You are on page 1of 10

PINAL NA PAPEL

Isang Kritikal na Analisis sa Pelikulang,


A Bugs Life

Bilang bahagyang katuparan sa isa sa mga kahingian


Para sa kursong,
Panitikang Panlipunan 17
Kulturang Popular

Ipinasa kay:
BB. Joanne Manzano
Ipinasa ni:
Vjan Christia M Razon
2014-05886
I. Sinopsis

Isang umaga sa kapanahunan ng tag-init, nangongolekta ng mga binhi at pagkain


ang buong kolonya ng mga langgam bilang alay sa mga tipaklong. Si Flik, ay isang
imbentor sa kolonya na pinamumunuan ng reyna ng langgam at susunod na reyna ,
ang prinsesang si Atta. Nang dumating ang hudyat na paparating na ang mga
tipaklong, dali-daling nilagay nang mga langgam ang mga natitirang pagkain sa
malaking dahon at pumunta sa bahay ng langgam. Ang mga pagkaing ito ay di
sinasadyang nasagi ng instrumenting suot ni Flik at tsaka nahulog sa tubig. Isa ito
sa napakaraming kapalpakan na dinulot ng pagiging malikhain ni Flik. Galit na galit
na sinugod ni Hopper, ang pinuno ng mga tipaklong, ang bahay ng mga langgam at
nagdemand na doblehin ang dami ng aning sinisingil bago matapos ang
hulboluntaryo si Flik upang umalis hanggang sa makahanap ng mga mandirigmang
tutulong sa kanila para supilin ang mhga tipaklong. Ang ideya ng pag-alis nito ang
nagsilbing hatol sa kanya.
Sa paglalakbay ni Flik, napadpad siya sa isang bug bar kung saan nakilala niya ang
circus bugs na pinagkamalan niyang mga mandirigma. Agad-agaad niya itong
inimbitahan sa kanilang isla. Buong akala ng circus bugs na sila ay gaganap bilang
mga aktor na mandirigma. Nang magka-alaman, tinangkang umalis ng circus bugs
subalit may dumating na ibon. Hinabol sila nito at huling napag-interesan si Dot.
Iniligtas ni Flik at circus bugs si Dot. Humingi ng tawad si Atta sa naunang
paanghuhusga niya kay Flik at naisip ni Flik na maaaring gumawa sila ng malaking
ibon upang takutin ang mga tipaklong. Tulong tulong ang mga langgam sa paggawa
ng ibon. At nang ang lahat ay maayos na, dumating ang pulgas na direktor ng circus
bugs. Naisiwalat ang katotohanan, nalamang ideya ni Flik. Nadismaya ang lahat at
pinaalis sa Ant island si Flik at ang circus bugs.
Bumalik sa pangongolekta ng pagkain ang mga langgam para sa mga tipaklong. T
nang dumating ang mga tipaklong, nagalit si Hopper at Si Dot, ang katangitanging
naniniwala kay flik, ay lumipad para habulin ang mga ito at kinumbinsing iligtas
ang kolonya. Ito ay gumana subalit nasira nang dahil muli kay Flea na nagsindi sa
pekeng ibon. Nagalit lalo si Hopper, at nang dudurugin na si Flik, ang lahat ay
sumugod sa mga tipaklong. Nahuli at nagpahabol si Flik kay Hopper at idinala ito sa
ibon. Kinain si Hopper ng mga sisiw. Ipinasa ng reyna ang trono kay Atta at naging
prinsesa si Dot. Umalis na ang circus bugs at natapos na ang kwento.

