You are on page 1of 4

I.

PAMAGAT NG DULA: HIBLANG ABO

II. DIREKTOR: RENE O. VILLANUEVA

III. TAON NG PAGKALATHALA: AUGUST12, 2016

IV. BUOD NG DULA


Lugmok na nakaupo si Huse sa silya. Nag-iisa. Nakapako ang tingin sa sahig. binabaybay ng lipaking palad
ang hilatsa ng puluhan ng lumang tungkod. Naglalakbay ang tingin sa mga bakanteng kama. Babalong sa mata ang
luhang hindi malaglag-laglag. Mapupuna mo sa mga kilos ni Huse na naaalala niya ang mga kasama niya sa silid na
iyon at mahahalata mo din na siya ay nalulungkot dahil sa mga nangyari noon. Naalala niya ng una niyang makaharap
si Misis Salvacion sa opisina nito. Paulit-ulit siyang tinanong nito tungkol sa kanyang pagkatao. Nang umupo si Huse
sa silya na nakaharap sa mesa ay bigla niyang naalala ang tatlong matanda na kanyang kasama.

Sa dilim, muling mabubuhay ang ala-ala. Isa-isang pumasok sina, Blas, may 70 na taong gulang; Sotero,
may 75 na taong gulang; at Pedro, may 72 na taong gulang. Aayusin ng tatlo ang kanilang higaan. Makikita dito na
si Sotero ay nangungulila sa kanyang bunsong anak na si Victoria. Gabi-gabi ay napapanaginipan ni Sotero si
Victoria. Ang kanyang anak na si Victoria ay hindi na niya nakita simula ng siya ay makulong.

Ang apat na matanda ay laging nagtatalo. Ito ay dahil kay Sotero. Hindi pa rin matanggap ni Sotero na ang
kanyang anak ay patay na. Si Blas ay ang laging nakakasagutan ni Sotero. Tuwing gabi na lamang kasi ay hindi
maayos ang tulog nila dahil kay Sotero.

Madaling araw ng magising si Blas. Madilim na madilim sa tanghalan. Pagkaraan ng ilang saglit habang unti-
unting lumiliwanag ang ilaw ng silid ay bumangon na si Blas upang gisingin si Huse, Pedro, at Sotero. Habang
ginigising ni Blas si Sotero ay bumalik na naman ang kanyang pagka-ulila sa kanyang anak. Kung anu-ano na naman
ang kanyang pinagsasabi. Nang suwayin siya ni Blas na tigilan na niya ang kanyang ginagawa ay tumayo si Sotero
at sinugod si Blas gamit ang kanyang natitirang lakas. Sinakal niya si Blas, ngunit nanlaban din naman si Blas. Inawat
ni Huse ang dalawa ngunit tinulak siya ni Blas. Nangisay si Sotero. Nang marinig ni Blas ang malakas na nguyngoy
ni Pedro ay doon pa lamang siya tumigil. Lumabas si Blas upang pumunta sa misa na ginaganap sa ibaba. Naiwan
namang umiiyak si Pedro sa sulok at nilapitan naman ni Huse ang hindi na gumagalaw na katawan ni Sotero. Nang
oras ding iyon ay namatay na si Sotero. Dinala na siya sa ospital.

Tanggap ni Blas ang nagawa niyang kasalanan kaya naman maluwag sa kanyang kalooban na hinintay ang
mga pulis. Habang naghihintay sa pulis ay nagkwentuhan muna si Huse at Blas. Ilang sandali pa ay dumating si Misis
Salvacion at ang mga pulis sa kanilang silid upang dakpin si Blas. Una ng nawala sa silid na iyon si Sotero at sumunod
si Blas. Naisip naman ni Pedro na maglinis na lamang sila ni Huse sa silid nila. Pinapulot ni Huse kay Pedro ang mga
palaspas na nagkalat sa sahig at pinatapon ito sa labas. Nang akmang lalabas na sa pinto si Pedro ay sinabi niya
kay Huse, “Huse........paalam na.” Walang kakibo-kibo si Huse dahil ang akala niya ay nagbibiro lamang si Pedro.
Ngunit ilang saglit pa ay dumating si Misis Salvacion sa kanilang silid upang kamustahin siya. At ng sabihin na ni
Misis salvacion kay Huse na patay na si Pedro ay nagulat ito at walang kaimik-imik.

