You are on page 1of 4

GONZALES, JOMARC CEDRICK T.

BSED-Filipino III
LIT. 106

SATURDAY

“Nakagawa na ba kayo ng sariling likhang Tula? Paano nga ba nakakabuo ng


isang masining na tula?”
Ako ay nakalikha na ng maraming tula. Ito ay ang pagsasama ng mga
piling salita na may tugma, sukat, talinghaga, at kaisipan. nadaramang mga
kaisipan, nakikita ng mga mata, nauunawaan ng isip, at tumutuloy sa damdamin

“Bilang Mag- aaral sa kursong Edukasyon na Major sa Filipino. Ano ang


pakahulugan ninyo sa salitang Panulaan o Tula?”
Ang tula o panulaan ay isang uri ng sining at kabilang sa panitikang
Pilipino na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba’t-ibang anyo at estilo.
Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng  tayutay. Ang mga likhang
panulaan ay tinatawag na tula.

Babasahin ng mga mag- aaral ang mga paksa na nasa handouts na kasama ng
modyul.

1. Kahulugan ng Panulaan o Tula.


Ang panulaan o tula ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa
malayang paggamit ng wika sa iba't ibang anyo at estilo. Pinagyayaman ito sa
pamamagitan ng paggamit ng tayutay. Ang mga likhang panulaan ay tinatawag
na tula. Madaling makilala ang isang tula sapagkat karaniwan itong may batayan
o pattern sa pagbigkas ng mga huling salita. Binubuo ang tula ng saknong at
taludtod. Karaniwan itong wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-animin, at
lalabing-waluhing pantig. Matalinghaga at ginagamitan din ng tayutay. May
tugma at sukat. Kung minsan ay maiksi o kaya naman ay mahaba.
2. Mga Uri ng Tula at Kahulugan nito.

a. Maikling Tula- Ito ay ang Haiku at Tanka.


b. Tulang Liriko o Pandamdamin- Ang itinuturing pinakamatandang uri ng
tulang isinusulat ng mga makata sa buong daigdig.
c. Tulang Pasalaysay- Ito ay naglalahad ng mga tagpo o pangyayari sa
pamamagitanng mga taludtod.
d. Tulang Dula- Ito ay mga tulang isinasadula sa mga entablado o iba pang
tanghalan.
e. Tulang Patnigan (Justice Poetry)- Ito ay tulang sagutan na itinatanghal
ng mga magkakatunggaling makata ngunit hindi sa paraang padula. Ito ay
paligsahan ng mga katwiran at tagisan ng mga talino at tulain.
3. Mga Elemento ng Tula at kahulugan nito.
a. Saknong - isang grupo ng mga salita sa loob ng isang tula na may
dalawa o higit pang taludtod.
b. Sukat - bilang ng pantig ng tula.
c. Tugma - pinag-isang tunog sa hulihan ng mga taludtod.
d. Talinghaga - tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at
tayutay.

Sagutin ang mga tanong na ito pagkatapos basahin ang mga handouts.

1. Ano ang kahulugan ng Panulaan o Tula?


Ang tula o panulaan ay isang uri ng sining at kabilang sa panitikang
Pilipino na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba’t-ibang anyo at estilo.
Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng  tayutay. Ang mga likhang
panulaan ay tinatawag na tula.
2. Ano-ano ang mga uri ng tula at mga kahulugan nito?

a. Maikling Tula- Ito ay ang Haiku at Tanka.


b. Tulang Liriko o Pandamdamin- Ang itinuturing pinakamatandang uri ng
tulang isinusulat ng mga makata sa buong daigdig.
c. Tulang Pasalaysay- Ito ay naglalahad ng mga tagpo o pangyayari sa
pamamagitanng mga taludtod.
d. Tulang Dula- Ito ay mga tulang isinasadula sa mga entablado o iba pang
tanghalan.
e. Tulang Patnigan (Justice Poetry)- Ito ay tulang sagutan na itinatanghal ng
mga magkakatunggaling makata ngunit hindi sa paraang padula. Ito ay
paligsahan ng mga katwiran at tagisan ng mga talino at tulain.
3. Ano-ano ang mga elemento ng tula at mga kahulugan nito?
a. Saknong - isang grupo ng mga salita sa loob ng isang tula na may dalawa o
higit pang taludtod.
b. Sukat - bilang ng pantig ng tula.
c. Tugma - pinag-isang tunog sa hulihan ng mga taludtod.
d. Talinghaga - tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay.

Mula sa mga binasang handouts, magbigay ng masusing pag aanalisa sa mga


pinag- aralan sa tulong ng mga sumusunod na tanong:
1. Paano mo pagyayamanin ang nilikhang tula? Ano ano ang mga aspeto na taglay
nito?
Ito ay aking mapagyayaman sa pagbibigay ng mas malalim na
interpretasyon. Sa aspektong paglalarawan at pagbibigay kahulugan.
2. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng mga uri ng tula at ang kanilang kanilang
kakanyahan?
Ang iba’t ibang uri ng tula ay may sari-sariling pamamaraan, tuntunin, at
layunin.
3. Ano ang kahalagan ng mga elemento ng tula?
Ang kahalagahan ng element ng tula ay upang maging organisado,
malikhain, at kaakit-akit.

“Humanap at pumili ng isang tula at ibigay at ipaliwanag ang uri nito gayun din
ang kanyang mga elemento.”

“Hilik ng Pag-ibig”
Isinulat ni: Jomarc Cedrick Tolentino-Gonzales
April 19, 2020

Sa gabing napakadilim,
Damdamin ko’y kinikimkim,
Pagtingin sayo'y malalim,
Ito'y di ko nililihim.

Ang ating pagmamahalan,


Lagi kong ipaglalaban,
Para sa kinabukasan,
At matibay na samahan.

Puso ko'y biglang pumintig,


Pinakamagandang tinig,
Hilik mo'y aking narinig,
Tila musika ang himig.

Sayong saglit na pag-idlip


Ako'y iyong panaginip,
Di mawala sayong isip,
Puso mo’y aking sinagip.

Boses mo'y aking ligaya,


Puso ko ay anong saya,
Sakin ikaw ay biyaya,
Ngunit ikaw ay malaya.

Buo ang aking tiwala,


Ikaw ay di mawawala,
Dahil ika'y aking tala,
At tayo ay pinagpala.

Ang uri nito ay Tulang Pasalaysay, naglalahad ito ng isang tagpo sa aking buhay
kasama ng aking minamahal. Ang saknong, sukat, tugma, at talinghaga, ang mga
element ng tula na nakapaloob dito upang ito ay maging masining.

You might also like