You are on page 1of 17

Sa Pula,Sa Puti

Francisco "Soc"A.Rodrigo

PANAHON:Kasalukuyan.

Pook:Lalawigan

TAGPO:Isang karaniwang tahanan sa lalawigan.Ang pintuan sa likuranay patungo sa labas; ang sa kanan
ay patungo sa kusina.

Matatambad sina Celing at Kulas, mag-asawa. Kapwa sila maykagulangan na, at nakasuot ng barong
karaniwan sa mga tagalalawigan.Nagsusulsi si Celing, samantalang si Kulas naman ay naghihimas ng
tinali.Dudukot si Kulas ng isang sigarilyo sa bulsa, hahatiin ang sigarilyo, sisindihanang kalahati, at
ibabalik ang kalahati sa bulsa. Pauusukan ang tinali,titingnanat hahangaan ang kaliskis nito.

Maririnig ang sigawan ng mga tao sa sabungan sa malapit:“Lugro angdiyes!"“Sa pulal""Sa putil"
"Heto,heto dublado sa pula.""Tablamanalo sapula!"

Kulas: A...heml E, kumusta ka ngayong umaga,Celing?

Celing.Mabuti naman, Kulas. Salamat at naalala mo akong kumustahin.

Kulas: Si Celing naman,bakit naman ganyan ang sagot mo sa akin?

Celing: Sapagkat pagkadilat ng mga mata mo sa umaga, wala ka nangnaisip kumustahin at himasin kundi
ang iyong tinall. Tila-mahalmo pa ang mga tinali mo kaysa sa akin.

Kulas: Ano ka ba naman, Celing, wala nang mas mahal pa sa akin sabuhay nà ito kundi ang asawa.
(llalagay ang kamay sa balikat niCeling.)

Celing.Siya nga ba? Ngunit kung nakikita kong hinihimas mo ang iyongmga tinali, ibig ko na kung
minsang mainggit at magselos.

Kulas:Ngunit Celing, alam mo namang kaya ko lamang inaalagaangmabuti ang mga tinaling ito ay para sa
atin din. Sila ang magdadalasa atin ng grasya.

Celing:Grasya ba o disgrasya, gaya ng karaniwang nangyayari?

Kulas:Huwag mo sanang ungkatin ang nakaraan. Oo, ako nga'ynagpatalo noong mga nakaraang araw,
sapagkat noon ay hindipa ako bihasa sa pagpili at paghimas ng manok. Ngunit,ngayonay marami na
akong natutuhan, mga bagong sistema.

Celing.At noong nakaraang Linggo,noong matalo ang iyong talisain;hindimo pa ba alam ang mga bagong
sistemang iyan?

Kulas: lyon ay disgrasya lamang! Celing, makinig ka. Alam mo, kagabiay nanaginip ako. Napanaginip kong
ako'y hinahabol ng isangkalabaw na puti. Kalabaw na puti, Celingl
Celing: E ano kung puti?

Kulas: Ang pilak ay puti, samakatwid ang ibig sabihin ay pilak. At ako'yhinahabol...Hinahabol ako ng pilak.
..ng kuwarta!

Celing: Ngunit ngayon ay wala nang kuwartang pilak.

Kulas: Mayroon pa, nakabaon lang. Kaya walang duda; Celing, Bigyanmo lamang ako ng limampiso
ngayon ay walang salangmagkakakuwarta tayo..

Celing.Ngunit Kulas, hindi ka pa ba nadadala sa mga panaginip mongiyan? Noong isang buwan,
nanaginip ka ng ahas na numero 8.Ang pintakasi noon ay nataon sa a-otso ng Pebrero, at sabi
mo'ykuwarta na ngunit natalo ka ng anim na pisol

Kulas:Nagkamali ako sa pakahulugan sa numero 8. Ang kailangan palaay sa ikawalong sultada ako
pumusta.

Celing.At nagkamali ka rin ba noong managinip ka ng pusang pula?Pinustahan mo ang manok na pula at
nadisgrasya na naman angwalong piso, at ngayon ay kalabaw na puti . . .