II. Pagsusuri
A. Ano ang mga kulturang nagbabanggaan?
1. Kulturang taglay ni Flik kontra sa kultura ng kapwa langgam o
tradisyonalismo
Mula sa simula, kakaiba na ang paananaw at paaningin ni Flick sa mga bagaybagay. Siya ay malikhain at mayroong adhikaing padaliin at paunlarin ang
kalagayan ng mga langgam. Ngunit dahil sa ito ay kakaiba at di pinapansin,
madalas ay palpak at nagdudulot ng di kanaisnais na mga resulta. Sa kabilang
banda, ang buong kolonya ng langgam o kanilang lipunan ay alinsunod sa
nakagawian na. Hindi sila ayon sa mga ideya at sinasabi ni Flick. Sa madaling salita,
taliwas si Flick sa traditionalism. Ayon kay Webb, isang guro sa gobyerno at
ekonomiks mula sa Berkner High School sa Richardson, Texas, SI Flick ay parang
isang manlalakbay sa allegory of the cave ni Plato. Ang manlalakbay na ito ang
nakaakakita sa liwanag at pananaw ng mas produktibong hinaharap para sa
kanyang kapwa ngunit hindi rin naman tinatanggap ng lipunan(Webb, 2004). Isa
itong paghahambing sa mga ideya ni Flick na hindi pinakinggan at inalam ng mga
nasa posisyon o ang reyna.
2. Kultura ng langgam kontra sa naghaharing uring mga tipaklong
Nang hindi nabayaran ng mga langgam ang hinihinging pagkain ng mga tipaklong,
dali-dali silang gumawa ng resolusyon na muli silang babalik upang kunin ang di
nabayaran sa dobleng dami ng naapagkasunduang dami upang panitiliin ang
kanilang posisyon at status quo ante. Kung iisiping mabuti, ang reyna ang siyang
dapat namumuno sa buong kolonya subalit sila aay napapasailalim ng mga
tipaklong na mula pa sa kasunduan sa pagitan ng kanilang mga ninuno at kapag
hidi ito nasunod ay inaambaan ang mga langgam sa maaaaring epekto nito. Para sa
mga traditionalist na mga langgam ito ay mukhang nararaapaat na lugar nila sa
sirko ng buhay. At kahit pa ito ay brutal at anyo ng eksploytasyon, ito pa rin ay
tinatanggap nila katulad nga ng mga kabayo sa Animal Farm ni kung saan mas
kailangan nitong mga ito na mas magtrabaho.
Ayon kay Parihar, ang relasyon ng mga langgam at tipaklong ay nagpapakita ng
kolonyalismo kung saan ang mas malaking lokal na populasyon ay napapasailalim

sa mas malakas na depensang imperyong kapangyarihan kahit na hindi ito gaano


kalakihan kaya naman maihahalintulad ito sa kasaysayan ng mga sinakop na bansa.
Ipinakita sa pelikula ang direktang hirap ng mga inaabuso o tinatapakan na
langgam at katumbas ito ng mga bansang sinakop. S pamamagitan ng paggamit ng
mga langgam at tipaklong sa konteksto ng kolonyalismo, ang pelikula ay malikhaing
sumasalamin sa eksploytasyon sa ekonomiya at ekspansyon ng militar.
Ang tunggalian sa pagitan ng dalwang kltura ay alinsunod sa Marxian theory. ANg
mga tipaklong na mapang-abuso at umaasang bibigyan ng pagkain habang lingid sa
kaalamn nilang hindi kayang ipunin ng mga langgam ang ganoong dami. Sa
bandang huli, lumaban ang mga langgam sa tipaklong. Ito ay may relasyon sa
kanyang teoryang class-consciousness na nagsasabing kapaag namalayan ng mga
inaaabusong manggagawa ang nagaagaanaap na eksploytasyon, ito ay magdudulot
ng rebolusyon mula sa proletariats. Katumbas nito, ang mga tipaklong bilang mga
kapitalista na umaabuso sa mga langgam na sumisimbolong proletariats.
3. Kultura ng mga karakter kontra sa kanilang lipunan o sa stereotypes
Ayon kay Sertin, may mga porma ng stereotypes na ginamit ang palabas. Ilan sa
mga ito ay:

Si Manny, ang praying mantis ay tumatawag sa mga espiritu habang


ginaganap ang mahika niya, marahan magsalita at magaling magbigay ng
payo na a la Cnfucious mga katangiang stereotypes ng mga mula sa dakong

silangan o misteryoso, oryentalistik, at eksotisismo ng Asya


Ang dalawang pillbugs namay makapal na mga kilay, may ibang wika na di
maintindihan simbolismo ng tubong Slovak. Sila ay mga katatawanan. SIla

lang ang may apat na binti, simbolismo ng mas mababang uri.


Ang banda ng mga lamok naman ay kumakanta ng La Cucaracha mga
tagasilbi at kinakausap sa barok na Espanol bilang representasyon ng mga
Mehikano. Ang lamok na sumisipsip ng dugo bilang simbolismo ng
magnanakaw ng hanapbuhay ng mga Amerikano. Kasama pa rito ang
representasyon ng lugar na disyerto, sa loob ng isang sombrero bilang
kultura ng Mehikano. Si Hopper bilang kontrabida ay nagpapamasahe sa
gitna ng disyerto ay konotasyon ng mga ilegal na transaksyon na nakakawing

sa mga Mehikano. Sa pangkalahatan, pawang negatibong stereotypes ng

Mehikano ang ipinakita.


Ang pagbibigay katangian sa pinagkakaiba ng mga lalaki at babaeng
gaganapan ay kapansinpansin din. Ang mga babaeng langgam ay may
parang hugis na may suso. Habang ang mga lalaki ay may ibatibang hugis,
ang mgababae ay may seksi at malalaking mata. Nagbibigay ito ng standard

sa mga kababaihan at mas masikip na pagpipiliin para sa kanila.


