

(2) Itinapon ng kaniyang ina ang lambat at dahil dito, nagalit nang husto ang kaniyang
ama at napagbuhatan pa ng kamay.

(1) Nakagisnan na ni Celso ang kalungkutan ng kaniyang kabataan at ang madalas na


pagsasagutan ng kaniyang mga magulang na sina Mang Tomas at Aling Isidra.

(4) Nagpunta si Celso sa kusina at kinuha ang itak ng kaniyang ama at pinagtataga ang
lambat hanggang magkagutay-gutay.

(3) Bumaling si Celso sa pinanggagalingan ng tugtog ng gitara at ang malungkot na


awitin nito mula sa di-kalayuang bahay-pawid na nagpapahayag ng kasawian sa pag-
ibig.

(5) Naramdaman ni Celso na may maiinit na bisig na yumayakap sa kaniya at nang


magmulat siya ng mga mata ay nakita niya ang maamong mukha ng kaniyang ama na
larawan ng pagsisisi.

PAGLALAHAT (LIMANG LITRATO)

UNANG LITRATO
- Mga Tauhan po
PANGALAWANG LITRATO
- Panimula
PANGATLONG LARAWAN
- Wakas
PANG APAT NA LARAWAM
- Tema
PANGLIMANG LARAWAN
- TAGPUAN

You might also like