Kulas:Oo nga,ngunit ang batayan ko ngayon ay hindi lamangpanaginip.Pinag-aralan kong mabuti ang
kaliskis at tainga ng manok na ito.Ito’y walang pagkatalo.Celing.Ipinangangako ko sa iyo,walangsalang
tayo ay mananalo.

Celing:Kulas, natatandaan mo pa bang ganyang-ganyan din ang sabimo sa akin noong isang Linggo
tungkol sa manok mong talisain?At ano ang nangyari? Nagkaulam tayo ng pakang na manok.

Kulas:Sinabi ko nang iyon ay disgrasya! (Maririnig uli ang sigawan sasabungan. Maiinip si Kulas.) Sige
na,Celing. Ito na lamang.Pagnatalo pa ang manok na ito, hindi na ako magsasabong.

Celing.Totoong-totoo?

Kulas: Totoo.Sige na, madali ka at nagsusultada na. Sige na, may katratoako sa susunod na sultada. Pag
hindi ako dumating ay kahiya-hiya. (Titingnan ni Celing ang pagkabalisa ni Kulas at maiisipnawalang
saysay ang pakikipagtalo pa. liling-iling na dudukot ngsalapi sa kanyang bulsa.)

Celing. O, buweno, kung sabagay, ay tagatago lamang ako ng pera. O,heto huwag mo sana akong
sisisihin kung maubos ang kauntingpinagbilhan ng ating palay.

Kulas: (kukunin ang salapi): Huwag kang mag-alala, Celing. Ito’y kuwartana.Seguradung-segurado! O,
buweno, diyan ka muna.

(Magmamadaling lalabas si Kulas, ngunit masasalubong siSioning sa maypintuan.)

Sioning. Kumusta ka,Kulas?

Kulas (nagmamadali):Kumusta…e…e,Sioning,didispensahin moako. Ako lang ay nagmamadali. E. ..este…


e…nandiyan siCeling…Celing! Heto si Sioning.Buweno diyan ka na.(Lalabassi Kulas.)

Sioning.Celing, ano ba ang nangyayari sa iyong asawa? Tila pupunta sasunog.

Celing.Ay, Sioning masahol pa sa sunog ang pupuntahan. Pupunta nanaman sa sabungan.


Sioning.Celing talaga bang-

Celing.Sandali lang,ha, Sioning. (Sisigaw sa gawi ng kusina.) TebanlTebanl Teban!

Teban: (masunurin ngunit may kahinaan ang ulo): Ano po iyon,AlingCeling?

Celing.(kukuha ng limang piso sa bulsa at ibibigay kay Teban):O,heto,Teban, limang piso . .. nagpunta na
naman ang amo mo sasabungan. Madali, ipusta mo ito. Madali at baka mahuli!

Tebamna nagmamadaling itinulak ni Celing sa labas): Opo, opo . . .(Lalabas si Teban.)

Sioning.Ipusta ang limang pisol Ano ba ito, Celing, ikaw man ba’y nagingsabungera na rin? (Magugulaf)

Celing.Si Sioning naman. Hindi ako sabungeral Ngunit sa tuwingmagsasabong si Kulas ay pumupusta
rin’ako.’

Sioning.Ah. .. Hindi ka sabungera, ngunit pumupusta ka’lamang sasabong? Hoy, Celing, ano ba ang
pinagsasabi mo?

Celing.O buweno, Sioning, maupo ka’t ipaliliwanag ko sa iyo. Ngunithuwag mo namang ipaalam
kanginuman.

Sioning.Oo, huwag kang mag-alala sa akin.

Celing.·Alam mo, Sioning, ako’y pumupusta sa sabong upang huwagkaming matalo.

Sioning. A,pumupusta ka sa sabong upang huwag kayong matalo. Celing,pinaglalaruan mo yata ako.

Celing:Hindi. Alam mo’y marami kaming nawawalang kuwarta sakasasabong ni Kulas. Nag-aalala akong
darating ang araw namagdidildil na lamang kami ng asin. Pinilit kong siya’y pigilin. Ngunitmadalas
kaming magkagalit. Upang huwag kaming magkagalit,at huwag namang maubos ang aming kuwarta, ay
umisip ako ngparaan. May isang buwan na ngayon, na tuwing pupusta si Kulassa kanyang manok, ay
pinapupunta ko si Teban sa sabunganupang pumusta sa manok ng kalaban.

