You are on page 1of 10

RESULTA

Ang bahaging ito ay naglalahad ng mga resulta ng pag-aaral sa Kulturang

Pilipino na nakapaloob sa maikling kwentong “Bugtong ng Manok at Agila” ni Alvin B.

Yapan. Ito ay nagsasalaysay tungkol sa kung ano ang kahulugan ng pagiging tao, at

kung ano ang ibig sabihin at kahalagahan nito sa mga panahong hindi tayo makatao.

Makikita ang mga kulturang ito sa mga sumusunod na talata sa kwento.

a. Simbolo

Talata # Mga Talata

29 Naramdaman na lamang niyang biglang sumikip sa loob ng kulungan.


Humaba ang kanyang mga bisig. Humaba ang kanyang mga daliri sa
kamay at paa. Nagkakaliskis ang kanyang mga braso at binti. Humaba ang
kanyang mga kuko at tumulis. Kumapal ang kanyang balat na parang
katad. Umurong ang kanyang ari sa loob ng kanyang katawan. Umurong
pati ilong niya sa bungo ng kanyang mukha. Dalawang makipot na butas na
lamang ang naiwan. Nalagas ang kanyang mga ngipin na parang mga butil
ng bigas na kumalat sa sahig ng kulungan. Naging patulis ang kanyang
nguso at tumigas ang kanyang labi sa isang tuka. Nalagas pati ang
kanyang mga buhok saka lumabas ang kanyang mga pakpak. Sumikip ang
kulungan para sa kanyang naging isang higanteng ibon sa loob ng presinto.
Nangalay ang kanyang mga balikat at braso. Hindi niya alam kung ititiklop
niya ang kanyang pakpak dahil sumasayad sa sahig ang kanyang pakpak.
Kung ilaladlad naman niya ang kanyang pakpak, tatama ang
bukong-bukong niya sa ilaw. Baka makuryente lamang siya.

3 Si Banaag ang ikatlong agilang pinakawalan sa kagubatan pagkatapos


alagaan at palakihin nang ilang buwan sa Eagle Conservation Center. Isa
sa pinakamalaking tagasuporta ng Center ang pamilya ng Imperial bukod
pa sa pag-iisponsor nila ng malawakang pagtatanim muli ng mga puno sa
nakakalbong kagubatan. Nakakaisanglibo nang punong naitatanim ang
pamilyang Imperial. Sapat na upang muling gawing tahanan ng agilang
napisa at nagkabalahibo sa loob ng Center, at saka pinakawalan upang
barilin lamang niya pagkatapos ng apat na buwan.
Interpretasyon:

Sa kulturang Pilipino, maraming mga kwento at alamat ang nagpapakita ng

simbolismo ng pagbabago ng anyo ng mga nilalang, na naglalarawan ng mga

pagbabago sa buhay at personalidad ng tao. Ang pagiging isang ibon ay kadalasan

simbolismo ng pagiging malaya, ngunit ipinapakita sa talata 29 ng kwentong ito na

nagdulot ito ng hindi komportableng sitwasyon para sa pangunahing karakter. Ito ay

naging halimbawa ng kabiguang harapin ang mga hamon at pagbabago sa buhay ng

isang tao.

Sa talata 3, nakikita rin ang pagkonekta nito sa kulturang Pilipino kung saan ang

mga ibon tulad ng agila ay kilala bilang mga bantayog na nilalang dahil sa kanilang

kahusayan sa paglipad at pagiging mahalaga sa kalikasan. Ang pagpapalaya ng agila

ay nagpapakita ng pagtugon sa pangangailangan ng kalikasan at pagpapahalaga sa

kalikasan bilang tahanan ng mga hayop. Ito ay isang magandang halimbawa ng

pagkakaisa at pagtutulungan ng tao para sa ikabubuti ng kalikasan at ng mga nilalang

na nakatira roon. Sa kabuuan, ang mga kwento at alamat sa kulturang Pilipino ay

nagpapakita ng kahalagahan ng pagbabago at pagtugon sa mga hamon sa buhay. Ito

ay nagbibigay ng inspirasyon sa mga tao upang harapin ang mga pagbabagong

kinakaharap nila sa kanilang buhay at magtulungan para sa ikabubuti ng kalikasan at

ng mga nilalang na nakatira rito.


