You are on page 1of 4

ANG ISANG PUNONGKAHOY

Kung tatanawin mo sa malayong pook,


ako’y tila isang nakadipang kurus,
sa napakatagal na pagkakaluhod,
parang hinahagkan ang paa ng Diyos.

Organong sa loob ng isang simbahan


ay nananalangin sa kapighatian
habang ang kandila ng sariling buhay,
magdamag na tanod sa aking libingan…

Sa aking paanan ay may isang batis,


maghapo’t magdamag na nagtutumangis;
sa mga sanga ko ay nangakasabit
ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.

Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,


asa mo ri’y agos ng luhang nunukal;
at saka ang buwang tila nagdarasal,
ako’y binabati ng ngiting malamlam.

Ang mga kampana sa tuwing orasyon,


nagpapahiwatig sa akin ng taghoy,
ibon sa sanga ko’y may tabing nang dahon,
batis sa paa ko’y may luha nang daloy.

1. Pamagat
Ang tulang ito ay tungkol sa paglalarawan sa isang taong naghihinagpis para
sakaniyang buhay at naisin. Ito’y paghahambing rin sa isang punong kahoy at sa buhay
ng tao.

May Akda
Si Jose Corazon de Jesus ay isinilang sa Sta. Cruz , Manila noong Nobyembre 22,
1896 na anak nina Vicente de Jesus, ang unang direktor ng kagawaran
ng kalusugan ng pamahalaang Amerikano sa Pilipinas, at Susana Cruz ng Pampanga.
Bininyagan siyang Jose Cecilio de Jesus ngunit pinalitan niya ang Cecilio ng Corazon
(puso sa Español) dahil iyon daw ang tumutugma sa kanyang katauhan.Siya ay kilalasa
pinakapopular na sagisag-panulat na Huseng Batute, at itinuturing s’yang
pinakanangungunang makata sa panahon ng kolonyalismong Amerikano.
2. May Akda
Si Jose Corazon de Jesus ay isinilang sa Sta. Cruz , Manila noong Nobyembre22,
1896 na anak nina Vicente de Jesus, ang unang direktor ng kagawaran
ngkalusugan ng pamahalaang Amerikano sa Pilipinas, at Susana Cruz ng
Pampanga.Bininyagan siyang Jose Cecilio de Jesus ngunit pinalitan niya ang Cecilio ng
Corazon(puso sa Español) dahil iyon daw ang tumutugma sa kanyang katauhan.Siya
ay kilalasa pinakapopular na sagisag-panulat na Huseng Batute, at itinuturing
s’yangpinakanangungunang makata sa panahon ng kolonyalismong Amerikano.

3. Anyo ng Panitikan
Ang Ang Isang Punongkahoy ay kabilang sa anyo ng panitikang patula at ito ay tulang
pandamdamin o liriko. Nagpapahayag ang tulang ito ng damdaming pansarili
ng kumatha o kaya ay ng ibang tao. Maaari rin itong likha ng mapangarapin
imahinasyon ng makata batay sa isang karanasan. Karaniwan itong maikli at
madaling maunawaan. Ang makata ay direktang sinasabi sa mambabasa,
ang kanyang sariling damdamin, iniisip, at persepsyon. Kalikasan at buhay
ang pinaghanguan ng paksa ng makata at sa pamamagitan ng mga larawang diwa ay
pinupukaw niya ang ating damdamin. Ang tula ay isang Elehiya na tulang
may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan.
4. Elemento ng Tula
a. Saknong:
Ang tulang Ang Isang Punongkahoy ay mayroong walongsaknong at
ang bawat saknong nito ay binubuo ng apat na taludtod at maytugma.Ang unang
saknong ay naglalarawan sa may akda nanag-iisip. “Kung tatanawin mo sa
malayong pook”. Ito’ynangangahulugang na ang may akda ay
nagsimulangnagguni-guni. Sa kanyang guni-guni ay inilalarawan niya
angkanyang sarili na sumasamba sa Panginoong Diyos.
Sa pangalawang saknong, inilalarawan niya angposibling
mangyayari kung nasa lamay na siya. Sa una a tikalawang taludtud, ay
nangangahulugan na naririnig sakanyang lamayan ang mga musikang
tinutugtug din sasimbahan.
Samantalang, sa ikatlo at ikaapat na taludtud aynaglalarawan sa
kanyang lamay na ang mga kandila ayinihalintulad sa mga tanod na
nag- aabang sa kanyanglamay.Sa ikatlong saknong, ang salitang batis
aynangangahulugang luha. “Sa aking paanan ay may isangbatis”. Dito
ipinapahiwatig na may umiiyak sa kanyangpaanan, malamang
nalulungkot sa kanyang pagkamataykaya doon ay may patuloy na umiiyak at
umaagos ang luha,at sabi pa na hanggang maghapon at magdamag na
walangtigil sa pag-iyak, ang kahulugan.
Sa ikatlo at ikaapat nataludtud ay inilalarawan ng may akda ang
kanyang kabaongna inihahalintulad sa sanga. Sa kanyang kabaong ay
maynakasabit na pangalan ng kanyang pamilya na nagmamahalsa kanya.
Sa ikaapat na saknong ay nangangahulugan na angpag-iyak ng mga
nagmamahal sa kanya ay totoo. Nalamanniya na may tunay o totoong
nagmamahal atnagmamalasakit sa kanya. Kaya nang nalaman niya ito,
aynaging masaya siya at tanggap na niya.
Sa ikalimang saknong ay nangngahulugan na angkampana ng
simbaha ay tumunog bago ialis ang kabaong.Ito’y nagpapatunay na malapit na
syang ihatid sa kanyanghuling hantungan. At ang mga taong nagmamahal sa
kanyaay isa-isang naghahagis ng bulaklak sa kanyang kabaong.At may tao pa
rin na patuloy na umiiyak at humagulgol sapaanan ng kanyang kabaong