Sioning. (may kahinaan din ang ulo): Sa anong dahilan?

Celing.Puwes, kung matalo ang manok ni Kulas ay nanalo ako. At kungako nama’y matalo ay nanalo si
Kulas, kaya’t anuman angmangyari ay hindi nababawasan ang aming kuwartä.

Sioning. A siya nga. Siya nga naman pala.(Mag-uumpisang marinig ang sigawan buhat sa säbungan.)

Celing.Hayan, nagsusultada na marahil. Naku, sumasakit ang ulo ko sasigawang iyan.

Sioning.lkaw kasi, e. Sukat ka bang pumili ng bahay sa tapat ng sabungan.

Celing.Ano bang ako ang pumilil Si Kulas ang pumili ng bahay na ito.Ang gusto, kong bahay ay sa tabi ng
simbahan, ngunit ang gustoni Kulas ay sa tabi ng sabungan.

(Lalong lalakas ang sigawan.)

Sioning. A, siya nga pala, Celing, naparito ako upang ibalita sa iyo nadumating na ang rasyon sa tindahan
ni Aling Kikay. Baka tayomaubusan.
Celing. Ay salamat at nagkasabon na rin. Makapaglalaba na ako.

Sioning. Buweno,tayo na.

(Lalo pang lalakas ang sigawan at biglang maghihinto.)

Celing.Hayan, tapos na ang sultada. Hintayin lang natin sandali si Teban.Tutal kaylapit ng bahay ni Aling
Kikay.

Sioning.Ngunit baka tayo maubusan.

Celing.Hindi,siyempre ipagtitira tayo ni Aling Kikay.Sayang lamang angpagkakumare namin. (Dudungaw


si Celing.) O heto na nga siTeban. Tumatakbo. (Papasok si Teban na may hawak nadalawang lilimahin.)

Tebamtuwang-tuwa):Nanalo tayo, Aling Celing, nanalo tayo! (Ibibigayang salapi kay Celing. Agad-agad
namang itatago nito.)

Celing.Mabuti, Teban, o, magpunta ka na sa kusina. Baka dumating nasi Kulas ay mahalata ang ating
ginagawa.(Magmamadaling lalabassi Teban.)

Sioning.O,buweno, lumakad na tayo. Celing.

(Kukunin ni Celing ang tapis niyang nakasampay sa isangsilya. Aalis na sila. Papasok si Kulas na tila
walang kasigla-sigla.)

Celing.

Ano, ba, Kulas, tila hindi ka inabutan ng kalabaw na puti?

Kulas:

(mainit ang ulo): Huwag mo ngang banggitin iyan. Talagang ako’ymalas. Celing, iyo’y disgrasya lamang.
Ang aking manok aynananalo hanggang sa huling sandali. Talagang wala akongsuwerte.

Celing.lyan ang hirap sa sugal! Kulas,walang pinanghahawakan kundiang suwertel

Kulas:Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na ang sabong! Niayaw ko nang makita ang anino ng
sabungang iyan.

Celing.

Nawa’y magkatotoo sana iyan, Kulas.

Kulas:

Oo,Celing.Ipinangangako ko sa iyo, hindi na ako magsasabongkailanman.

Celing

Buweno, magpalamig ka muna ng ulo.Pupunta lamang kami kayAling Kikay upang bumili ng sabon.

(Lalabas sina Celing at Sioning. Sisindihan ni Kulas angnatitirang kalahati ng sigarilyo, hihithit at
pagkatapos ay ihahagissa sahig at papadyakan. Pupunta sa silya at uupong maykalumbayan. Papasok si
Castor, isa ring sabungero. Matandanang kaunti kay Kulas.)
Castor. Hoy,Kulas.Kumusta ka?

Kulas:Ay,Castor…

Castor.Aba,at bakit ka humihingal na parang manok na humahalimhim.Mayroon bang tinaling


napakang?

Kulas:Ay,Castor,wala nang taong pinakawalang suwerte na gaya ko,Castor.Hindi ko na gustong makita pa


uli ang sabungan.

Castor.

A, naperder na naman ba ang iyong tinali?

