Professional Documents
Culture Documents
El Filibusterismo Buod NG Bawat Kabanata
El Filibusterismo Buod NG Bawat Kabanata
Isang umaga ng disyembre, Kapansin pansin ang isang bilugang barkong mukhang hirap sa kanyang pag-usad sa
Ilog-Pasig, sakay nito ang mga taong patungong Laguna. Ang nasabing sasakyan ay kilala sa tawag na Bapor Tabo
sapag hugis tabo ito. Hindi matutuligsa ang nagpapanggap na maputi,maharlika, pormal at maunlad sa likod ng
pinturang puri bagaman hindi ito maituturing na isang bapor dahil ito ay may mga kakulangan.
Ang kubyerta ay may dalawang bahagi, ang ibabaw at ang ilalim na maihahalintulad sa buhay ng tao na may
mayaman o mataas at mahirap o mababa.Sa ilalim ay may mga nagsusugal at mangangalakal. Nandito si Simoun.
Nandito rin ang ilang mag-aaral na si Isagani at Basilio na kausap ang Kapitan. Napag-usapan din ang tungkol sa
pagtatayo ng akademya sa wikang kastila.Inanyayahan ni Simoun na uminom ng serbesa ang dalawa ngunit sa
bandang huli ay nauwi ito sa pagtatalo. Ipinatawag naman ng isang utusan si ni Padre Florentino si
Isagani,Samantala, habang nagmumuni-muni si Padre Florentino ay naalala niya ang mga araw ng kaniyang
pagpapari pati na ang dati nitong minamahal.
Ang grupo na nasa taas ng kubyerta ay nagbibirian at nakikipagaaya. Ang kanilang pinaguusapan ay ang kalagayan
ng kalakalan ng mga indyo at intsik tungkol sa kahirapan nito. Nagsimula silang magkwento tungkol sa iba't ibang
mga alamat. Ito ay ang malapad na bao na tinutuluyan ng espiritu bago pa dumating ang mga kastila; pangalawa,
tungkol kay Donya Geronima na ang kasintahan niya na papakasalan ay nag-arsobispo; Nakipagtalo si Simoun sa
dahil sa ginawa kay Donya Geronima na ikinulong sa isang kweba; ang pagligtas ng isang intsik sa panginoong hindi
niya pinaniwalaan dahil sa isang buwaya na demonyo na lumabas; ang huli ay tungkol sa isang ibarra na tumalon sa
may lawa, siya'ay binaril at nagkaroon at puno ng dugo ang lawa at hindi na siya nakitang muli.
Si Tandang Selo ang umampon kay Basilio. Ang ama ng dalagang si Lucia, si Kabesang Tales,na anak ni Tandang
Selo, ay isa nang kabesa de baranggay. Yumaman ito dahil satiyaga. Nakisama muna sa isang namumuhunan sa
bukid. Nang makaipon ng kaunti ay naghawaan ng gubat na nang ipagtanong niya ay walang may-ari, ar ginawa
niyang tubuhan. Inisip niyang pag-aralin na sa kolehiyo si Huli upang mapantay kay Basilio na kasintahn nito. Nang
ang bukid ay umunlad ito ay inangkin ng mga prayle. Pinabuwis si Kabesang Tales. Tinaasan nang tinaasan ang
pabuwis. Di na nakaya ni Kabesang Tales. Nakipag-asunto sa mga prayle.Matigas ang sabi ni Kabesang Tales.
Ipinakita ng mga prayle ang kanilang titulo sa lupa. Wala. Naging kawali si Tano. Di ibinayad ng kapalit ang anak.
Tinamnan ang lupang ito, namatay at nalibing dito ang aking asawa’t anak na dalaga {si Lucia} sa pagtulong saakin
kaya’t di ko maibibigay ang lupang ito kundi sa sino mang didilig muna rito ng kanyang dugo atmaglilibingmuna ng
kanyang asawa’t mga anak.
Ang kabanatang ito ay tungkol kay Sinong na isang kutsero. Siya ang kutsero ng karitela kung saan lulan si Basilio.
