You are on page 1of 17

MAGANDANG UMAGA!

GROUP 1:
HERNANDEZ, Jenard
OBISPO, Chlodette
TAMBIGA, Glady Mae
MGA SALITANG KALIMITANG
NAPAGPAPALIT NG GAMIT
1. NANG at NG
GAMIT NG
"NANG":
katumbas ng salitang "when" sa Ingles
hal. Nang pumutok ang bulkan, marami ang nabago.
tagapagpakilala ng pang-abay na pamaraan
hal. Tumakbo siya nang matulin.
tagapagpa kilala ng pang-abay na pamanahon
hal. Umalis siya nang maaga.
tagapagugnay ng pandiwang inuulit
hal. Magsanay nang magsanay upang gumaling. katumbas
ng "so that", "in order to" sa Ingles
hal. Magsaya nang hindi agad tumanda.
pinagsamang pang-abay na NA at pang-angkop na NG
hal. Tapos nang magturo ang guro.
GAMIT NG "NG":
katumbas ng "of" sa Ingles
hal. Maliwanag ang sinag ng araw.
tagapagpakilala ng tagaganap ng pandiwa
hal. Ginamot ng bata ang sugatang aso.
tagapagpakilala ng layon ng pandiwa
hal. Namitas ng bulaklak ang mga hardenero.
pang-ukol na kasingkahulugan ng "sa"
hal. Umuuwi ako ng probinsya tuwing katapusan.
2. MAY at MAYROON
GAMIT NG "MAY":
Gamitin ang may kapag susundan ng sumusunod:
Pangngalan - May aklat sa ilalim ng mesa.
Pandiwa - May kumatok sa pinto kagabi
Pang-uri - May mahalimuyak na amoy
Pang-abay - May tatlong taon na siyang nawawala.
Panghalip:
Panao na paari - Naroon siya sa may kaniyang silid.
Patukoy na mga - May mga araw na makulimlim.
GAMIT NG
"MAYROON":
Gamitin ang mayroon kapag susundan ng mga sumusunod:
Kataga - Mayroon na bang sweldo si Gleemoore?
Panghalip na panao na palagyo - Mayroon ka ba nito?
Panghalip pamatlig - Mayroon iyang binabalak gawin.
Pang-abay na panlunan - Mayroon sa bundok ang ganyan.
Panagot sa katanungan
Hal. "May proyekto ka na ba?' "Mayroon."
Bilang pangngalan na nangangahulugang mayaman.
Hal. Sa kilos pa lang makilala na kung sino ang mayroon.
3. KUNG at KONG

Ginagamit ang KUNG bilang pangatnig na panubali. "if" sa


Ingles
Hal. Kung uuwi ka na ay sabihan mo ako.
Ang KONG ay panghalip na panao sa kaukulang paari.
Hal. Ang pinakamamahal kong aso ay pumanaw na.
4. DAW/ DIN at RAW/ RIN

Ginagamit ang DAW/DIN kapag ang salitang sinusundan ay


nagtatapos sa katinig.
Hal. May labanan daw ng salita ang magasawang
artista.
Ginagamit ang RAW/RIN kapag ang salitang sinusundan ay
nagtatapos sa patinig.
Hal. May enkwentro raw sa Basilan kamakailan.
5. PINTO at PINTUAN
PINTO ang inilalapat sa puwang upang hindi
ito mapagdaanan.
Hal. Gusto ko ang bagong kulay ng
pinto.
PINTUAN ang puwang sa dingding o pader na
pinagdaraanan.
Hal. Huwag kang tumayo diyan sa
pintuan.
6. HAGDAN at HAGDANAN

HAGDAN ang inaakyatan at binababaan.


Hal. Mabilis niyang tinakbo ang mga hagdan.
HAGDANAN ang kinalalagyan ng hagdan.
Hal. Inaalis tuwing gabi ang hagdanan ng
kubo.
7. BITIW at BITAW
Ang salitang BITIW/BITIWAN (pandiwa) ay ang pagkawala o
pagalis sa pagkakahawak ng isang bagay o pangyayari.
Hal. Huwag kang bumitiw para hindi ka mawala.
Ang salitang BITAW (pangngalan) ay nauukol sa pagsasanay ng
sasabunging manok.
Hal. Sa pula ang bitaw ni Mang Gusting kaya siya natalo.
Ang BITAWAN ay tumutukoy naman sa lugar ng pagdarausan ng
salpukan ng manok ng walang tari.
Hal. May nakita akong pulitiko sa bitawan ng manok
8. IKIT at IKOT
Ginagamit ang IKIT para maipakita ang kilos na
paggilid mula sa labas patungo sa loob.
Hal. Nakadaming ikit kami bago nakapasok sa
kuweba.
Ang IKOT naman ay kilos mula sa loob patungo sa
labas.
Hal. Nakailang ikot muna bago kami nakalabas ng
parke.
9.IMIK at KIBO
Ang IMIK ay ginagamit sa pagsasalita o pangungusap.
Hal. Hindi siya nakaimik sa tanong ng ama.
Ang KIBO ay ginagamit sa pagkilos.
Hal. Hindi siya kumikibong nakaupo sa gilid.
Hindi lamang sa tao nagagamit ang KIBO.
Hal. Huwag ninyong kibuin ang mga bulaklak sa
puntod
10. KATA at KITA

Ang KATA ay ikaw at ako


Hal. Kailan kata magkasamang luluwas
ng probinsiya?
Ang KITA ay ikaw
Hal. Pangarap kong makasama kita sa
aking pag-uwi.
11. KINA at KILA

Ang KINA ay maramihan ng kay.


Hal. Pakidala ang mga aklat kina
Vilma at Jenny.

Walang salitang KILA.


12. TAGA at TIGA
TAGA ang dapat gamitin. Walang unlaping TIGA.
Gumagamit ng gitling kapag sinusundan ito ng
pangngalang pantangl.
Hal. Taga-Baguio ang bisita ng aming kapit-bahay.
Ako ang tagalaba tuwing Sabado at Linggo.
Naiiba ang unlaping tig- na ginagamit kasama ng mga
pambilang: tig-isa, tigalawa, tigatlo tig-apat, atbp.
MARAMING
SALAMAT SA
PAKIKINIG!

You might also like