Kulas:Oo,Castor, at lagi na lamang akong natatalo. Talagang ako’ymalasl Akalainmo bang kanina’y natalo
pa ako? Tingnan mo lang,Castor.Noong magsagupaan ang mga manok ay lumundag agadang manok ko
at pinalo nang pailalim ang kalaban. Ang kalabanay yumuko ngunit nakudlitan din siya sa likod.
Nagbuwelta pareho,at naggirian na parang boksingero. Biglang sabay na lumundagat nagsagupaan sa
hangin. Palo diyan, palo dini ang ginawa ngaking manok. Madalas tamaan ang kalaban, ngunit
namortalan.Sige ang batalya nila sa hangin, at umaso ang balahibo. Unanglumagpak ang kalaban,
patihaya. Lundag ako nang lundagatakalako’y todas na. Sumunod namang’lumagpak ang aking
manok.Walang sugat at patayo, ngunit alam mo kung saan lumagpak?

Castor.O saan?

Kulas:

Sa tari ng kalaban. Talagang ayaw ko nang magsabong.

Castor.Bakit naman? Wala pa namang maraming natatalo sa iyo.

Kulas:Ano bang walang marami? Halos, tutong na lamang’ang natitirasa aming natitipon.

Castor.

Ngunit hindi tamang katwiran ang huwag ka nang magsabong.

Kulas:

Ano bang hindi tama?

Castor.

Sapagkat pag hindi ka na nagsabong ay talagang patuluyan nangperdida ang kuwartang natalo sa lyo.
Samantalang kung Ikaw aymagsasabong pa, maaaring ikaw ay makabawi..

Kulas:

Hindi, Castor, lalo lang akong mababaon. Tama si Celing. Angsugal ay suwerte-suwerte lamang, at
masama ang aking suwerte.

Castor.Ano bang suwerte-suwerte? Lyan.ang hindi totoo. Tingnan moako,Kulas, ako’y hindl natatalo sa
sabong.
Kulas:

Mano nga lang magtigil ka, Castor. Kung hindi ko sana nakikitana ang lahat ng manok mo ay laging
nakabitin kung iuwi.

Castor.

Itong si Kulas, nobatos ka nga pala sa huwego. Oo natatalo ngaang aking mga manok ngunit nananalo
ako sa pustahan!

Kulas:

Ngunit paano iyan?

Castor.

Taong ito-pumupusta ako sa, hlndi sa aking manok, kundi sakalaban.

Kulas:

E, kung magkataong ang manok mo ang manalo.

Castor.

Hindi maaaring manalo ang aking manok, ginagawan ko nang

paraan.

Kulas:

Hoy,Castor, maano nga lang huwag mo akong biruin. Masama

ang ulo ko ngayon.

Castor.

Ano bang biro ang sinasabi mo? Ito'y totohanan. At kung di lamang

kita kaibigan, ay hindi ko sasabihin sa iyo.

Kulas:

Ngunit Castor, paano mangyayari iyan?

Castor.

Madali,Kulas . .. Ngunit bakit ko pa sasabihin sa iyo, tila ayaw

kang maniwala . . . Nagagalit ka pa sa akin.

Kulas:

Huwag kang magdamdam, Castor. Nagkataon lamang na mainit


ang aking ulo. Sige na, sabihin mo na sa akin.

Castor.

Talaga bang gusto mong malaman?

Kulas:

Aba oo. Sige na.

Castor.

O, buweno, kunin mo ang isa sa iyong mga tinali at ipaliliwanag

ko sa iyo.

Kulas:

Kahit ba alin sa aking mga tinali?

Castor

Oo, kahit alin. Sige kunin mo.

(Lalabas si Kulas patungo sa kusina. Babalikna maydaang tinali.)

Kulas:

(ibibigay ang tinali kay Castor): O, heto,Castor.

Castor.

Ngayon, kumuha ka ng isang karayom.

Kulas:

Karayom?

Castor.

Oo,karayom.lyong ipinananahil

Kulas:

A. . . (Pupunta sa kahong kinalalagyan ng panahi ni Celing at

kukuha ng isang karayom.) O heto ang karayom.

Castor.