b. Wika

Talata # Mga Talata

25 Sintigas at sintibay ng bakal na rehas sa kulungan ang mga tanong na


kailangan niyang sagutin kinabukasan pagharap niya sa piskalya. Hindi
niya maintindihan kung bakit hindi maunawaan ng mga Imperial ang parati
din namang magiging sagot niya. Na tiyak niyang manok ang kanyang
kinain at hindi agila. Iyon at iyon pa rin ang isasagot niya sa mga tanong ng
Piskal kinabukasan. Pinaikot-ikot niya sa kanyang utak kung bakit hindi sila
makapaniwala na alam niya kung ano ang lasa ng manok. Parang hindi
niya sila naririnig; parang si Lucky lamang ang nakakarinig sa kanya. Dahil
tuwing magsasalita siya, kumakahol din naman agad ang shizu. Bawat
salita niya’y tinutumbasan ng kahol ng shizu. Naisip niya tuloy na baka nga
naiintindihan siya ng aso. Ngunit imposible namang nauunawan siya ng
aso, at hindi ng tao.

Interpretasyon:

Mula sa talata 25, makikita natin ang agwat ng kultura sa pagitan ng mga

henerasyon. Ang isang henerasyon ay ang lahat ng mga taong ipinanganak at

nabubuhay sa halos parehong panahon. Ang mga taong may awtoridad na ipinakita sa

kwento, tulad ng Piskal at Imperial, ay isang mahusay na representasyon ng mga

matatanda ngayon. Kadalasan ay mas mahirap para sa kanila na unawain at

paniwalaan ang wikang kolokyal ng mga kabataan at tinedyer ngayon dahil sa agwat o

pagitan ng mga henerasyon, kung saan umiiral ang magkakaibang paniniwala sa

pulitika, relihiyon, at lipunan na posibleng lumikha ng tunggalian. Si Lucky, ang aso, ay

nagpapakita na ang pagkakaroon ng ugnayan sa kapwa ay may malaking papel sa

pagkakaroon ng taong tunay na naniniwala at nakakaintindi sa atin

c. Kaasalan
Talata # Mga Talata

34 “Hindi mo ba napapansing hubo’t hubad ka?,” dugtong ni Lucky.


“Nakakahiya ka para sa isang hayop.

54 Una niyang nakita ang shizu. Akala niya si Lucky. Ngunit iba ang taong
bumubuntot sa kanya. Akala niya nagpalit lamang ng inuupahang
tagapag-alaga si Ginang Imperial. Baka nagkaroon na ng hika, isip pa niya.
Ngunit iba ang Ginang na 21 of 21 lumabas at sumunod sa tagapangalaga
ng shizu na bumati sa kanya. Mrs Miranda ang pakilala nito sa kanya.
Huwag daw siyang mag-alala. Kukupkupin siya ng Misis hanggang
makabangon siyang muli. Tuturuan daw siya ng Misis na magkaroon ng
hanapbuhay nang makatayo siya sa sarili niyang paa. Dinala siya ng Mrs
Miranda sa kanyang malawak na haciendang natatamnan ng napakaraming
puno. Akala niya kung ano ang ibibigay sa kanya ng Misis. Mga sisiw pala.
Limang sisiw ng manok. Maaari raw niyang paramihin ang mga manok
nang hindi lang siya parating umaasa sa iba. Saka siya binilinan na huwag
na huwag lang niyang kakalimutang putulan ng pakpak ang mga manok
nang huwag makawala at maging layás paglaki nila.

Interpretasyon:

Mula sa talata 34 at 54, ipinakita ang kulturang kaasalan ng mga tauhan.

Makikita sa mga talatang ito ang kahalagahan ng kanilang pagkatao. Sa talata 34,

makikita na nahihiya si Lucky sa pagdating ng aswang. Sa tingin niya, kailangang

igalang ang anumang grupo, klase, o lipunan na kabilang ka. Dahil kabilang ka sa

ganitong lipunan, dapat ipakita mong maayos ka at respetado sa kultura mo.

Kinakatawan mo ang kultura mo kahit saan ka magpunta at kailangan hindi mo ito

ipahiya.

