You are on page 1of 13

PAGSUSURI NG PANITIKAN:

TULA
TALAGTAG, MARK JOSEPH B. BSME 2-4
4

ISANG PUNONG
ni: JOSE CORAZON DE JESUS
KAHOY
ISANG PUNONG KAHOY
Kung tatanawin mo sa malayong pook,

4
ako’y tila isang nakadipang kurus;
sa napakatagal na pagkakaluhod,
parang ang paa ng Diyos.

Organo sa loob ng isang simbahan


ay nananalangin sa kapighatian,
habang ang kandila ng sariling buhay
magdamag na tanod sa aking libingan.

Sa aking paanan ay may isang batis,


maghapo’t magdamag na nagtutumangis;
sa mga sanga ko ay nangakasabit
ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.

Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,


asa mo ri’y agos ng luhang nunukal;
at saka ang buwang tila nagdarasal,
ako’y binabati ng ngiting malamlam.

Ang mga kampana sa tuwing orasyon,


nagpapahiwatig sa akin ng taghoy,
ibon sa sanga ko’y may tabing nang dahon,
batis sa paa ko’y may luha nang daloy.

Ngunit tingnan ninyo ang aking narating,


natuyo, namatay sa sariling aliw.
Naging kurus ako ng pagsuyong laing
at bantay sa hukay sa gitna ng dilim.

Wala na, ang gabi ay lambong na luksa,


panakip sa aking namumutlang mukha!
Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga
ni ibon, ni tao’y hindi na matuwa.

At iyong isiping nang nagdaang araw,


isang kahoy akong malago’t malabay.
Ngayon, ang sanga ko’y kurus sa libingan,
dahon ko’y ginawang korona sa hukay!
TALAMBUHAY NG
4 MAY-AKDA
Si Jose Corazon de Jesus, o mas kilala sa sagisag na Huseng Batute, ay
isang Pilipinong makata, na sumusulat sa wikang Filipino upang ipahayag ang
kanyang pagnanais ng kalayaan mula sa pananakop ng mga Amerikano.
Tinaguriang “Hari ng Balagtasan,” kilala si Huseng Batute sa kaniyang tula na
pinamagatang “Bayan Ko.”

Ipinanganak noong Nobyembre 22,1896, isinilang si De Jesus kasabay


ang panahon ng pananakop ng mga Amerikano. Sa kaniyang kabataan ay
nakapagtapos siya ng pag-aaral para maging mambabatas, ngunit hindi niya
ito ipinagpatuloy sa paga-abugado sapagkat mas pinili niyang maging manunulat sa
isang pahayagang nagngangalang Taliba, dito niya ginamit ang kaniyang sagisag-panulat na
Huseng Batute. Binigyan niya ng lakas ang literatura sapagkat ito’y ginamit niya para sa bayan.
Nagsulat siya ng maraming satirikal na akda at dito ay pinuna niya ang mga nangyayari sa
lipunan at ipinahiwatig ang kaniyang labis na paghahangad  ng kalayaan mula sa mga
Amerikano. Halos 4,000 na tula ang kaniyang naisinulat para sa Taliba at 800 naman para sa
kaniyang kolumn sa diyaryong Ang Lagot na Bagting. Marami siyang ginamit na panagisag
tulad ng Pusong Hapis, Paruparu, Pepito Matimtiman, Mahirap, Dahong Kusa, Paruparong
Luksa, Amado Viterbi, Elias, at Anastacio Salagubang, ngunit sa lahat ng ito, ang pinakasumikat
ay ang Huseng Batute. Ilan sa mga akda niya  ay “Ang Manok Kong Bulik”, “Barong Tagalog”,
“Ang Pagbabalik”, “Ang Pamana”, at “Isang Punongkahoy”, at ang mga tulang tulad ng “Bayan
Ko”
4

TAON KUNG KAILAN ISINULAT


Ang akdang Isang Punong Kahoy ay isa sa mga
pinaka-tanyag na tula na likha ni Huseng Batute.
Ito ay kanyang isinulat noong 1932.
4

PAGKAKALATHALA
Ang tula ay nailathala sa isang website na
nakapangalan kay Jose Corazon De Jesus na
karapatang-ari ng Sentrong Pangkultura ng
Pilipinas
4
ISYUNG PINAGUUSAPAN
Ang tulang Isang Punong Kahoy ay hinango ni Jose Corazon
De Jesus sa sarili niyang karanasan, kung saan nakaranas siya
ng pagdadalamhati, at pagharap ng mga pagsubok sa buhay.

Ang tulang ito ay may teoryang pampanitikan na realismo.


Ang tula ay nakabatay sa makatotohanang pangyayari sa
totoong buhay at pinapakita ang karanasan ng tao at lipunan sa
makatotohanang pamamaraan.
PAGLALAPAT
4 NG MGA
ELEMENTONG PAMPANITIKAN
PERSONA - isang taong naghihinagpis
TONO - paghihinagpis, kalungkutan.

Kung tatanawin mo sa malayong pook,


ako’y tila isang nakadipang kurus;
sa napakatagal na pagkakaluhod,
parang ang paa ng Diyos.

