You are on page 1of 6

DAYUHAN

ni Buenaventura S. Medina

I. TALAMBUHAY NG MAY-AKDA:

Si Buenaventura S. Medina, Jr. ay isang Pilipinong manunulat


ng higit sa 25 na libro. Karamihan dito ay mga nobela at libro sa kritisismo.
Isa sa mga gawa nito ang Saan Patungo ang Langay-langayan?. Ipinanganak
noong Disyembre 1928. Nagtapos siya ng BA at MA sa Ingles sa Far Eastern
University at Ph. D. sa Centro Escolar University. Sumulat siya ng mga
dokumento na pinakita sa mga internasyonal na kumperensiya sa Japan at
Thailand. Naging professor din siya sa Far Eastern University, Ateneo de
Manila University, at De La Salle University.

Kabilang sa mga nalimbag niyang gawa ay ang Pintig (1969),


Gantimpala (1972), Confrontations, Past and Present in Philippine Literature
(1974), The Primal Passion, Tagalog Literature in the Nineteenth (1976),
Francisco Baltazar's Orosman at Zafira (1991) at Moog and Alaga (1993).
Ginantimpalaan din siya kanyang mga essay at maiikling kuwento.
Nagtrabaho din siya bilang editor ng mga magasin gaya ng Free Press. Siya ay
napabilang sa Don Carlos Palanca Memorial Awards Hall of Fame noong 1996.
Pinarangalan din siya ng South East Asia Writer Award (SEAWRITE) noong
1994. Nagkaroon din siya ng Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas Award
for Literary Criticism.

II. PAGLALARAWANG-TAUHAN:

Anak. Responsable sa gawaing nakaatang sa kanya tulad ng pagsusundo at


hatid sa doktor ng ama. Nagbago ang kanyang damdamin sa ama mula
nang malaman niya ang katotohanan tungkol sa babae ng kanyang ama.

Ina. Matiisin at matimpi. Sa kabila ng katotohanang nambababee eto ay buo


pa rin ang pagmamahal niya sa asawa. Laging nag-aalala sa kalagayan
nito sa kabila ng kalamigan ng pakikitungo sa kanya. Lihim na iniluluha
na lamang ang lahat.

Ama. May ibang pamilya kahit na maysakit at walang gaanong pera.

Mga nakatatandang kapatid na babae. Ang naghabilin sa kapatid na lalaki na


bantayan ang ina, huwag pababayaan. Nakakaalam ng sitwasyon ng ina
ang at paghihirap nito sa piling ng asawa.
Dr. Santos. Ang manggagamot ng kanilang ama. Sinusundo at hinahatid siya
ng anak na lalaki sa tuwing inaatake ng sakit ang kaniyang ama nito.

III. TAGPUAN:

Naganap ang kwento sa tahanan ng pamilya kung saan namasdan ng


anak ang lahat ng pangyayari sa pagitan ng kanyang mga magulang.

IV. BUOD:

Sa karatig ng kanyang silid ay ang silid ng kanyang amang maysakit


kaya’t alam niya kaganapan sa loob. ang kanyang ina ay nakabukod ng
tulugan sa kanyang ama subalit kabisado nito ang kilos ng asawa na tila ba
ito na lang lagi ang pinapakiramdaman. Sa tuwing sinusumpong ito ng sakit
ay agd siyang natungo sa bahay ng doktor upang sunduin ito at ihahatid
pagkatapos.

Napapansin niya ang malamig na pakitungo ng ama sa kaniyang ina at


ang lihim na pagluha ng ina. Ang mga ito’y hindi pa niya lubos na
maunawaan. Nang umalis ang kaniyang dalawang nakatatandang kapatid na
babae upang magtungo sa lugar ng kanilang asawa ay madiin ang bilin ng
mnga ito sa kanya. Siya na daw ang bahala sa kanilang ina. Nagtataka siya
kung bakit hindi na lang ito sa ama sinabi.