Sa talata 54 naman, ipinakita ang kabutihan at kabaitan ng isang tao. Si Mrs. Miranda

ang sumasagisag dito mula sa kwento. Magkaugnay ito sa kulturang Pilipino na


"Kabayanihan" kung saan makikita ang pagtutulungan at pagkakaisa ng mga tao. Dapat

katulad tayo ni Mrs. Miranda na tumutulong sa kapwa tao dahil iisa lang ang ating

angkan.

d. Norms

Talata # Mga Talata

51 Nang pumunta nga lang siya sa bilihan ng mga damit ng hayop upang
pumili na ng sumbrero, hinarang siya sa may pintuan dahil wala daw siyang
damit. Isang tao ang humarang sa kanya. Noong una inakala niyang baka
dahil akala ng tao’y wala siyang pambiling pera. Ngunit pagbalik niya
pagkatapos mamalimos sa labas ng simbahan at tabi ng kalsada, hindi pa
rin siya pinapasok. Nanatili na muna siya sa labas ng tindahan upang
magmasid kung bakit nga ba siya hindi pinapapasok. Napansin niyang hindi
mga hayop ang bumibili ng mga damit nila kundi mga tao. Naninibago pa
nga siya sa batas ng mga hayop. Kailangan niya ng damit upang
makapasok sa bilihan ng damit? Kaya nga niya gustong makapasok sa
bilihan ng damit upang magkadamit! Nang binubuno ang misteryo ng
pinagmulan ng unang damit ng mga hayop, pumunta siya sa parke kung
saan maraming hayop ang ipinapasyal ng kanilang mga tao. Sa gitna ng
jogging ng dalawang huskies, pinayuhan siyang kailangan niyang
maghanap ng amo na siyang magbibigay sa kanya ng una niyang damit.
Hindi pera ang kailangan niya kung hindi amo. Hindi pera ang kailangan ng
hayop kundi tao. Tao lamang ang nangangailangan ng pera. Tao ang pera
ng mga hayop upang magkadamit sila. Ngunit paano siya makakahanap ng
sarili niyang tao?, tanong niya sa mga aso. Isang matandang dalmatian ang
nakasagot sa kanya. Kailangan niya munang magpahuli sa mga tao at
magpakulong sa animal pound, lalo na kung wala siyang papeles.
Kailangan lamang niyang tumambay sa tabi ng kalsada at hintayin ang
pag-impound sa kanya.
53 Kasabay niya sa kulungan ang napakaraming askal at pusakal nang hulihin
siya at dalhin sa animal pound. Lahat sila umaasang may taong aampon sa
kanila. Binisita sila sa kulungan ng mga beterenaryo. Doon niya muli
naramdaman kung paano ang kumain sa ibabaw ng pinggan. Doon niya
muli naramdaman ang hiya upang huwag dumumi sa kung saan-saan lang.
Doon niya nabawi ang kakayahan ng kanyang ilong na pag-ibahin ang
amoy ng baho at bango. Doon niya muli naramdaman kung paano maligo
nang hindi sa tubig ulan. Sa bawat pagbuhos ng tubig sa kanyang katawan,
naaagnas ang kanyang mga kaliskis na parang katad. Hindi niya
namalayang nalalagas pati ang balahibo niya’t pakpak sa katawan na para
bang binabanlian siya ng mainit na tubig. Lumambo’t nang muli ang
kanyang tuka at umurong ang kanyang mga kuko. Muli siyang nagkalabi at
nagkadaliri. Hanggang sa bigla na lamang magulat sa kanya ang mga
beterenaryo. Hindi makapaniwala ang mga nakahuli sa kanya. May naligaw
na tao sa kanilang hawla! Nakakahiya para sa kanilang hindi matukoy kung
ano ang kaibahan ng hayop at tao!