Nang gabing iyon, si Basilio ay pupunta sa tahanan ni Kapitan Tiyago upang alagaan ang matandang don sapagkat
ito ay may sakit. Sa daan ay naantala si Basilio matapos na ang isang kutsero ay bugbugin ng mga guwardiya sibil
sapagkat hindi nito nadala ang kanyang sedula. Bukod dito ay mayroon ding prusisyon ng mga imahen na
pinangunahan ng imahaen ni Metusalem na pinaniniwalaang ang pinakamatandang tao na nabuhay sa mundo. Ito
sy sinundan ng imahen ng tatlong haring Mago. Sa dulo ng prusisyon ay ang imahen ng Birheng Maria.Matapos ang
prusisyon ay napansin ng mga guwardiya sibil na walang ilaw ang karitela ni Sinong kaya naman napilitan ang
binate na lakarin na lamang ang daan patungo sa tahanan ni Kapitan Tiyago. Naiwan si Sinong upang tanggapin ang
parusang ipapataw sa kanya ng mga guwardiya sibil.
Kabanata 6: Si Basilio
Disperas noon ng pasko palihim na nagtungo si Basilio sa kagubatan, kait sobrang dilim ay tinalunton parin niya ang
kagubatan upang dumalaw sa pinag libingan sa kanyang ina, nang marating niya ang lugar agad siyang nag alis ng
sombrero at nag usal ng mataimtim na dasal, gusto na niya itong gawin ngayong disperas sapagkat dadalawin niya
ang kanyang kasintahang si Juli sa araw ng kapaskuhan.
Kabanata 7: Si Simoun
Nagkaroon si Basilio ng pagkakataon na malaman ang lihim ni Simoun. Sa kabila nito hindi niya hinayaan ang huli
na maging ilang sa mga kilos niya. Ipinagtapat ni Simoun ang totoo kay Basilio at sinabihan ito na wag niyang
ipagsabi sa iba ang natuklasan niya sa kadahilanan na maaari niya itong ikapahamak. Sa kanilang pag uusap ay
napag kwentuhan nila ang tungkol sa pagtatayo ng akademya ng wikang kastila. Nagkaroon sila ng magka lihis na
pananaw ukol sa akademya. Habang si Simoun ay tuwirang sumasalungat sa pagtatayo ng akademya at pag - aaral
ng wikang kastila, si Basilio na man ay sumusuporta sa ideya na ito. Sinabi ni Basilio na ang pag aaral ng wikang
kastila ay makakatulong upang maging patas ang pagtingin sa mga Pilipino.
Noong umagang iyon ay nagising si Juli sa mga tilaaok ng manok . Iginala niya ang kanyang paningin at nakita
niyang madilim pa ang paligid. At ang una niyang naiisip ay baka nga nag mimilagro na ang mahal na Birhen at hindi
na aaraw pa . naupo muna siya sa hinigaang banig sumandal siya sa dingding at nagdasal. Pagkatapos ay tumindig
siya dali daling nagtungo sa batalan. Luminga linga ang dalaga at at nakita niyang unti unti ng nagliliwanag ang
paligid naiiisip niya wala ng pag asa bigo siya sa kanyang hinihiling n asana ay huwag ng mag umaga, pero bigla
niyang naiisip na meron pa nga pala siyang isang kahilingan. Dali dali siyang pumunta sa altar sapagkat humiling
siya ng pera sa mahal na birheng maria pero bigo siya dahil wala siyang nakitang kahit isa mang lapis a altar.
Ang mga tao sa bayan ay nagkukwentuhan ukol sa kinahinatnan ni Tandang Selo at kung sino ang may kinalaman
sa pagkakapipi ni Tandang Selo. May ilan sa kanila na naniniwala na ang alperes ang dapat managot. Ang iba
naman ay sinisisi ang tinyente ng mga guwardiya sibil sapagkat hinayaan ng mga ito na mabihag ng mga tulisan si
Kabesang Tales. May mga nagsabi din na dapat managot ang bagong nagmamay – ari ng lupain ni Kabesang Tales
sapagkat isinuplong nito si Kabesang Tales matapos na titigan siya ng masama at tila minamataan kung saang
bahagi ng kanyang katawan patatamain ang bala. Sinisisi din nila si Hermana Penchang na magtulak kay Huli na
tumungo kay Pari Camorra upang doon ay humingi ng tulong upang mapalaya ang kanyang kasintahang si Basilio
mula sa piitan. Sa kabila nito ay nangatwiran naman si Hermana Penchang at sinisi ang matanda sapagkat hindi raw
ito marunong magdasal at hindi tinuturuan ang kanyang anak na si Kabesang Tales at apong si Huli na magdasal.