TUGMA - ABCD
Organo sa loob ng isang simbahan 4 Inilarawan ng may akda na ang buhay ng tao
ay may hangganan at di natin mawari kung
kailan darating iyon.
ay nananalangin sa kapighatian,
inilarawan nya din na mga bagay na kung saan
habang ang kandila ng sariling buhay sa kanyang libingan ay may nakatayo na
kandila at inihalintulad nya ito isang tanod na
magdamag na tanod sa aking libingan. nakaabang sa kanyang lamay.

TUGMA - AABA

Sa aking paanan ay may isang batis, Ang huling pangalawang taludto ay naglalarawan
at hinahalintulad ang mga dahon na kung saan ito
maghapo’t magdamag na nagtutumangis; ang kanyang pamilya na nakasabit sa sanga ng
punong kahoy na ang pag-ibig ay syang
nangingibabaw sa pagmamahal sa kanya mula
sa mga sanga ko ay nangakasabit noong nabubuhay pa sya hanggang sa kanyang
huling hantungan.
ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.
TUGMA - AABC
Sa kinislap-kislap ng batis na iyan, 4
asa mo ri’y agos ng luhang nunukal; Dahil dito galak ang kanyang puso na nalaman nya
na may mga tao na totoo sa kanya at mahal na
mahal sya.
at saka ang buwang tila nagdarasal,
ako’y binabati ng ngiting malamlam.
TUGMA - ABBC

Ang mga kampana sa tuwing orasyon, ang kampana ang syang naging hudyat at tumunog
bago ialis ang kabaong papunta sa kanyang huling
nagpapahiwatig sa akin ng taghoy, hantungan. Ang bawat patak ng luha mula sa mga
taong nagmamahal sa kanya at ang mga bulaklak na
hinagis papunta sa kanyang kabaong. At may tao pa
ibon sa sanga ko’y may tabing nang dahon, rin na patuloy na umiiyak at humagulgol sa paanan
ng kanyang kabaong.
batis sa paa ko’y may luha nang daloy.

TUGMA - ABAB
4
Ngunit tingnan ninyo ang aking narating,
ipinaliwananag ng may akda na may kalungkutan
natuyo, namatay sa sariling aliw. dahil mula nang natabunan na sya ng lupa noong
huling hantungan nya ay nag-iisa na lamang sya sa
Naging kurus ako ng pagsuyong laing gitna ng dilim ng gabi. 

at bantay sa hukay sa gitna ng dilim.


TUGMA - ABAC

Wala na, ang gabi ay lambong na luksa, Sa saknong na ito na kung saan ang ang buhay ng
tao ay inihalintulad sa isang kahoy.
panakip sa aking namumutlang mukha! Kapag namatay ang kahoy ito nabubuwal sa
pagkakahiga ng mag-isa katulad na lamang sa
taong namatay na kung saan ay mag-isa na lamang
Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga sa huling hantungan.

ni ibon, ni tao’y hindi na matuwa.


TUGMA - AAAA
4
At iyong isiping nang nagdaang araw,
isang kahoy akong malago’t malabay.
Ngayon, ang sanga ko’y kurus sa libingan,
TALINGHAG
dahon ko’y ginawang korona sa hukay! A
TUGMA - AAAA

Sa saknong na ito pinakita pagbabalik tanaw ng may-akda sa panahong


siya ay kahalintulad ng isang kahoy na malago, panahong kaya niyang
tumayo sa sarili niyang paa at mag bigay inspirasyon sa ibang tao.
Ngunit dumating na ang araw na ang kanyang mga sanga na
nagsisimbolo ng mga pangarap, kalakasan, at pag asa ay naputol at
tuluyan nang nawala.
SUKAT - Ang Isang Punong Kahoy  ay may sukat na tig labing
dalawahin ang bawat4taludtod at may walong saknong.

IMAHE
• Kurus- isang salita na kung saan tumutukoy sa posisyon ng isang tao na nagpapakita sa paglalahad
ng kahandaan kung kailan darating ang huling buhay at nagpapakita rin ito ng pagiging maka
Diyos.
• Batis- isang salita na ginamit sa tula na kung saan ginamitan ng tayutay na ibig sabihin pagdanak ng
luha mula sa mata ng mga nagmamahal.
• Sanga- sumusimbolo ng pagtulong sa iba at katatagan ng persona sa ibang nangangailangan.
• Buwan- tayutay na persona o pagsasatao dahil ginamitan ng mga paglalarawan kagaya ng buhay ng
tao. Ito ay kaugnay sa takip silim o di naman kaya’y patuluyin sa kamatayan.
• Kampana- isa din sa mahalagang simbolo na kung saan ito ang hudyat ng tunog upang simulan ang
pagdadasal sa mga mga mahal sa buhay
• Kandila- isa sa mahalagang instrumento sa tula na kung saan simbolo sa pag-asa at umaalay ng
pighati sa taong namatay.
• Punong-Kahoy- tumutukoy sa buhay ng tao na kung saan ito ay tumubo mula sa pgkabata
hanggang sa paglaki at pagkalipas ng mga panahon na nagdaan ito lumalagas ang mga dahon at ang
sanga nito. Kagaya ng isang tao na tumatanda rin di mawaring kung hanggang kailan tayo
mabubuhay kaya dapat maging handa.

You might also like