Unti-unti pagdaan ng mga araw ay naunawaan niya ang lahat. Ang


kanilang ama ay may ibang babae at anak na dahilan nang lihim na pagluha
at kalungkutan ng kanilang ina. Isang kakaibang damdamin ang umusbong
sa kanya. Isang damdaming puno ng hinanakit at paghihimagsik sa kaniyang
ama. Lumayo ang loob niya rito. Iniiwasan niyang magtagpo ang kanilang
mga mata. Sa kabila nito, sa tuwing magkakasakit ang ama ay lagi pa rin
niyang sinusundo ang doktor na tumitingin dito.

KInalauanan ay lumala ang sakit ng kaniyang ama at ito’y pumanaw.


Ang mga katagang namutawi sa bibig ng kaniyang ina ang nagpabago sa
pinatigas niyang damdamin. Ang damdaming lumukod sa kanya ay ang
pagmamahal sa ama, damdamin ng isang anak.

V. TEMA:

Dumarating ang sandaling ang hinanakit sa magulang ay napapawi.


VI. HIMIG:

Ang kulay ng kwento mapaghimagsik, mapagtanong.

VII. DAMDAMIN:

Ang damdamin ng kwento ay hinanakit.

VIII. PANINGIN:

Ang akda ay nasa paningin sa unang panauhan. Isinasalaysay ng


may-akda (anak) ang kanyang mga karanasan.

Patunay:

Sa umaga’y naririnig ko na ang mararahang yabag na patungo sa


silid ni Ama; alam kong si Ina, gigisingin si Ama. Hiwalay sila ng silid, si
Ina’y kasama ng dalawa kong kapatid na nakababata, si Ama’y sa sarili
niya. May maliit akong silid na karatig ng sa aking ina, katapat ng sa aking
ama. Ngunit ang nakapamagitang mga dingding ay giniba ng mga tinig:
mabini, marahas, malakas, mahina. Ang mga tinig ding iyon ang
naghahatid sa akin ng ngyayari sa maghapon; mga tinig na di ko man
kusang pinakikinggan ay naririnig ko.

IX. SIMBOLISMO:

Magkabukod na silid – isang pader sa pagitan ng mag-asawa

dayuhan – kakaibang damdamin sa ama

X. MGA SALIK:

A. Kaganyakan:

Isang araw, nakita niya ang kaniyang ama, kasama si Ading at


isang bata. At nagkasalubong ang mga paningin nila ng ama. Hindi niya
malilimot iyon; ang pagsasalubong ng kanilang mga mata – ang pagkalito
sa kanyang ama at ang pagkasindak sa kanya.

B. Kabanghayan:
Sa kwentong ito, maaayos ang pagkakabalangkas ni Buenaventura
S. Medina sa mga pangyayari. Naging kawili-wili ang ginamit niyang
pamamaraan sa paglalahad ng mga tauhan mula simula hanggang sa
karukrukan ng kwento. Napalutang niya ang damdamin ng mga tauhan
kahit matimpi ang ang pagkakalahad. Ang paraan ng pagpapaunlad ng
banghay ay sirkular o paikot-ikot.

C. Tunggalian:

Tao laban sa tauhan.

Ipinapakita sa akda ang dayuhang damdamin ng anak sa kaniyang


ama dahil sa natuklasan niya tungkol dito.

Patunay:

Lumabas ako sa aking silid. Ang dalawang kapatid kong


nakababata’y nasa bungad ng silid ni Ama. Umiiyak sila. Mabibigat pa
rin ang aking mga hakbang . Nahulo kong hindi humihiwalay sa akin
ang damdaming banyaga. Pinipigilan ako niyon na tumuloy sa silid ni
Ama. Lumabas si Dr. Santos, kasunod si Ina..

D. Kakanyahan:

Nagsimula ang kwento sa kasalukuyang kaganapan at inaalala na


lamang ang mga pangyayaring nakaraan na. Gumamit ang may-akda ng
flash back o balik-tanaw.

XI. DULOG

Ang kwentong ito ay gumamit ng teoryang eksistensiyalismo.

Malaya ang taong gawin ang kaniyang kagustuhan bilang isang


indibidwal.

Patunay:

“Alam ko ang aking ginagawa...” ang narinig ko minsan.


