You are on page 1of 6

Sa Pula Sa Puti

Narrator: Isang umaga habang nagkakape at nagbabasa ng diyaryo si Ceiling, maya maya

ay lumabas naman ng kwarto si kulas ang asawa ni Ceiling na kagigising lang at nag-uuunat pa.

Kulas: O, kamusta ang umaga mo Ceiling?

Ceiling: Aba, himala kulas at naisipan mo pang kamustahin ako.

Kulas: Ano ka ba naman Ceiling, ikaw naman kung makapagtampo. (umupo sa tabi ni Ceiling at
nilambing)

Ceiling: Nako, kulas tigilan mo nga ko ke aga aga, ano bang pakay mo?

Kulas: Pakay? Hindi ba pwedeng gusto ko lang batiin ang aking pinakamamahal at napakagandang
asawa?

Ceiling: Wag mo nga akong patalunin sa patag, lumalapit kalang naman pag may kailangan ka. Ano ba
yon? (ibinaba ang dyaryo)

Kulas: Eh, iyon na nga.

Ceiling: Pang sabong na naman? Kulas naman wala ka namang napapala diyan, lagi ka rin namang talo
nasasayang lang yung pera natin kakapusta mo sa sabong na yan.

Kulas: Ito naman, sigurado na yan, mananalo na ako ngayon, maigi kong pinag-ensayo itong manok ko
kaya natitiyak kong hindi ako nito bibiguin.

Ceiling: Yan din naman yung sinabi mo nung nakaraang linggo, oh anong nangyare inadobo manok mo di
ba?

Kulas: Sus, iba na ngayon. Dali na, pag natalo ako ngayon sige titigil na ako.

Ceiling: (dudukot sa bulsa) Nako talaga, yang pangako mo ha, ayusin mo lang.

Kulas: Salamat mahal kong Ceiling!

Ceiling: mahal mo mukha mo.


Narrator: Pagkaalis ni Kulas ay sakto namang paparating sa kanilang bahay si Sioning ang matalik na
kaibigan at kachismisan ni Ceiling.

Sioning: Oh Kulas, ka aga aga nag-aaway na naman kayo.

Kulas: Hindi ah, nilalambing ko lang yon, nandon si Ceiling, siya kausapin mo.

Sioning: Oh Ceiling, saan ba pupunta ang asawa mo at mukhang nagmamadali?

Ceiling: Saan pa ba? E di mag sasayang na naman ng pera.

Sioning: Pinapamihasa mo kasi, kaya di natututo yang asawa mo eh.

Ceiling: Huli naman na daw yon pag natalo siya titigilan na raw niya.

Narrator: Sa gitna ng usapan nila ay may biglang naisip na plano si Ceiling kaya't dali dali nitong tinawag
si Teban.

Ceiling: Teban! Teban! Halika dito.

Teban: Bakit po? (Tumakbo papunta kay Ceiling)

Ceiling: Yung amo mo nandon na naman sa sabungan, ito ang pera, alam mo na gagawin mo.

Sioning: (Sinundan si Ceiling sa labas) hala ka, pati ikaw ceiling nagsasabong na din?

Ceiling: Ano bang pinagsasabi mo?

Sioning: Ikaw din ba'y napagaya na kay Kulas?

Ceiling: hindi no! Pinapataya ko lang si Teban sa kalaban ni Kulas para pag natalo siya, walang mawawala
sa amin.

Ganap sa sabungan: Narito ang iba't ibang ingay na maririnig mula sa mga pumusta at manonood.

Narrator: Pagkalipas ng ilang oras ay dumating na si Teban.

Teban: Aling Ceiling, Aling Ceiling! Nanalo po tayo.

Ceiling: Huwag kang maingay, mabuti naman ipagpatuloy mo na ang mga gawain mo, baka maabutan ka
pa ni Kulas.

Sioning: Hoy Ceiling, wala bang kaalam-alam si Kulas dito?


Ceiling: Syempre wala, at hindi niya na dapat pang malaman.

Narrator: Pagkauwi ni Kulas ay bakas sa mukha nito ang pagkadismaya dahil sa kaniyang pagkatalo.

Ceiling: Ano kulas kamusta?

Kulas: Hinding hindi na ko magsasabong ulit.

Ceiling: Mabuti naman at natauhan ka na. O siya aalis muna kami ni Sioning may bibilhin lang kami sa
palengke.

Narrator: Pagkaalis ng dalawa ay nagtungo naman si Kulas sa likod ng kanilang bahay upang kamustahin
si Castor.

