You are on page 1of 15

SIMULAN at

PAGYABUNGI
N NATIN
Ngunit bago ko tawagin ang titindig na
makata,
Ako muna’y magpapayo sa dalawang
manunula;
Hindi baling pag-apuyin ang katuwira’t
talinghaga,
Dapwa’t huwag magbibitiw ng katagang
walang wawa.
Naririyan ang lansanga’t paaralang
nakatayo
Na pag-asa ng esk’welahang di mabilang
nating bunso;
Kaya iyan ay inisip at sinikap na mabuo
Upang itong lahi natin na malala’y
mapaanyo.
EUPEMISTIKONG
PAHAYAG
badyang pampalubagloob ginagamit upang
bawasan ang
rimarim sa
paggamit ng mga malagim na
salitang nagpapagaan sa paksa
realidad (karahasan)
4
5
BALAGTASAN
Isang uri ng patulang pagtatalo tungkol sa isang
paksa
Ang mga makata/mambibigkas ay nagtatagisan ng
mga katuwiran sa matulain at masining na
pamamaraan.
Binubuo ng dalawang panig: Sang-ayon at Hindi
sang-ayon
May Lakandiwa
ANO ANG
IYONG
NATUTUHAN
SA ATING
TALAKAYAN?
Halimbawang nabiyayaan ka
ng dalawang bagay na ito (ang
salapi at dunong), paano mo ito
magagamit upang makatulong
sa mga taong nangangailangan?
Panuto: Magbigay ng hinuha sa kung ano ang ibig sabihin ng
mga taludtod na hinango sa napanood na balagtasan. Isulat
ang tamang sagot sa sagutang papel.

1.Maging iyang minimithing pag-aaral mo, katalo,


Pag wala kang gugugulin ay hindi ka matututo
a. Hindi na makapag-aaral ang mga taong talunan.
b.Mahirap mag-aral kung walang perang panggastos.
c. Wala ng gagastusin pa ang mga taong nag-aaral ng mabuti.
2. Kahit na nga mayroon kang kayamanang limpak-limpak,
Pag wala kang karunungan ay marami ang pipintas.
a. Ang mayayamang mahina ang ulo ay kapintas-pintas.
b. Halos walang kapintasan ang mga taong mayayaman.
c. Mahirap mapintasan ang mga taong mayayaman at
marurunong.
3. Kung mayroong manlilinlang na naggaling sa
katoto,
Palagay ko ay nagbuhat sa Dunong mong naging
tuso!
a. Kung may taong naloloko, ito ay bunga ng mga
mapanlamang at tusong matatalino.
b. Madaling manlinlang ang mga taong mayayaman.
c. Mahilig manlamang o manloko ng kapuwa ang
mga taong marurunong.
4. At kung sila’y (mga bayani ng lahing Filipino) nananatili
sa mahabang kamangmangan,
Baka tayo hanggang ngayon ay wala pang kasarinlan!
a. Kung nananatiling walang kaalaman ang ating mga
bayani ay maaaring sakop pa rin tayo ng mga dayuhan
sa kasalukuyan.
b. Nahirapang makalaya ang mga bayani noon sa kamay
ng mga dayuhan.
c. Sa kabila ng kamangmangan ay nakuha pa ring
makalaya ng mga Filipino sa mga dayuhan.
5. Kahit na nga siksikin mo ng pagkain ang
palibot,
Pag wala kang ibibili’y mabubusog ka sa
lunos;
a. Ang maraming pagkain ay nakawawala ng
pagod at lungkot sa buhay.
b. Mahirap bumili ng pagkain sa masisikip at
mahihirap na pamayanan.
c. Walang halaga ang maraming pagkain kung
walang pambili.
Kasunduan
1. Manood sa youtube o internet ng isang
balagtasan. Pagkatapos ay isulat sa isang
buong papel ang pamagat ng balagtasang
iyong napanood at bigyan mo ito ng sarili
mong pangangatuwiran.
2. Magsaliksik tungkol sa elemento ng
balagtasan.
“Ang BALAGTASAN ay tagisan
ng talino’t katuwiran, at isa ring
daan
sa paghasa ng ating kakayahan
sa pakikipagtalastasan”

You might also like