You are on page 1of 2

PANULAANG FILIPINO

PANUTO: Gumawa ng balangkas na pagsusuri ayon sa mga sumusunod

A. Pamagat ng Katha o Tula:


Isang Punongkahoy
B. May Akda:
Jose Corazon de Jesus
C. Istilo ng Awtor sa Pagsulat ng Tula:(11. Tugma /1:2 SuKAT)

● Sukat
Ang sukat nito ay lalabindalawahin ang bawat taludtod na may walong saknong
● Tugma
Ang tugma nito ay Tugmaang ganap dahil ang mga taludtod ay nagtatapos sa
patinig o impit na tunog at sa gayon ay mayroong ganap na pagkakatugmaan ang huling
pantig ng mga taludtod ng tula.

D. Tema:
Ang Tema ng tulang ito ay ang tungkol sa kung ano ang nakikita ng
tagapagsalita sa kaniyang kamatayan. Sinasalita niya kung ano ang kaniyang nakikita
habang siya ay nililibing.

E. Impresyon sa Tula:
Ang tulang ito ay isa sa mga kilalang tula na isinulat ni Jose Corazon de Jesus.
Kung babasahin ang tulang ito, inyong mapapansin na tungkol ito sa isang parte ng
kanyang buhay kung saan siya ay nagmumuni-muni. Ito’y isang pagtulad ng isang
punongkahoy at sa buhay ng isang tao. Na sa kanyang pagmuni ay kanyang naiisip ang
mga mahal niya sa buhay na makakaramdam ng kalungkutan at iiyak dahil sa kanyang
pagkawala. Maaalala nila ang kanilang pinagsamahan noong nakaraan pagtanod nila
sa kanyang libingan. Sa tulang ito, ang Punongkahoy ay ang mismong persona sa tula.

F. Aral o Kabuuang Kahulugan at Nilalaman ng Tula:


Ang mensahe na nakapaloob sa akda ay lahat ng tao ay balang araw ay
mawawala rin sa mundo. Ito ang masakit na katotohanan dahil kahit gaano ka pa
kalusog, kung oras mo na oras mo na at kung darating itong panahon na ito, wala na
lamang tayong magawa kundi tumingin sa ating walang buhay na katawan na nasa
kabaong at magmasid sa mga taong umiiyak sa iyong libingan. Ito ang nais na
iparamdam ng may akda na si Jose Corazon de Jesus na inihambing pa niya ang
kanyang walang buhay na katawan bilang isang punongkahoy.

A. Pamagat ng Katha o Tula:


Ako ang Daigdig
B. May Akda:
Alejandro Abadilla (AGA)
C. Istilo ng Awtor sa Pagsulat ng Tula:(11. Tugma /1:2 SuKAT)
● Sukat- Walang itong sukat dahil ito ay isang malayang tula
● Tugma- Walang ito tugma dahil isa itong malayang tula
D. Tema:
Ito ay isang tula na isinulat ni Alejandro Abadilla na nagpapahayag ng sandamakmak na
maaaring maging kahulugan ng tulang ito. ‘Ako ang Daigdig’ ay nagbigay ng daan tungo sa
modernisasyon ng estruktura ng tula. Sa pagbabasa ko sa tulang ‘Ako ang Daigdig’ ay nakabuo
ng dalawang maaaring maging kahulugan ng mga salitang inilimbag ni Alejandro Abadilla: pag-
aaklas sa tradisyunal na sukat at tugma ng isang tula at ang pag-aaklas laban sa mga
mananakop sa bansang Pilipinas.
E. Impresyon sa Tula:
Maingat na ginamit ang mga salita kahit nagpaulit-ulit ito sa tula, dahil naipahayag ang
tunay na diwa at mensahe nito sa mambabasa. Katulad na lamang ng pagpapakita nitó na
maaari at malayang lumikha ng tula kahit malayo sa kinasanayang porma nito, ang mahalaga
naipahayag mo ng mahusay ang damdamin at mensahe nito sa mga mambabasa.
F. Aral o Kabuuang Kahulugan at Nilalaman ng Tula:
Ang mga salitang ako, daigdig, at tula ay pinagbaliktad dahil sila ay pare-pareho at hindi
mo makikilala ang kanilang pagkakaiba. Dito ipinapakita na ang walang limitasyon kaya wala
siyang kamatayan. Ang kanyang tula ay wala ring limitasyon dahil siya at ang tula ay iisa.
Kinakailangan rin natin tandaan na ang tao ay may layang lumikha. Ikaw ang masusunod sa
sarili mo sapagkat ikaw ang nakakakilala sa iyo at walang sinuman ang may karapatan na
pigilan ka sa mga minimithi mo sapagkat hawak mo ang sarili mong kapalaran.

You might also like