Nagalit din daw ito ng malaman na tutulungan ni Huli ang kasintahang si Basilio na makalaya at sinabihan ang
binate n isa itong demonyong nagaanyong mag – aaral na nais ipahamak ang kaluluwa ng dalaga.
Ang kabanatang ito ay tungkol sa dalawang mukha ng lipunan: karalitaan at kayamanan. Ang mga maralita na
kinabibilangan ng pamilya ni Kabesang Tales kung saan pansamantalang nakipanuluyan ang mayamang si Simoun.
Ang hakbang na ito ni Simoun ay upang akitin ang matandang kabesa na sumama sa kanyang planong
paghihimagsik. Habang namimili ng alahas ang pamilya ni Kapitan Basilio ay namataan ni Kabesang Tales ang isang
hiyas na sa kanyang palagay ay makapagsasalba sa kanya at sa kanyang pamilya. Ngunit ang kanilang usapan ay
natuon sa kuwintas na pagmamay – ari ni Huli. Ang kuwintas na iyon ay nais bilhin ni Simoun makaraang makilala
na ito ay tunay na pagmamay – ari ni Maria Clara. Tumanggi si Kabesang Tales na ipagbili ang kuwintas sapagkat
batid niya kung gaano ito kahalaga sa dalaga. Sinabi niya na ipagpapaalam muna kay Huli ang tungkol dito at
nagpasyang umalis. Paglabas niya ng bahay ay nakita niya ang prayle, ang bagong lalaking gumagawa sa kanyang
luapin at ang kabiyak nito.
Ang kabanatang ito ay tungkol sa mga aktibidad ng kapitan heneral sa bayan ng Los Baños. Noong una ay
nakalibangan nito na mangaso kasama ang isang grupo ng mga bandang musiko ngunit hindi man nakatama ng
isang ibon o usa.Imbes na madismaya ay natuwa pa ito sapagkat hindi siya pag – iisipan na malupit sa mga hayop.
Naglaro din ang kapitan ng tresilyo sa bahay – aliwan kasama ang mga kurang sina Padre Sibyla at Padre Irene. Sa
laro ay sinasadyang magpatalo ng dalawang kura sapagkat nais nilang mas makasama ng matagal ang kapitan
upang pag – usapan ang akademiya ng kastila na nais nilang ipatayo. Sa kabilang banda, napagpasiyahan naman ng
kapitan na ipagpaliban ang papeles nito. Ang pagkatalo ng mga kura ay labis na ikinagalit ni Padre Camorra kaya’t
nagpasiya na itong umalis. Sa pag – alis ni Padre Camorra ay pinalitan siya ni Simoun. Itinay niya ang kanyang mga
brilyante katumbas ng mga pangako na itinaya ng mga kura. Ang kay Padre Sibyla ay pangakong sa oras na matalo
siya ay magiging mapagmalabis siya sa maluhong pamumuhay at paggastos, aalisin ang awa sa mga mahihirap, at
hindi na mabubuhay ng may kabutihan. Ang kay Padre Irene naman ay ang pangako na sa oras na matalo ay aalisin
ang awa sa kapwa at ang kabutihang asal. Samantalang ang sa kapitan naman ay ang pribilehiyo na
makapagpabilanggo ng sinumang naisin niya ng limang araw at pagpapabaril sa isang taong kanyang mapipili.
Malungkot na naglalakad noon si Placido Penitente papunta sa unibersidad, nangingilid ang kanyang luha sapagkat
hirap na hirap siya sa pag-aaral sa eskwela, Naalala niya ang dalawanag sulat na magkasunod na niyang ipinadala
sa sa kaniyang ina ,hinihiling niya ditto na pahintuin na siya nito sa pag aaral bakit nga ganoon na lamang ang pag
ayaw ni penitente sa pag-aaral gayong isa naman siya sa pinakamahusay na estudyante ni Padre Valerio sa mataas
na paaralan sa Tanauan Batangas Mtalino si Placido. Tinitingala siya ng mga kaeswela sa probinsya sapagkat
nasasagot niya ang pinakamahirap na tanong na di nauunawaan ng iba.Sa unibersidad ay hindi maopaliwanag ng
mga kaibigan ni Placido ang dahilan ng pagnanais niya na iwan ang pag-aaral at mamalagi na lamang sa lalawigan
May sapat naman siyang salapi na tinatanggap sa kanyang ina at maganda rin ang kanyang mga kasuotan pero
nagtataka ang lahat kung bakit wala siyang kagana gana sa pagpasok sa paaralan , mabait namang bata si Placido ni
hindi nga siya marunong magsugal kahit ayain siyang maglaro ng hunkian at sa revision ay hindi rin siya maasahan.
