You are on page 1of 13

TULA:

 Ang tula o panulaan ay isang masining na


anyo ng panitikan na naglalayong maipahayag
ang damdamin ng makata o manunulat nito.
Kilala ito sa malayang paggamit ng wika sa
iba’t ibang anyo at estilo. Nagpapahayag ito
ng damdamin at magagandang kaisipan gamit
ang maririkit na salita.
Anyo ng Tula:
1. Malayang taludturan – walang sinusunod na sukat, tugma,
o anyo. Ito ay karaniwang ayon sa nais ng manunulat.
2. Tradisyonal – may sukat, tugma, at mga matalinhagang
salita. Ang ilan sa mga halimbawa ng tulang nasa anyong
tradisyonal ay ang mga tulang isinulat ni Dr. Jose Rizal, isa
na dito ang “Isang Alaala ng Aking Bayan “.
Anyo ng Tula:
3. May sukat na walang tugma – mga tulang may tiyak na
bilang ang pantig ngunit ang huling pantig ay hindi
magkakasingtunog o hindi magkakatugma.
4. Walang sukat na may tugma – mga tulang walang tiyak
na bilang ang pantig sa bawat taludtod ngunit ang huling
pantig ay magkakasintunog o magkakatugma.
Mga Ekemento ng Tula:

a)Sukat - Ito ang bilang ng pantig ng tula sa bawat taludtod na


karaniwang may sukat na waluhan, labing-dalawahan, at labing-
animan na pantig.
b) Tugma- Ito ay ang pagkakasingtunog ng mga salita sa huling
pantig ng bawat taludtod ng tula. Sinasabing may tugma ang tula
kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay
magkakasintunog. Nakagaganda ito ng pagbigkas ng tula. Ito rin
ang sinasabing nagbibigay sa tula ng angkin nitong himig o
indayog.
Mga Ekemento ng Tula:

c)Saknong- Ito ay tumutukoy sa grupo ng mga


taludtod ng tula. Ito ay maaring magsimula sa
dalawa o higit pang taludtod.

d)Talinhaga- Kinakailangan dito ang paggamit ng


mga tayutay o matatalinhagang mga pahayag upang
pukawin ang damdamin ng mga mambabasa.
Bukas ko Isa-isang Itatapon
ni: Avon Adarna
Ang dumi kong kalooban,
Bukas ko isa-isang itatapon Ilalaglag ko sa daan,
Ang mga multo ng kahapon, Pagbalik ko sa hangganan,
Isasapi ko sa mga alon, Iba na akong nilalang!
Ang luha kong bumabalong.
At sa puti ng alapaap,
Harinawang magtagumpay Harinawang tumalab,
Sa pag-iiba nitong lakbay,
At makita ang kislap,
Kasihan sana ang saysay,
Nitong Poong maliyag!
Nang mawala itong lumbay!
Output # 3
Panuto:
Sumulat ng isang malayang taludturang tula tungkol sa mga
kaugalian/tradisyon at kulturang Pinoy.Gumamit ng mga
simbolismo/pahiwatig at mga salitang may denotatibo at
konotatibong kahulugan. Gawing batayan ang pamantayang
naibigay sa pagbuo nito.
Output # 3
Mitolohiya:
ay kuwento tungkol sa mga diyos at diyosa, samantalang ang
kuwentong-bayan ay pasalin-dila na tungkol sa kultura, pamumuhay, at
karanasan ng isang lugar, at ang alamat ay kuwento tungkol sa
pinagmulan ng mga bagay-bagay.
Ang mga ito ay nagtataglay ng mga elemento:
A. Tauhan- Ito ang mga nagsiganap sa kwento
B. Tagpuan- Lugar saan naganap ang mga pangyayari.
C. Banghay: Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari mula simula, gitna
wakas.
Ang Hukuman ni Mariang Sinukuan
Mito Mula sa Pampanga

Noong unang panahon, nakatira si Sinukuan, ang hukom ng mga hayop sa isa sa mga kuweba sa
Bundok Arayat. Nakatira siya dati sa isang lugar malapit sa bayan. Subalit dahil sa sobra ang
tapang at lakas niya, nagsimula siyang kainggitan ng mga tao hanggang sa siya ay layuan.

Dumating ang panahon na marami nang naging pagtatangka sa buhay niya. Bunga nito,
isinuko niya ang lahat ng ari-arian at mga kaibigan niya sa bayan at nagpunta siya sa Bundok
Arayat. Dito niya inilaan ang lahat ng kaniyang oras upang kaibiganin ang mga hayop. Hindi na
mahirap para kay Sinukuan na makuha ang pagmamamahal ng mga hayop. May kapangyarihan
siyang baguhin ang anyo niya sa kung ano man ang naisin niya. At palagi niyang ginagaya ang
anyo ng hayop na nagpupunta sa kaniya. Hindi nagtagal, nalaman ng lahat ng mga hayop ang
kapangyarihan, katalinuhan, at pagiging makatarungan ng kanilang mabait na kaibigan kaya siya
ang ginawa nilang hukom.
Isang araw, sa hukuman ni Sinukuan, dumating ang isang ibon. Hiniling niya kay
Sinukuan na parusahan ang palaka sapagkat napakaingay nito sa gabi kung kailan gusto na
niyang matulog. Ipinatawag niya ang mapanggulong palaka at tinanong kung ano ang
dahilan ng kaniyang masamang asal. Mapagkumbaba na sumagot ang palaka, “Umiiyak lang
ako para humingi ng tulong dahil natatakot ako sa pagong na may dala-dalang bahay sa
kaniyang likod. Baka ako malibing sa ilalim nito.” “Sapat na ’yang dahilan,” sabi ni
Sinukuan. “Malaya ka na.” Sumunod na ipinatawag ang pagong sa hukuman ni Sinukuan.
Pagdating niya, mapagkumbaba niyang sinagot ang tanong ng hukom. “Kagalang-galang na
hukom, dala-dala ko ang aking bahay sapagkat natatakot ako sa alitaptap. Naglalaro siya ng
apoy at natatakot ako na baka masunog niya ang bahay ko. Hindi ba tama na protektahan
ninuman ang bahay niya laban sa sunog?” “Napakagandang katwiran. Malaya ka na,” sabi ni
Sinukuan. Sa parehong paraan, kinabukasan ay dinala sa hukuman ang alitaptap. Nang
tanungin siya ng hukom kung bakit siya naglalaro ng apoy, mahina niyang sinabi, “Sapagkat
wala akong ibang paraan para protektahan ang sarili ko laban sa matalim at matulis na
punyal ng lamok.” Tila ito ay makatwirang sagot kaya napalaya rin ang alitaptap.
Sa bandang huli, nilitis ang lamok. Sapagkat hindi siya
nakapagbigay ng magandang paliwanag sa pagdadala niya ng
punyal, hinatulan siya ni Sinukuan na mabilanggo sa loob ng
tatlong araw. Napilit niya na sumunod ang lamok. At sa
panahon ng kaniyang pagkakakulong, naglaho ang boses niya.
Simula noon, ang lalaking lamok ay nawalan ng boses. Takot
na rin siyang dalhin ang punyal niya dahil natatakot siya sa
higit na mabigat na parusa.
Output # 2

Panuto: Sumulat ng sariling kwentong


mitolohiya gamitin ang mga salitang
hudyat sa panimula, Gitna at wakas.

You might also like