You are on page 1of 4

Colegio de San Juan de Letran-Manaoag

Castro St. Poblacion, Manaoag, Pangasinan, Philippines


COLLEGE DEPARTMENT

Pangalan: Valerio, Noelyn Valerie Velasquez


Kurso at Taon: BSED-FILIPINO III
Subject Description: Dulaang Filipino
Subject Code: LIT 107
Petsa: ika-07 ng Pebrero, 2024

Takdang Aralin #1
Panuto: Sumipi ng isang dula at suriin ito batay sa mga ss:

“ Sa Pula, sa Puti ni Fransisco “ Soc” Rodrugo

BUOD
Ang dulang “ Sa Pula, sa Puti na katha ni Francisco “ Soc” Rodrigo ay patungkol sa mag-
asawang si Kulas at Celing na nakatira sa isang baryo na may kalapit na lugar sabongan na may
may katamtamang kalagayan sa buhay. Ang pangunahing suliranin sa dulang ay ang
pagkahumaling ni Kulas sa pagsusugal o pagsasabong ng manok na nagiging sanhi ng kanilang
problema sa buhay. Upang mabigyan ito ng solusyon , palihim na pinapusta ni Celing ang
kasambahay nilang si Teban sa manok ng kalaban, upang sa gayon ay kahit manalo o matalo si
Kulas, wala silang talo. Sa una, nagdesisyon si Kulas na itigil ang bisyo nitong pagsasabong
dahil sa kawalang nito ng pag-asa, ngunit nabago ang kanyang isip nang turuan siya ni Castor ng
tamang estratehiya. Sa huli, nabigo pa rin itong manalo sa kadahilanang ang manok ng kalaban
na kaniyang tinayaan ay siyang natalo. Dahil dito, pareho silang natalo sa sugal ng kaniyang
asawang si Celing, at napilitang tuparin ang pangako ni Kulas na ihawin ang lahat ng tinali at
tuluyan ng itigil ang bisyo nitong pagsusugal.

1. SIMULA
Nagumpisa ang ikot ng kwento mula sa pagtatalo ng mag-asawang sina Kulas at Celing. Kung
saan ang pangyayari ay umaga pa lang ay nanghihingi na si Kulas ng pera sa kanyang asawa
upang ipusta o isugal sa pamamagitan ng sabong. Kung saan nangako rin siya sa kanyang asawa
na sa oras na matalo ito ay ititigil na nito ang pagsasabong ngunit hindi naman tumupad si Kulas
sa kanyang pangako sa kanyang asawa na si Celing, na lingid sa kanyang kaalaman na ang asawa
nyang si Celing ay pumusta o tumaya sa kalaban para makasiguro na babalik din ang perang
tinaya ng kanyang asawa. Si Teban ang inutusan ni Celing na pumusta sa sabungan. Kung saan
masasabi ko na sa simula pa lang ng dulang sa pula at sa puti ay ipinapakita na ang kulturang
pilipino na mayroon tayo na isinulat sa nakakaaliw na pamamaraan. Ipakita rin dito ang
paniniwala ni Kulas na masuwerte ang pagtaya sa sabong.

2. GITNA
Sa pang-gitnang bahagi ng kuwento, bigo pa rin si Kulas na makapanalo sa sabong, na mistulang
nagbibiro ang kapalaran sa kanya sa kadahilanang kahit ano ang gawin nito ay palagi pa rin itong
talo kung kaya’t napagdesisyunan nitong tumigil na sa pagsasabong samantala si Celing naman
Colegio de San Juan de Letran-Manaoag
Castro St. Poblacion, Manaoag, Pangasinan, Philippines
COLLEGE DEPARTMENT

ay nagpatawag ng mga kaibigan ni Kulas dahil iluluto niya ang mga tinaling pang sabong ni
Kulas gaya ng kaniyang ipinangako.

3. WAKAS
Sa huli, ang mag-asawang sina Kulas at Celing ay kapwa natalo sa sugal na nagresulta sa wala
man lang silang nakuha kahit ni katiting na kusing. At natupad ang kasunduan nilang mag-asawa
na iihawin ang lahat ng tinali at magbabago na si Kulas sa kanyang bisyo ng pagsusugal.

4. KASUKDULAN
Ang kasukdulan sa dula ay ang mabilis na pagbabago ng isip ni Kulas ng siya ay makausap at
mapayuhan ni Castor na kasamahan rin niya sa sabongan, sa mga sandaling sila’y nakapagusap
tinuruan ni Castor si Kulas sa mga nararapat nitong gawin na mga estratehiya upang manalo sa
sabong.

