Serve-to-be-Great Sermon

You might also like

You are on page 1of 5

Serve to be Great

Introduction:
Good morning!
Ngayon po ay ating ipagdiriwang ang Harris Sunday kung saan ating pinapapapurihan ng Diyos
sa Katapatan niya sa ating minamahal na institusyon, ang HMC, dahil sa loob na mahabang
panahon ay nagagamit pa rin ang institusyon na ito upang makapaglingkod sa ating kapwa.
Kaunting Trivia lamang po tayo…
Alam nyo ba na ang pioneer ng Kindergarten Education sa Pilipinas ay walang iba kundi ang
HMC? Opo at sa taong ito ay ipinagdiriwang ang ika-100 taon ng KE sa Pilipinas.

Tunay nga na hindi lamang sa Iglesya nagiging pagpapala ang HMC kundi sa larangan din ng
edukasyon. Isang tunay na paglilingkod ang ginagawa ng HMC para sa mga taong nakapaligid
dito.
Sa umagang ito, pag-usapan po natin ang salitang SERVICE.

Tayo po ay manalangin…

Ang Pagiging Dakila

35
Lumapit kay Jesus ang mga anak ni Zebedeo na sina Santiago at Juan. Sinabi nila, “Guro, may
hihilingin po sana kami sa inyo.”

36
“Ano ang nais ninyo?” tanong ni Jesus.

37
Sumagot sila, “Sana po ay makasama kami sa inyong karangalan at maupo ang isa sa kanan at
isa sa kaliwa.”

38
Ngunit sabi ni Jesus sa kanila, “Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi. Makakaya ba
ninyong tiisin ang hirap na aking daranasin? Makakaya ba ninyo ang bautismong ibabautismo sa
akin?”

39
“Opo,” tugon nila.
Sinabi ni Jesus, “Ang kopang aking iinuman ay iinuman nga ninyo, at babautismuhan nga kayo
sa bautismong tatanggapin ko. 40 Ngunit hindi ako ang magpapasya kung sino ang mauupo sa
aking kanan at sa aking kaliwa. Ang mga karangalang iyan ay para sa mga pinaglaanan.”

41
Nang malaman ito ng sampung alagad, nagalit sila sa magkapatid. 42 Kaya't pinalapit sila ni
Jesus at sinabi, “Alam ninyo na ang mga itinuturing na pinuno ng mga Hentil ay namumuno
bilang mga panginoon sa kanila, at ang kagustuhan ng mga nasa kapangyarihan ang siyang
nasusunod. 43 Ngunit hindi ganyan ang dapat umiral sa inyo. Sa halip, ang sinuman sa inyo na
nais maging dakila ay dapat maging lingkod ninyo, 44 at ang sinumang nais maging pinuno ay
dapat maging alipin ng lahat. 45 Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito hindi upang paglingkuran
kundi upang maglingkod at upang mag-alay ng kanyang buhay para sa ikatutubos ng marami.”

Tayo po ay manalangin….

Body:
Sa talata po na ating binasa kanina, matutunghayan natin na mayroong 2 sa mga alagad ni Hesus
ang lumapit sa kanya at nagrequest nap ag-upo ni Hesus sa trono ng DIyos sa langit ay kasama
silang maparangalan sa pamamagitan ng pagiging kaliwa at kanang kamay ni Hesus.
Nais ng 2 alagad na sila ay maging dakila kasama ni Hesus.
Subalit ano nga ba ang ibig sabihin ng pagiging dakila or being great.

 According to the definition of Merriam webster dictionary, Greatness is the quality or


state of being great (as in size, skill, achievement, or power).
 Sabi naman po sa Wikipedia, Greatness is a concept of a state of superiority affecting
a person or object in a particular place or area. Greatness can also be attributed to
individuals who possess a natural ability to be better than all others.
 Dictionary dot-com has several definitions for greatness:
 “Unusual or considerable in degree, power, or intensity.”
 “Wonderful; first-rate; very good.”
 “Notable; remarkable; exceptionally good.”

 So, kung pagbabasehan ang definition ng mga dictionaries, masasabi natin na ang wordly
definition ng pagiging dakila or greatness ay pagiging mas mataas, mas
makapangyarihan, mas Malaki, o kaya mas maraming alam o kayang gawin at mas
maraming achievements o karangalan na nakamit sa buhay. Ganyan po ang pagtingin ng
mundo sa pagiging dakila.
 Kaya nga di po ba, kapag maraming nakuhang awards yung mga studyante or mga
empleyado sa isang kompanya, sila na yung greatest. O kaya kung sinuman yung may
maraming natapos na kurso, maagang nagkaroon ng PHD, sila na yung tinuturing na
Great. Minsan kung sino yung pinakamataas ang posisyon o kaya pinakasikat, sila na
yung great.

 Pero kung titignan po natin ang depinisyon ni Hesus sa pagiging dakila, makikita po natin
na ibang-iba ito sa kung ano ang pagtanaw ng mundo. So sino ba ang greatest according
sa standard ng Panginoong Hesus at paano natin ito ikukumpara sa standard ng mundo.

1. Una, ang standard ng mundo, greatness=authority. But God’s Standard, greatness=


servanthood
Si James and John they requested to be seated on the left and on the right side of Jesus.
Bakit? Kasi they want to be glorified kasama ni Jesus. They want all people to know na
“hey, kami ang kanang kamay kasi kami yung pinakamagaling sa mga disciples.” Ang
akala nila ang pagiging dakila ay yung may mataas na position or yung nasa authority.
Pero makikita natin na actually hindi sila diretshang nirebuke ni Jesus. Hindi sinabi ni
Jesus na, “wow ha, kayo talaga ang nagrequest?” Ano ang ginawa ni Jesus? Jesus taught
them of a new definition of being great and that is to become a servant.