(hawak ang tinali sa kaliwa at ang karayom sa kanan): O halika

rito at magmasid ka. Ang lahat ng manok ay may litid 'sa paa na

kapag iyong dinuro ay hihina ang paa. Tingnan mo . .. (Anyong

duduruin ni Castor ang hita ng tináli.) Hayanl (Ibinaba ang tinali.)


Tingnan mo. Matuwid pang lumakad ang tinaling iyan.. Walang

sinumang makakakita sa ating ginawa, ngunit mahina na ang paang

ating dinuro, at ang manok na iyan ay hindi makapapalo.

Kulas:

Samakatwid ay hindi na nga maaaring manalo ang manok na iyan

...Siguradong matatalo.

Castor.

Natural. Ngayon, ang dapat na lamang gawin ay magpunta sa

sabungan . . . ilában ang manok na iyan . . . at pumusta nang

palihim sa kalaban.

Kulas:

Siya nga pala. Magaling na paraan!

Castor.

Nakita mo na? Ang hirap sa iyo ay hindi mo ginagamit ang ulo mo.

Kulas:

.(balisa): Ngunit Castor, hindi ba iya'y pagdaraya?

Castor.

Oo pagdaraya . .'. ngunit por Diyosl Sino bang tao ang

nagkakuwarta sa sugal na hindi gumagamit ng daya? At bukoddiyan, ay marami nang natalo sa iyo. Ito’y
gagawin mo lamangupang makabawi. Ano ang șama niyan?

Kulas:

Siya nga, Castor. Kung sabagay, malaki na ang natatalo sa akin.

Castor.

Kulas:

Atakala mo kaya, sa mga pagkatalo mong iyan ay hindi ka dinaya?Kung sabagay···

Castor.

Nakita mo na. Hindi ka magdaraya, Kulas. Gaganti ka lamang.

Kulas:

Siya nga, may katwiran ka.


Castor.

O…e…ano pa ang inaantay mo? Tayo na.

Kulas:Este… Castor…e…hintayin lamang natin si Celing, angaking asawa.

Castor.Bakit,ano pa ang kailangan?

Kulas:Alam mo’y . . . ang aking asawa ang may hawak ng supot sabahay na ito.

Castor.Naku,itong si Kulas! Talunan na sa sabungan ay dehado pa sabahay. . . Buweno, hintayin mo siya,


ngunit laki-lakihan mo angiyong hihingin, ha? At nang makatipak tayo ng malaki-laki.

Kulas:Oo…Este…Castor…

Castor.

O, ano na naman?

Kulas:E… malapit na sigurong dumating si Celing . .. Alam mo’y ayawkong makita ka niya rito. Huwag ka
sanang magagalit.Kungmaaari lang ay umalis ka na.

Castor

(tatawa): Oo . . . aalis na ako. Mabuti nga at nang makahanap naako ng kareto ng manok mo. Sumunod
ka agad,ha? Pagdatingmo roon ay malalaban agad iyan.

Kulas:Oo, Castor, susunod na ako.

Castor.

Buweno, diyan ka na. Laki-lakihan mo lang ang tipak, ha?

(Lalabas siCastor.Ngingiti-ngiti si Kulas, hihimas-himasin angkanyang tinali, at hahangaan ang nadurong


hita’ng tinali.)

(Papasok sina Celing at Sioning.)

Celing.

(pagkakita sa tinali): Ano ba iyan, Kulas? At akala ko ba’yisinusumpa mo na ang sabungan?

Kulas:

(lulundag na papalapit): Celing, ngayon na lamang. Walang salangtayo ay makababawi.

Celing

Naku, itong si Kulas, parang presyo ng asukál. Oras-oras aynagbabago.

Kulas:

Celing, talagang ngayon na lamangl Pag natalo pa ako ngayonay patayin mo na ang lahat ng aking tinali.
Ipinangangako ko saiyo.
Celing:

Ngunit baka pangako na namang mapako.

Kulas:

Hindi,Celing! Hayan si Sioning, siya ang ating testigo.

Sioning. (kikindatan si Celing): Sige nga naman, Celing, bigyan mo na,

Ako ang testigo.

Celing.

O buweno, ngunit tandaan mo, ito na lamang,ha?

Kulas:

Oo,Celing,itaga mo sa bato!

