You are on page 1of 4

II.

PAGPAPALIWANAG SA BAWAT SAKNONG

Ang tulang Isang Punongkahoy ni Jose Corazon de Jesus ay naghahalintulad sa kanya sa isang
punong kahoy. Ang unang saknong ay naglalarawan sa may akda na nag-iisip. “Kung tatanawin mo sa
malayong pook”. Ito’y nangangahulugang ang may akda ay nagsimulang nagguni-guni. Sa kanyang guni-
guni ay inilalarawan niya ang kanyang sarili na sumasamba sa Panginoong Diyos.

Sa pangalawang saknong, inilalarawan niya ang posibling mangyayari kung nasa lamay na siya. Sa
una at ikalawang taludtud, ay nangangahulugan na naririnig sa kanyang lamayan ang mga musikang
tinutugtug din sa simbahan. Samantalang, sa ikatlo at ikaapat na taludtud ay naglalarawan sa kanyang
lamay na ang mga kandila ay inihalintulad sa mga tanod na nag-aabang sa kanyang lamay.

Sa ikatlong saknong, ang salitang batis ay nangangahulugang luha. “Sa aking paanan ay may isang
batis”. Dito ipinapahiwatig na may umiiyak sa kanyang paanan, malamang nalulungkot sa kanyang
pagkamatay kaya doon ay may patuloy na umiiyak at umaagos ang luha, at sabi pa na hanggang
maghapon at magdamag na walang tigil sa pag-iyak, ang kahulugan. Sa ikatlo at ikaapat na taludtud ay
inilalarawan ng may akda ang kanyang kabaong na inihahalintulad sa sanga. Sa kanyang kabaong ay may
nakasabit na pangalan ng kanyang pamilya na nagmamahal sa kanya.

Sa ikaapat na saknong ay nangangahulugan na ang pag-iyak ng mga nagmamahal sa kanya ay


totoo. Nalaman niya na may tunay o totoong nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya. Kaya nang
nalaman niya ito, ay naging masaya siya at tanggap na niya.

Sa ikalimang saknong ay nangngahulugan na ang kampana ng simbaha ay tumunog bago ialis ang
kabaong. Ito’y nagpapatunay na malapit na syang ihatid sa kanyang huling hantungan. At ang mga taong
nagmamahal sa kanya ay isa-isang naghahagis ng bulaklak sa kanyang kabaong. At may tao pa rin na
patuloy na umiiyak at humagulgol sa paanan ng kanyang kabaong.

Ibig sabihin sa ikaanim na saknong yaong naihatid na siya sa kanyang huling hantungan at nang
matabunan ng lupa ay nawala lahat ang kanyang kaligayahan, nararamdaman ang kalungkutan at nag-
iisa sa dilim. Sa puntod na yaon ay wala nang nagbabantay sa kanya.

Sa ikapitong saknong, ay naalimpungatan na siya sa kanyang pagguni-guni nang napagtanto niya


na ang kanyang mga guni-guni ay hindi nakakatuwa.

Sa huling saknong naman, ay nagmuni-muni siya sa panahon ng kanyang kabataan, inaasahan


niya at kanyang inilaan na ang kanyang mga gawa ay maging inspirasyon sa kapwa.
III. TUNGKOL SA AKDA

Ang akda ay paglalarawan sa isang taong naghihinagpis para sa kaniyang

buhay at naisin, ito‟y paghahambing din sa isang Punong Kahoy at sa Buhay

ng Tao. Paglalarawan sa mga pasakit na may iiyak na minamahal dahil sa kaniyang pagkawala at tatanod
sa kaniyang libingan ay mga alaala na magbabalik at alalahanin ng mga tao napamahal at napamahal din
sa kaniyang mga nilikha. Ang buod ng tula ay tungkol sa isang punong kahoy, na kung saan ang Punong-
kahoy ay ang mismong persona sa tula. Nilalarawan ng persona ang daloy ng buhay ng isang tao mula sa
kaniyang pagkabata hanggang sa matayog bilang isang tao. Ngunit katulad ng punong kahoy dumarating
ang unti-unting pagkalagas ng mga dahon sa kaniyang sanga, na ang tao sa kabila ng kaniyang
katagumpayan sa buhay, nagiging malungkot ang pagtanda sapagkat umiinog ang mundo at nagbabago
ang kapaligiran, hanggang maramdaman ng tao ang kaniyang pag-iisa lalo sa pagdapit hapon at
pagkawala ng liwanag sa kaniyang buhay. At sa huli ng tula ay inihahabilin niya na ang kaniyang buhay sa
kamay ng kaniyang Manlilikha.

