You are on page 1of 5

ANG LIMANG GISANTES

ISINULAT NG FILIPINO FAIRY TALES


PELEN
DEJONGOY
CRISOSTOMO
DAVO
DAGUS
OSTOS
PITOC
LUCERO
PABAYOS
TAÑEGA
PRECIOSO
PEPITO

Narrator: Noong unang panahon, may limang gisantes na nakatira pa sa kanilang balat.
Magkakaiba man sila, magkakasama padin sila sa kanilang balat dahil sarado pa ito. Hindi pa
nila kaya ang init ng araw kaya palagi silang natutulog, pero sa gabi nag-uusap sila at nakikinig
sa musika sa kanilang paligid lalo na sa musika ng buwan. Kapag kalahati lang ito, naglalagay
siya ng mga tali sa magkabilang dulo para gawing harpa tapos tutugtug ito at kakanta ng
magandang awitin para sa mga gisantes. At kapag buo naman siya, tumugtug ang buwan ng
tambol magigising ang gisantes sa malakas na musika pinapatugtug ng buwan pero iba-iba ang
epekto ng tugtug sa bawat gisantes.
1: Gustong gusto ko ang tunog ng tambol ! Boom boom boom ! ang ganda ng tunog
2: Ang gusto ko yung marakas, masarap pakinggan
3: Gusto ko ang pagtugtug niya ng harpa napakaganda! Parang anghel na kumakanta
4: Hindi ba pwedeng tahimik nalang sa paligid bakita ba kase may tugtug! Gusto ko nang
matulog ng matulog hayaan lang na dumaan ang araw
Narrator: ubod ng tamad ang pang-apat na gisantes wala siyang ibang gustong gawin kundi
matulog. Pinakabata ang pang-limang gisantes at talagang naiiba sa apat niyang kasama.
5: Gustong gusto ko ang lahat ng tugtug niya yung marakas, tambol, pati yung harpa. Spesyal
ang bawat musika at talagang masaya ako kapag narirnig ko sila
Narrator: Patuloy ang paglaki ng mga gisantes sa paglipas ng mga araw, hindi nila ito namalayan
hanggang malaki na sila at unti-unti nilang nararamdaman ang pagsikip ng kanilang balat
1: umurong naman kayo hindi na nga ako makagalaw dito eh!
2.: Hindi din ako makagalaw nwo ang sikip na dito
3: masyadong maliit na sa ating ang balat na ito
4: oo nga ang hirap tuloy matulog dito, wala na akong lugar dito
5: ako ang pinakaliit dito pero kahit ako nahihirapan din gumalaw
Narrator: patuloy sa pagrereklamo ang limang gisantes at pilt pinaurong ang isa't isa at bigla na
lamang bumukas ang kanilang balat at pumasok ang ilaw na sobrang liwanag
1: nako! Sino ang bumukas ng balat natin
4: hay nako ano bayan hindi niyo ba talaga ako hahayaan matulog
2: pakisara nalang uli ng balat dali na! Hindi ko na maidilat ang mga mata ko
3: impossible yang sinasabi mo si inang kalikasan ang nagbukas ng balat natin
5. Wow bukas na ang balat natin! Yey ang saya nito
Narrator: paglipas ng ilang minuto, nasanay na ang mga gisantes sa liwanag ng araw kaya
nagusap-usap na sila
1: ito na ang pagkakataon natin
2: anong ibig mo sabihin?
1: pagkakataon natin na makita kung ano ang mundo sa labas
3: tingin mo kaya nating lumabas dito? Baka mapahamak tao kapag umalis tayo sa balat natim
5: teka ba't paba tayo magsasayang ng oras sa mga maling akala, gusto ko ng lumabas at
making kung ano ang mundo sa labas at maranasan ang buhay na malaya
4: Gawin niyo kung ano ang gusto niyo dito lang ako at matutulog buong magdamag
3: buong buhay natin nasa loob lang tayo, hindi natin alam anong nasa labas
ALL: TARA NA!
Narrator: matapos ang mahabang usapan, nagpasiya silang lumabas sa kanilang balat sabik sila
sa bagong karanasan sa mundo kaya naisip nila ito. Isang isa na sila (nagbulag) at masayang
masaya sila dahil ngayon lang nila nakita ang mundo sa labas
1: wow ang ganda naman dito
2: oo nga masaya akong makarating dito
3: oh diba tamang tama ang desisyon natin umalis sa balat natin
