You are on page 1of 16

Isang Punongkahoy

ni: Jose Corazon de Jesus


Jose Corazon de Jesus
-Huseng Batute
-kilala bilang mahusay na makata,
mang-aawit at artista
-Hari ng Balagtasan
-Makata ng Pag-ibig
Pagpapalawak ng talasalitaan:
Orasyon- oras ng panalangin
Malalago- malalabay
Lambong- takip
Tanod- bantay
Taghoy- daing
I.
Kung tatanawin mo sa
malayong pook,
Ako'y tila isang
nakadipang krus;
Sa napakatagal na
pagkakaluhod,
Parang hinahagkan ang
paa ng Diyos.
II.
Organong sa loob ng isang
simbahan
Ay nananalangin sa
kapighatian,
Habang ang kandila ng
sariling buhay,
Magdamag na tanod sa
aking libingan...
III.
Sa aking paanan ay may
isang batis,
Maghapo't magdamag na
nagtutumangis;
Sa mga sanga ko ay
nangakasabit
Ang pugad ng mga ibon ng
pag-ibig.
IV.
Sa kinislap-kislap ng batis na
iyan,
Asa mo ri'y agos ng luhang
nunukal;
At tsaka buwang tila
nagdarasal,
Ako'y binabati ng ngiting
malamlam!
V.
Ang mga kampana sa
tuwing orasyon,
Nagpapahiwatig sa akin ng
taghoy;
Ibon sa sanga ko'y may
tabing ng dahon,
Batis sa paa ko'y may luha
nang daloy.
VI.
Ngunit tingnan niyo ang
aking narating,
Natuyo, namatay sa sariling
aliw;
Naging krus ako ng
magsuyong laing
At bantay sa hukay sa gitna
ng dilim.
VII.
Wala na, ang gabi ay
lambong na luksa,
Panakip sa aking
namumutlang mukha;
Kahoy na nabuwal sa
pagkakahiga,
Ni ibon ni tao'y hindi na
matuwa!
VIII.
At iyong isipin nang
nagdaang araw,
Isang kahoy akong malago't
malabay;
Ngayon ang sanga ko'y krus
sa libingan,
Dahon ko'y ginawang korona
sa hukay.
Mga Katanungan:
1. Ano ang sinasagisag o sinisimbolo
ng punongkahoy sa tula?
2. Ano-ano kaya ang mga
pangyayaring nagaganap sa buhay ng
may-akda ayon sa tula?
3. Ano ang nais iparating ng may-
akda sa kanyang mga mambabasa?
Mga Katanungan:
4. Bakit mahalagang magkaroon ng
makabuluhang buhay o ang tinatawag
na purpose driven life?

5. Bilang kabataan, paano mo


gagawing makabuluhan ang iyong
buhay?
Pangkatang Gawain: (group C)

Bawat pangkat ay bubuo


ng isang maikling presentasyon
tungkol sa mga aral na nais
iparating ng tulang nabasa.
Pagkatapos ng sampung minutong
paghahanda ay itatanghal ito sa
harap ng klase.
Criteria:
Pagkamalikhain - 5 puntos
Kaugnayan sa Paksa - 10 puntos
Kooperasyon - 5 puntos
_______________________________
Kabuuan - 20 puntos
Takdang-aralin:

Kopyahin at sagutin ang pahina 154-


155 (B and C) sa inyong activity
notebook.

You might also like