b. Sukat
Bagama’t mayroong tugma, wala namang sukat.sa bawat taludtod ang
tulang itosapagkat mayroong taludtod na kinapapalooban ng labindalawang
pantig ngunitmayroon ding naglalaman ng labing isang pantig lamang.
C. Tugma
Mayroong tugma ang bawat taludtod at saknong. May angking
kagalinganang makata sa pagtugma – tugma ng mga salita na napaka sining.
Mahusay siya sapag-iisip upang maiparating niya ang kanyang tula na may
magandang tugma atmagandang basahin ng mga mambabasa
D. ALIW-IW
E. TALINHAGA

5. Teoryang Pampanitikan

Ang tulang ito ay nasa teoryang realismo sapagkat ito ay


naglalayongilarawan ang doktrinang nakabatay sa makatutuhanang pangyayari sa
totoongbuhay at ipinapakita ang karanasan ng tao at lipunan sa
makatotohanang pamamaraan

6. Bisang Pampanitikan

a. Bisa sa Isip

Habang binabasa ko ang tulang ito naisip ko na marami pala


talagang mgapangyayari sa ating buhay na maaari nating
pagsisihan balang araw. Mgapangyayari na hindi na natin kaya pang
ibalik, kaya kailangang gawin natin angtama o mabubuti habang tayo ay
nabubuhay pamamaraan.

B. Bisang Pampanitikan.
Bisa sa IsipHabang binabasa ko ang tulang ito naisip ko na marami pala
talagang mgapangyayari sa ating buhay na maaari nating
pagsisihan balang araw. Mga pangyayari na hindi na natin kaya pang
ibalik, kaya kailangang gawin natin angtama o mabubuti habang tayo ay
nabubuhay.
C. Bisa sa Kaasalan
Tinuruan ako ng tulang ito na mas lalong maging mabuting tao at
lagingtumingin sa tamang landas ng buhay upang sa huli ay hindi pagsisihan
ang mgabagay na gagawin. Habang binabasa ko ang tulang ito ay naisip ko
na, dapat tayo aylaging handa sa kamatayan, dahil kung talagang intinakda
na ang oras na kunin tayoay dapat handa na ang kalooban natin, kaya
dapat lahat ng ating ginagawa aymabubuti dahil kung dumating man
ang oras na kukunin na ng panginoon ay walatayong ng pagsisihan at
panghihinayangan na hindi natin nagawa nnang panahongmalakas pa ang
pangangatawan.
D. Bisa sa Damdamin
Nakaramdam ako ng pagkaawa habang binabasa ko ang tulang ito.
Paranggusto kong damayan ang may akda sa lahat ng pangungulilang
kanyang nararanasanat ipabatid sa kanya na lahat ng tao ay nakararanas
ng pagsisisi at pagdurusa sabuhay. Marami itong aral na ipinahihiwatig na
kumirot sa aking puso na tila ba isangsulo na nagsisilbing gabay para sa
paglalakbay ko sa buhay at para naman mabigyanko ng maliwanag na ilaw
ang aking mga mahal sa buhay.d. Bisa sa LipunanAng tulang ito ay malaki
ang magiging epekto sa lipunan, ito ay makapagbibigay ng aral sa mga
tao, na dapat sa ating mga tao ay maging matatag sa atingbuhay at kailangan
din nating maging mabuting tao o mamayan sapagkat ang atingbuhay ay
maituturing natin na hiram lamang kung kaya’t gumuwa tayo

7. Pangkalahatang Reaksyon

Ang tulang ito ay sumasalamin sa mga pangyayari sa buhay ng tao. Kagayanatin, ang
punong kahoy ay nagdaraan rin sa maraming yugto mula pagkabata unti-unting
umaakyat sa lipunan hanggang sa lumipas, tumanda at makalimutan. Ito ay tumutukoy
sa ating mga pananaw sa buhay na nag-iiba o nagbabago habang tayo aylumalaki.
Inilarawan din rito ang punong nalagasan ng mga dahon na kung ituring na ay punong
walang lilim o wala ng silbi sapagkat kahit ibon ay hindi na nanaisin nadumapo rito. Ang
punongkahoy ay matatagpuan kahit saan, sa tabi ng batis, sa loobng simbahan na
nagsisilbing krus o nakadapa na pinagdadasalan ng maraming taoat sa libingan na
nagsisimbolo ng ating pananampalataya sa ating panginoon magpahanggang
kamatayan.

You might also like