You are on page 1of 4

 

Sa Pula, Sa Puti
ni: Francisco Soc Rodrigo
I.                    Mga Tauhan
a.      Kulas - ang pangunahing tauhan sa kwento, isang sabongero na hindi nawawalan ng pag-asang
suwertehin sa pagsasabong.
b.      Celing - maybahay ni kulas, laging nagpapaalala kay kulas na tigilan na nito ang pagsasabong.
Pumupusta siya ng palihim sa manok ng  kalaban dahil manalo man o matalo ang kanyang asawang si
kulas ay hindi mababawasan ang kanilang salapi.
c.       Sioning - kaibigang matalik ni Celing. Tanging napagsasabihan ni Celing ng kanyang mga saloobin
patungkol sa patuloy na pagsasabong ni kulas.
d.      Castor - isang bihasa sa pagsasabong na nagtulak pa lalo kay kulas para huwag mawalan ng pag-asa
sa pagsasabong. Pinagpayuhan niya si kulas sa mga nararapat umano nitong gawin upang manalo sa
sabong.
e.      Teban - isang engot na kasambahay nila Kulas at Celing. Siya ang inuutusan ni Celing upang
pumusta ng palihim sa manok ng kalaban ni Kulas.
II.                  Buod
Si Kulas at Celing ay ang magasawang hindi masyadong mayaman o mahirap, katamtaman lang ang
katayuan nila sa buhay. Kaya lamang ang asawa nitong si Kulas ay nalululong sa bisyo  ng pagsasabong
ng manok. Namomroblema  itong si Celing sa asawa sapagkat lagi nalang talo kung umuwi ang asawang
si kulas galing sa sabong. Kung kaya ay umisip siya ng paraan para hindi sila tuluyang mabaon sa
kahirapan. Palihim niyang pinapupusta ang engot na kasambahay na si Teban sa manok ng kalaban upang
kahit manalo man o matalo si kulas sa sabong ay wala pa ring talo.
Nagpatuloy ang ganoong Gawain hanggang sa isang araw ay para yatang nawawalan nan g pag-asa itong
si Kulas sapagakat hindi naman daw pabor sa kanya ang suwerte kung kaya ay nakapagdesisyon siyang
iwan na ang pagsasabong. Ngunit nagbago na lamang ang kanyang isip ng siya ay mapagpayuhan ni
Castor,  kasamahan rin niya sa sabongan, sa mga sandaling iyon ay tinuruan ni Castor si Kulas sa mga
nararapat nitong gawin na mga estratehiya upang manalo si kulas. Sa katagalan ng kanilang pag-uusap,
hangga ng sa muli nanamang nabuhayan itong si Kulas a mananalo siya sa sabong sa pagkakataong ito.
Muli ay nanghingi siya perang pamusta sa sabong kay Celing sabay nangakong kung matatalo pa siya sa
pagkakataong iyon ay malaya na si Celing na ihawin ang lahat ng kanyang Tinali at nangako rin siyang
kakalimutan na niya ang sabong.
Sumapit na nga ang oras ng pagsasabong at pumunta ng palihim si Kulas na pumusta sa manok ng
Kalaban gaya ng itinuro ni Castor sa kanya. Pinapusta rin ni Aling Celing si Teban sa manok ng kalaban.
Ngunit sa di inaasahang pangyayari ang manok ni Kulas na sadyang tinusok ng karayom ang paa upang
sadyang humina at tuluyang matalo ay siya palang mananalo sa labanan ng mga tinali. Sa pagkakataong
iyon ay kapwa natalo sa sugal ang mag-asawang Kulas at Castor at wala man lang silang  nakuha kahit ni
katiting na kusing. At natupad ang kasunduan ng mag-asawa na iihawin ang lahat ng tinali at magbabago
na si Kulas sa kanyang bisyo ng psgsusugal.
III.                Pagsusuri
1.      Panahong kinabibilangan - nabibilang sa lahat ng panahon (noon at maging sa kasalukuyan)
2.      Mga sariling puna:
Maganda ang kuwento, ang istruktura at ang pagkakalahad. Tunay na hahangaan ang may-akda pagkat
naipakita niya ang isang mabisang paglalahad ng kuwento. Nag-iwan rin ito ng magagandang kaisipan na
kapaki-pakinabang sa mambabasa. Naging kaiga-igaya at madaling maiuugnay ng bawat yugto ng
pangyayari sa ating buhay. Ang mga taong nalululong sa bisyo ng pagsasabong ay may pag-asa pang
magbago.
3.      Gintong kaisipan:
“Sino bang tao ang nagkakakuwarta sa sugal na hindi gumagamit ng daya?”
Ang pagsusugal ay ang isa sa ipinagbabawal na gawain ng kapwa batas ng Tao at Diyos. Kapag ang isang
taong nalululong sa masasamang gawaing tulad nito ay hindi lamang ang taong nagsusugal ang maaaring
maapektuhan nito kundi pati na  ang mga taong nasa kanyang paligid. Sa pagsusugal ay gumagamit ng
hindi mabilang na masasamang gawaing tulad ng pagdaraya. Labag ito sa kahit na sinuman. Ang
pagdaraya ay binubuo ng kasakiman at pagkamakasarili. Wala itong kinikilalang mali at tama. Wala rin
itong magandang maidudulot, bagkus ay doble ang balik nitong kamalasan sa taong gumagawa ng
ganitong uri ng gawain.
4.      Teoryang Napapaloob:
a.      Realismo - masasabing ito ay kinapapalooban ng realismo dahil ang mga pangyayari sa kwentong
ito ay nangyari na sa totoong buhay. Katulad na lamang ng mga lalaking nalululong sa pagsasabong na
gumagamit ng daya, gaya ni Castor at Kulas, na kung saan ang ganitong mga gawain ay walang
magagandang maidudulot sa pamilya, lipunan at sa sarili.

