You are on page 1of 2

Ako, Silbing Koneksyon sa Mundo

Isinulat ni: Jomarc Cedrick Tolentino-Gonzales


BSED-II Filipino Major

“Ang tao o tayong mga tao ay natatanging nilalang ng Diyos.” Kung ihahambing nga naman sa iba
pang nilikha sa daigdig, walang pag-aalinlangang masasabi na ang tao o tayo ang nakahihigit sa lahat. Ang
paniniwalang ito ay maibabatay sa mataas na antas ng pag-iisip ng tao. Bunga nito, at iba pang tanging
kakayahang ibinigay ng Diyos sa tao may mga tungkuling iniatang ang Diyos na may kapal sa balikat ng
bawat isa sa atin. Ako, bilang isa sa nilikha ng Diyos, “Ano ng aba ang silbing koneksyon ko sa mundong
ito?”

Ang Diyos, ginawa niya ang mundo sa loob ng anim na araw. Ang mga araw noon ay mas mahaba
kaysa araw natin ngayon. Sa unang araw ay ginawa niya ang liwanag, tinawag niya itong araw. Ginawa rin
niya ang kadiliman, tinawag niya itong gabi. Sa ikalawang araw ay hinati niya ang tubig. Ang ibang tubig ay
nasa mundo at ang iba naman ay nasa mga ulap sa langit. Sa ikatlong araw ay ginawa niya ang lupa.
Pinatubo niya ang damo, puno, at lahat ng halaman. Sa ikaapat na araw, ginawa niya ang buwan at mga
bituin. Sa ikalimang araw ay nilagay niya ang mga isda sa tubig, ginawa rin niya ang mga ibon. Sa ikaanim
na araw ay ginawa niya ang iba pang mga hayop. Ginawa rin ng Diyos ang kauna-unahang lalaki sa
mundo. Ang pangalan niya ay Adan.Sya ay kasing anyo ng Diyos at ni Jesus. Nkatira siya sa isang
magandang halamanan, ito ay tinawag na Halaman ng Eden. Si Adan ay nag-iisa sa halamanan kaya
nilikha ng Diyos at ni Jesus ang babae. Ang pangalan niya ay Eba, siya ang asawa ni Adan. Sinabi ng
Diyos at ni Jesus kina Adan at Eba na pangalagaan ang mga halaman. Pinagmasdan ng Diyos at ni Jesus
ang lahat ng kanilang nilikha. Ang lahat ng mga ito ay mabubuti. Sa ikapitong araw sila ay nagpahinga.
Ako, bilang isa sa nilikha ng Diyos ay nagpapasalamat. Sapagkat, matapos kong mabasa at maunawaan
ang lahat ng ito ay aking napagtanto ang aking tungkulin o silbi sa mundong ito. Ito ay ang pangalagaan
ang kalikasan at manampalataya sa Diyos na naglikha sa buong sanlibutan. Ang pagkakaroon ng matibay
na koneksyon sa Diyos ang pangunahing tungkulin nating mga tao. Dapat natin kilalanin na kung hindi
dahil sa Diyos ay wala tayo sa daigdig na ito. Kung gayon, dapat nating ipagpasalamat ang lahat ng
biyayang ating natatanggap. Ang pananampalataya natin ay dapat din makita sa kabutihan sa ating kapwa,
sapagkat Diyos ang nagsabi “kung ano ang ginawa mo sa iyong kapwa ay siya mon a rin itong ginawa sa
akin”. Ito ay nangangahulugan na tayong mga tao ay ginawa para maghasik ng kabutihan. Ayon din sa
kanya “ ibigay mo kay Caesar ang kay Caesar, at ang akin ay akin”. Ang nais naman ipahiwatig ng Diyos
dito ay huwag maging makasarili o maging gahaman upang tayong mga tao ay umunlad at yumabong ang
kabutihan, tulad ng isang bulaklak. Kaya sa ngayon, ako ay nagpapakatao at ginagawa ng mabuti ang mga
inatas sa atin ng Diyos. Makita at makamtan ko man o hindi ang mga biyaya ng Diyos na bunga ng aking
mga nagawa o magagawa pang kabutihan, patuloy kong gagampanan ang aking mga responsibilidad sa
mundong ito. Dahil ito lamang ang nakikita kong paraan o solusyon kung paano maging mabuting nilalang
at kung paano ako magkakaroon ng silbing koneksyon sa mundong ito.

Ang aking mga nilahad ay ang mga nakikita kong tungkulin ko bilang isang mabuting nilalang ng
Diyos. Ayon sa pagkakasunod-sunod ng aking mga nagging kaisipan, ukol sa tungkulin o silbi ko sa
mundong ito. Ang una ay tungkulin sa Diyos, ikalawa ay tungkulin sa kapwa, ikatlo ay tungkulin sa bayan,
at ang ikaapat ay tungkulin sa sarili. Masarap mabuhay, lalo’t higit kung alam mo ang iyong patutunguhan.
Ikaw, ano ang tungkulin o nagsilbing koneksyon mo sa mundong ito?

You might also like