Marahil ay pinuna ni Ina ang pag-uwi ni Ama nang malalim sa gabi..
Marahil ay nasabing makasasama iyon sa katawan nito. Kailangan
ang pahinga. Sa akin man ay nasasabi iyon ni Ina, kaya alam kong
iyon ay paalaala lamang.

Isang gabi’y narinig ko ang mabining tinig ni Ina:


“Makasasama sa iyo ang pagpupuyat. Kailangan mo ang pahinga.”
Yamot ang tinig ni Ama nang humakbang iyon ng ilan, padako sa
aking silid at maglagos sa dingding at sa gabi. “Matanda na ako!
Hayaan mo na ako sa maibigan ko!”

XII. BISANG PAMPANITIKAN:

A. Bisang Pandamdamin:

Ang kalayaang gawin ang mga bagay ayon sa kagustuhan lamang at


hindi isinasaalang-alang ang damdamin ng mga taong sangkot dito ay
maaring magdulot sa kanila ng sakit.

B. Bisang Pangkaasalan:

Kung mahalaga ang ina sa buhay ng tao, kasinghalaga rin marahil


ang ama.

C. Bisang Pangkaisipan:

Nagbabago ang pakikitungo ng isang tao kapag may pangyayari o


nagawa ang ibang tao na hindi nito matanggap at nagdulot ito sa kanila
ng sakit.

XIII. URI NG MAIKLING KWENTO:

Kwentong sikolohiko.

Nagbago ang pangunahing tauhan makaraang matuklasan niya ang


pambabae ng ama. Iba’t ibang emosyon ang kanyang naramdaman depende
sa sitwasyong kanyang kinasusuungan..

Patunay:

Sa pagkapasok ko sa silid Ama’y along sumidhi ang kakaibang


damdaming nasa akin, tila ako isang dayuhan sa pook na iyon, hindi ko
kilala iyon, ang kapirasong pook na iyon, ay iba sa kin, at nadama kong
dapat akong umalis, tumakas, ngunit walang lagusan. Nasundan ng
mata ko si Ina, umupo siya sa gilid ng katreng kinahihimlayan ni Ama.
Saglit akong naligalig. Kailangan kong lumayo, sapagkat hindi
maiiwasang tunghayan ang nakaratay roon. At kapag nagkagayon, muli
kong makatatagpo ang paningin ni Ama, at alam kong sa isang iglap ay
makikita ko ang pagkalito roon, at sa isang iglap di’y mabubuhay sa
aking ang pagkasindak. Inilayo ko ang aking paningin. Ayaw kong
tingnan si Ama. Subalit nagsalita si Ina.
XIV. MGA MATATALINGHAGANG PAHAYAG:

1. Noon ko unang nakilala ang lungkot ni Ina


 Noon niya nalaman ang dahilan ng kalungkutan ng ina.
2. Sapagkat may damdaming pumipigil sa akin sa pagtuntong sa
dakong iyon ng aming tahanan.
 Hindi bukal sa kaniyang kalooban ang pagpunta doon dahil
sa ibang damdaming naghahari sa kaniya.
3. “Alam ninyo, mga anak, ngayon lamang kami talagang mapag-iisa
ng inyong ama.”
 Ngayon lamang ganap na naging kaniya ang kaniyang
asawa, wala siyang kaagaw.
4. Ngayon ko lamang nadamang kilala ko ang silid ng aking ama;
dati-rati ko nang napapasok ang kapirasong pook na ito.
 Ngayon lamang nanumbalik ang kaniyang dating damdamin
sa ama, ngayong napatawad na niya ang ama.
5. Malaki ang pagnanais nina Ate na humanap ng sariling daigdig.
 humanap ng kapalaran.

XIV. MGA TANONG SA PAG-UNAWA:

1. Anong damdamin ang naghahari sa anak para sa kanyang ama? Bakit


nagkaganito?
2. Ilarawan ang kalagayan ng amang maysakit, ang pagkamatiisin ng ina.
3. Bakit may pagkakataong napapalayo ang damdamin ng isang anak sa
magulang?
4. Isina-alang alang ba ng ama sa kaniyang mga aksyon ang damdamin ng
kaniyang pamilya? Paano?
5.

You might also like