MGA ELEMENTO NG DULA


 
Iskrip o nakasulat na dula
. Ito angpinakakaluluwa ng isang dula. Ang lahat ng bagayna isasaalang-alang sa dula at nararapat
nanaaayon sa isang iskrip. Walang dula kapagwalang iskrip.2.
 
Gumaganap o Aktor = Ang mga aktor ogumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan saiskrip. Sila ang
nagbibigkas ng dayalogo, nagpapakita ng iba’t ibang damdamin at pinapanood na tauhan sa dula.
 
Tanghalan = Anumang pook na pinagpasyahangpagtanghalan ng isang dula ay tinatawag natanghalan.
Tanghalan din ang tawag sa kalsadangpinagtanghalan ng isang dula o ang silid napinagtanghalan ng mga
mag-aaral sa kanilangklase.
 
Tagadirehe o Direktor = Ang direktor angnagpapakahulugan sa isang iskrip. Siya ang nag-iinterpret sa
iskrip mula sa pagpasya sa itsura ngtagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang saparaan ng pagganap at
pagbigkas ng mga tauhanay dumidepende sa interpretasyon ng direktor saiskrip
 
Manonood = Hindi maituturing na dula ang isangbinansagang pagtanghal kung hind ito napanoodng
ibang tao. Hindi ito maituturing na dula
sapagkat ang layunin ng dula’y maitanghal at
kapag sinasabing maitanghal dapat mayroongmakasaksi o manood.

MGA SANGKAP NG DULA


 
Tagpuan = Ito ay sumasaklaw sa panahon at lugar/pook na pinagyarihan ng aksyon.
Kadalasanginilalarawan ito ng manunulat upang makatulongsa produksyon. Ang kaligiran ay mahalaga
upangmakita ng mambabasa ang pinagganapan ngkuwento.2.
 
Tauhan = Sila ang gumaganap at sa buhay nilaumiinog ang mga pangyayari sa kuwento. Sila
angnagsasagawa ng kilos na ipinahihiwatig ngkanilang mga dayalogo. Sa kanilang pagsasalitalumilitaw
ang mga butil ng kaisipang ibigpalutangin ng sumulat at sa kanilang mga kilosnaipadarama ang
damdamin at saloobin. Inuuriang mga tauhan ng dula batay sa kanilangtungkulin sa paglinang ng kwento.
 
Dramatis personae mga tauhan ngdrama na binubuo ng protagonista atantagonista
 
Bayani ng trahedya (tragic hero) ang protagonista sa dulang trahedya

 
Confidant/confidante = sa kanyaibinubunyag ng pangunahing tauhan angkanyang pinakapribadong pag-
iisip atdamdamin.
o
 
Foil =  isang maliit na karakter na maykakaiba o taliwas na personalidad na anglayunin ng manunulat at
mabigyang-tuonang pagkakaiba nito sa ibang tauhan.3.
 
Kwento ng Dula = Ito ay maaaring bungang isiplamang o hango sa totoong karanasan. Sakasalukuyan,
maaaring pagbatayan ang isangmaikling katha o kaya ay nobela. Mayroon dinnamang pagkakataon na
ang orihinal na dula,maikling kwento o kaya ang nobela ay nagiging
batayan ng pelikula o kaya’y dulang
pantelebisyon.

 ASPEKTO NG KWENTO NG DULA


 
Diyalogo at Kilos = Ang dramatikong diyalogo aymasining, pili at pinatindi batay sa sitwayon.
Hindidapat kaligtaan ang pagiging natural sapagsasalita. Ang pagsasalita ay may sariling katangian tiig,
bigkas, diin, bilis, lawak. Anggalaw ng kalamnan ng mukha, ng mga bisig,balikat, kamay at katawan
hanggang paa mulapagpasok hanggang paglabas ng tanghalan aymahalaga. May mga
pagkakataongimiinumungkahi ng manunulat ang mga galaw sabawat mahahalagang dayalog na higit
namakapagpapalutang ng mensaheng nais ihatid.2.
 