Pagkalabas ni Misis Salvacion ay lumugmok si Huse sa mesa at tahimik na umiyak. Wala ng nagawa si Huse
kung hindi tumingin sa tatlong higaang tiklop ang gapok na kutson at umiyak ng umiyak.
V. MGA TAUHAN
a. PANGUNAHING TAUHAN
HUSE – siya ang mananalaysay sa dula. Ikinukwento niya ang kaniyang mga karanasan kasama
ang iba pang mga tauhan sa kwento sa home for the ages. Siya ay may 70 taong gulang.

b. PANTULONG NA TAUHAN
BLAS – siya ay dating manggagawa na may 70 taong gulang rin. Siya ang naging dahilan ng
pagkamatay ni Teroy o Sotero dahil nainis siya sa pambubulahaw nito.

SOTERO – siya ay dating magsasaka at may 75 taong gulang. Siya ang isa sa mga kasama ni Huse sa
home for the ages. Nagkakaroon siya ng emosyong pagkaulila sa kaniyang pamilya.
Naaalala niya ang kaniyang namayapang anak na si Victoria.

PEDRO – siya rin ay dating magsasaka, may 72 taong gulang. Gaya ni Sotero, naalala niya rin ang
buhay niya kasama ang pamilya. Nangungulila siya sa kanila at nagmakagayo’y hindi siya
makatulog sa gabi.

MISIS SALVACION – siya ang namamahala sa home for the ages.

DOKTOR – siya ang nagbigay ng gamot kay Sotero na nagkukunwaring may ubo.

VI. TAGPUAN

Ang tagpuan ay sa isang silid sa institusyon ng abandonadong matatanda; isang abuhing silid.
Inaamag ang mga sementong dingding. Nagsisimula nang mabakbakang pintura.

VII. TEORYANG NAKAPALOOB

BAYOGRAPIKAL- Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-
akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang
pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka” na inaasahang magsilbing
katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.

Narito ang patunay:

Hindi pa rin matanggap ni Sotero na ang kanyang anak ay patay na. Si Blas ay ang
laging nakakasagutan ni Sotero. Tuwing gabi na lamang kasi ay hindi maayos ang tulog nila
dahil kay Sotero.

Ipinahiwatig ng may akda ang sakit na araw-araw na nararamdaman ni Sotero sa pagkamatay ng


kanyang anak, na dumarating sa puntong wala na siyang pakialam sa mga taong nakapaligid sa kanya
kundi ang tanging ramdam niya lamang ay ang sakit na kanyang dinadala.

VIII. PAKSANG DIWA

Ang paksa ng dula ay nakasentro sa kalungkutan, kung saan ang mga tauhan ay may kanya-
kanyang trahedyang pinagdaanan. Ipinakita ang indibidwal na sakit na nararamdaman ng mga tauhan.
IX. ISTILO AT PAGKAMASINING
Ang estilo ng pagkakasulat ng akda ay binase sa sitwasyon, pangyayari o karanasan ng tao sa
totoong buhay, kung saan sa panahon natin ngayon ay talamak na ang ganitong senaryo. Ang pighati ng
bawat isa ay pagmumulan pang muli ng isa pang problema na maaari ring pagmulan ulit ng panibagong
pighati. Napakamasining ng pagkagawa ng bawat eksena sa dula, na tunay na mararamdaman ng bawat
mambabasa/manunuod ang emosyon na nais ipabatid ng bawat tauhan.

Sa istilo ng pagkakasulat, ang may-akda ay gumamit lamang ng mabababaw na salita. Bukod doon
ay gumamit din ang may akda ng “Flashback”. Ginamit niya ito upang maunawaan ito ng husto ng mga
mambabasa at kung paanong naging mapoot ang pagtira ni Huse sa silid na institusyon ng mga matatanda.

X. PAGPAPAHALAGA AYON SA NILALAMAN


a. KAHALAGAHANG SOSYAL AT PANGKABUHAYAN
Dito sa ating bansa ay mayroong narin pasilidad na tinatawag na Home for the aged o Nursing
home, kung saan ang mga nakatatanda ay ipinapaubaya na ng kani-kanilang pamilya sa iba upang sila na
ang mag-alaga sapagkat sila’y wala nang kakayahan o hindi kayang arugain ang matanda. Ang akda ay
nakasentro sa tagpuan.

