Sa Pula Sa Puti Script

You might also like

You are on page 1of 8

( Ceiling nagbabasa ng dyaryo)

Kulas: (Pumasok) O, kamusta na ang umaga Ceiling?

Ceiling: Aba Kulas, isang himala at naisipan mo pa akong kamustahin.

Kulas: Ano kaba Ceiling, ikaw naman kung makapagtampo. (umupo sa tabi ni Ceiling) (lambingin si
Ceiling)

Ceiling: Nako kulas ke aga aga, ano bang pakay mo?

Kulas: Pakay? Hindi ba pedeng gusto kolang batiin ang aking pinaka mamahal?

Ceiling: Wag mo nga akong patalunin sa patag, lumalapit kalang naman pag may kailangan ka. Ano ba
yon? (ibaba ang dyaryo)

Kulas: Eh, iyon na nga--

Ceiling: Pang sabong na naman? Kulas naman wala namang nararating yan, lagi kang talunan.

Kulas: Ito naman, siguradong mananalo na ako ngayon, maigi kong pinag aralan ang manok nato.

Ceiling: Yan din ang sabi mo noong kabilang linggo, anong nangyare inadobo ang manok mo.

Kulas: Iba na ngayon. Sige na, pag ako'y natalo pa, titigil nako.
Ceiling: (dudukot sa bulsa) Nako yang pangako mo ha.

Kulas: Salamat Ceiling. (Tumayo at lumabas ng pinto.)

(Sioning naglalakad patungo kayna Ceiling)

Sioning: Oh Kulas, ka aga aga nag aaway na naman kayo.

Kulas: Eh Sioning, pasensya kana at di kita maasikaso, naandon si Ceiling, siya kausapin mo.

(Nagtungo sa sabungan si Kulas)

(Pumasok sa loob ng bahay si Sioning)

Sioning: Oh Ceiling, saan ba pupunta ang asawa mo?

Ceiling: Saan pa ba? Yon mag sasayang na naman ng pera.

Sioning: Kailan ba matututo yang asawa mo...

Ceiling: Hindi konga din alam, teka lamang at tatawagan ko si Teban.

(Lumabas ng bahay)

(Teban nagdidilig)

Ceiling: Teban! Teban! Halila dito.


(Tumakbo papunta kay Ceiling)

Teban: Bakit po?

Ceiling: Ang amo mo naandon na naman sa sabungan, ito (binigyan ng pera) alam mona gagawin mo.

Sioning: (Sinundan si Ceiling sa labas) Ay siya, Ceiling ikaw din bay nagsasabong na din?

(Umalis si Teban)

Ceiling: Ano ba pinagsasabi mo?

Sioning: Ikaw din bay napagaya na kay Kulas?

Ceiling: Nako hindi no! Pinapataya ko lamang si Teban sa kalaban ni Kulas upang pag natalo siya ay wala
namang mawawala saamin.

( Lumipas ang ilang oras, dumating si Teban)

Teban: Aling Ceiling! Nanalo po tayo!

Ceiling: Mabuti naman, ipagpatuloy mona ang mga gawain mo, baka madatingan kapa ni Kulas.

(Umalis si Teban)

Sioning: Hoy Ceiling, wala bang kaalam alam si Kulas dito?


Ceiling: Syempre wala, dapat hindi niya malaman.

(Dismayadong dumating si Kulas)

Ceiling: Ano kulas musta?

Kulas: Hinding hindi nako magsasabong muli!

Ceiling: Mabuti naman at natauhan ka. Aalis lang kami ni Sioning at may bibilhin lamang.

(Umalis si Sioning at Ceiling)

(Kulas nagtungo sa likod ng bahay)

Castor: Kulas! Kamusta na?!

Kulas: Castor, eto talo na naman.

Castor: Ganan talaga wala kanh diskarte sa buhay eh. Tingnan moko laging nananalo.

Kulas: Titigil nanga ako sa pagsasabong.

Castor: Seryoso kaba?! Alam mo ayaw kitang nakikitang ganan, gusto mobang malaman sikreto ko?

Kulas: Ano ba yon?


Castor: Kumuha ka ng manok at karayom.

(Kulas kumuha ng manok at karayom)

Castor: Ang gawin mo putulin mo litid ng manok, mapipilay ito at hindi makakalaban, ang gagawin
nalamang ay pumusta sa kalaban at panalo ka.

Kulas: Hindi ba pandaraya ito?

Castor: Pandaraya kung mahuhuli ka.

Kulas: Sabagay..

Castor: Oh ano tara na! Ilaban na naten iyan.

Kulas: Eh Castor mauna kana, nakay misis ang pera eh.

Castor: Hay nako Kulas, talo nanga sa sabungan, dehado pa sa buhay. Siya mauuna nako sumunod ka.

(Dumating si Ceiling kasama si Sioning)

Kulas: Ceiling, pede bang makahingi ulit ng kwarta?

Ceiling: At para saan naman? Hindi bat winaksi mona ang pagsasabong.

Kulas: Eh... ramdam ko mananalo nako...


Ceiling: Kulas ikaw ha --

Sioning: Nako Ceiling away na naman, bigay mo nalang.

(binigyan ng pera si kulas)

Kulas: Salamat Sioning. (Umalis)

Ceiling: Yan talagang si Kulas, TEBAN!!!

Teban: (lumabas ng kusina) bakit po?

Ceiling: Eto uli ang kwarta, sundan mo si Kulas, bilis.

Teban: Sige po. (umalis din)

(Limipas ang ilang oras)

(bumalik si teban)

Teban: Natalo po tayo aling Ceiling.

Ceiling: Hayaan mona, nanalo naman si Kulas. Siya balik sa kusina, mahuli kapa ni Kulas.
(teban balik kusina)

Sioning: Himala, nanalo si Kulas.

(bumalik si Kulas)

Ceiling: Aba Kulas nanalo ka pala.

Kulas: Ano pinagsasabi mo? Talo nga.

( Ceiling gulat)

Sioning: Eh ang sabi ni Teban...

Ceiling: TEBANN!!!

(lumabas mula sa kusina)

Teban: Bakit po?

Ceiling: Kailan kapa natutong magnakaw?

Teban: Ha? Nako hindi po!

Ceiling: Diba sabi mo natalo tayo! Eh ang sabi ni Kulas talo siya, ano ba?!
Teban: Hindj kopa maintindihan...

Kulas: Ano bang nangyayari?! Teban! Sioning lumabas kayo!

(lumabas ang chismosang sioning at teban)

Kulas: Maglinaw kanga sakin Ceiling...

Ceiling: Tuwing sasabong ka, pinapataya ko si Teban sa kalaban upang kahit matalo ka ay hindi
nababawasan ang pera naten.

Kulas: Ceiling...

Ceiling: Kaya dapat panalo ka, pero anong nangyare...

Kulas: Akinh binaldado ang aking manok at tumaya sa kalaban, ngunit tinakbuhan ng kalaban na manok
ang akin kaya...

Ceiling: Nako Kulas... Ikaw at ang sabong ay hindi itinadhana. Sige pupunta lang ako nng bayan mamimili
ng panghanda.

Kulas: Dibat natalo ako?

Ceiling: Kulas ang pagtigil mo lamang sa sabong ay parang panalo naden.

You might also like