You are on page 1of 27

Layunin

a. Napipili ang mga pangunahin at


pantulong na kaisipang
nakasaad sa binasa;
b. Naihahambing ang sariling
saloobin at damdamin sa
saloobin at damdamin ng
nagsasalita;
c. Nabibigkas nang wasto at may
damdamin ang tula
VISUAL IMAGE
(Imaheng biswal)
Kung
ilalarawan mo
ang iyong
buhay, anong
mga bagay
ang nabubuo
mo sa iyong
isipan?
Paano mo ihahambing
ang iyong buhay rito
sa mundo?
JOSE
CORAZON
de JESUS
Huseng Batute
Nagtapos ng
abogasya
Kinilala bilang
mahusay na makata,
mag-aawit at artista
noong kaniyang
kapanahunan
May kolum sa Taliba
(1920)
Buhay-Maynila
(Huseng Batute)
Pinakamahusay na
mambibigkas sa ating
panulaan.
“Makata ng Pag-ibig”
Ang tulang “Bayan
Ko” na nilapatan ng
tono ni Constancio de
Guzman ay naging
tanyag na awit noong
EDSA Revolution at
ng pamahalaang
Cory Aquino
May walong
daang (800)
tulang naisulat.
“Ang
Punongkahoy”
isang elihiya na
itinuring na
kaniyang obra
maestra
Salita Ko
Tukoy Mo
PAGKAKALUHOD
PAGKAKALUHOD
NAGTUTUMANGIS
TANGIS
PAGKAKASAKIT
PAGKAKASAKIT
PAGSUYO
PAGSUYO
LIBINGAN
LIBINGAN
Isang
Punongkahoy
Kung tatanawin mo sa malayong pook,
Ako’y tila isang nakadipang krus;
Sa napakatagal na pagkakaluhod,
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos.

Organo sa loob ng isang simbahan


Ay nananalangin sa kapighatian
Habang ang kandila ng sariling buhay
Magdamag na tanod sa aking libingan.
Sa aking paanan ay may isang batis,
Maghapo’t magdamag na
nagtutumangis;
Sa mga sanga ko ay nangakasabit,
Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.

Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,


Asa mo ri’y agos ng luhang nunukal;
At saka ang buwang tila nagdarasal,
Ako’y binabati ng ngiting malamlam.
Ang mga kampana sa tuwing orasyon,
Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy;
Ibon sa sanga ko’y may tabing nang
dahon,
Batis sa paa ko’y luha nang daloy.

Ngunit tingnan ninyo ang aking narating,


Natuyo, namatay sa sariling aliw;
Naging krus ng pagsuyong laing,
At bantay sa hukay sa gitna ng dilim.
Wala na, ang gabi ay lambong ng luksa,
Panakip sa aking namumutlang mukha!
Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga,
Ni ibon ni tao’y hindi na matuwa.

At iyong isipin nang nagdaang araw,


Isang kahoy akong malago’t malabay.
Ngayon, ang sanga ko’y krus na libingan
Dahon ko’y ginawang korona sa hukay!
Isang Punongkahoy
Pangunahing Kaisipan
Ang buhay ng tao at gaya ng puno, may
panahon ng pagyabong at panahon ng
pagkatuyo.

Mga pantulong na Kaisipan

Gintong Aral na Natutuhan


Double Entry Journal
Mga saloobin at Ang aking sariling
damdamin ng saloobin at
nagsasalita kung damdamin kung
paano niya ginawang paano ko gagawing
makabuluhan ang makabuluhan ang
kaniyang buhay aking buhay
1. Ano ang sinasagisag ng punongkahoy sa tula?
2. Ano ang kalagayan ng puno noong una? Sa anong
yugto ng buhay maaaring iugnay ang kalagayang
ito?
3. Paano nagbago ang kalagayang ito? Ano ang ibig
ipahiwatig ng taludtod na “kahoy na nabuwal sa
pagkakahiga, ni ibon ni tao’y hindi na matuwa”?
Paano ito maiuugnay sa buhay ng tao?
4. Sa iyong palagay, paano naiugnay sa naging
buhay ng makata ang taludtod na “ngunit tingnan
ninyo ang aking narating, natuyo, namatay sa
sariling aliw”? Ano kaya ang kinahinatnan ng
kaniyang buhay?
5. Sa iyong palagay, may hinanakit kaya ang makata
sa nangyari sa kaniyang buhay? Ipaliwanag.

You might also like