Habang ang praying mantis ay gumagawa ng mahika, nililinlang naman ng
magandang paru-parong asawa nito ang mga manonood gamit ang
kagandahan nito. Ginamit niya ang kanyangsarili bilang pagkukunan ng

kaaliwan. Ito ay nakaakapagpababa sa kanyang pagkababae.


Sa palabas, ang katangian ng kababaihan katulad ni Atta at ng reyna ay

passive samantalang si Flik ay aktibo at palaban


Ang maling pagbibigay-ari sa ladybug na pilit lagging sinasabing lalaki siya,
ito ay naging patuloy na krisis nito. Ito ay may negatibong epekto. Una ay
pinapakita nitong may katatawanan at kamalian sa pagiging babae. Ikalawa,
Hindi nito kinonsidera ang mga trans individuals, at ang isyu ng kasarian para

sa kanila ay sensitibo at walang katapusang krisis.


Ang stik na insekto bilang matalik na kaibigan ng ladybug na nagsasabing ito
ay bading at lagi siyang ginagamit bilang prop. Ang mga bading ay madalas
ay ginagawang aksesori ng mga babae.

B. Paano napananatili ang kulturang elit? Bakit kailangan itong panatilihin ng


naghaharing-uri?
Ang mga dominannteng ideyolohiya ay binubuo ng mga naghaharing-uri para
panatilihin ang estado nito at sukubin ang kamalayan ng mga manggagawa(Burkitt,
1984). Ayon kay Strinati, Napapanatili ang kulturaang elit sa pamamagitan ng
Gramcis concept of hegemony. It ay ang paggamit ng kultural at ideyal na paraan
upang panatiliin ang posisyon at kapangyarihan ng mga elit sa ibabaw ng masa sa
pamamagitan pagpapatanggap sa mga tao ang sarili nitong moral, pulitikal at
kultural na pagpapahalaga pagpapanatili ng consent ng masa. Kung susuriin sa
palabas, ito ay ipinakita sa pamamagitan ng pagpapatanggap sa mga langgam na
sila ay mga tagasilbi ng mga tipaklong at ito ang dinidikta ng sirko ng buhay. Ito na

ang nakagawian at katumbas nito ang kapayapaan sa pagitan ng dalawang hayop.


Kung kayat kahit anong pagpapakasakit ay patuloy paring nagpapasailalim. Ilan sa
mga konkretong paraan kung paano naisasagawa ang hegemony ay sa
pamamagitan ng:

law and order moral panic

Sa kabila ng kaguluhan at maraming panganib, mas isinusulong at mas lumalakas


ang pangangailangan sa kaayusan sa lipunan. Kaakibat nito ang mahigpit na
pagpapatupad at implementasyon ng mga batas. Sa ganitong mga proseso
nakikihalubilo at nakikialam ang mga elit sa pamamagitan ng pagpansin sa mga
hangarin ng masa upang panatilihin ang kanilang hegemony at consent ng masa.

institutions and groups

Ang hegemony raw ay hinuhugis ng limpunang pambayan gamit ang kulturang


popular at mass media na siyang lumilikha nito. Nagiging instrumento ang mga
instistusyon tulad ng edukasyonn pamilya at simbahan bilang daluyan ng kulturang
popular kung saan nabubuo at ipinapasa ang mga kultura at ideyolohiya.
Sa madaling salita, napapanatili ng hegemony ang kulturang elit sa pagtukoy ng
naghaharing-uri ng common sense na nagpapatunay sa kanilang malaks na
impluwensya at kakayahang humubog sa masa. Itong konsepto ng hegemony
bilang dominanteng ideyolohiya na siyang gumagawang tao bilang subject mula sa
Theory of ideology ni Althusser. (Strinati, 1995)
Kailangang panatilihin ng naghaharing-uri ang kulturang elit upang mapanatili ang
kanilang antas at posisyon sa buhay. Ayon sa pag-aaral ni Strinati sa structuralist
Marxism ni Althusser, ang superstructure ay may relatibong autonomiya sa
economic base na siyang binubuo ng masa at mga manggagawa. Kailangan itong
mapanatili upang patuloy na gawin ng mga ito ang kanilang trabaho. Ito ay para sa
ngalan ng kapangyarihan lalo pat ang naghaharing-uri ay lubusang napakakonti
kaysa sa masa. Sabi nga ni Hopper, You let one ant stand up to us, then they all
might stand up! Those puny little ants outnumber us a hundred to one and if they
ever figure that out there goes our way of life! Kung hindi ito, mapanatili, malaking
posibilidad na mag-rganisa sila at lumaban pabalik sa mga abusadong tipaklong
(Hardnack, 2012)

