You are on page 1of 1

Tulang Pandamdamin at Tulang Pasalaysay

Tulang Pandamdamin o Liriko pinakamatandang uri ng tulang sinukat ng mga makata sa lahat ng panig ng mundo. Mga Uri: 1) Oda- nagbibigay papuri at walang tiyak na bilang ng pantig at taludtod Hal: (tulang Manggagawa ni Jose Corazon de Jesus) Bawat palo ng martilyo sa bakal mong pinapanday Alipatong nagtilamsik, alitaptap sa karimlan 2) Elehiya- tula ng pananangis, pag-aalala sa isang yumaong mahal at ang himig ay matimpi. Hal: (tulang Isang Punongkahoy ni Jose Corazon de Jesus) Kung tatanawin mo sa malayong pook, Akoy tila nakadipang kurus; Sa napakatagal na pagkakaluhod Parang hinahagkan ng Diyos! 3) Soneto- May 14 na taludtod. Sa unang 8 taludtod, ipinahahayag ang isang pangyayaring nagwawakas sa suliranin o pagtatalaga sa malalim na kahulugan ng buhay. Sa mga susunod ay may kaugnayan sa nauna at pangwakas ay ang paglilinaw. Hal: (tula ni Jose Villa Panganiban Buhay at Kamatayan) Ang taoy iniaanak, nabubuhay, namamatay Sa dalawang unang likha ng Bathalang mapagkapal. Di na mabilang ang angkang naging bansat bayang Di mapigil sa pagdaming bula-bulaang katauhan. 4) Awit- ang Kundiman sa Tagalog ay mga awit na tungkol sa pag-ibig at pangliligaw. Malungkot at mapanglaw ang himig nito. Hal: (Kay Selya ni Francisco Balagtas) Kung pagsaulan kong basahin sa isip Ang nangakaraang araw ng pag-ibig May mahahagilap kayang natititik Liban na kay Selyang namugad na dibdib? Tulang Pasalaysaytulang nagsasalaysay ng mga pangyayari at ng mga kuwento. Mga Halimbawa: 1) Epiko- mahabang tula tungkol sa kabayanihan at kababalaghang pangyayari. Hal.: Ibalon ng Bikol, Darangan ng mga Moro at Magtas ng mga Bisaya.. 2) Korido- Tulang romansa hinggil sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ng isang tauhang malabayani sa mg tagpong puno ng kababakaghan. May sukat ito na wawaluhing pantig at mabilis ang bigkas. Hal.: Dole Pares de Francia, Historia de Bernardo del Carpio at Ibong Adarna 3) Awit- may lalabindalawahing pantig at mabagal ang paraan ng pagbigkas nito. Hal.: Florante at Laura na isinulat ni Balagtas. Binubuo ng 399 na saknong na may 372 tayutay. 4) Pasyon- itoy pagsasalaysay ng buhay at kamatayan ni Hesukristo. Kinakanta o binabasa ito ng tuloy-tuloy sa apat na araw o gabi na karaniwang apat na oras o higit pa. Hal.: Ang akda ni Gaspar Aquino de Belen (1704),Don Luis Gevan (1750), Mariano Pilapil (1814) at P. Anicete dela Merced (1856) 5) Balada- isang awit na isinasalin sa sayaw at naging tulang kasaysayang nasusukat sa mga taludtod na wawaluhin o aaniming pantig. Angkop dito ang matatandang korido.

You might also like