Interpretasyon:

Mula sa talata 51 at 53, makikita ang Norms o mga tipikal na ginagawa ng mga

tao na ipinapasanay din sa kahayupan. Sa talata 51, inilalahad dito ang kasanayan ng

mga hayop sa kwento na magsuot ng damit upang maging disente at malinis, at sa

kasanayang ang mga hayop na mayroong mga amo ang nagbibigay ng mga damit na

ito. Ang norms sa talatang ito ay ang pagkakaroon ng damit at amo. Sa talata 53

naman, ipinapakita ang pagsasanay ng kahayupan na maligo at bumisita sa

beterenarya upang magpatingin sa doktor. Sa dalawang talata, inilalahad ang iba't

ibang pamamaraan na ginagawa ng mga hayop, na gaya ng mga tao, upang

mapanatiling hygienic o malinis ang kanilang pansariling kaanyuan.


e. Ritwal

Talata # Mga Talata

23 May takot sa mga mata ng asawa niya nang magpaalam sa kanya. Akala
niya’y takot para sa kanya dahil mukha ngang makukulong siya. Ngunit ang
totoo’y lihim na takot na isa na palang kanibal ang tingin nito sa kanya.
Hindi raw siya puwedeng umuwi kasama ng mag-anak niya, sabi ng hepe.
Doon na lamang daw siya matulog sa presinto. Kaya nauwi ang imbitasyon
sa pagtatanong sa imbitasyon sa pagtulog. Nakahinga nang malalim ang
kanyang asawa. Nakahinga din nang malalim pati ang mga kababaryo niya.
Makakatulog sila nang mahimbing nang gabing iyon nang walang
pangambang may puwedeng kumain sa kanila.

1 Kinatay niya ang hayop na parang manok. Tinanggalan na muna niya ng


masinsing mga balahibo sa ugat ng bungo. Saka ginilitan ng kanyang
dalang sundang na gamit niyang panghawan ng kaluntian ng kagubatan
upang magpaagos naman ngayon ng kapulahan. Binitay niyang patiwarik
ang hayop hanggang maubusan ng dugo. Bawat patak niyang sinahod sa
maliit na palangganang nilagyan ng ilang butil ng bigas nang huwag agad
mamuo ang dugo. Isinugba sa apoy lalo na ang bandang pakpak na
makunat tanggalan ng balahibo. Hindi raw ba niya alam na may pangalan
ang agilang binaril niya. May pangalan ang hayop na pinatay niya.

Interpretasyon:

Sa talata 23, makikita mo dito na takot siya makain ng isang kanibalismo na tao

kung kaya’t sa loob ng presinto siya natulog at nagpahinga sa gabi nayun. Sa unang

panahon lalo na sa mga probinsya ay nasa kultura na talaga natin ang mga paniniwala

tungkol sa kanibalismo lalo’t na sa mga kwento ng kabataan upang panakot na hindi

sila lalabas ng kanilang mga tahanan sa oras ng gabi. Sa talata 1, dito mo makikita

kung paano niya kinatay ang agila sa hindi makatao na gawain. Sa bawat patak ng

dugo ay nilalagyan niya ito ng butil ng bigas at isinugba niya ito sa apoy para ipakain sa

pamilya niya. Maihahalintulad ko ito sa mga probinsya lalo na noong unang panahon
kung saan ay pinapatay nila ang ibon na malalaki para kainin. Ang hindi nila alam ay

paglabag sa batas ang ginagawa nila sa kadahilanan na kulang sila ng impormasyon

kaya nagagawa ng mga mamamayan ang paglabag kung kaya’t madaming uri ng ibon

ang nauubos.

f. Artifacts

Talata # Mga Talata

16 Bago pa man makapagsalita si Lucky, sumabat sa usapan ang mga


taga-Center. Lasang manok man o hindi, hindi raw ba niya nahalata ang
GPS tracking device na nakakabit sa paa ng hayop. Doon na naman nila
ibinabalik ang tanungan. May bakal na singsing daw na nakakabit sa
kanang paa ng agila. Sa ganitong pamamaraan natunton sa kanilang
bakuran ang paghihinala sa kanyang pinatay niya ang agila. Hindi ba siya
nagtaka? Ibinaba na noon ng Ginang Imperial sa sahig ang shizu.
Nababagot na ang aso. Paikot-ikot na ngayong naglalaro sa loob ng
presinto. Dumating na rin pati ang esposo ng Ginang Imperial at ng
kanilang anak na dalaga. Nandoon na rin pati ang hindi hikaing
tagapag-alaga ni Lucky na abala na sa paghahabol sa shizu. Natatagalan
na ang Ginang sa presinto. Ngunit wala talaga siyang alam tungkol sa
GPS, sagot niya. Akala niya tari lamang ng nakawala niyang manok ang
bakal na kumislap sa kakayuhan bago niya inasinta ang baril at kinalabit
ang gatilyo.