Malaki ang bahay na tinitirahan ng estudyanteng si Makaraig. Maluwag ang bahay na ito at puro binata ang
nakatira na pawang nangangasera. Iba-iba ang kanilang edad at pag-uugali.Si Makaraig ay isang mayamang mag-
aaral ng abogasya at pinuno ng kilusan ukol sa isyu sa Akademya ng wikang kastila. Ang pangunahing estudyante
na sina Isagani, Sandoval, Pecson at Pelaez ay inimbitahan ni Makaraig upang pag-usapan ang kanilang pakay.
Mananalig sina Isagani at Sandoval na pagbibigyan hiling, samantalang nag-aalinlangan si Pecson. Si Sandoval ay
larawan ng mga kastilang may malasakit at pagpapahalaga sa mga Pilipino.May dalang magandang balita si
Makaraig. Ibinalita nila na si Padre Irene ay ang nagtatanggol sa kanila laban sa mga sumalungat sa kanilang
adhikain. Kailangan ng grupo ang pagkiling ni Don Custodio, isa sa mga kataas-taasang lipon ng paaralan sa
kanilang panig. Dalawang paraan ang kanilang naisipupang pumanig sa kanila si Don Custodio, si G. Pasta isang
manananggol at si Pepay na isang mananayaw na matalik na kaibigan ni Don Custodio. Napagkaisahan ng lahat na
piliin ang manananggol upang maging marangal ang kapamaraanan.
Nagtungo si Isagani kay Ginoong Pasta na isang manananggol. Sinadya niya ito upang pakiusapan na kung maari ay
mamagitan siya para sa mga kabataan. Inilahad ng pabuod ni Isagani ang mga pangyayari. Ngunit nabigo siya sa
kanyang pakay. Nagkunwari ang manananggol na walang alam para ipahalata kay ISagani na wala itong pakialam
sa gawain ng mga bata.Binigyan ng payo ni Ginoong Pasta si Isagani ukol sa kanyang sadya. Nais ng manananggol
na isantabi ito sa kanyang isipan dahil ito ay mapanganib. Sinabi nito na hayaan na lang ang gobyerno na kumilos
ayon sa kanyang sarili.
Si Quiroga, isang negosyanteng Intsik na naghahangad magkaroon ng konsulado ang kanyang bansa ay naghandog
ng isang hapunan. Dinaluhan ito ng mga tanyag na panauhin, mga kilalang mangangalakal, mga prayle, mga
militar, mga kawani ng pamahalaan, gayun din ang kanilang mga suki.Dumating si Simoun at nang singilin niya si
Quiroga sa utang na siyam na libong piso, sinabi nitong nalulugi siya. Inalok ni Simoun na bawasan ng dalawang
libong piso ang utang ni Quiroga kung papayagang intsik na itago sa kanilang bodega ang mga armas na dumating.
Hindi raw dapat mangamba ang Intsik, sapagkat ang mga baril ay unti-unting ililipat sa ibang bahay na pagkatapos
ay gagawan ng pagsisiyasat at marami ang mabibilango. Siya ay lalakad sa mga mapipiit upang kumita. Napilitang
sumang-ayon si Quiroga. Ang pangkat ni Don Custodio ay nag-uusap tungkol sa komisyong ipapadala sa India para
pag-aralan ang paggawa ng sapatos para sa mga sundalo. Sa pulutong ng mga pari, ay pinag-uusapan nila ay
tungkol sa ulong nagsasalita sa may perya sa Quiapo na pinamamahalaan ni Mr. Leeds.
