You are on page 1of 34

PABUWENAS MUNA TAYO

Paruparong ginto, naiipit


sa pinto.

BISAGRA
Nagsabit ng itlog si Kulas,
nagtaka ang tao’t ang laman
ay kidlat.
BUMBILYA
Dagang dinadakma-dakma,
doon din gumagala-gala.

MOUSE
MGA KARANIWANG
KAMALIAN SA WIKANG
FILIPINO
Kasong Din/Rin, Daw/Raw
1.Masaya (rin, din)
2.Ikaw (raw, daw)
3.Tatakbo (raw, daw)
4.Okey (rin, din)
▪ Sang-ayon sa tuntuning pinalaganap
ng Balarila, nagiging “rin” ang “din”
o “raw” ang “daw” kapag
sumusunod sa salitang nagtatapos
sa patinig ( a, e, i, o, at u) o
malapatinig (w at y)
Kasong Din/Rin, Daw/Raw

1.Maaari (rin, din)


2.Araw-araw (raw, daw)
Sinabi rin na kapag nagtatapos sa -
ri, -ra, o -ray ang pantig ng isang
salita, ang din o daw ay hindi
magiging rin o raw.
Kailan “NG” at kailan “NANG”
1. Bumili si Rex (ng, nang) apat na tinapay
para sa anak niya.
2.Kinuha (ng, nang) bombero ang balde sa
kusina.
Limang Tuntunin sa tamang
paggamit ng “NG”
1. Ginagamit kasunod ng mga pang-uring
pamilang
Mga Halimbawa:
- Bumili si Rex ng apat na tinapay para sa anak
niya.
- Naglabas ang nanay ng walong baso ng tubig
para sa mga bata.
Limang Tuntunin sa tamang
paggamit ng “NG”

2. Ginagamit sa mga pangngalan


Mga Halimbawa:
- Pumunta ng paaralan ang guro.
- Kinuha ng bombero ang balde sa kusina.
Limang Tuntunin sa tamang
paggamit ng “NG”

3. Ginagamit upang magsaad ng


PAGMAMAY-ARI
Mga Halimbawa:
- Ang tiwala ng tao ay mahirap makuha
kaya ingatan mo.
- Ang silid-aralan ng mga bata ay binaha.
Limang Tuntunin sa tamang
paggamit ng “NG”

4. Ginagamit kapag ang sinusundang salita ay


pang-uri.
Mga Halimbawa:
- Bumili ng magandang damit ang tatay para
kay nanay.
- Kinuha ng masunuring bata ang basura at
inilagay sa nararapat nitong kalagyan.
Limang Tuntunin sa tamang
paggamit ng “NG”

5. Ginagamit upang maging pananda sa


gumaganap ng pandiwa sa pangungusap.
Mga Halimbawa:
- Binigay ng guro ang mga libro sa mga mag-
aaral niya sa ikaapat na baitang.
- Inalis ng matanda ang nakaharang na bakod
sa daan.
Kailan “NANG” at kailan “NG”
1. Madalas nauubusan ng pera si Gaudencio sapagkat
siya ay bigay (ng, nang) bigay sa ibang tao.
2. Umaga (ng, nang) dumating si Jose sa bahay nila.
3. Hayaan mo (ng, nang) kunin niya ang gamit niya.
4. Umalis ka (ng, nang) maaga upang iyong maabutan
ang tatay mo sa bahay
Tatlong Tuntunin sa tamang
paggamit ng “NANG”

1. Ginagamit sa gitna ng mga pandiwang


inuulit.
Mga Halimbawa:
- Talon nang talon ang bata sa sobrang tuwa.
- Madalas nauubusan ng pera si Gaudencio
sapagkat siya’y bigay nang bigay sa ibang tao.
Tatlong Tuntunin sa tamang
paggamit ng “NANG”

2. Ginagamit pampalit sa “na at ang”, “na at


ng” at “na at na” sa pangungusap.
Mga Halimbawa:
- Umaga nang dumating si Jose sa bahay nila.
- Hayaan mo nang kunin niya ang mga gamit
niya.
Tatlong Tuntunin sa tamang
paggamit ng “NANG”

3. Ginagamit para magsaad ng dahilan o kilos ng


galaw.
Mga Halimbawa:
- Nag-aral nang tahimik ang mag-aaral ni Sir
Christian.
- Umalis ka nang maaga upang maabutan mo
ang tatay mo sa bahay.
NATUTUHAN
laban sa
NATUTUNAN
5 bukod-tanging salita na
may panlaping “nan”
- Kasalanan
- Talunan
- Paanan
- Ulunan
- Tawanan
LARANG
laban sa
LARANGAN
Wastong gamit ng
gitling
Sa inuulit na salita

- Araw-araw
- Ano-ano
- Gabi-gabi
- Iba-iba
- Pali-palito
- Suntok-suntukin
- Balu-baluktot
- Balik-balik
- Wasak-wasak
Sa isahang pantig na tunog

- Tik-tak
- Ding-dong
- Plip-plap
- Tsk-tsk
- Rat-ta-tat
Paghihiwalay ng patinig at katinig

- Pag-asa
- Agam-agam
- Mag-isa
- Pang-ulo
Kapag pangngalang pantangi ang
kasunod

- pa-Mandaluyong
- taga-Naga
- maka-Filipino
Kapag salitang banyaga at nasa
orihinal na baybay ang kasunod
- pa-cute
- ipa-cremate
- maki-computer
Sa pasulat na oras
- upang ihiwalay ang numero at petsang may ika-
- sa pagbilang ng oras, numero man o
binabaybay na ikinakabit sa alas-
Hal.
Ika-8 ng umaga, ika-9 ng Marso, ika-100
anibersaryo
Alas-12 ng tanghali, alas-3 ng hapon
Sa kasunod ng “de”
- de-keso
- de-bola
- de-kahon
- de-bote
Sa kasunod ng “di”

- di-kagandahan
- di-mahipo
Sa Apelyido
Gilda Cordero-Fernando

Pagsaklaw sa panahon
1882-1903
P laban sa F

B laban sa V

E laban sa I

You might also like