Sapagkat ang mga tauhan ay matatanda na, nagkakasya na lamang sila sa iilang mga nakakausap.
Idagdag pang sila ay nasa isang home for the ages, talagang ang kanilang sosyal na pamumuhay ay para
silang nasa isang kulungan. Sa pangkabuhayan naman, makikita ang kanilang mga dating trabaho –
maggagawa at magsasaka – na sila’y mga talagang nagsikap para sa kanilang pamilya, ngunit kalungkot-
lungkot ang ginawa sa kanila ng kanilang pamilya dahil silay inilagak sa isang institusiyong mag-aalaga
ngunit may puno ng pag-uulila.

b. KULTURANG FILIPINO
Ang mga nakikitaang kulturang Filipino sa nabasang dula ay ang pag-gunita sa mga alaalang hindi
nila malilimutan. Masaya man ito o malungkot na alaala.

c. SIMBOLISMONG FILIPINO

“Sapagkat sa kaniyang kaiklian, buhay’y darating sa kaduluduluhan – bawat sandali’y dapat


pakaingatan; pagkat ang dalamhati’y nasa huli kailanpaman.”

Ang pagtanda ay dumarating din; isang pagpapaalala ng dulang nabasa. Lalo na kung sasamahan
ito ng pangungulila’t hilahil, sadyang ito’y magiging nakapanlulumo. Mahirap ang maging mag-isa, idagdag
pa na tumatanda ang isang tao na walang kasama – ito ang napakahirap sa lahat. Na sa tuwing ika’y may
maalala, masasakit man o masasaya, sa tuwing ika’y na sa iyong pagkalugmok at tunay na nalulungkot wala
man lamang magtanong ng, “Okay lang po ba kayo?”

d. KAHALAGAHANG PANGKATAUHAN
Layunin ng may-akda na ipabatid sa mambabasa na ang matatanda ay dapat nating alagaan dahil
sila ang nagkalinga sa atin noong tayo ay bata pa. Nais ding ipabatid sa atin ng may-akda na ang buhay ay
may hangganan kaya hangga’t maaga ay dapat nating gawin kung anoman ang ating dapat gawin at hangga’t
maaga pa ay itama natin ang ating pagkakamaling nagawa.Totoong maikli ang buhay. Dapat nating
pahalagahan ang bawat araw na nagdaraan kasama ang ating pamilya. Huwag nating sayangin ang
pagkakataong makasama sila ng matagal upang hindi rin magsisi sa huli.

XI. ISKRIP
Ang pagkakasulat ng iskrip ay malinaw, maaring gawing piyesa ng mga mag-aaral sa mga
tanghalan o kahit sa silid-aralan lamang. Naiintidihan at hindi gaanong komplikado ang mga salitang
ginamit ngunit mararamdam sa bawat salita ang emosyon na nais ipahatid ng dula.

XII. PAGWAWASTO NG DULA

Ang ginamit na istilo ng may akda ay “flashback” ay mahusay, subalit ito’y bahagyang nakakabitin
para sa mga mambabasa/manonood dahil ang wakas nito’y naghuli lamang sa pag-iisa ni Huse at ang
pagkamatay ng kaniyang mga kasama. Ang nais ko lamang idagdag, sana’y nagkaroon ng magandang
wakas ang tauhan na si Huse upang mabalanse ang unang matrahedyang kaganapan sa dula.

XIII. PANGKALAHATANG PUNA AT MUNGKAHI


Marahil gustong ipaalala ni Rene Villannueva sa lahat na halos lahat ay dadaan din sa pagiging
isang matanda. Gusto niya ipakita ang nararanasan ng isang matanda – ang kanilang mga pangungulila sa
pamilya at ang nararamdaman nilang dalamhati sa pagiging mapag-isa. Marahil gusto niyang ipangaral sa
lahat na dapat nating alagaan sila, anuman ang mangyari, dahil kahit papaano ay kapamilya pa rin natin
sila.
Bakas sa akda na ito’y talagang pinag-isipan. Ito’y hindi gaanong nakababagot kahit na ilang
tauhan lamang ang nandoon dahil naipakita naman ng dula ang mensaheng pinakamahalagang dapat
nitong mailatad sa mga mambabasa o manonood.
Sa tingin ko din, ang mga pangyayari sa dula ay likas sa tao at lipunan sapagkat kung mapapansin
natin, marami sa mga tao ngayon ay dinadala na lamang ang kanilang mga magulang sa home for the ages
upang hindi sila ang mag-alaga. At pagkatapos dalhin doon ay hindi man lamang nilang makuhang dalawin
ang mga ito paminsan-minsan.
Mababatid mong gusto ng may-akda na pangalagaan ang ating mga lolo at lola. Huwag nating silang
bayaang nag-iisa sa ganoong mga institusyon, dahil bagama’t mayroon sila ng kanilang mga kailangan, (pag-
aalaga sa kalusugan, pagkain, tubig atbp.) wala ritong pagmamahal galing sa pamilya na siyang kanilang
tunay na kailangan.

You might also like