IV. ESTILO

Ang estilo ng pagkakasulat ng akda ay binase sa sitwasyon, pangyayari o karanasan ng may-akda sa


buhay, at kilala ang may-akda sa taguring “ Makata ng Pag-ibig kaya naman mababakas ang kaniyang
pagiging sentimental sa mga salitang kaniyang ginamit. Katulad ng batis ng luha na ang damdaming
umiyak dahil sa lungkot sa nakatakdang pagkawala ng persona sa tula. Ang tulang ay gumamit ng mga
matatalinhagang salita at tayutay upang maipakita ang sining ng pagbuo ng tula at ang kagandahan nito
sa kabila na itoy isang Elehiya at paghihinagpis. Ang Tula ay nasusulat sa tradisyonal na labindalawang
pantig ang sukat at nasa ganap na tugma

Maka-kalikasan

Ang tula ay nagpapahiwatig ng kahalagahan ng kalikasan sa buhay ng tao, inihahalintulad ang buhay sa
paglago ng kalikasan. Katulad ng pagyabong ay pagsikat o pagtatagumpay ng tao na siyang dahilan
upang maliliman at magbigyang buhay ang mga nakapaligid na tumitingala sa kaniya. Ngunit proseso ng
buhay ang pagkawala at pagkamatay na sa pagkawala ay sumisibol naman ang mga panibagong punla na
nagmula din ang pataba at pagdidilig sa taong pumanaw dahil sa kaniyang mabuting paglaganap ng
buhay.
V. TUGMA

Sa tula ng Isang Punong Kahoy, mapapansin nang mga mambabasa na sa bawat taludtod, at saknong ay
may angking kagalingan ang makata sa pagtugma – tugma ng mga salita na napaka sining. Mahusay siya
sa pag-iisip upang maiparating niya ang kanyang tula na magandang tugma at maganda basahin sa mga
mambabasa.

VI. SUKAT

Ang Isang Punong Kahoy ay may sukat na tig labing dalawahin ang bawat taludtod at may walong
saknong.

VII. IMAHEN

Maraming imaheng tinatago ang tulang ito. Katulad nalang nang mga sumusunod:

Ako’y tila nakadipang kurus

Ang pugad ng mga ibon ng Pag-ibig

Ang mga salitang ito ay nagsisilbing orihinalidad na siya’y nagpapalawak s apag-iisip ng mga mambabasa.
Ang mga imahen na ginagamit niya sa pagpapayaman ng kanyang tula upang mas makatutulong sa mga
mambabasa na mabilis mauunawaan at madama ang inilalarawan ng makata. Ayon sa pagdanas niya sa
kanyang mga pighati. Ang imahen ng kanyang mga tula ay kanyang ipinapakita na hindi ito nakakalayo sa
biograpikal na aspekto ng kanyng buhay. Kung saan ang kanyang damdamin sa pagbuo nito ay ang
kanyang karanasan na ginamit niya bilang inspirasyon.

VIII. Uri ng Genre : Tulang Pandamdamin o Liriko


Ayon pa kay Rufino Alejandro, ang tula ay nangangahulugan ng “likha”

at ang makata ay tinatawag na manlilikha. Ito ay dahil sa ang tula ay isang pagbabagong hugis ng buhay.
Sa tulong ng guni-guni, ang buhay ay nabibigyan ng bagong anyo ng makata.

Nagpapahayag ang tulang ito ng damdaming pansarili ng kumatha o kaya ay ng ibang tao. Maaari rin
itong likha ng mapangarapin imahinasyon ng makata batay sa isang karanasan. Karaniwan itong maikli at
madaling maunawaan. Ang makata ay direktang sinasabi sa mambabasa, ang kanyang sariling
damdamin, iniisip, at persepsyon. Kalikasan at buhay ang pinaghanguan ng paksa ng makata at sa
pamamagitan ng mga larawang diwa ay pinupukaw niya ang ating damdamin. Ang tula ay isang Elehiya
na tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan.

KAISIPANG PANGKASAYSAYAN:

Sa tulang ito’y ni Jose Corazon de Jesus sinasambit niya ang mga salita sa taudtod na;

Kung tatanawin mo sa malayong pook

Ako’y tila isang nakadipang kurus;

Ang dalawang taludtod sa itaas ay madalas na nauugnay sa mga pighati na kanyang nadarama bilang
isang tao. Ngunit kung ating susuriin, ang bawat salita ay tila Malabo ang kahulugan nang unang
taludtod kaysa pangalawa.. Nangangahulugan ng isang lugar kung saan siya naroroon. Samantala
pagdurusa naman ang mensahe ng kanyang ikalawang taludtod. Ginamit niya ang kanyang mga
karanasan at paniniwala na pinaniniwalaan na siyang nagbibigay lakas sa kanyang pagiging makata.
Hinahain niya ang mga kaisipan na mula sa kanyang sarili na pinagyaman ng kanyang isipang namulaklak
ng karunungan.

You might also like