Interpretasyon:

Sa talata 16, binabanggit nila dito ang artipakto na tinatawag nila na Global

Positioning System o GPS, ito ay ginagamit nila upang matunton ang sino mang may

hawak o may suot nito. Sa kwento, ang gumagamit nito ay ang agilang si Banaag. Sa

talatang ito, pinag uusapan nila kung paanong hindi napansin ng mangangaso ang GPS

na suot suot ni banaag nung mahuli nya ito. Ito’y hindi napansin dahil ang GPS ay hindi

pangkaraniwang na instrumento na ginagamit ng mga simpleng mamamayan sa


sibilisasyon, ito ay isang bagay na kadalasang ginagamit ng mga taong may kaya sa

buhay dahil ito ay mamahalin.

ANALISIS

Upang mas lalong mapalutang ang kagandahan ng pananaliksik na ito

kinakailangan nitong ipaloob ang mga kulturang Pilipino na siyang nakikita sa resulta.

Ang kulturang Pilipino na nakapaloob sa resulta ng pag-aaral ay simbolo, wika,

kaasalan, norms, ritwal at artifacts. Ang simbolo na tumutukoy sa resulta ay ang agila

na sumisimbolo ng pagiging malaya at pagbabago sa buhay ng isang tao. Dito ipinakita

ang kahalagahan sa pag-aalaga ng mga ito, at ang kaugnayan nito sa kulturang Pilipino

kung saan mahalaga ang pagbabago ng buhay at ang pagtutulungan para sa ikabubuti

ng kalikasan.

Sa wika, makikita natin ang pagkakaiba ng paggamit ng mga salita ng mga

tauhan sa iba't ibang henerasyon. Ipinapakita nito ang kaugnayan ng kulturang Pilipino

sa pagsasalita ng mga matatanda at pagsasalita ng mga pangkabataan. Dahil sa

pagkakaiba ng paniniwala at pagitan ng mga henerasyon, posibleng magkaroon ng

tunggalian o problema sa bawat isa.

Sa aspetong pangkultura, ang norms ay tumutukoy sa mga karaniwang

ginagawa ng mga tao sa pang-araw-araw na buhay. Ito ay mga gawain na hindi

masyadong pinag-iisipan kung bakit ginagawa. Isang halimbawa nito ay ang

pagpapakita ng kagandahang asal tulad ng pagtitiyak na nakaayos ang ating panlabas

na anyo sa pamamagitan ng pagsusuot ng disenteng kasuotan. Ito ay kaugnay ng


kulturang Pilipino sa pagpapahalaga sa kasuotang Pilipino sa mga okasyon at

pagdiriwang, kung saan ipinagmamalaki natin ang ating wika at kultura.

Ang kaasalan na ipinakita naman ay ang paglalarawan ng isang tipikal na

Pilipino na kung saan ay nakikipagkapwa-tao tayo sa bawa’t isa at higit sa lahat ay

bukas-palad tayong nagbibigay ng tulong sa mga taong nangangailangan nito, sa kabila

ng mga personal na pagkukulang sa pananalapi. Sa ganitong paraan ay mapapanatili

natin ang magandang relasyon sa kapwa Pilipino.

Batay sa pananaliksik, ang maituturing na ritwal sa kwento ay ang eksena kung

saan pinatay ng isang mangangaso ang isang agila at kinain ito, na tanda ng aksyong

kanibalismo. Sa pamamagitan ng kwentong ito, ipinakita ang kulturang Pilipino, lalo na

sa mga probinsya kung saan karaniwan nang nagaganap ang kanibalismo, na

nangangahulugang pagpatay ng hayop upang maging pagkain ang mga ito at

makakatulong sa sariling kabuhayan ng mga tao.

Ang maituturing artifacts sa resulta ay ang Global Positioning System o GPS,

kung saan ito ay ginagamit lamang ng mga tauhang may kayang bilhin ang mga ito

dahil sa pagkamahal nito. Ginagamit ito ng mga tauhan upang malaman ang lokasyon

ng agila na si Banaag.

Kaya, ang lahat na aspeto ng kulturang Pilipino ay nabibilang sa resulta ng

pananaliksik sa mga paniniwala, pagpapahalaga, pag-uugali, at mga simbolo.

You might also like