Umalis na sa bahay ni Quiroga ang labindalawang bisita niya. Ngayon naman ay pupunta sila sa isang peryahan sa
Quiapo at sa bahay ni Mr. Leeds.Aliw na aliw ang pari na si Padre Camora sa mga babaeng nakikita niya sa
peryahan. Kilala kasi bilang makamundo ang prayleng iyon. Lalong nadagdagan ang kaniyang tuwa nang
makasalubong si Paulita Gomez. Kasama nito ang kaniyang tiyahin na si Donya Victorina. Iyon lang, kasama din nila
si Isagani na katipan ni Paulita.Nakarating sila sa isang tindahan ng mga rebultong kahoy. Doon ay nagsabihan ng
mga kahawig ng estatwa ang mga kasama ni Mr. Leeds. Sabi ng isa na ang estatwa ay kahawig ni Ben Zayb habang
ang isa naman daw ay kahawig ni Camora dahil maraming likha ang mga kahawig ng pari. Mayroon silang nakitang
larawan na kahawig ni Simoun. Wala sa paligid ang alahero kaya napag-usapan nila ito. Nagwika naman si Ben Zayb
na baka natatakot lamang si Simoun na mabunyag ang lihim ng kaibigan si Mr. Leeds.
Inasahan matagpuan sa kanya , ngunit wala siyang nakita. Ang nakita lang niya ay ang pira-pirasong mga bubog ng
alak na iniinom ni Mr. pondoyo bago maang palabas.Pumasok si Mr. Leeds sa isang pinto at may dalang kahong
kahoy sa kanyang pagbabalik. Ipinaliwanag niya na ito ay natagpuan niya sa isang lib. Ang kahon ay may lamang
abo at kapirasong papiro na kinasusulatan ng dalawang salita. Sa pamamagitan ng pagbigkas ng salitang "Deremof"
ang abo ay nabuo bilang ulo at masbubuo lang kapag binanggit Nabuo ang ulo nang binanggit ni Mr. Leeds ang
ikalawang salita. Ang tawag sa ulo ay Espongha ngunit nagpakilala ang ulo na ang kanyang pangalan ay Imuthis.
Siya ay umuwi sa sariling bayan pagkatapos ng pag-aaral at mahabang paglalakbay. Sa kanyang pagdaraan sa
Babilonia ay nabati niya ang isang lihim na hindi ang tunay na Sumerdis ang namamahala doon kundi si Gaumata,
isang magnanakaw ng kapangyarihan at namamahala sa tulong ng pandaraya. Sa katakutang isumbong siya kay
Cambises ay binalak ang ikakasawi ni Imuthis sa tulong ng mga saserdoteng Taga-Ehipto na siyang nakapangyayari
noon sa kanilang bayan.
Dahil sa ginawang panlilibaksa kaniya ng kanyang guro kaya nagpupuyos sag alit at nangingilid ang luha sa mga
mata ni Placido Penitente na naging dahilan ng pag-alis nito.Nararapat lamang di umano na maghiganti siya
sapagkat kanyang karangalan na ang dapat niyang ipaglaban at nararapat lamang na ipakita niya na may kabataang
mula sa lalawigan ng Batangas na marangal at ang kahihiyan ay hinuhugasan ng dugo, iyon ang mga bagay na tila
naririnig niya na ibinubulong ng isang tinig.Habang naglalakad sa tulay ng Espanya ay nais niyang maghanap ng
gulo. Nais niyang ihulog ang kura ng Makita niyang nagdaan ang isang sasakyang kinalululanan nito. Samantalang
muntik na niyang suntukin ang dalawang paring Agustinong nakaupo sa pintuan ng basar nin Quiroga ng mapadaan
siya sa Escolta. Dahil sa ginawang panlilibaksa kaniya ng kanyang guro kaya nagpupuyos sag alit at nangingilid ang
luha sa mga mata ni Placido Penitente na naging dahilan ng pag-alis nito.Nararapat lamang di umano na
maghiganti siya sapagkat kanyang karangalan na ang dapat niyang ipaglaban at nararapat lamang na ipakita niya
na may kabataang mula sa lalawigan ng Batangas na marangal at ang kahihiyan ay hinuhugasan ng dugo, iyon ang
mga bagay na tila naririnig niya na ibinubulong ng isang tinig.Habang naglalakad sa tulay ng Espanya ay nais niyang
maghanap ng gulo. Nais niyang ihulog ang kura ng Makita niyang nagdaan ang isang sasakyang kinalululanan nito.
Samantalang muntik na niyang suntukin ang dalawang paring Agustinong nakaupo sa pintuan ng basar nin Quiroga
ng mapadaan siya sa Escolta.
