You are on page 1of 2

Nagsimula ang pagsasalaysay ng iisahing yugtong dula sa paglalarawan ng karaniwang tanawin sa lalawigan.

Sa pamamahay nina Kulas at Celing malapit sa sabungan sa panahong kasalukuyan. ( o sa panahong binabasa binibigyang buhay sa isip, puso ng isang mambabasa o taga-tanghal.) Matatambad na nagsusulsi si Celing habang tulad ng nakagawian na'y nagpapausok mula sigarilyo si Kulas ng tinaling manok. Bagay na gustong pagselosan ng asawa. Kinamusta man din ni Kulas ang asawa bagay na manghihingi na naman siya ng perang pangsabong. Pinagtalunan nila ang mga grasya o disgrasya ng mga pinaniniwalaang palaatandaang panginip ni Kulas. Na nang una'y ahas na numero 8, kaya't pintakasi nitong sa ika-8 ng Pebrero magsasabong ngunit natalo man din. At ngayon na naman ay hinabol siya ng puting kalabaw na pinagpipilitang pera ang ibig sabihin. Maririnig na naman ang ingay ng sabungan, tiningnan ni Celing ang balisang asawa at naisip na walang saysay ang makipagtalo kaya't binigyan na lamang niya ito. Nagmamadaling tumungo si Kulas sa sabungan na nasalubong ang kaibigan ng asawang si Sioning papunta sa kanila. Kagya't namang inutusan ni Celing ang utusang medyo mahina ang ulong si Teban na pumusta sa sabungan sa katalo ng manok ng asawa. Ipinaliwanag niya sa nagtatakang si Sioning na pumupusta siya sa kalabang manok ng asawa para siguradong hindi sila magugutom o mawalan ng pera sa kakasabong nito. Natapos ang sultada, tumatakbong umuwi at ibinigay ni Teban ang nanalong pusta kay Celing. Lalabas na lamang sila ni Sioning upang bumili ng rasyong sabon nang masalubong ang talunang si Kulas. Lumo namang nitong sinusumpa na hindi na magsasabong pang muli. Bagay na hindi isinusulat na lamang ni Celing sa tubig. Nagkataong dumating din ang kaibigan ni Kulas na si Castor na naghimok na magsabong muli. Tinuruan din siya ng pandaraya sa pamamagitan ng paglagay ng karayom sa sariling tinali upang matalo ito't lihim na pagpusta sa kalabang manok. Sa pagbalik ng kanyang asawa ay hiningan niya ito ng dalawampung pisong (malaking halaga na ito noon) pangpusta upang makabawi sa marami nilang pagkatalo. Nangako pang, ito'y ang kahuli-hulihang pagsabong niya at ipinatestigo kay Sioning na pakakatay niyang lahat ang kanyang mga tinali. Tulad ng dati'y nagpapusta si Celing kay Teban ng parehong halaga sa kalabang manok. Pinayuhan siya ng kaibigan na huwag masyadong magtiwala sa kahit sino basta't patungkol sa pera. Ngunit hindi siya nag-alala sa pera sapagkat matalo man siya dehadong panalo pa rin ang asawa kundi sa patuloy na pagsasabong nito at masamang ibubunga nito.Nagtatakang sinalubong niya ang nanlulumong si Kulas na sinisisi na naniwala pa siya kay Castor.

Itinanong niya agad kung nasaan ang pinalanunan nito. Dito na sila nagkabukingan ,nagtaka si Kulas na pagpilitang nanalo siya na hindi naman. Pinagdudahan nila si Teban na kumuha ng pera na umaming pinataya ni Celing ang pera sa kalabang manok ni Kulas at natalo. Nagalit man si Kulas na kinakalaban siya ng asawa datapwat umamin din siyang nandaya siya't pumusta din sa kalaban, na siya nitong ikinatalo. Natalo man sila ng apatnapung piso, laking tuwa at pasasalamat pa rin ni Celing na hindi na muling magsasabong si Kulas at kakatayin nilang lahat ang tinali bilang pangako na rin ng asawa. Ipinaimbitahan niya kay Sioning ang mga kaibigan at ipinahanda kay Teban ang gagamitin sa pagluluto. Nakitawa na lang din si Kulas. Maririnig na naman ang sigawan sa sabungan. Ngunit makikita sa kilos ni Kulas na hindi na muling magsasabong pa kailanman.

You might also like