5. KALUTASAN
Ang kalutasan sa dula o sa kuwento ng mag-asawang sina Kulas at Celing ay ang kanilang mga
reyalisasyon at pagbabago ng kani-kanilang mga pananaw sa buhay na walang maidudulot na
maganda ang pagkahumaling sa pagsusugal, at ang pagtupad ni Kulas sa napagusapan nila ng
asawa nitong si Celing na iihawin ang kanyang mga tinali at magbabago na sa pamamagitan ng
pagtigil sa pagsusugal o pagsasabong.

6. TAUHAN
Kulas- pangunahing tauhan sa dula , ang asawa ni Celing na nahuhumaling sa pagsusugal na
sabong.
Celing- ang asawa ni Kulas na siya ring namomroblema sapagkat lagi nalang talo kung umuwi
ang asawang si kulas galing sa sabong at umisip ng paraan para hindi sila tuluyang mabaon sa
kahirapan.
Teban- ang engot na kasambahay ng nina Kulas at Celing. Siya rin ang palihim na inuutusan ni Celing
para pumusta sa sabongan at tayaan ang manok ng kalaban upang sagayon ay kahit manalo man o
matalo si kulas sa sabong ay wala pa rin itong talo.
Castor- siya ang kasamahan ni Kulas sa sabongan na nagturo ng mga estratehiya sa kanya upang
manalo sa sabongan na dahilan ng pagkakaroon ni Kulas ng pag-asa pagdating sa pagsusugal na
makakapagpabago ng buhay nito.

7. TAGPUAN
Ang pinangyarian ng dula ay masasabi kong isang baryo o baranggay na may malapit na lugar
sabongan kung saan rin nakatira ang mag-asawang sina Kulas at Celing.

8. TUNGGALIAN
Colegio de San Juan de Letran-Manaoag
Castro St. Poblacion, Manaoag, Pangasinan, Philippines
COLLEGE DEPARTMENT

Ang tunggalian sa dula ay ang pakikipaglaban o pakikipagsapalaran ni Kulas sa kanyang


bisyong pagsusugal at ang pagtutol na ginagawa ng kanyang asawa na si Celing sa
pagkahumaling nito sa sabong at paghahanap ng solusyon sa kanilang kinahaharap na sitwasyon.

9. KAKALASAN
Ang kakalasan sa dula ay ang reyalisasyon na nangyari kay Kulas dahil sa napagtanto nitong
nagpapatuloy lang ang ganoong pangyayari na hindi ito nanalo, hanggang sa isang araw ay
parang nawawalan na ito ng pag-asa sapagakat hindi naman daw pabor sa kanya ang suwerte
kung kaya ay nakapagdesisyon siyang talikuran na ang pagsasabong.

10. SULIRANIN
Ang pangunahing suliranin sa dulang Sa Pula, sa Puti ay ang hindi matigil na pagkahumaling ng
tauhan na ginagampanan ni Kulas sa sabong na palaging natatalo na ang uri ng suliranin ay
maaaring ipagpalagay gaya ng mga sumusunod:

Tunggaliang Tao laban sa tao- sa kadahilanang pagtutol ni Celing kay Kulas sa


kinahuhumalingan nitong bisyo na pagsasabong dahil palagi na lamang itong natatalo. Kung
saan malimit rin silang magtalo dahil sa napupunta lang sa wala ang perang ipinamumusta ni
Kulas sa tuwing siya ay natatalo kung kaya’t nag-isip na ng paraan si Celing para hindi ito
malugi at matigil na pagsasabong si Kulas.

Tunggaliang Tao laban sa Sarili -sa kadahilanang ang karakter na ginagampanan ni Kulas ay
maipapahiwatig kong walang kontrol at kawalang disiplina sa sarili dahil sa pagkahumaling nito
sa pagsasabong na kahit nagreresulta sa palaging pagkatalo ay wala parin itong tigil.

Tunggaliang Tao laban sa kapaligiran – sa kadahilanang maaring tignan na ang pagkahumaling


ni Kulas sa kanyang bisyo na pagsasabong ay dahil sa ginagalawan nitong kapaligiran dahil
nabanggit rin sa dula na ang lugar ng sabongan ay malapit lamang sa lugar kung saan
naninirahan si Kulas at ang kanyang asawa na si Celing.

11. SAGLIT NA KASIGLAHAN

Ang saglit na kasiglahan sa dula ay saglitang ring pagkakaroon ng pag-asa ni Kulas matapos
niyang makausap at matutuhan kay Castor ang mga estratehiya na dapat niyang gawin upang
manalo sa sabong at ang pag-asang magbabago na ang kaniyang buhay sa pamamagitan ng
kaniyang mga natutuhan.
Colegio de San Juan de Letran-Manaoag
Castro St. Poblacion, Manaoag, Pangasinan, Philippines
COLLEGE DEPARTMENT

You might also like