Ang usapin ukol sa akademya ng salitang kastila ay nasa mga kamay ni Don Custodio, na siyang pinagkatiwalaan
lumutas sa suliraning ito.Si Don Custodio de Salazar y Sanchez deMonteheredondo ay kilalang tanyag sabahagi ng
lipunan sa Maynila at tinaguriang “Buena Tinta”. Siya ay nakapag-asawa ng isang mayaman at sa pamamagitan ng
yaman ng asawa, nakapagnegosyosiya kahit kulang sa kaalaman sa mga tungkuling kanyang hinahawakan siya ay
pinupuri dahil siya ay masipag.Nang bumalik siya sa Espanya walang pumansin sa kanya dahil sa kakulangan niya sa
pinag-aralan, kaya walapang isang taon nagbalik na siya sa Pilipinas at nagmagaling sa mga Pilipino sa kanyang
kunwaring magandang karanasan sa Madrid. Lumagay siya parang amo’t tagapagtanggol, ngunit siyay
naniniwalang may ipinanganak upang mag-utos at ang iba’y upang sumunod. Ang Pilipino’y ipinanganak upang
maging utusan, kaya’t kailangang pagsabihang lagi na ang mga ito’y sa gayon lamang ukol.Sa loob ng labing limang
araw, si Don Custodio ay bumuo ng pasiya ukol sa kasulatan at handa na niya itong ipaalam sa lahat.
Nang gabing iyon ay may pagtatanghal sa teatro de Variedades, ang Les Cloches de Corneville ng bantog na mga
Pranses. Ubos kaagad ang tiket, at mahabang-mahaba ang hanay ng nagsipasok.Isang Kastila ang tanging walang
bahala sa pagpasok sa dulaan. Ito’y si Camaroncocido na anyong pulubi o palaboy. May lumapit sa kanya na isang
kayumangging lalaki na matanda. Siya’y si Tiyo Kiko. Iisa ang kanilang hanapbuhay: pagdidikit ng mga paskil.Anim
na piso ang iniupa ng mga Pranses kay Tiyo Kiko. Ani Camaroncocido: Dapat mong malaman na ang buong kikitain
ng palabas ay mauuwi sa mga kumbento.Ang palabas ay humati sa Maynila. Mayroong nagsitutol dito bilang
masagwa at laban sa moralidad, tulad nina Don Custodio at ng mga prayle. Mayroon namang nagtanggol dito. Mga
pinuno ng hukbo at mga marino, ang kawani, at maraming matataas na tao. Laban ang mga babaing may asawa o
may kasintahan. Ang wala nama’y sang-ayon sa opera.Ang palabas ay ipinagbabawal ng mga prayleNang makaalis
si Tiyo Kiko ay may napansin si Camaroncocido na mga taong tila hindi sanay mag-amerikana at sa wari’y umiiwas
mapuna.Nagpatuloy ng lakad si Camarroncocido. Dalawang tao ang narinig niyang nag-uusap. Anang isa na may
hawak na rosaryo at kalmen: Ang mga kura ay malakas kaysa Heneral. Ang heneral ay umaalis; ang mga kura ay
naiiwan. At yayaman tayo. Ang hudyat ay isang putok.Sa labas ng dulaan ay naroon si Tadeo at isang kababayang
baguhan sa lungsod. Niloloko ni Tadeo ang kababayang tanga sa pagsasasbi ng mgsa kahanga-hangang
kasinungalingan. Maraming mga taong nagdaraan ang sinasabi ni Tadeo na mga kaibiga’t kakilala niyang
malalaking tao kahi’t di totoo. Dumarating sina Paulita Gomez at ang tiyang si Donya Victorina. Nakilala ni Tadeo si
Padre Irene na nakabalatkayo nguni’t di naitago ng tunay na katauhan dahil sa mahaba niyang ilong. Dumating din
si Don Custodio.Nang makita ni Tadeo na dumating sina Makaraig, Pecson, Sandoval at Isagani ay lumapit ito at
bumati sa apat. May labis na tiket ang mga ito dahil di sumama sa kanila si Basilio. Inanyayahang pumasok si
Tadeo. Di na naghintay ng ikalawang paanyaya si Tadeo. Iniwan ang taga-lalawigan na nag-iisa.