Banghay = Ito ang basehan ng kayarian ng isangdula. Pinapanood ang mga kilos o aksyon nasadyang
pinag-ugnay-ugnay upang mabuo ito.Masining na pagkakasunud-sunod ng magkakaugnay na pangyayari.
Hinahati-hati angbuong banghay sa mga yugto o bahagi at angbawat yugto ay sa mga tagpo o eksena.
Gaano mankahaba o kaikli ang isang dula, dapat itongmagtaglay ng paglalahad, suliranin, gusot at ang
kawakasan. Ang suliranin o ang gusot ay angpagtaas na ng aksyon na kinakailangan malutas sa
pagtutunggalian ng mga tauhan. Ang huling bahaging dula ay ang resolusyon at wakas na bunga
ngtunggalian ng mga tauhan o pwersa sa kapaligiran.Ang banghay o mga mahahalagang pangyayari ay
maaaringbuuin ng mga sumusunod na bahagi. (Ihambing sa mga bahagi ng Maikling Kwento)
 
Eksposisyon = Sa bahaging ito ipinakikilala angmga karakter, nagsisimula ang paglalarawangtauhan o
karakterisasyon at nagpapasimuno ngaksyon. Kung minsan, isang pormal na prologoang makikita sa
unahan ng drama upangmailarawan ang tagpuan.
 
Komplikasyon = Ipinakikilala at pinauunlad ngkomplikasyon ang tunggalian. Nagaganap itokapag ang isa
o higit pang pangunahing tauhan aynakaranas ng mga gusot o problema o kapag angkanilang relasyon
ay nagsisimulang magbagosaglitna paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraningnararanasan.
 
Krisis = Nagaganap ang krisis sa panahon ngpinakarurok ng intensidad ng damdamin atkadalasan ay
kakikitaan ang desisyon ng  maliwanag na tunggalian ng protagonista at ngantagonista.
 
Pababang Aksyon at Kakalasan = Nag-uugat ito sapagkawala ng kontrol ng protagonista at ang pinalna
catastrophe ay hindi na maiiwasan sapagdating tulad ng nagaganap sa isang trahedya.Samantala, sa isang
komedya, mga mgadumarating na di-inaasahang pangyayari (twists)na nagbibigay-daan sa drama upang
magwakasnang masaya.
 
Resolusyon = Sa sangkap na ito nalulutas,nawawaksi at natatapos ang mga suliranin attunggalian sa dula.
Maaari rin itong magpakilalang panibagong mga suliranin at tunggalian sapanig ng mga manonood.

MGA URI NG DULA SA PILIPINAS

Parsa = Nagdudulot ito ng katatwanan sa mgatagapanood sa pamamagitan ng paggamit ngeksaheradong


pantomina, pagbobobo(clowning),mga nakakatawa, nakatutuwa, komikongpagsasalita na karaniwang
isinasagawa samabilisan at di akmang layunin at sipagkakaunawaan. Gumagagamit din ito ng
mgasitwasyong hindi makabuluhan at nagpapakita saugali ng tao na walang kontrol.2.
 
Komedya = (mula sa Griyego Komos magkatuwaan o magsaya). Naglalahad ng isangbanghay sa
sitwasyong nakahihigit kaysa parsa,higit na seryoso at kapani-paniwala, ngunit hindinaman sobra. Ang
mga tauhan ay makikita sa lipunan ng mga indibidwal; maaaring sila’y pagtawanan o makitawa sa kanila
na may pansinsa kanilang kalagayan o suliranin. Isangdramatikong epekto na humihikayat sa
pagbabagong lipunan, sapagkat ito ay tunay na salamingsosoyal.
 
Melodrama = Tumutukoy ito hindi lamang sakawili-wiling misteryo, ngunit maging sa mgadulang may
mapuwersang emosyon o damdaminna puno ng mga simpatetikong mga tauhan.Karaniwang gumagamit
ito ng poetikongkatarungan at humihikayat ng pagkaawa para samga propagandista at pagkamuhi para sa
mga
antagonista. Ito’y umaabot at sumasaklaw sa seryosong drama o dula na tinatawag na “drama” sa Ingles
at sa tinatawag na dulang suliranin(problem play) na patungo sa trahedya.
 
Trahedya = Kumakatawan ito sa mga tauhan naang lakas ng isip ay nakatuon sa kanilangkalikasan ng
sariling moralidad at sila’y nagagapi sa mga puwersa o laban sa kanila. Ayon kayAristotle, ang ganap na
trahedya ay dapatgumagad sa mga kilos na nagkakaroon ng awa attakot. Ang pagkagapi ng trahikong
protagonista aydi maiiwasan, di matatanggap, at nagkakabungang masakit na pagtanggi sa moral
naimperpeksyon o kaya sa poetikong kawalangkatarungan sa daidig.

Saynete = Ang layunin nito ay magpatawa ngunitang mga pangyayari ay karaniwan lamang. Angmga
gumaganap ay tau-tauhan at nasa likod ng
telon ang mga taong nagsasalita. Ito’y mayroon
ding awitin.
 
Tragikomedya = kung magkahalo angkatatawanan at kasawian gaya ng mga dula niShakespeare na laging
may katawa-tawa tulad ngpayaso para magsilbing tagapagpatawa, subalit sabanding huli ay magiging
malungkot na dahilmasasawi o namamatay ang bida o mag bida.

You might also like