You are on page 1of 4

Kolehiyo ng Chiang Kai Shek

Senior High School — English Instruction


PAGBASA AT PAGSURI TUNGO SA PANANALIKSIK
Sanaysay
S.Y. 2022-2023

I. Talasalitaan (Jermaine)
1. Pag-iral. pamumuno
2. Korto. salawal na umaabot hanggang tuhod o lagpas
3. Kampon. alagad
4. Pinapatawan. magpataw; maglagay ng pasanin, buwis o parusa
5. Blusil. imported na sigarilyo
6. Apyan. isang uri ng halaman; apyan (gamot); isang uri ng bawal na gamot
7. Umuukupa. nagmamay-ari; occupy
8. Bista- hearing in court; case in a law court
9. Pilak. isang kulay tono na kahawig ng kulay-abo na ay isang representasyon ng kulay ng
pinakintab na pilak.
10. Hatol. desisyon; sentence; paghatol

II. Paghahambing (terminology) (Telly)


1. Patay Electricity Company -(Meralco)
Ang Meralco ay ang pinakalamaking kumapanya na karamihan naghahawak at
mangasiwa ng kuryente sa Manila.
2. Miliminas - (Pilipinas) Isang pangkat ng kapuluan na matatagpuan sa kalagitnaan ng
dagat Pasipiko bago pa man magkaroon ng isang malawakang pagbaha ng tubig. At
halatang nakabasay ito sa bansang Pilipinas.
3. Milimino - (Pilipino) Ang Milimino ay ang mga tao nakatira sa Miliminas (Philippines)
at ang mga Milimino ay nakabatay sa mga tauhan ng Pilipinas.
4. Mikinaryo - (Milyonaryo) Ang Mik ay pera nila at ang mikinaryo ay mga tao na
Milyonaryo sa bansang Miliminas.
5. Madilim na transaksyon- (Shady Transaction) Ang literal na kahulugan na Shady
Transaction ay transaksyon na isinasagawa sa madilim na lugar o sa ilalim ng lamesa o
puno. Ang kahulugan Ng Shady Transaction ay mga transaksyon na posibleng imoral at
labag sa batas.
6. Mik - (Peso) Ang pera na ginagamit ng mga Milimino ay ang Mik at ito ay nakabasay sa
Pesos natin.
7. Bagong Milimino (Bagong Henerasyon ng mga Pilipino) Ang Milimino ay (Pilipino) at
ang kahulugan nito ay ang mga bagong henerasyon ng Pilipinas.
8. Nawasdak - (Maynilad) Ang kumpanya ng supplayda Ng tubig sa Miliminas ay ang
nawasdak at ito ay nakabatay sa kumpanyang Maynila ito ang majoridad ng suplay Ng
tubig sa Manila.
9. Very Important Prisoner - (VIP) Ang kahulugan ng VIP sa alam natin ay Very
Important Person ngunit ang kahulugan nila ay Very Important Prisoner.
10. Dungis sa lipunan - (Disgrace to Society) Mga matalino at malawak na isip ay mga
dungis sa lipunan. Ang kanilang prinsipyo ay humingi ng isang klase ng pag-uugnayan
ng mga namamahala at pinamamahalaan. Ang simpatya ng mahihirap ay nakuha nila. Ito
ay kabaliktad napagisip sa mga tao na " gifted " o innovative sa lipunan ay mga grace ng
society natin. Kung hindi sila magbuhay ang mundo natin mga bagay at gamit natin ay
hindi magyayari nayon.