Celing.

Magkano ang kailangan mo?

Kulas:

E…dalawampung piso lamang.

Celing.

Dalawampung piso?

Sioning.

Susmaryosep!

Kulas:

Oo,Celing dalawampung piso, upang tayo ay makabawi.(Mag-

Aatubili siCeling.)

Sioning.

Sige na, Celing. Tutal naman ay kahuli-hulihan.

Celing.

O buweno,heto.

(Bibigyan ng dalawampung piso si Kulas. Kukunin ang salapi

Sa baul.)

Kulas:

(kukunin ang salapi): Ay, salamat sa iyo, Celing. Ito’y kuwarta na.
Hindi ka magsisisi. O buweno, diyan na muna kayo,hane?

(Magmamadaling lalabas si Kulas dala ang kanyang tinali.)

Celing.

(susundan ng tingin si Kulas hanggang sa malayo na): Tebanl

Teban!

Sioning.

Teban, madali ka! (Papasok si Teban buhat sa kusina.)

Tebar.

Opo,opo,Aling Celing.

Celing.

O heto ang pera. Nasa sabungan na naman ang iyong amo.

Sioning. Madali ka. Teban. Ipusta mo iyon sa manok ng kalaban. .

Tebanmagugulat sa dami ng salapi): Dalawampung piso ito a . . .

Celing.

Oo,dalawampung piso. Sige, madali ka na.

Teban:

(hindi maintindihan): Ito ba’y itotodo ko?

Sioning.Oo,todo.

Teban:

Opo. Naku, malaking halaga ito . .. (Lalabas si Teban.)

Celing.

Ikaw naman, Sioning, bakit inayudahan mo pa si Kulas?

Sioning.

Hindi bale. Tutal,wala naman kayong pagkatalo.

Celing.

Kung sa bagay. Ngunit hindi lamang ang kuwarta ang aking

Ipinagdaramdam.

Sioning.

E,ano pa?
Celing.

Ang iba pang masamang bunga ng bisyo. Sioning,alam mo

Namang ang bisyo ay nagbubuntot. Karaniwang kasama ng bisyo

Ang pandaraya, pagnanakaw . .. at. .. kung anu-ano pa.

Sioning.

Ngunit wala naman kay Kulas ang mga bagay na iyan.

Celing.Siya nga. Ngunit hihintayin pa ba nating masunog ang bahay bagomaghanda ng tubig?

(Magsisimula ang sigawan buhat sa sabungan.)

Sioning.Ngunit nangako naman si Kulas na ito na ang huli.

Celing.Oo nga, ngunit isulat mo sa tubig ang pangakong iyan.(Lalong lalakas ang sigawan.)

Sioning.Ang hirap sa iyo, Celing, e . . : hindi mo tigasan ang loob.mo.Tingnan mo ako. Noong si Sisong
aking asawa ay hindi makatkatsa monte, pinuntahan ko siya noong araw sa kanilang klub, at saharap ng
lahatay minura ko siya mula ulo hanggang talampakan.E, di mula noo’y hindi na siya nakalitaw sa klub.

Celing:Ngunit natatandaan mo ba, Sioning, na ikaw man ay. Hindinakalabas ng bahay nang may limang
araw, hindi ba dahil nangitimang buong mukha mo?

SioningOo na, ngunit iyon ay sandali lamang. Pagkaraan niyon ay estabien, kolokate na naman kami.

Celing.Hindi ko yata magagawa’iyon. Magaan pa sa akin ang magtiis nalamang.

(Agad huhupa ang sigawan.).

Sioning. Ayan, tila tapos na ang sultada. Sino kaya ang nanalo?

Celing.Malalaman natin pagdating ni Teban. Siya’y umuuwi aġad, upanghuwag silang mag-abot ni Kulas.

Sioning.Celing, mag-iingat ka naman ng pagtitiwala ng pera kay Teban.

Celing.Huwag mong alalahanin si Teban. Siya’y mapagkakatiwalaan.

Sioning. Siya nga, ngunit tandaan mong ang kuwarta ay mainit kapag nasapalad na ng tao.

Celing.Huwag kang mag-alala .

(Papasok si Teban.)

You might also like