4: gusto ko nang matulog hanapan niyo nga ako ng lugar
5: tingnan niyo galing pala tayo sa isang sanga ng mataas na puno
Narrator: habang pinaguusapan ang tungkol sa bagong nilang mundo, may isang batang babae
ang nakakita sa kanilang lima
Pret: aha! Saktong saktong ang mga gisantes para sa tirador ko ayos kukunin na ang lahat nito!
Narrator: isang isang dinampot ng batang babae ang limang gisantes at lumipad na sila isa-isa
hanggang hindi na sila makita habang ang pinakabata na gisantes ay bumagsak malapit sa isang
bintana
5: hayst salamat maayos ang aking pagbagsak
Narrator: sumilip siya sa bintana at may nakita siyang batang babae na nakahiga sa kama na
may sakit ito at walang tigil sa kauubo. Pilit siya pinapakain ng kanyang nanay
Tine: kainin mo na tong sopas anak para lumakas ka at mawala na ang sakit mo, sige na
Shine: pero nanay, wala po talaga akong gana kumain (ubo ubo)
Tine: kung hindi ka kakain, paano ka lalakas para makapaglaro ka ulit
Narrator: nakita ng gisantes na pinapakain ng nanay ang kanyang anak pero hindi makakain ang
may sakit na bata nakita niya ang pag alala ng nanay para sa kanyang anak. Noong gabi, nang
makatulog ang bata pinagdasal siya ng kanyang nanay
Tine: tulungan niyo pong gumaling ang anak ko sa sakit niya, hindi ko kayang makita siyang
nahihirapan bigyan niyo po siya ng lakas parang awa niyo na, iligtas niyo po ang buhay ng anak
ko (cry cry)
Narrator: nalungkot ang munting gisantes sa kanyang nakita sa mag-ina kaya noong gabi,
pumasok siya sa kwarto mula sa bintana kasama ang bilog na buwan, kumanta ang gisantes
kasabay ng tabol para sa bata
5: bang bang bang makinig sa tugtugan
Shine: sino yan? May naririnig akong kumanta sino yan
5: ako yun, nandito ako sa may bintana
Shine: nagsasalita ka, paano nangyari yan?
5: kaya ko rin kumanta, narinig mo ba ang kanta ko sayo? Sabay sa tambol ng buwan
Shine: tambol ng buwan?
5: oo tumutugtug siya ng tambol kapag bilog siya
Shine: pero wala akong naririnig, sa palagay ko napakaspesyal mo
5: lahat naman tayo sa mundo spesyal at lahat tayo may musika sa puso natin kailangan lang
natin tumahimik at makinig dito
Shine: ibig mo sabihin pwede ko marinig ang tambol ng buwan? Posible ba yun
5: walang imposible kung maniniwala ka!
Shine: oo nga naririnig ko na ang tambol
5: sabi ko sayo eh walang imposible
Shine: oo pero may isang bagay na hindi yata posible para sa akin
5: ano yun
Shine: imposible gumaling ako sa sakit ko
5: huwag mong sabihin yan! Paano tumubo ako sa pagiging gisantes tsaka kaya kitang
pagalingin
Shine: pero isa ka lang gisantes, pwede mo bang baguhin yon?
5: oo naman! Magtiwala ka lang sa sarili mo at lahat possibleng gawin
Narrator: kinabukasan, pagising ng batang babae naalala niya ang pag-uusap nila ng gisantes.
Sumilip siya sa bintana at hindi niya nakita ang kanyang bago niyang kaibigan
Shine: .hay baka nanaginip lang ako, hindi naman nagsasalita ang gisantes eh.
Narrator: Binuksan niya ang bintana at nilanghap ang sariwang simoy ng hangin
Shine: ang ganda naman sa labas, sabi ng gisantes na pwede akong maniwala na gagaling ako
naniniwala na ako.

Narrator: sa paglipas ng panahon natupad din ng munting gisantes ang kanyang pangako at
nagbunga siya bilang isang magandang halaman kaya napangiti ang bata sa halamang gisantes
at nagpasalamat ang nanay niya nito at patuloy na inaalagaan.
Leksyon: dapat marunong ka maghintay sa mga gusto mong makuha o gawin sa buhay at
magkaroon ng paniniwala sa sarili mo dahil walang imposible pag ginawa mo ito.

You might also like