You are on page 1of 5

Sa mga Usok na Likha ng Makata ng Pag-ibig

Abstrak

Madalas na ang depinisyon ng isang makata ay mapangarapin, nakatuon sa


makikislap at makikinabang na karanasan ngunit bakit mapanglaw ang tema ni Jose
Corazon De Jesus sa kaniyang mga tulang ang Isang Punungkahoy at Ang Posporo ng
Diyos. Ano marahil ang nagtulak sa kaniya upang sumulat ng ganoong piyesang may
madilim na pananaw sa buhay at may malungkot na himig? Layunin ng pananaliksik
na ito ay una, maibigay ang interpretasyon sa bawat tula; at maiugnay ang
interpretasyon sa buhay ng may-akda. Ang pananaliksik na ito ay ginamitan ng
contextual analysis upang maipakita ang naging pamamaraan ng pagpapahayag ng
awtor. Ang larawan ng isang tuyong punungkahoy ay kinasangkapan ng makata upang
maging replika ng kaniyang pangitain ng isang nalalapit na wakas. Mula sa
isinagawang pananaliksik lumitaw na ang kapansing-pansing pambihirang
pagkahumaling ni Jose Corazon De Jesus sa pangitain ng kamatayan. Madalas ang
kaniyang teknik sa paggamit ng analohiya ay magsisimula sa isang maramdaming
paglalarawan upang pagkaraa’y nauwi sa isang personal at kalunos-lunos na
apostrophe o panawagan.

Panimula

"Makata ng Pag-ibig", ito ang bansag sa pinakapopular na makata noong


kaniyang panahon na si Jose Cecilio De Jesus o mas kilala bilang Jose Corazon De
Jesus. Ang Corazon ay mula sa salitang Espanyol na nangangahulugang puso dahil
iyon daw ang tumutugma sa kaniyang katauhan. Kilala rin siya sa sagisag-panulat na
Huseng Batute na ginagamit niya sa isang kolum ng mga tula sa pahayang Tagalog na
Taliba.
Isa siya sa mga namuno sa kapisanang pampanitikan na Ilaw at Panitik. 'Di iilang
kritiko't guro ng panitikang Pilipino ang kumilala sa nakauungos na katangian ni Jose
Corazon De Jesus. May nagbadya pang: "Kung si Balagtas ang kumakatawan sa
panulaang Tagalog noong panahon ng Kastila ay si Corazon De Jesus naman ang sa
panahon ng Amerikano." Ang pagka-makata ng lahat ng kaniyang kapanahon ay
kutitap lamang kung ihahambing sa kaniyang liwanag.
Bago siya namayapa ay nakapag-iwan siya ng daan-daang tulang hanggang sa
ngayon ay hindi pa naisasaaklat. Ang bagay na ito ay sagwil tungo sa lalong
masaklaw na pag-unawa sa tula ni Jose Corazon De Jesus. Liban sa ilang pribadong
koleksiyon at malalaking aklatan, ang isang magsasaliksik tungkol sa kaniyang tulain
ay hahanga sa mangilan-ngilang tulang napapasama sa mga librong pampaaralan at
antolohiyang pampanitikan. Maging ang kaniyang talumbuhay ay hindi pa lubusang
naisasaaklat.
LAYUNIN NG PAG-AARAL
Ang pangkahalatang layunin ng pananaliksik na ito ay upang masuri ang mga
piyesa ni Jose Corazon De Jesus na Isang Puungkahoy at Ang Posporo ng Diyos at
upang maisakatuparan ang mga sumusunod na layunin:

1. Maibigay ang interpretasyon sa bawat tula; at

2. Maiugnay ang naging interpretasyon sa buhay ng may-akda.

METODOLOHIYA

Ang kwalitatibong pananaliksik na ito ay ginamitan ng contextual analysis na


nakatuon sa pagsusuri sa dalawang piyesa ni Jose Corazon De Jesus.

RESULTA

Replika ng Pangitain ng Kapalaran

Sa tono pa lamang ay mababanaag na ang tindi ng hinagpis at pighati ng persona


sa tula. Wala nang titindi pa sa hinagpis ng isang taong hinihintay na lamang ang
nalalpit niyang kamatayan. Narito ang pagpapatunay na matatagpuan sa saknong
bilang 2:

"Organo sa loob ng simbahan


ay nanalangin sa kapighatian
habang ang kandila ng sariling buhay
magdamag na tanod sa aking libingan."

Tulad ng isang punungkahoy, lumipas ang panahon at natuyo ang kaniyang mga
sanga, maging ang malalago nitong dahon ay nagsisihulog tanda hindi ng tagsibol
ngunit ng kamatayang sasapitin ng isang puno, katulad ng kasasapiting kamatayan ng
persona sa tula. Makikita sa saknong 5 ang pagpapatunay:

"Ang mga kampana sa tuwing orasyon,


nagpapahiwatig sa akin ng taghoy,
ibon sa sanga ko’y may tabing nang dahon,
batis sa paa ko’y may luha nang daloy."