C. Anong klaseng kultura ang sinusupil? Iugnay ito sa tradisyonal na


pagtingin sa rali, protesta, at kolektibong aksiyon.
Sinusupil nito ang kulturang kritikal sapagkat patuloy lamang sa pagtanggap at
pagsunod ang mga manggagawa. Maraming nagiging epekto ang mga
ideyolohiyang ito sa ating pang-araw araw na desisyon at gawain kung kayat di
natin napapansing kinokontrol na pala ang ating mga paniniwala. At dahil
nanormalisa na an gang mga ito, tinitingnan natin itong mga ito na tama at hindi
masama.
Kontra ito sa kulturang makabayan. Nang dahil pagod at hirap na ang karamihan sa
pamilyang Pilipino, tanging prayoridad na lamang isang normal na Pilipino ang
isalba ang kanyang sarili at pamilya.
Pati narin ang kulturang mapagpalaya, ang kulturang ito ang nagtutulak satin upang
labanaan ang tradisyonalismo. Kung patuloy tayong mapapasailalim ng
nanghaharing uri, patuloy lamang tayong makukulong at maaalipin sa loob ng sari
nating katawan at bayan. Sapagkat ang mapagmalaya aynaghahangad tayo ng
pagbabaago para sa mas ikabubuti at ika-uunlad ng ating mga sarili at bayan.
Lalabanan nito ang nakagawiang sistema sa kahit anong paraan, maliit man o
malaki(Brown, 2012).
Sinusupil din nito ang kulturang makamasa at pagkakaisa. Ang pag-iisip sa
kapakanan ng kapwa natin bago ang mga sarili. Katulad ng sa pelikula, ito ay
tumatakbo sa tema ng pagtutulongtulong para sa ika-uunlad ng lipunan. Ang
partisipasyon ng bawat isa ay mahalaga. Ang circus bugs na lumalakbay,
naghahanapbuhay, tumitira bilang isa. Bilang isa ay mas malaki sa
pinagsamasamang pangkalahatan nito. Sa huli, sila ay nagwagi sa pagtulong sa
kolonya ng langgam.
Lahat ng kulturang mga ito ay binubuhay ng mga rally/protesta/kolektibong aksyon.
Ang kulturang kritikal na hindi lamang tumatanggap sa mga ibinibigay at
ipinapataw kundi ang pagsisiyasat nito kaya ipinaglalaban ang alam na makatao.
Ang kulturang makabayan at mapagmalaya na naghahangad ng ika-uunlad ng
bansa at di pagtanggap a tradisyonal para sa ngalan ng mas mabuting pagbabago.

Ang kultura ng pagkakaisa, ang paniniwala sa tinig at boses ng sama-samang pagaksyon, paglaban at pagsigaw sa pagsagot ng mga isyu ng lipunan. Ipinapakita rin
dito ang pagmamalasakit at pangingialam ng mga nagpoprotesta sa panlipinang
pagbabago.
Ang mga rally ay maaaring magmukhang marahas o masama sapagkat binabasag
nito ang katahimikan at normalisasyon ng pangkasalukuyang lagay pero mas
pnapabilis nito ang pagdating ng hinaharap translated from Palatinos article
D. Aplikasyon sa Pilipinas at mundo - paano ito namamalas sa kasalukuyang
lipunan?

III. Pamamalagay sa Kulturang Popular


Sa isang buong semester ng pag-aaral ng Kulturang Popular, maraming bagay
akong natutunan, maraming mga ideyolohiyang nagbago, at napakaraming
konseptong hindi ko akalaing nasa ilalim pala ng mga

IV. Mga Sanggunian


Webb, L. Dean. "Political and Industrial Revolution in Bug's Life." 2004. Web. 4 Dec.
2015. <http://www.zzzptm.com/bugslife.pdf>.
Parihar, Parth. "A Bug's Life: Colonial Allegory." The Princeton Buffer. 4 Jan. 2014.
Web. 4 Dec. 2015. <https://princetonbuffer.princeton.edu/2014/01/04/a-bugs-lifecolonial-allegory/>.
Brown, Alex. 'Ants. Why Did It Have To Be Ants?: A BugS Life'. Tor.com. N.p., 2012.
Web. 4 Dec. 2015. <http://www.tor.com/2012/06/12/ants-why-did-it-have-to-be-antsa-bugs-life/>
Sertin, Carla. 'Critical Analysis Of "A Bug's Life"' Conscious Media. N.p., 2014. Web. 4
Dec. 2015. < https://consciousmedialb.wordpress.com/critical-analysis-of-a-bugslife/>
Hardnack, Chris. 'Class Consciousness And Exploitation In A Bug's Life'. The
Sociological Cinema. N.p., 2012. Web. 4 Dec.

2015.<http://www.thesociologicalcinema.com/videos/class-consciousness-andexploitation-in-a-bugs-life#.Vm0fPtIrLC1>
Strinati, Dominic. Introduction to Theories of Popular Culture. NY: Routledge, 1995.
Burkitt, Brian. Radical Political Economy: An Introduction to the Alternative
economics. Sussex: Wheatsheaf Books, 1984

You might also like