You are on page 1of 2

Si Kabesang Tales.

Mapilit nakipaglaban si Kabesang Tales na tila


langgam na kumakagat din kahit alam n’yang matitiris. Habang di pa
nahahatulan ng usapin, naglilibot sa Kabesang Tales sa kaniyang bukirin
upang bantayan ito nang may dalang baril.
Samantalang, ang hukong pamayapa sa bayan ay hindi binibigyang
pagkakataon si Kabesang Tales na mag bigay ng katuwiran, dahil ang
hukong pamayapa sa bayan ay takot sa mga prayle. Ngunit nagmatigas
parin si Kabesang Tales at sinabi nyang ‘Ibibigay niya lang ang lupa sa
makakagawa ng higit sa kaniyang dinanas’.
Ang anak niyang si Tano ay napiling sundalo, ngunit pinabayan siyang
lumakad ng mag isa, pagkalaan ng anim na buwan nabalitaan na dinala
ito sa Karolina. Pinag-ibayo ng kabesa ang pagbabantay sa kaniyang
lupa na dala-dala ang baril. Kaya nag utos ang Kapitan Heneral na
nagbabawal sa paggamit ng baril. Pinagpatuloy pa rin ang Kabesa ang
pagbabantay sa kaniyang lupa dala naman ang isang gulok. Ngunit
inalisan siya ng gulok dahil sa napakahaba nito, ipinalit niya ang isang
matandang palakol ng kaniyang ama, subalit ano laban ng palakol sa
mga tulisan.
Binihag si Kabesang Tales ng mga tulisan at humihingi sila ng limang
daang piso bilang pantubos dito. Maaring pugotan ng ulo ang kabesa
kapag hindi sila magbibigay ng limang daang piso, halos maliyo ang mag
lola sa nangyari. Si Juli ay mayroon lamang dalawang daang piso,
binalak ni Juli na ipagbili sa pinakamayamang kapitbahay ang kaniyang
mga alahas maliban sa sarilikayong Esmeralda at mga brilyante, hando
sa kaniya ito ni Basillio.
Ang hiyas na iyon ay ibinigay ni Maria Clara sa anak ni Kapitan Tiago sa
isang hetoken, ibinigay ng hetoken ang agnos kay basillio sapagkat
ginamot siya nito. Ang hawak na salipi ni Juli ay nadagdagan na
limampong piso, binalak ni Juli na isangla ang lupa. Sinamahan siya ni
Hermana balis sa mayayaman sa Tiani ngunit walang nangyari, ayon sa
kanila ang tumulong daw sa mga kaaway ng prayle ay parang
paghihintay ng paghihiganti ng mga ito. Hanggang sa makatagpo nila si
Hermana Petcha na nag paghiram ng saliping kanilang kaylangan. Sa
isang kasunduang maninilbihan si Juli bilang isang utusan at hanggang
hindi pa nababayaran ang kanilang utang hindi parin makakalis sa
pagiging utusan si Juli.
Nang malaman ito ni Tandang Selo, nanaghoy ito na parang bata, at
sinabi niyang ‘Kung aalis si Juli ay babalik siya sa gubat at hindi na
babalik ng bayan’, ipinag paliwanagan siya ni Juli na kailangang
makabalik ang kaniyang ama upang matubos siya sa pagkautusan kay
Hermana Petcha. Naging malungkot ang gabi ng maglolo.
Kinabukasan, araw ng pasko. Naninilbihan na si Juli kay Hermana
Petcha sa araw ding yong karaniwang dumarating sa Basillio buhat sa
maynila at dumadalaw kay Juli na may dalang pasalubong, inisip ni Juli
na kaylangan niya nang kalimutan si Basillio, dahil si Basillio ay magiging
manggagamot na, samantalang siya ay isang lamang hamak na utusan
at inisip din niya na hindi siya karapat dapat na maging asawa ni Basillio
dahil nga siya ay utusan.

You might also like