Verse 43… ang sinuman sa inyo na nais maging dakila ay dapat maging lingkod ninyo,

Sometimes, we are like these 2 disciples, we want to be great. Syempre di ba gusto natin
tayo yung apple of the eye. Maaaring nung mga ba pa tayo, pinangarap natin na maging
great person. Gusto natin sa school or sa work natin, tayo yung great. Kasi pag tayo yung
greatest, tayo yung pinapansin, mas marami yung opportunities di ba. People may regard
us as the leader and so ikaw yung nasusunod. Ikaw yung lagging pinagsisilbihan at isang
salita mo lang, they will all agree.

Pero kabaligtaran yun ng nais ng Diyos. Jesus is telling us that being great is being a
servant. Naglilingkod yung taong tinuturing na dakila.

Example: Mayroon akong kilala na Administrator tapos meron siyang assistant. Syempre
automatic noh, dahil mas mataas yung position ni administrator, nandun yung respect at
high regards ng mga tao. Pero si assistant, mas mababa yung position nya pero I observe
na mas mahal sya ng mga tao doon sa workplace nila. Meron din silang high regards sa
kanya at mas lumalapit sila doon sa assistant, mas may good and intimate relationship
sila with the asst than the administrator. Bakit? Kasi pala yung friend ko na assistant, he
serves his workmates. Mas mataas din naman yung posisyon nya kumpara sa iba nyang
kasama pero sya yung nagtitimpla ng kape, naglilinis sya ng office nya kahit may janitor
naman.

So doon po sa example ko noh, it is really a proof na kahit ikaw yung may power or you
are in the highest position, hindi automatic na ikaw yung greatest. Mas nadadaig pa rin,
mas significant yung tao kapag naglilingkod, di ba?

Servanthood is the key to being great. Hindi lang sa mata ng ibang tao kundi lalong higit
sa mata ng Diyos.

2. Pangalawa po, ang standard ng mundo, greatness =power which leads to being boastful,
but God’s standard of greatness is humility.

James and John asked this big request from Jesus because they want to boast na among
all of the disciples, sila yung napili na makatabi ni Jesus sa throne. But of course, hindi
yun ang gusto ni Jesus. Jesus defines greatness as being humble. Kung meron tayong
ipagyayabang, yun ay yung meron tayong Jesus sa puso natin. Remember when Jesus
washed the feet of his disciples? Pinakita nya yung servanthood. He humbled himself just
to show them the true meaning of greatness. Hanggang sa huling pagkakataon, gustong
ituro ni Jesus sa kanila that they should not be proud or boastful dahil disciples sila ni
Jesus, rather they must serve people. Jesus wanted them to serve people kapag Nawala na
siya sa tabi nila. Hindi yung sila ang paglilingkuran ng mga tao. Ang gusto ni Jesus
matandaan ng mga disipulo na they will be come great kapag naglingkod sila with
humility.

Humility is being meek, mababang loob. Even if you are famous or you achieve more
than the others, you still know how to serve and you do not want to be served.

I have a very humbling experience dito. When I graduated in harris, I graduated with
flying colors, I earned the most numbers of awards that day. Hakot award ang tawag sa
akin. So dahil doon, churches expressed their desire na ako yung maging deaconess nila.
Syempre di ko naman hawak ang appointment ko and I actually never expected na
makakuha ng ganung karaming awards. Ang goal ko noon isa lang or dalawa, bonus nay
un. But God gave me more. Pero I do not brag about those awards kasi napipressure and
hindi ko talaga ugali na ipagsigawan na I am an awardee. But one time, I had this one
church appointment na napakademanding noh, and I feel like they don’t appreciate me.
So ako, honestly, naiinis ako. Parang they don’t give me high regards. They don’t see me
as somebody who is great. Naisip ko that time na “kung alam lang nila na arichea
awardee ako, siguro they will not treat me as mababa kesa sa kanila.” Kasi naisip ko,
people look at other’s achievements nga. May isang friend na nag-agree sa akin, sabi nya,
sige nga ipagsigawan mo kasi na awardee ka sa Harris. But then the Lord rebuked me. In
my prayer time, God said na hindi ko kailangang maging great sa pangingin ng tao. God
assured me na iba ang pagtingin nya sa akin, na I will be great in His eyes if I continue to
serve with humility, if I continue to serve His people with sincerity and love.

Church, God is telling us the same thing… Gaano man kadami ang achievements natin sa
buhay. Marami mang tayong medals na naiuwi from our schools or competitions. Kahit
tayo yung may pinakamataas na posisyon sa isang organization na kinabibilangan natin.
Those are useless if we do not know how to serve people.

Harris Sunday is actually not about the deaconesses but Harris Sunday celebrates us
being servants of the Lord. Diakonia, means to serve. Kaya sakto sa Harris Sunday yung
lectionary natin today. Be like Jesus who serves despite of being a Master and Lord.

In our text, Jesus did not rebukes James and John to be great. Jesus does not rebukes us
to have the motivation to become great. Hindi niya sinasabi na huwag tayong maghangad
na maging “great” or dakila sa kahit anong aspeto ng ating buhay. Ang nais ni Jesus ay
ibahin natin yung pananaw natin sa pagiging dakila. Let us forget the world’s standards
of being great, but let us embrace God’s standard of greatness, and that is to serve other
people.Paano? Maglingkod tayo ng kung paanong naglingkod si Hesus- full of humility
and love.

In the name of the Father, the Son, and the Holy Spirit.Amen.

You might also like