You are on page 1of 18

Tula

Ano ang Tula?

• Isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong


maipahayag ang damdamin sa malayang pagsusulat.
• Binubuo ang tula ng saknong at taludtod.
Layunin ng Tula
Ito ay ang pagpukaw ng isang makata sa damdamin ng bumabasa o nakikinig
nito upang makilala ang kahulugan ng buhay na tinatanglawan ng kabutihan at
kagandahang ipinamalas sa pamamagitan ng tula ang matulaing katotohanan
(POETIC TRUTH) na nagsasaad na “kung ano ang maaaring mangyari”
hindi ang “kung ano ang nangyari”.
Mga Elemento ng Tula

1. Sukat
2. Saknong
3. Tugma
4. Kariktan
5. Talinhaga
Anyo ng Tula

1. Malayang Taludturan
2. Tradisyonal na Tula
3. May sukat na walang tugma
4. Walang sukat na may tugma
Ang Punongkahoy
Kung tatanawin mo sa malayong pook,
Ako'y tila isang nakadipang krus;
Sa napakatagal na pagkakaluhod,
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos
Ang Punongkahoy
Organong sa loob ng isang simbahan
Ay nananalangin sa kapighatian,
Habang ang kandila ng sariling buhay,
Magdamag na tanod sa aking libingan...
Ang Punongkahoy
Sa aking paanan ay may isang batis,
Maghapo't magdamag na nagtutumangis;
Sa mga sanga ko ay nangakasabit
Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig
Ang Punongkahoy
Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,
asa mo ri'y agos ng luhang nunukal;
at tsaka buwang tila nagdarasal.
Ako’y binabati ng ngiting malamlam.
Ang Punongkahoy
Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy;
Ibon sa sanga ko'y may tabing ng dahon,
Batis sa paa ko'y may luha nang daloy.
Ang Punongkahoy
Ngunit tingnan niyo ang aking narating,
Natuyo, namatay sa sariling aliw;
Naging krus ako ng magsuyong laing
At bantay sa hukay sa gitna ng dilim
Ang Punongkahoy
Wala na, ang gabi ay lambong na luksa,
Panakip sa aking namumutlang mukha;
kahoy na nabuwal sa pagkakahiga,
Ni ibon ni tao'y hindi na matuwa!
Ang Punongkahoy
At iyong isipin nang nagdaang araw,
isang kahoy akong malago't malabay;
ngayon ang sanga ko'y krus sa libingan,
dahon ko'y ginawang korona sa hukay.
GAWAIN
Ang Punongkahoy

Sagutin ang Isaisip


Sagutin ang Isagawa

Ang Guryon
Sagutin ang Karagdagang Gawain

You might also like