III. Batas at Serbisyo (Vince, Shekaina)


1. Public Diservice Commision- Makikita sa commision na ito ang hindi pantay pantay na
pagtrato sa mga pampublikong serbisyo ng Miliminas.
2. Not Overspeeding- Ito ay ordinansang nagpaparusa sa mga mabagal na pagmamaneho.
3. Nawasdak- Ito ay serbisyo ng tubig. Ito ay may tatlong ahensya: nilalabasan ito ng
malinis na tubig, nilalabasan ng maruming tubig, at walang lumalabas na tubig kundi
hangin lamang.
4. Pagkaawa sa mga mahirap- Isa na rin sa malaking kasalanan ang pagbibigay awa sa
mga mahihirap.
5. Super Blackmarket- Ito ay ang pinakamalaking tindahan na pinintura ng itim.
Nagbebenta ito ng mga bagay na ilegal tulad ng mga pekeng produkto, at mga ilegal na
armas.
6. Illegal Possession of Genuine Firearms- Inaaresto ang mga taong may lisensyadong
baril
7. Shady Transactions- Ito ay nagaganap sa ilalim ng mga puno para sa mga ordinaryong
tao. Ang mga transaksyon ng mga opisyal ng pamahalaan ay nagaganap sa ilalim ng mga
matataas na mesa para hindi sila mauntog.
8. Legal ang Pagpatay- ito ay isang malaking kasalanan pag ikaw ay hindi pumatay.
9. Anti-Genuine Act- Upang matiyak na mapagkakatiwalaan ang mataas na opisyal ng
bansa, ang “Anti-Genuine Commission” ay itinatag upang hulihin ang mga taong
nagtatanggap ng “genuine” na gamit.
10. Pagtataksil sa asawa- Isa sa mga pinakamalaking kasalanang magagawa ng mga tao sa
Miliminas ay ang pagtataksil sa kanilang mga asawa.
11. Pag-angkin sa yaman ng iba- Isa pa sa mga malalaking kasalanan na magagawa ng mga
tao sa Miliminas ay ang hindi pag-angkin sa yaman ng iba o sa madaling salita
“pagnanakaw”
12. Ibinibilanggo ang mga walang sala- Sa bansang Miliminas, makikita na hindi
masasamang tao ang mga nakakulong. Ibinibilanggo ang mga walang sala para ihiwalay
ang mga mabubuti sa masasama
13. Komisyon ng Kalokohan- Lahat ng kandidato ay dapat magsinungaling at hindi
tumupad sa kanilang mga pangako
14. Patay Electric Company- Ito ay isang kumpanyang nagbibigay ng tatlong uri ng
serbisyo: Ang “Light Service” ay nagbibigay ng ilaw, ang “Brownout service” ay
nagbibigay ng ilaw sa maling oras, at ang “Blackout service” ay pandekorasyon.
15. Equality before the kilo- Ang presyo sa pagsakay ng public transportation ay nakabatay
sa timbang ng pasehero.
16. “Ang mga opisyal sa bansa na tumaba habang sila ay nasa serbisyo ay pinapatawan
ng sala o akusasyon sa kanilang mga resolution, genuine na mga batas, at iba pa.”
(Pamonag)
17. Kickback - Ang mga Buwaya ng bansa ay sinisipa sa likod para sa bawat pagtanggap
ng suhol sa kanyang mga transaksyon.
18. Circus of Miliminas - May dalawang klaseng batas sa Miliminas, isa para sa mga
mahihirap at isa para sa mga mayayaman.
19. Alagad ng Katiwalian- Ang nagpapatupad ng batas sa pagbawal ng pagbenta ng
genuine na bagay sa Super blackmarket.

IV. Batas ng Lipunan (Karylle, Ade 15+)


1. Public Service Commision (C.A. no. 89) Ang komisyon ay mayroong hurisdiksyon,
pangangasiwa, at kontrol sa lahat ng public service ng bansa
2. Speed Limits (RA 4136 Section 35). Ang speed limit ng mga kotse and motorsiklo ay
hindi hihigit sa 80kph. Ang mga trak at bus ay may speed limit na 50 kph.
3. National Waterworks and Sewerage System Authority (NAWASA) Ahensya ng
gobyerno na namamahala sa pagsasapribado ng tubig sa Metro Manila sa Pilipinas
4. Care Philippines - Isang ahensya na nagbibigay ng emergency relief sa mga
nangangailangan.
5. Blackmarket. Patago na pamilihan ng mga ilegal na bagay, shadow economy at
underground economy ang katumbas nito.
6. Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act (RA 10591 Section 28)
pagbabawal sa ilegal na pagmamay ari o pagkakaroon ng mga bala
7. Anti-Money Laundering (RA 9160) Maiwasan ang money laundering, fraudulent
practices, pagnanakaw, extortion, swindling, plunder at iba pa
8. Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide, and
Other Crimes Against Humanity (RA 9851) Paghuli at pagpaparusa sa mga taong
responsable sa mga pagpatay.
9. The Anti-Graft and Corrupt Practices Act (RA 3019) Batas na nagpaparusa sa mga
kurap na gawain at pagbabawal sa mga pampublikong opisyal na tumanggap ng anumang
regalo sa kahit anong dahilan.
10. Marital Infidelity (RPC Articles 333 and 334) Batas patungkol sa salang pagtataksil sa
asawa at ang nararapat na kaparusahan nito.
11. Theft (Article 308 and 309 RPC) Batas na nagsasaad tungkol sa pag-akin ng yaman o
ari-arian ng ibang tao at kung ano ang kaparusahan para sa paglabag na ito.
12. Imprisonment. Pagpapakulong sa mga taong napatunayang gumawa ng krimen upang
mailayo sa mga inosenteng tao.
13. Fair Election Act (RA 9006) Pagkakaroon ng patas at malinis na eleksyon.
14. Meralco. Kumpanya na namamahala at nabibigay ng electric services.
15. Fare Matrix. Nagpapakita ng nararapat na pamasahe sa isang pampublikong
transportasyon na nakabase sa layo ng biyahe ang presyo.

V. Sanggunian
● https://www.wattpad.com/421636384-mga-panitikang-filipino-miliminas-taong-0069-
%0D
● https://www.topgear.com.ph/features/feature-articles/speed-limits-different-road-types-
a4354-20220920
● https://lawphil.net/statutes/repacts/ra1997/ra_8293_1997.html
● https://lawphil.net/statutes/repacts/ra2013/ra_10591_2013.html
● https://www.gppb.gov.ph/laws/laws/RA_3019.pdf
● https://issuances-library.senate.gov.ph/subject/national-waterworks-and-sewerage-
authority-nawasa
● https://www.bsp.gov.ph/Regulations/Banking%20Laws/RA9194_IRR.pdf
● https://care-philippines.org/#:~:text=CARE%20has%20been%20providing
%20emergency,in%20the%20Philippines%20since%201949.&text=In%20the
%20Philippines%2C%20CARE%20incorporates,humanitarian%20response%20and
%20development%20work.&text=CARE%20provides%20health%20and%20hygiene
%20support%20to%20communities%20affected%20by%20crisis.

You might also like