Ginugol nito ang kaniyang panahon sa pagpapakalunod sa kasiyahan. Kung


kaya't kung ating susuriing mabuti mapapansin natin ang pagsisisi at pagkadismaya
nito. Pagsisising kung ginugol niya ng naaayon sa tama ang kaniyang buhay ay hindi
niya sasapitin ang ganoong sitwasyon. Narito ang bilang 6 na saknong:
“Ngunit tingnan ninyo ang aking narrating
natuyo, namatay sa sariling aliw,
na kurus ako ng pagsuyong laing
at bantay sa hukay sa gitna ng dilim.”

Nagbalik-tanaw ang persona sa tula sa mga naging karanasan niya sa buhay. At


kagaya ng isang malabay, malago at matibay na puno magdaraan siya sa pagkatanda
at maging ang pagkamatay. Sa panghihina nito, sa pagrupok ng kaniyang mga sanga,
nawalan siya ng pakinabang. Narito ang pagpapatunay na makikita sa ikapitong
saknong:

“Wala na ang gabi ng lambong na luksa


panakip sa aking namumulang mukha
kahoy na nabuwal sa pagkakahiga
ni ibon, ni tao’y hindi matuwa.”

Sa pagkawala ng kaniyang ningning, ng kaniyang lakas at ng kaniyang buhay.


Nais niyang maalala siya ng kaniyang mga mahal sa buhay na katulad noong siya pa
ay hindi naghihirap ng dahil sa sakit. Narito ang saknong bilang 8 bilang
pagpapatunay:

“At iyong isiping nang nagdaang araw,


isang kahoy akong malago’t malabay,
ngayon, ang sanga ko’y kurus sa libingan
dahon ko’y ginawang korona sa hukay.”

Ang Aba para sa Musa

Mababanaag ang kalungkutan sa himig ng tula. Tila ba nangangahulugang pag-


asa nang isang liwanag na nahulog sa madilim na gabi. Narito ang unang saknong
bilang pagpapatunay:

“Sa dilim ng gabi may gintong nalaglag


may apoy, may ilaw galing sa itaas
at dito sa lupa noong pumapalag
nahulog sa bibig ng isang bulaklak.”

Ang katiting na posporo na may malamlam na liwanag ang nagsisilbing ilwa niya
sa paglalakbay sa madilim na daan. Narito ang pagpapatunay:

“Katiting na ilaw na liham na liyag


sinupo sa lupa’t tanglaw sa magdamag
ito’y bulalakaw ang dating pamagat
posporo ng Diyos sa nangaglakad.”

May mapait na lasa kang matitikman sa piyesang ito ngunit naroon ang gusting
iparating na buhay pa ang kapiranggot na pag-asa sa persona ng tula. Narito ang
pagpapatunay:

“Ito’y bulalakaw, ang apoy ng lugod,


na nagkanlalaglag sa lupang malungkot
may nakikisindi’t naligaw sa pook
Aba, tinanglawan ng posporo ng Diyos.”

KONKLUSIYON

Ang paksain ng mga obra ng makatang si Jose Corazon De Jesus ay tungkol sa


pag-ibig, sentimental at lantarang nangangaral. Ang Isang Punungkahoy ay ang
pinakahuling tulang nasulat ng makata. Lantad ang napakabigat na emosyong
ibinuhos ng awtor sa kaniyang piyesa. Ang larawan ng isang tuyong punungkahoy ay
kinasangkapan ng makata upang maging replika ng kaniyang pangitain ng isang
nalalapit na wakas. Tinaglay ng mga walang dahon nitong sanga, makahilig na puno
at walang katas na ugat, ang larawan ng krisis na pangkatauhag naguni-guni ng
makata.
Mapapansin ang pambihirang pagkahumaling ni Jose Corazon De Jesus sa
pangitain ng kamatayan. Lantaran itong makikita sa mga tulang Ang Pugad Ng
Tulain, Pangungulila na pinakaunang tulang kaniyang nasulat noong siya’y 17 taong
gulang pa lamang, Ang buhay ng Tao, Marupok, Ang Tula ko’t iyong Dilag at marami
pang iba. Madalas ang kaniyang teknik sa paggamit ng analohiya ay magsisimula sa
isang maramdaming paglalarawan upang pagkaraa’y nauwi sa isang personal at
kalunos-lunos na apostrophe o panawagan.
Ang ilan sa kaniyang obra ay nababahiran ng kristiyanong pagbulay-bulay at
palatistikong pananalig sa isang tiyak na tadhana katulad na lamang ng Ang Posporo
ng Diyos.

You might also like