Castor: Kulas! Kamusta na?

Kulas: Castor, ito talo na naman.

Castor: Ganan talaga wala kang diskarte sa buhay eh. Tingnan mo ko laging nananalo.

Kulas: Titigil na nga ako sa pagsasabong nangako na rin ako kay Ceiling na huli na yung kanina.

Castor: Seryoso kaba? Alam mo ayaw kitang nakikitang ganyan, gusto mo bang malaman ang sikreto ko?

Kulas: Ano ba yon?

Castor: Kumuha ka ng manok at karayom. Putulin mo ang litid ng manok, mapipilay ito at hindi na
makakalaban, ngayon ang gagawin mo na lamang ay pumusta sa kalaban kaya sigurado na panalo ka.

Kulas: Hindi ba pandaraya ito?

Castor: Pandaraya kung mahuhuli ka.

Kulas: Sa bagay.

Castor: Oh ano tara na! Ilaban na natin iyan.

Kulas: Eh Castor mauna kana, nandun pa kay Ceiling ang pera eh.

Castor: Hay nako Kulas, talo na nga sa sabungan, dehado pa sa buhay. Siya mauuna na ako sumunod ka
ah.

Narrator: Hindi pa nga naibababa ang mga pinamili ni Ceiling galing palengke ay sinalubong na agad ito
ni Kulas upang mahingi ulit ng pera.
Kulas: Ceiling, pwede bang makahingi ulit?

Ceiling: At para saan naman? Hindi bat winaksi mo na ang pagsasabong.

Kulas: Eh... ramdam ko na mananalo na ko.

Ceiling: Kulas ikaw ha, naiinis na ko sayo.

Sioning: Bigyan mo na malay mo manalo na talaga.

Ceiling: Sige gatungan mo pa sioning, magaling ka rin eh.

Sioning: Hahaha!

Kulas: Sige na Ceiling inaantay na ko ni Castor.

Narrator: Wala na namang nagawa si Ceiling at binigyan niyang muli ng panabong si Kulas. Sa ikalawang
pagkakataon ay muli rin niyang inutusan si Teban.

Ceiling: Teban!

Teban: bakit po?

Ceiling: Eto uli ang kwarta, sundan mo si Kulas, bilis.

Teban: Sige po.

Ganap sa sabungan: Narito ang iba't ibang ingay na maririnig mula sa mga pumusta at manonood.

Narrator: Pagkalipas ng ilang oras ay naunang bumalik si Teban.

Teban: Natalo po tayo aling Ceiling.

Ceiling: Hayaan mona, nanalo naman si Kulas. Bumalik ka na kusina bago pa dumating si

Sioning: Himala, nanalo si Kulas.

Ceiling: Aba Kulas nanalo ka pala.

Kulas: Ano pinagsasabi mo? Talo nga.

Sioning: Eh ang sabi ni Teban.


Ceiling: Teban? (lumabas mula sa kusina)

Teban: Bakit po?

Ceiling: Kailan kapa natutong magnakaw?

Teban: Ha? Naku hindi po!

Ceiling: Diba sabi mo natalo tayo, eh ang sabi ni Kulas talo siya, ano ba?

Teban: Hindi ko po maintindihan.

Kulas: Ano bang nangyayari? Teban, Sioning mawalang galang na sa inyo mag-uusap na muna kami ni
Ceiling.

Kulas: Ceiling? magsabi ka nga ng totoo.

Ceiling: Sa tuwing sasabong ka, pinapataya ko si Teban sa kalaban para naman kahit matalo ka hindi
nababawasan ang pera natin.

Kulas: Ano?

Ceiling: Kaya dapat panalo ka, pero anong nangyare?

Kulas: Binaldado ko yung manok at tumaya ako sa kalaban, ngunit tinakbuhan ng kalaban na manok
yung akin kaya..

Ceiling: Hay naku Kulas! Alam mo tanggapin mo ng wala kang swerte sa pagsasabong na yan. Mabuti
pang maghanap ka na lang ng bagong pagkakakitaan.

Kulas: Sige pupunta lang ako ng bayan, mamimili ako ng panghanda.

Kulas: Diba't natalo ako?

Ceiling: Kulas ang pagtigil mo lamang sa pagsasabong ay parang panalo na rin para sa akin.

Pangkat tatlo:

1. Catina

2. Parsan

3. Maculit

4. Congio

5. Santillan
6. Ungcay

7. Capaducio

8. Opre

9. Panisales

10. Tassara V.

You might also like