You are on page 1of 3

FIL 116 Pagsulat ng Pangulong-tudling (Editorial)

 Isang mapanuring pagpapakahulugan ng kahalagahan ng isang napapanahong pangyayari


upang magbigay-kaalaman, makapagpaniwala, o makalibang sa mga mambabasa
 Isang pitak kung saan ang kuru-kuro, opinyon, at paninindigan ng manunudling ay inilalabas.
 Ito ay tinatawag ding tinig ng pahayagan.

Mga Layunin

1. Magpabatid

2. Magpakahulugan

3. Magbigay-puna

4. Magbigay-puri

5. Magpahalaga sa tanging araw

6. Manlibang

Mga Uri ng Editoryal

1. Nagpapakahulugan. Ipinaliliwanag nito ang kahalagahan o kahulugan ng isang mahalagang


pangyayari.

2. Nagpapabatid. Ito’y nagbibigay kaalaman o linaw sa ilang pangyayaring hindi gaanong


maunawaan.

3. Namumuna at nagpapabago. Pumupuna ito sa isang kalagayan ng isang tao, o ng isang paraan
ng pag-iisip sa layuning makakuha ng mga kapanig sa paniniwala at kung mangyayari’y
makapagbunsod ng pagbabago.

4. Nagpaparangal at nagbibigay-puri. Nagbibigay ito ng papuri sa isang taong may kahanga-


hangang nagawa, nagpapahayag ng pagpapahalaga sa isang katangi-tanging Gawain, o
nagpaparangal sa isang taong namayapa na may nagawang pambihirang kabutihan.

5. Nagpapahalaga sa natatanging araw. Ipinaliliwanag nito ang kahalagahan ng mga tanging araw
o okasyon.

6. Nanlilibang. Hindi ito karaniwang sinusulat. Ang paraang ginagamit dito ay di-pormal, masaya,
kung minsan ay sentimental, at karaniwang maikli lamang.

KAHALAGAHAN NG EDITORYAL

1. Ito'y naglalaman ng isang masusing pagbibigay ng kuru-kuro o pala-palagay sa mahahalaga at


napapanahong isyu.

2. Naglalayon itong magpabatid, magbigay ng kahulugan, at makalibang. Ang sumulat ay nagbibigay


ng kuru-kuro alinsunod sa patakarang pinaiiral ng patnugutan.

3. Kailanman, ang editoryal ay hindi namumuna o nanunuligsa upang makasira kundi upang
magkaroon ng pagbabago.

4. Impormasyon at kaalaman

5. kumilos ang kinauukulan

6. Pagmumulat ng mata
MABISANG TAGASULAT

1. Sapat na Kaalaman sa Wika

2. Malawak na Kaalaman sa Paksa

3. Magaling maghanay ng kaisipan

4. Gumamit ng salitang nakakaakit

PAGSULAT NG EDITORYAL

1. Pag-aralan pano sisimulan. Kailangang may hatak.

2. Ipakilala na agad ang paksang susulatin.

3. Pasukan ng paglalahad at pagpapaliwanag.

4. Huwag maging maligoy.

5. Pangatlong panauhan

6. Gumamit ng datos

7. Pamagat

8. Pangangatwiran sa Opinyon

BAHAGI NG EDITORYAL

PANIMULA bumabanggit sa isyung tatalakayin. Karaniwang napapanahon o kalagayan sa lipunan.

KATAWAN nagpapahayag ng opinyon o kuru-kuro ng pahayagan sa pamamagitan ng


pagpapaliwanag o paglalahad ng isyu sa paraang madaling unawain at malinaw para sa mga
mambabasa. Dito nagbibigay ng tala, ng pagpanig o pagsalungat sa isyu o pagbibigay-halimbawa
ang sumulat.

WAKAS nagpapahayag ng kaisipang nais ikintal. Maaari itong maglagom o magbigay diin sa
kaisipang tinatalakay. Dito ipinahahayag ang panghihikayat at pagpapakilos sa mambabasa tungo sa
pagbabago.

Sa paanong paraan mo maipahahayag ang iyong opinyon o pananaw?

1. Pasalita

2. Pasulat

3. Karikatura

Paano maaaring simulan ang isang editoryal?

1. pagkuha ng impormasyon sa isang nabasa o narinig na balita

2. anekdota

3. kasabihan

4. isang tanong

5. awtobiyografiya
Maaaring maghanap at kumuha ng impormasyon mula sa:

1. Pagbabasa ng diyaryo at pakikinig ng balita

2. Pagsangguni sa mga aklat

3. Paghahanap sa internet at website

4. Mag-interview

Anong mga isyu ang maaring pag-usapan para maipahayag ang iyong opinyon o pananaw?

1. Panlipunan

2. Ekonomikal

3. Pulitikal

4. Katahimikan at kaayusan

Ano ba ang sensura?

Paghihigpit o restriksyon para makontrol ang paglalathala o pagsasalita ng mga bagay na inaakalang
makasisira sa pamahalaan.

Nasa ibaba ang kasong maaaring isampa laban sa iyo:

1. Slander - Pagpapahayag na pasalita na nakasira sa reputasyon o karangalan ng isang tao.


(Paninirang puri.)

2. Oral defamation - Maling akusasyon o malisyosong pahayag na pasalita na nakasira ng


reputasyon o karangalan ng isang tao o entidad

3. Libel - Mali o malisyosong paglilimbag ng isang kasinungalingan sa paraang pasulat kagaya ng


isang publikasyon, o larawan na nakasira sa reputasyon o karangalan ng isang tao o entidad.

4. Perjury - Hantarang o sadyang pagbibigay ng isang mali o kulang na pahayag o testimonya


habang nanunumpa sa harap ng hukuman.”The breach of an oath or promise.”

You might also like